Chereads / It Came From The Sky (tagalog) / Chapter 11 - Chapter 12: The Scientist Ben

Chapter 11 - Chapter 12: The Scientist Ben

Nagising si Edwin mula sa pagkakahimbing, tila di makagalaw at masakit pa ang legs niya dahil sa pagkakatarak ng pampatulog. Nilinga ko ang paligid, may mga nakakabit na kung anong bagay sa aking likod palad. Gagalaw sana ako ngunit bakit ganun? Di ako makagalaw at mas lalong di ako makasigaw.

Pilit ko ginalaw ang katawan ngunit ganun pa rin.

Samantala sa kabilang silid, walang magawa si Sean dahil sa mga posas na nakakabit sa akin. Posas sa dalawang kamay at posas sa dalawang paa, umayos ako ng upo pagkatapos nagisip nang mabuti para makatakas.

"Buwisit! PAKAWALAN MO AKO!!" sigaw ko nagpumiglas ulit.

Bumukas ulit ang pinto ng silid at pumasok ang half brother, saglit ako napatigil tumitig sa kaniya.

"Pakawalan mo ako."

"At bakit ko naman gagawin yun?!" Sabi niya na naka-arko pa ang kilay, tumawa ito ng mapakla at nilingon ako." Ano ako baliw, papakawalan ka HAHAHA!!? Di ko gagawin yun."

Humakbang ito papunta sa akin "paano kung ayoko gawin."

"Pakawalan mo ako."

"Di ko gagawin yun, sapagkat may pinaplano pa ako para sa'yo pero sa ngayon di muna kita gagalawin."

Pagkuway umalis ito nang di lumilingon.

Pumasok si Ben sa isang laboratory, siya ay isang magaling na scientist. Alam niya kung ano ang ginagawa niya, siya mismo ang gumagawa ng halimaw kung saan pag-eksperimentuhan ang mga tao.

Ginagawa niya ito para sa pansariling hangarin, upang maghari sa mundo.

Gumawa ako ng mga halimaw dahil gusto ko mawala ang lahat at walang matira kaya ginawa kong halimaw ang mga tao.

Nilapitan ni Ben ang isang pasyente nagngangalang Glen, nagising ito mula sa pagkakahimbing at nagulat dahil ako ang nabungaran. Pilit nito kumilos ngunit di parin ito makagalaw at makasigaw, isang mahinang ungol lang ang maririnig sa kaniya.

Kumuha ng injection si Ben at lumapit kay Glen "Wag kang mag-alala pag-aari na kita ngayon HAHAHHAHAHAHAHA!!!!!!"

"HHHMMMM!!!!" ungol ni Glen tila nahintatakutan at nangiginig sa sobrang takot, pinagpapawisan at nanlaki ang mga mata.

Itinarak ko sa kaniya ang ang injection ng pampatulog, siya na ang susunod Kong magiging biktima.