Matapos ang mahigpit na yakapan, di ko mapigil ang iyak. Sa mahabang pagtiis ay natagpuan ko na ang aking pamilya. Napakasaya ko, naputol ang mga moment namin nang sumingit sa eksena ang asawa ko at mga anak "Hon!" tawag ni Belinda.
"Dad!" yumakap ang anak ko sa akin.
Bigla silang natumba, yumayanig at lumilikot ang paligid.Tumunog ang security alert system na parang may hindi magandang mangyayari.
DANGER!
DANGER!
DANGER!
"Anong nangyayari?"
"Sir inatake po ng mga alien ang mga tauhan natin, we need back up" sabi ng kanang kamay ni Itay George na si Bill, agad sumunod ang ama ni Sean sa tauhan at pumunta sa loob.
Bumunot ang soldiers ng kakaibang baril, tawag na laser gun at tumakbo sa pinangyarihan.
"Dad! I'll go with you" sabi ko kay Itay George ngunit tumanggi ito "No! kailangan kong gawin ang protektahan ang mga tao ko at ang pamilya natin."
"Pero di ako papayag na kayo lang ang mag-sacrifice sa lahat ng ito, gusto ko pati rin ako."
Tinaas ni Itay George ang kamay nito at tinapik ang balikat ko ng dalawang beses at saka ngumiti ng pilit "anak talaga kita." Pagkuway niyakap niya ako ng mahigpit at kumalas, isinama niya ako patakbo. Kumuha din ako ng armas.
"Ang dami nila!" di makapaniwala sabi ng ni Bill, dumami ang mga tinawag nilang "Alien" napakarami. Sa tingin ko ito na ang huling buwis buhay na gagawin ko.
Itinaas ko ang baril at itinutok sa mga halimaw, bumagsak ito. Sa mga gilid, gitna, kanan kaliwa. Habang baril ako nang baril ay lalong dumadami ang mga halimaw.
Ang iba ko pang kasama ay namatay at nakain, yung iba ay sugatan pilit na lumalaban. Napalingon ako kay Itay George nang atakihin siya ng pinakamalaking halimaw ay agad ako sumugod at itinulak ng malakas saka pignagbabaril.
"Dad! Kailangan nating makaalis dito, di ko kayo pababayaan. Di kita iiwanan dito" tawag ko at lumapit sa nakahandusay ng katawan ni Itay George, ngunit umiling lang ito.
Di ko akalaing may sugat ito at patuloy na dumudugo, napansin ko ang pinsala sa leeg nito. Nagkaroon ng kulay green, at medyo nagkalat na ang maugat sa ilang parte ng katawan nito.
"DAD! ITAY GOERGE!!!" napasigaw ako, patuloy na umiiyak at niyakap.
"A-anak..! Gusto kong sabihin na mahal kita at protect your family--" napahagulgol ito na wala sa oras at hinawakan ang kamay ko "Take care of them..saaffe!" mabagal na sabi nito 'safe' word. Ganito ito magsalita na para bang mamaalam na ito, huling habilin niya na ba ito. Habang naghahabilin ang ama, napansin kong may alien sa harapan ko.
He gazed at Itay George's hand, his hands down on the floor not moving. 'No..it can't be.'
Kahit naisakatuparan kong makita ang pamilya ko, may isang tao naman ang mawawala at di ko na makikita pa.
Patuloy pa rin ako umiiyak at tumayo, paatras. Namalayan ko na may halimaw sa harapan ko. Akmang aatakihin ako ay biglang bumagsak ito sa sahig, si Belinda ang bumaril sa halimaw at lumapit sa akin.
"Tara na kailangan na nating umalis!" hinila ang kamay ko paalis dito ngunit di ko na lang basta't iwan ang bangkay ni Itay George.
"Tara na!" inakay niya tuluyan, napatingin ako sa katawan ni Itay George. Gumalaw ito, nangingisay bawat katawan nito ay ngisay na ngisay.
"Anong nangyayari kay Itay George?" nagitla kaming lahat nang kumalat sa katawan niya dahil sa kagat ng halimaw.
Unti-unting tumayo si Itay George ngunit ibang-iba na ito, nagiba ang anyo at mas lalong lumaki ang mga muscles sa katawan at nagkaroon ng galamay.
"Isa na siya sa kanila" sabi ni Belinda.
Sumigaw ang halimaw at nagwala, hinabol sila ng halimaw at tumakbo din kami. Pabilis na pabilis ang takbo nito, pagod na ako kakatakbo kahit si Belinda ay ganun din.
Biglang na-out of balance si Belinda at bumagsak sa sahig, hindi sa pagod kungdi sa galamay na pumulupot sa binti niya.
"Sean! TULONG!" napatingin ako sa kaniya at nilapitan, pilit ko tinatangal ang galamay sa paa nito ngunit tila malakas ito. Nalaman kong galing kay Itay George na naging halimaw ang galamay na ito at hinila papalapit.
Buti ay naabot ko ang kamay niya at hinila ang katawan nito para di makuha ng halimaw.
"Tulong!" kumuha ako ng kutsilyo at pinutol ko ang galamay, humiyaw at nagwala ang halimaw nang maputol ko ito. Tila nasaktan.
Hawak ko kamay niya at hinila paalis, patakbo ako papasok sa isang maliit na saksakyan pangkalawakan.
"Teka! Yung mga anak natin?"
"Wag kang mag-alala! Nasa mabuting kamay sila, pinauna ko na sila bago isigawa ang pagsabog."
Pinindot ko ang red button dahilan upang sumindi ang sasakyan. "Nagsagawa ako ng planong pasabugin ang malaking space ship na to."
Itinaas niya ang isang ang hawak na kulay black at may pindutan yun. "Dali kailangan natin makaalis!"
Tinaas ko ang isang breaker para umadar ang kanilang maliit at bilog na sasakyan. Bigla sila natumba dahil sa sobrang bilis nito.
Habang umaalis ang sasakyan nila ay sumasabog ang ilang parte ng space ship Cytus. Parang mamamatay na sila dahil papalapit sa amin ang pagsabog palabas.
"AAaaaahhhhh!!!!!" kapwa sila napasigaw dahil hinahabol sila ng disgrasya. Tuluyan na sumabog ang space ship at sila ay nakaalis sa lugar na yun nang ligtas.
Nakita nilang naghiwalay ang mga piraso na bagay na nagmumula sa space ship.
"Nagawa natin!" tuwang sambit ni Belinda at napayakap sa akin, sabay halik, gumanti din ako ng halik.
Nagkaligtas sila..
Nasa mabuting kamay ang lahat na tao, kahit maraming namatay. Patuloy pa rin sa buhay. Sa ngayon ay kasalukuyan kami nasa Mars o tinawag na 'Martian.' Napasabog nila ang dating space ship at nakaligtas sila, pero nakaligtas nga ba..?
---
Ang di nila alam.. May nabubuhay pang halimaw na tumalsik papunta sa kasalukuyan nilang space ship ngayon. Isang baby alien...