Chapter 26 - 25

"Magmumukha kaya akong desperada kung tatawagan ko siya?" tanong ni Fabielle sa kaibigang si Jennifer. Nasa loob sila ng isang coffeeshop habang nakapatong ang ulo niya sa pinagkrus na mga braso sa ibabaw ng mesa at hawak sa tapat ng mukha ang business card na alagan-alaga pa niya. "Isang beses lang, promise."

"Tol, ni hindi naman kita pinipigilan." Sagot ng kaibigan niya saka sumubo ng cake na inorder nito. "Go ahead. Para manahimik na tayong pareho. Ilang araw mo na rin namang dinadasalan ang business card na 'yan."

"Bakit kasi hindi siya ang tumawag? May pride din naman ako noh?" Sagot niya.

"Ang tanong, alam ba niya ang number mo?" taas ang kilay na tanong ng kaibigan.

"Well.. wala akong naaalalang naibigay ko, pero hindi ba niya 'ko kayang hanapin? Ang liit-liit ng Maynila eh.." nakalabing sagot niya.

Pinanlakihan siya nito ng mga mata.

"Well, let's see. Gaano ba sa tingin mo karami ang mga tao sa Maynila, aber? Hindi ganoon kadaling magpahanap ng tao ano!" sagot ng kaibigan.

"Sabi naman niya mayaman siya. Kaya niya iyon." Alam niyang unreasonable na siya sa mga sinasabi niya. Ngunit hindi niya mapigilang isiping gagawa si Josh ng paraan para hanapin siya. Iyon ay base na din sa message na iniwan nito sa kanya.

"Fine. He doesn't call you. You don't call him either. So, ano na nga bang kahihinatnan ng love story ninyong hilaw na yan? Pataasan na lang ng pride, ga'non?" Her friend rolled her eyes.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Maunang tumawag sa kanya? Eh ako ang babae dito. Baka sabihin niya naman, kating kati akong makita at makausap siya." nakalabing sagot niya.

"Ah eh bakit hindi ba?"

"Well..."

"Ganito lang kasi 'yan bestfriend eh. You said you fell in love with the guy. And you kind of had a thing when you were in Sagada. And now he's not calling you. Well I'm not saying that he might not want to talk to you anymore. Baka busy lang naman o baka hindi lang alam kung san ka kokontakin." Sabi nito habang pinandidilatan siya. "Sabi mo nga nagka-emergency 'yong tao kaya siya nag-disappearing act sa Sagada. But if you plan on waiting for him to call you, malamang hindi natin sigurado kung kelan dadating ang tawag na yan. Alin na lang sa dalawa, matuto kang maghintay o ikaw na mismo ang tumawag!" Mahabang paliwanag nito. "At hindi naman siguro niya ibibigay sa'yo ang business card niya kung ayaw niyang tawagan mo siya."

Unti-unting d-in-igest ng utak niya ang mga sinabi nito. Kahit saan niya tignan ay may punto ang kaibigan.

"Tatawagan ko na siya." Pagpapasya niya at sisimulan na sana ang pagpindot sa cellphone niya nang mula sa kung saan ay lumitaw ang isang pumpon ng bulaklak. Kasunod niyon ay isang envelope.

Awtomatikong umangat ang tingin niya sa kung sinumang may hawak ng mga iyon, hindi maiwasang umasang ang taong iyon ay ang taong gusto na niyang makitang muli. Ngunit mabilis ding napalis ang ngiti niya nang hindi pamilyar na mukha ang mabungaran ng mga mata niyang may hawak sa bulaklak at envelope.

The guy was wearing a three piece suit. Kagalang-galang itong tingnan para maging delivery boy. Ngunit hindi rin niya maalalang nakilala na niya ito para bigyan siya nito ng bulaklak at, well, ng love letter.

"Ahm..."

"Kayo po si Miss Fabielle Aguirre?" diretsong tanong ng lalaki.

"A-ako nga pero bakit---?"

"Para sa inyo po galing kay Mr. Joshua Gonzalez." Sabi nito saka iniabot sa kanya ang mga dala nito. Ngunit ang tanging rumehistro lamang sa sinabi nito ay ang pangalang binanggit nito. "Then, enjoy the rest of your day, Ma'am" iyon lamang ang sinabi ng lalaki saka nagmartsa nang palabas ng coffee shop na iyon at iniwan silang nakatanga ng kaibigan niya.

"Is that... a delivery man?" kumukurap-kurap na tanong ng kaibigan habang nakatingin pa rin sa direksiyong tinungo ng lalaki.

"Did he just said Joshua Gonzalez?" tila hindi narinig ang tanong nito na tanong rin niya rito.

"I guess you don't have to call your loverboy after all."