Chereads / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 4 - Chapter 3. "Mr. Rebound"

Chapter 4 - Chapter 3. "Mr. Rebound"

Chapter 3. "Mr. Rebound"

Jana's POV

"Gawin mo akong rebound mo."

"Rebound? Ano 'yon?"

"Rebound, sa basketball ito yung kapag hindi na-shoot yung bola tapos mahuhulog sa ring, tapos kukunin mo yung bola para sa team niyo pa rin ang bola."

"So bola ka?"

"Hindi, sa tao naman. Para madali mo siyang makalimutan, itutuon mo sa ibang tao 'yong sarili mo. Para mas mapabilis ang move on process mo."

"Paano ka naman magiging rebound, e play boy ka?"

"Edi mas maganda, at least di ako maiinlove sayo."

"Aba, e paano kung ako ang ma-inlove sayo?"

"Eh hindi ko na kasalanan 'yon, pogi e."

"Yabang..."

Sandali, bakit ba ang tukmol na 'yon ang iniisip ko? Hindi ba dapat si Julius ang iniisip ko? 'Yong pangloloko nilang dalawa sa akin ni Sena? Hindi ba dapat umiiyak ako ngayon? Pero hindi e, isa lang kasi ang gusto ko. Iyon ay ang makalimot. Pero si Xial na gung-gong ba talaga ang sagot?

Naalala ko ang nangyari kanina.

"So game! Shoot mo na!"

Pumiwesto ako at inayos ang pagasinta sa ring. Isa...dalawa...tatlo! Malakas kong hinagis ang bola sa ring pero bumangga lang sa ring ang bola at hindi pumasok. Nagulat naman ako nang biglang tumakbo si Xial at sinalo ang bolang bumangga sa ring.

"Iyon ang rebound!" Masiglang sabi niya. "So? Hindi mo na-shoot. So ako na ang rebound mo ah!" Nakangiting sabi niya.

"Rebound?" Tanong ko sa sarili ko habang pinagkakaruan ko ang pancit canton na niluto ko. Wala pa kasi si Mama, kaya ito lang ang niluto ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari ngayong araw. Nalaman kong niloloko lang ako ng dalawang importanteng tao sa buhay ko, na ngayon ay mga kinaiinisan ko na. Kung pwede lang bumaril ng tao nang hindi ka makukulong. Pero bahala na ang nasa itaas sa kanila. Kakambal naman nila ang karma.

"Nandito na ako." Napatayo at tumakbo patungong sala nang marinig ko si Mama.

"Oh, Ma ginabi ka na?" Tanong ko.

"Hay naku, anak ang daming tao sa store. Oh? Kumain ka na ba?" Tanong ni Mama. Tumango-tango naman ako.

"Kayo po? Akin na po yan." Saad ko at kinuha ang mga dala niyang paperbags na punong-puno ng mga gulay.

"Salamat, ay siya nga pala Jana, nagpatulong ako roon sa kaibigan mo sa labas. Ikaw kanina pa yata siya naghihintay sa labas hindi mo pinapasok." Nabigla ako sa sinabi ni Mama.

"Kaibigan? Ma, wala na akong kaibigan. At ayaw ko na ng kaibigan." Inis kong sabi kay Mama.

"Ha? Eh kasi oh ayan na siya." Tiningnan ko naman ang nasa pinto at halos mahulog ang mata ko sa sahig dahil gulat nang makita ko siya.

"Ikaw?" Bulalas ko. "Anong ginaga-paano mo nalaman ang bahay ko?" Bulyaw ko sa kanya.

"Grabe ka naman, Jana. Pwede bang pahingi muna ng tubig. Ang bigat kaya nitong mga kalabasa." Urat din nitong sabi, at siya pa talaga ang inis ah!

"Aba, hijo ngayon ko nakita. Ang gwapo mo pala." Puri ni Mama sa gung-gong.

"Ah, salamat po Ma'am di po kayo nagkakamali." Natahimik naman si Mama. Pati si Mama nahahanginan sa gung-gong na 'to. "Ah-eh, hijo kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga po e." Sagot ni Xial.

Tumingin naman si Mama sa akin at nilalakihan ako ng mata. Ano naman ang iniisip ni Mama?

"Ah, walang pagkain." Nanglaki ang mata ni Mama at lumapit sa akin saka ako binatukan. "Aray ko naman, Ma!"

"Ano ka ba, magluto ka ro'n!" Utos ni Mama. Inis naman akong napairap at buntong hininga. Kainis talaga ang gung-gong na 'to.

Nasa hapag-kainan na kaming tatlo. At si Mama sige ang tanong sa gung-gong na kasama na namin. Bakit ba kasi siya nandito? Bakit ba kasi siya nasa bahay namin? Ano na namang trip ng mokong na 'to? Tiningnan ko lang si Xial, at feel at home pa siyang kausap ang Mama ko. Ewan ko ba sa lalaking 'to, siya yung tipo ng tao na mabilis mong makakapalagayan ng loob.

Bigla naman siyang tumingin sa akin dahilan para magtama ang mga tingin namin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya at tinuon sa pagkain ko.

"Hay nako, Xial ang pogi mo talaga. Mas pogi ka pa ro'n sa boyfriend nitong anak ko." Nabuga ko ang kanin na kinakain ko at nagkatinginan kami ni Xial. Hindi pa nga pala alam ni Mama.

"Ma'am, hindi niyo pa po alam?" Tanong ni Xial sa kanya. Sinamaan ko ng tingin ang mokong. Aba! At siya pa talaga ang may balak magsabi sa Mama ko?

"Ma," Tawag ko kay Mama na mabilis na tumingin sa akin. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha. "Break na po kami ni Julius." Seryoso kong sabi. Natahimik si Mama at ganon na rin kami ni Xial. Pero ilang sandali lang.

"Ayos! Mabuti naman at break na kayo!" Sigaw ni Mama at napatayo pa sa kinauupuan niya habang pumapalakpak. Laglag panga kong tiningnan si Mama. Mali yata ang naging reaksyon niya? Hindi ba dapat tatanungin niya ako kung okay lang ako? O di naman kaya mumurahin niya ang tukmol kong ex?

"Sandali, Ma! Eh bakit mukhang masaya ka pa!" Inis kong tugon kay Mama. Naupo naman ulit siya.

"Ano ka ba anak, edi pwede na kayo nitong si Xial!" Kinikilig niyang sabi.

"Po?"

"Po?" Sabay naming nasigaw ni Xial.

Natahimik kaming lahat sa naging reaksyon naming dalawa. Inis kong tiningnan si Xial at siya naman ngumiti lang ng nakakaasar.

"Hoy ano ba kayong dalawa, ayos lang naman sakin na maging kayo." Napairap ako sa sinabi ni Mama at tumahimik na lang. Wala ring mangyayari kung makikipaglaban pa ako sa kanya. Kung anong gusto ni Mama, paniniwalaan niya.

Pagtapos ng dinner. Pinahatid sa akin ni Mama si Xial sa kanto namin. Habang naglalakad kung ano-anong sinasabi niya. Ang dami niyang kwento pero hindi ko naman naiintindihan. Isa lang kasi ang nasa isip ko habang naglalakad kami. Oo tanga man pero si Julius pa rin ang nasa isip ko. Parang gusto kong tanungin si Julius kung bakit? Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit nila nagawa sa akin 'yon ni Sena.

"Oo nga no'! Magbabakasyon na! Saan ka magbabakasyon, Jana?" Rinig kong tanong ni Xial pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Hoy Jana!" Aniya at kinaway-kaway ang isa niyang kamay sa harap ng mukha ko. Inis ko naman siyang tiningnan. "Tulala ka? Move on na oy!" Natatawa niyang sabi. Napabuntong hininga na lang ako at napapikit sa inis dahil sa kanya.

"Kung ang salitang move on ay kasing dali lang kung paano ito sabihin, sana ganon na nga lang." Sabi ko rito.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pero napahinto ako nang magsalita siya.

"Kaya mo naman e." Ani Xial. Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti siya sa akin. "Di ba sabi ko nga sayo, gawin mo akong rebound? Sus, kumpara naman sa Julius na 'yon mas pogi ako ng di hamak." Natatawa niyang sabi. Naglakad ako pabalik sa kanya at hinarap siya.

"Alam mo matagal ko ng gustong itanong 'to sa'yo." Seryosong sabi ko sa kanya habang deretso siyang tinitingnan sa kanyang mga mata. Nakita ko naman ang pagkabakas ng pagtataka sa kanyang mukha.

"Ano 'yon?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Bakit mo ba ako tinutulungan?" Tanong ko sa kanya.

s