Chapter 22 - 21

HINDI pa inaantok si Josh kaya naman nanatili muna siya sa nagsisilbing sala ng inn. Naupo siya sa sofa na naroon at hindi napigilang mapangiti. Bumabalik sa alaala ang mga nakaraang eksena nila ni Fabielle. That moment when she claimed she was his girlfriend, ang pagyakap niya rito at ang halik na iyon.

Weird. Hindi naman si Fabielle ang unang babaeng nahalikan niya ngunit tila siya baguhan sa larangang iyon dahil hinahanap niya ang pakiramdam ng mga labi nito. She makes her crave for her kisses. She's different that way.

Napalis lamang ang ngiti sa mga labi niya nang tumunog ang kanyang cellphone at mabasa ang caller id iyon. Agad na kumunot ang noo niya. Nagdadalawang isip kung iignorahin na lamang ang tawag o sasagutin iyon.

Ngunit bumalik sa alaala niya si Fabielle. She can't do it to her. At kung ang pagsagot sa tawag na iyon ang makakapagpalinaw ng tuluyan sa lahat, then he'll do it.

"Sasha, I told you---" simula niya.

"Josh! Josh, ang Daddy ko." Ang tinig ni Sasha sa pagitan ng paghikbi. Saglit siyang natigilan. The woman's Dad was his Dad's friend. At malapit rin siya sa Ninong niyang iyon kahit pa nang iwan siya ng anak nito noon...

"What happened to Ninong Danny, Sasha?" kunot ang noong tanong na niya.

"H-he... He collapsed! Nasa ospital kami. And I---" muli itong humikbi.

"Calm down Sasha. Magiging maayos ang lahat." Sa mahinahong tinig ay pagpapakalma niya rito. "Nasaang ospital kayo?"