Chapter 23 - 22

WHEN Fabielle entered the safety of her room after that nerve-wrecking kiss she shared with Josh, she immediately grabbed her notebook and pen that was stucked at the deepest corner of her backpack. Hindi siya umaalis nang wala siyang bitbit kahit isa man lang notebook upang kung sakaling makakaisip siya ng ideya para sa isusulat ay may magagamit siya. Hindi kasi siya komportableng mag-notes o magsulat sa mobile phone niya.

Ngunit nang dalhin niya ang notebook niyang iyon ay wala sa hinagap niyang makakapagsulat siya sa lugar na iyon. Isa lamang kasi ang nasa utak niya nang sumama siya sa tour na iyon. Iyon ay ang kalimutan ang lahat ng problema at stress niya sa buhay na nagiging dahilan ng pagpalya niya sa trabaho.

Ngunit heto siya ngayon abala na sa pagpuno sa pahina ng kanina lamang ay blangko niyang notebook. She was suddenly inspired. Two days with the amazing man and her writer mind was up and running. Kasabay niyon ay hindi pa rin kumakalmang tibok ng puso niya.

Ngayon ay sigurado niyang nahulog na ang loob niya sa lalaki kahit pa sabihing hindi pa niya ito gaanong kilala. Pinipili ng puso niyang magtiwala sa lalaki kaya naman ayaw na niyang kumontra pa. Bahala na sa mga susunod pang mangyayari sa pagitan nila nito. Everything will fall into place eventually. Kahit gaano pang matapos iyon.

Hindi na niya napansin pa ang oras dahil ganoon talaga siya kapag nasimulan ang pagsusulat at nag-uumpaaw ang ideya sa isipan niya, wala na siyang pakialam pa sa paligid niya.

Nang sa wakas ay maubos ang ideya niya nang mga sandaling iyon ay binitawan na niya ang notebook at panulat niya saka nag-inat. Doon lamang niya napansin ang mga pinamili niyang basta na lamang niyang inilapag sa isang panig ng kama. Sa tabi niyon ay nakita niya ang steel knot bracelet na binili niya. Hindi pala niya iyon nagawang ibigay kay Josh kanina.

Agad niyang tinignan ang oras sa cellphone niya. Pasado alas-diyes na ng gabi. Gising pa kaya ito? Maaari naman niyang ibigay iyon sa umaga ngunit tila ba may nagtutulak sa kanyang noon na mismo ibigay iyon.

Sows! Gusto mo lang siyang makita eh. Pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya.

At sa unang pagkakataon simula nang makilala niya si Josh ay hindi niya kinontra ang bahaging iyon ng utak niya. Kaya agad siyang bumangon, dinampot ang bracelet saka lumabas na ng kuwarto. Saka na lang siya babalik ng silid niya kapag nakumpirma niyang tulog na ito.

Ngunit hindi na niya pala kailangang puntahan ito sa silid nito dahil paglabas pa lamang niya sa kuwarto ay nakita na niya itong nakatayo sa tabi ng sofa na naroon. Tatawagin na lamang niya ito nang marinig niyang magsalita ito.

"Calm yourself, Sasha. Hindi tayo iiwan ng Daddy mo. He needs you to be strong as well." Sa may kalambingang boses ay sabi nito sa kausap sa telepono. Doon pa lamang ay naramdaman na niya ang kakaibang kaba. Sasha? Bakit hindi maganda sa pakiramdam niya ang pangalan niyon at ang nag-aalalang boses ni Josh habang kausap ang babae? "I'll be there. Wait for me, okay?"

Hindi na niya hinintay na mapansin pa siya nito at dali-daling bumalik na siya sa kanyang silid. Sumandal siya sa pinto habang kipkip sa dibdib ang bracelet. Hindi niya alam kung bakit ngunit hindi na niya gustong marinig pa ang mga sasabihin nito sa kausap. Alam niyang nago-overreact na siya ngunit may kakaibang pakiramdam siya sa mga narinig.

Don't overthink. It's nothing. She kissed you three times already. Have a little faith in yourself.