Chapter 24 - 23

NAALIMPUNGATAN si Fabielle nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto niya. Hindi na niya namalayan kung kailan siya nakatulog nang nakaraang gabi. Pupungas-pungas pang binuksan niya ang pinto ng kwarto.

"Good Morning!" bati ni Maricris nang pagbuksan niya ito. "Rise and shine!"

"W-what?" nalilitong tanong pa niya. Nang sumilip siya sa labas ay nakita niyang madilim pa naman. "Madaling araw pa lang ahh!"

Pumalatak ito at napailing.

"You haven't checked our itinerary, right?" nailing na balik nito sa kanya. "We're going to the Kiltepan View point to see the sunrise. So you have to hurry."

"Right." Nasabi niya. Actually, she did check the itinerary before the tour started. Sadyang nawala na lamang sa isip niyang tignan iyong muli at alamin kung saan pa sila pupunta dahil abala ang buong sistema niya sa lalaking kasama nitong mga nakaraang araw. "I'll go get ready."

"Oh wait!" awat nito sa kanya. "Here." Itinambak nito sa kanya ang isang paperbag.

"Ano 'to?" curious na tanong niya.

"Pinabibigay ng Price Charming mo bago siya umalis kagabi. Naabutan kasi naming siya sa sala kagabi pagbalik naming. Nakisuyong ibigay 'yan sa'yo. Nahihiya na daw kasi siyang gisingin ka pa." mahabang paliwanag nito.

"Bakit hindi na lang siya ang nagbigay sana ngayon?" pabulong na tanong niya na para naman talaga sa sarili niya ngunit narinig din ng babaeng kaharap.

"You didn't know?" kunot ang noo nitong tanong sa kanya.

"Didn't know what?" balik niya.

"Umalis na siya kagabi pa. Nakapagrent yata siya ng sasakyan sa bayan. Emergency daw kasi kaya kailangan niyang makabalik ng Maynila. Akala naming ay alam mo dahil magkasama kayo buong gabi!" paliwanag nito sa kanya.

Doon bumalik sa alaala niya ang mga narinig noong nakaraang gabi. Bigla nakaramdam siya ng bahagyang panlulumo. Umalis ito nang hindi nakakapagpaalam sa kanya. At nang dahil sa Sasha na iyon. Na hindi niya alam kung kaanu-ano nito ngunit nagbibigay ng ibayong kaba sa kanya.

"T-thanks, Maricris. Maghahanda na ako." Pinilit niyang ngitian ito bago isara ang pinto.

I'm going back to Manila. But I promise to see you there -Josh