Kinabukasan nang magising sila sa di kayuang tulay, naglalakad sila ni Edwin upang ipagpatuloy ang paghahanap sa mga kasama nila. Medyo kumukulim-lim ang langit at siguradong pagbabadyang lakas ng ulan.
Dala pa rin nila ang kagamitan na napagiwanan nina John at Glen. Mga baril at pati ang mga supply ng pagkain, medyo pataas na pataas ang lupa kaya hingal na hingal siya. Siya pamo ang pinakamaraming bitbiting gamit, saglit lang nagpahinga nang mapagod sa kakalakad at uminom ng tubig pagkakuha sa bag.
Naubos niya ang tubig sa sobrang uhaw at saka napahiga, di alintana ang sikat na araw na tumatama sa mukha niya.
"Medyo mahaba haba pa ang kailangan nating lakbayin." sabi ni Edwin pagkuway napaupo na rin para magpahinga, saka nagkalkal ng pagkain sa bag.
"Kain muna tayo para di na tayo magutom sa pagalakad."
"Still di pa rin natin nahahanap sina John at Glen, kailangan na natin sila makita." saka umayos ng upo at nagpaabot ng pagkain rito.
Nang mabusog sa pagkain. Ipinagpatuloy na nila ang paglalakad nang bigla sila napahiga patumba, di nila mawari kung ano yun.
Di naman sila nahihilo para matumba, nakarinig ulit sila ng malakas yanig, di talaga sila nahihilo dahil parang may naglalakad na malaki sabay sila tumingala sa taas.
"Ano yan?" takang tanong ni Edwin, kahit siya di rin niya alam, hinila niya si Edwin sa malaking bato para magtago.
Isang higanteng gagamba na di mo alam parang pinaghalong mosquito at gagamba ang nakita nila.
Nakita nilang dalawa na isang tali 'ay mali' isang sapot sa bandang malaking puno, may dalawang taong nakalambitin duon. "Sina John at Glen yun."
"Paano sila nakalambitin dyan?" tanong ni Edwin, muntikan na sila makita dahil itinago nila ang ulo nila.
"Kailangan natin iligtas sila."
"Pero! Paano?"
Napatingin siya rito nang nakuha ang punto niya kaya natahimik ito "di ako pabor dyan." Mukhang alam na nito ang gusto niyang mangyari, nahintatakutan at kinakabahan.
"Paano kung kainin ako ng halimaw na yan, ayoko!"
"Edwin, gawin mo to. Di lang sa akin, pati kina John at Glen." napabuntong hininga saka nilakasan nito ang loob, umalis siya sa puwesto pati ito.
"Hoy! Nandito ako! Kainin mo!" pananawag ni Edwin sa halimaw, nang lumingon sa gawi nito ang halimaw sabay takbo. Hinabol ito ng halimaw palayo habang siya umakyat sa puno para kunin sa napapalibutang sapot sina John at Glen.
Kumuha siya ng kutsilyo para wasakin isa isa, kinuha niya muna si Glen, pero di niya gaano makaya dahil napakabigat. Binaba muna niya ito pagkatapos umakyat ulit siya para kunin naman si John.
Medyo nakakahinga pa mga ito at tinapik mabuti, nakahinga siya nang maluwag dahil buhay pa sila.
Nakabalik na rin si Edwin at halatang pagod sa kakatakbo para mailigaw ang halimaw. "Buhay pa sila?" sabi nito.
"Oo!" tanging nasabi niya.
Abangan ang next chapter...