Nagising si Sean na walang nakakabit na posas sa mga kamay at paa. Nilibot ko ang paningin sa paligid nang makita ang card access na hawak kahapon ni Ben. Kinuha ko ito at i-tap sa tapat ng pintuan.
ACCESS ACTIVATE sabi ng boses sa screen, tanda na makakalabas siya ng silid. Ngunit napapaisip si Sean kung bakit pinabayaan lang ni Ben na iwan ang card access na hawak nito 'di kaya may planong di ko inaasahan?' sabi ng isip.
Naglakad ako sa may entrance ng ward nang makarinig ako ng kaluskos, lumingon ako sa gawi ng Exit Door. Pinakiramdaman ang paligid ngunit tahimik, akmang maglalakad ako nang makarinig ulit ng kalukos. Lumingon ako sa bandang tokador at nakita ko ang isang halimaw na nakatayo roon. Naglalaway na parang gutom at nakukulay pula ang mga mata nakatitig sa akin.
Saglit ako di makakilos nang tumakbo yun papunta sa kinuroroonan ko ay dun lang ako nakakilos upang tumakbo. Ilang pasikut-sikot ang nadaanan ko at halos nagkada-dulas ako sa paliko-liko, nakakita ako ng elevator at pumasok agad ako sa loob. Pinindot ko ang ground floor. Nang magsasarado na ay nakita ko ang halimaw na humahabol sa akin, hinabol ako hangang sa magsarado ang lagusan. Isang malakas na kalabog mula sa labas ng elevator at Isa pang kalabog, nawasak nito ang bahagi ng elevator at namalayan kong nakababa na yung elevator at nakarating ako sa duluhan ng ground floor.
Nakahinga ako nang maluwag, hingal na hingal at pagod na pagod. Bumukas ang lagusan ng elevator. Napagtanto ko na napakatahimik ng paligid at walang makakabasan ng tao.
"Hello! May tao ba riyan?" sigaw ni Sean ngunit walang sumasagot, naglakad ako patungong hallway nang may tumawag sa pangalan niya.
"Sean!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Edwin na maraming sugat "Edwin!"
"Kuya Sean salamat---Aaahhhh!!!" nang may humila mula sa likuran niya at kinain siya ng buo. Nagulantang ako sa nakita tila yelong di makagalaw.
"EDWIN!!!" sigaw ko sa pangalan niya.
Kumilos na lang ulit ako nang tumakbo ulit ang halimaw papunta sa akin. Palabas na ako ng gusali nang may sumingit na liwanag at hinigop siya nito, nawalan ako ng malay tao.
Pagkagising ko isang pamilyar na boses ang aking nadinig, lumingon ako sa paligid at nakita ko ang asawa at mga anak.
"Belinda!" tawag ko sa asawa.
"Ako nga! Sean" nangingiyak na niyakap ako ng mahigpit pati mga anak ko niyakap din ako.
"Nasan ako?"
"Di ko rin alam kung anong lugar ito pero natitiyak akong lumilipad tayo."
"H-huh?" bumangon ako sa kama at tumayo upang makita ang paligid, 'space ship ito?' lumilipad nga sila sa kalawakan at marami akong nakikitang mga bituwin. Nasa silid ako.
"Ang Mama at Papa?"
"Nasa labas."
Lumabas ako ng silid. Natuklasan ko na maraming tao, maraming nakatingin sa akin.
"Anong ibig sabihin nito?"
Nakita ko sina Mama at Papa nakatunghay sa akin at nagulat nang makita ako.
"Anak!" sambit ng Ama sa akin, napaiyak na lang akong lumapit sa kanila at kay higpit ng pagkakayakap. Sobrang miss na miss niya na mga ito.
"Papa! Mama!"