ISANG malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Fabielle saka nangalumbaba sa lamesang inookupa sa loob ng coffee shop na iyon sa loob ng isang mall. Ngayon pinagsisisihan na niya kung bakit pumayag-payag pa siyang pumunta roon ng tawagan siya ng kanyang ina. Pumunta daw kasi ito sa grocery store sa mall na iyon at tinawagan siya nito kanina upang sunduin umano ito dahil naparami daw ang bili nito at kinailangan ng makakatulong magdala.
At dahil sa totoo lamang ay nagsasawa na siyang magmukmok sa kuwarto niya ay napagpasyahan na rin niyang lumabas kahit man lang sa excuse na tutulungan ang ina. Binigyan niya ang sarili ng pagkakataong ayusin kahit papaano ang sarili. This was a way to cope up with the pain. Oo tama. Kahit man lang paasahin niya ang sarili niyang sa pagdating ng panahon ay babalik din siya sa kung ano siya dati.
Oo, umaasa ka. Diyan ka naman magaling.
"Nasaan na ba kasi si Mama. Ang sabi niya kanina, pauwi na siya at dito maghihintay." Nakasimangot nang bulong niya sa sarili habang iniinspeksiyon ang oras mula sa wall clock ng coffee shop na iyon. Kinse minutos na siyang naghihintay doon at naiinip na siya.
"Anak!" ang inihahandang ngiti para sa ina ay unti-unting napalis nang paglingon niya ay hindi sa Mama niya unang natuon ang atensiyon niya kung hindi sa lalaking kasama nito. Agad na kumunot ang noo niya.
"Anong ginagawa mo rito, Jason?" kunot ang noong direktang tanong niya sa lalaking kasama ng Mama niya. Hindi pa man nagpapaliwanag ang Mama niya ay parang may kutob na siya sa nangyayari. Lalo pa at ni walang hawak ang Mama niya nang bumaling siya rito. "I have to go." Sabi na lamang niya at tumayo na. Magmamartsa na lamang siyang patayo nang humarang ang Mama niya sa daraanan niya. "Mama!"
"Anak, kausapin mo siya. Tama nang pagmumukmok ang ginawa mo. Ayusin niyo na ang problema ninyo." Nanlalaki ang mga matang utos nito sa kanya.
"Po?"
"Akala mo ba hindi ko alam na umiiyak ka gabi-gabi? Alam kong nahihirapan ka pa rin sa paghihiwalay ninyo kahit noong pag-uwi mo pa galling Sagada. Hindi ko na gustong panoorin kang nagpapakamiserable sa silid mo. Hala, kausapin mo siya." sabi nito saka hinila siyang pabalik sa upuan niya at itinulak paupo.
"Mama, hindi niyo naiintindihan. Hindi naman----"
"Magtigil ka riyan." Pinandilatan siya ng ina bago isang ngiti naman ang ibinigay sa taksil niyang ex-boyfriend. Kung alam lang nito ang totoo, malamang na pagsisihan nito ang ngiting iyon. At malamang din na mata lang ng lalaki ang walang latay pag natapos ang ina rito. "Iho, mag-usap kayo nang maayos ha? Matigas lang ang ulo ng anak kong 'yan pero makikinig din 'yan kalaunan. Mahal ka pa rin niyan, maniwala ka."
"Ma!" parang gusto niyang kilabutan sa sinabi ng ina. Pagkatapos niyang pandilatan muli nito ay nagmartsa nang palabas ang Mama niya. Gusto niya sana itong habulin ngunit walang paalam nang umupo ang unggoy na lalaki sa katapat na upuan niya. "What the hell's your problem?" Agad na sita niya rito kasabay ng paniningkit ng mga mata. Tutal ay naroon na rin lamang sila, kakastiguhin na rin siguro niya ito ng kaunti. "At idinamay mo pa si Mama sa kalokohang ito?"
"Look, I've been trying to reach you these past few days. Noong nakaraan, nasa Sagada ka raw. Nang makauwi ka, hindi mo rin sinasagot ang telepono sa tuwing sasabihin ng Mama mo na ako ang tumatawag. Kinailangan ko pang hingin ang tulong ng Mama mo para makausap ka ngayon." Mahabang sagot nito.
"At bakit mo ba ako kino-contact. Hindi pa ba malinaw sa'yo na pagkatapos kong mapanood ang mala-porn ninyong eksena ng sekretarya mo, tapos na ang kung ano pa mang ugnayan natin. Meaning, we are totally strangers now. And I don't really talk to strangers, mind you." Inis na sagot niya.
"Kung ganoon, bakit ang sabi ng Mama mo, nagmumukmok ka pa rin. Come on, Fabielle. I know you still love me. And I still love you. Kaya nga ako nandito. Para ayusin ang lahat sa atin. Let's get back together okay? Alam kong nagkamali ako. At pinagsisihan ko na iyon. Kaya wag na nating pahirapan ang mga sarili natin, hmm? Bumalik ka na sakin."
Hindi niya napigilang saglit na mapanganga sa mga sinabi nito. Talaga bang minahal niya ito noon? Nasaan ba ang utak niya nang mga panahong sinagot niya ang unggoy na ito? It was the first time that she had realized he was not an ordinary jerk, he was a class-A asshole who only thinks about himself. Higit sa lahat mukhang GGSS din ito. Gwapong gwapo sa sarili. Kaya naman pala mas minahal niya si Josh na sasaglit lamang niyang nakasama kesa sa lalaking itong mahal na mahal lamang ang sarili nito.
"Excuse me lang ha. Let's make this clear." Simula niya sa mahinahong tinig kahit gustong gusto na niyang ihampas dito ang lamesa. "Una sa lahat, ipinapaalala ko lang sa'yo na kaya ako nandito ay dahil sa Mama ko at kung alam ko lang na ang pagmumukha mo ang masisilayan ko sa coffee shop na ito, aba eh di sana ipinagpatuloy ko na lang ang pagmumukmok ko sa apat na sulok ng kuwarto ko. Pangalawa, kung hindi pa sapat ang suntok na ibinigay ko sa'yo noong mahuli ko kayo ng sekretarya mo para ipa-realize sa tagilid na takbo ng utak mo na wala na tayo, ito sasabihin ko na nang diretso sa'yo. Tapos na tayo at lalong wala na akong nararamdaman para sa'yo kung hindi inis sa pagkalaki-laki mong ego!"
"K-kung ganoon bakit ka pumuntang Sagada?" tila nagulat ding tanong nito bagaman mukhang wala pa ring balak na sumuko.
"Ano pa ba ang pake mo roon?" inis na balik niya rito.
"Ang sabi ng Mama mo, hindi ka pa rin bumabalik sa dati. At umiiyak ka pa rin daw sa gabi, nagkukulong sa kuwarto, nag---"
"At in-assume mo na ikaw kaagad ang dahilan niyon?" taas ang kilay na tanong niya. "For your information, I'm in love with somebody else now. It was a two-day love affair, but I am pretty sure I love him more than I have loved you before. At di hamak na mas gwapo siya kaysa sa'yo. So let's stop this nonsense, already. Dahil wala nang aayusin sa pagitan nating dalawa. And don't worry about my Mom. Ipapaliwanag ko na lahat sa kanya pati ang kagaguhang ginawa mo. Para matigil na rin si Mama sa pag-iisip na may lahi kang santo." Tumayo na siya at tumalikod na nang pigilan nito ang braso niya. Naramdaman niya ang pagpitik ng kung ano sa sentido niya tanda ng inis. "Can't you just---"
"Let go of her hand."
Natigilan si Fabielle nang marinig ang tinig na iyon. Halos alam na niya kung sino ang nagsalita. Ngunit totoo nga ba ang narinig niya? O guni-guni lamang niya iyon dahil ang lalaki ang ilang araw na ring gumugulo sa isipan niya.
"Pare, 'wag kang makialam samin ng girlfriend ko."
Sa narinig na sinabi ni Jason ay mabilis na napalingon siya. Hindi niya iyon guni-guni lamang dahil nakatayo sa gilid ni Jason si Josh at nakalapat ang palad nito sa balikat ng dating nobyo niya. Madilim ang anyo nito habang nakatingin kay Jason. Mas mataas ito ng ilang pulgada sa dati niyang nobyo bukod pa sa mas magandang lalaki talaga ito kesa rito.
Oo, sige. Purihin mo pa. Tandaan mong ginamit ka lang ng isang 'yan para maka-survie habang wala pa ang doppleganger mong girlfriend niya naman!
"I said let go of her hand." Seryosong utos nito.
"Teka, pare sino ka ba?" tila inis na ding sabi ni Jason
"I'm Josh." Pagkatapos niyon ay sa kanya naman ito bumaling. Napalunok siya kasabay ng pagbundol ng kaba sa dibdib niya nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. "The man on that woman's two-day love affair."