"Ang pangalan ko ay Glen." pakilala nito sabay abot ng kamay sa kaniya, naroon sila sa bahay nito na sobrang tahimik at madilim na paligid.
"Sean." Nakipakamay anya
"Pasensya na sa patibong ko."
"Okay lang medyo masakit pa."
Nilibot niya ang paligid ng bahay nito, sira-sira at warak na warak. Mga antigo pati upuan, kaya napapaisip siya kung paano ito namumuhay nang ganun samantalang wala ito kasama maliban sa mga aso.
"Bakit nga pala wala kang kasama?" tanong niya.
"May nakita din kasi sila liwanag kaya di ko mawari kung saan na sila nagpunta, nakakita silang liwanag pababa sa lupa, pagkatapos biglang gusto nila sumama sa liwanag na parang may hininoptismo at nagkulay pula ang mga mata nila."
"Pagkatapos anong ginawa mo?"
"Pilit ko sila nilalayo dun pero tinulak lang nila ako, nakita ko na lang nawala sila kasabay ng liwanag." kuwento nito, may mga luhang tumulo at naguumapaw ang galit.
"Ganun din ako." Ikinuwento din niya ang nangyari kung bakit nagiisa din siya tulad nito. "Di ko nga alam ko alam kung saan ko hahanapin ang pamilya ko" patuloy niya.
Nagpapahinga na siya sa higaan nang magsalita ito, "Bakit ka nga pala may sugat sa ulo?"
"Nakuha ko to nang mahulog ako sa bangin dahil nakasakay ako sa kotse, nabagok ang ulo ko sa manibela. May mga kidlat kasing sulmupot sa kalangitan pagkatapos tinamaan ang gulong ko kaya umikot pababa sa ilalim ng tulay."
Tumango ito, saka napabuntong hininga. "Bukas, aalis na ako." napalingon si Glen sa kaniya at kunot noo na parang nagtatanong.
"Bakit?"
"Kailangan kong hanapin ang pamilya ko."
"Puwede ba ako sumama?" tanong nito, napabangon siya at tumingin rito. "Di puwede delikado."
"Pero sasama ako."
"Sige! Payag ako pero wag maglilikot ang mga aso."
"Ako ang bahala sa mga alaga ko." saka hinahawi ang balahibo ng mga to, di niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ito.
Kinabukasan umalis sila sa bahay nito saka nagpatuloy sa paglalakbay, nasa kalagitnaan na sila ng kagubatan nang marinig at nakita nila ang mga uwak na nagsiliparan sa paligid.
"May panganib." sabay sila dumuko, tila pinakiramdaman ang paligid. Napalingon sila nang makarinig ng putok ng baril, nanggagaling sa taas.
"Dali sundan natin!"
Tumakbo sila at umakyat, nakita nila dalawa ang mga lalaking may hawak na baril at pinapuputok ang mga ito sa mga halimaw na sumasalakay.
"Uhhh!" sigaw ng isa dahil nakagat siya sa leeg, pumikit na nagpumiglas. Nangingisay at gustong kumawala, tutulungan sana niya mga to nang pigilan siya ni Glen.
"Bakit?"
"Ako ang bahala."
Kumuha siya baril at itinuktok ang mata sa telescope saka piputukan ang mga halimaw sa harapan.
Di niya akalaing sharp shooters itong si Glen, kaya bilib na siya rito. Kinuha nito ang isang pang asong si Sneeky saka pumunta sa mga lalaking nangingisay.
"Tulong!" sabi nito saka hinaplos ang sugat kagat ng halimaw.
"Halika! Gagamutin ko ang sugat mo." yaya niya, saka pinagtulungang buhatin ang sugatang lalaki. Ang isang lalaki ay daladala naman ang dalawang bag, sumunod na lang.
"Aahhhauhuh!!" sigaw ng isa habang ginagamot ang sugat sa leeg, nakita na lang niyang nangingisay ulit ito pagkatapos may kumalat na itim na ugat sa kung saang bahagi ng katawan nito 'anong nangyayari sa kaniya?'. Di na ito gumalaw kaya sinalat niya ang leeg nito kung humihinga pa siya, ngunit di ito humihinga "patay na siya."
Ang isang lalaki ay nagiiyak "Kuya bakit mo iniwan huhuhihuuaahh!!!" saka niyakap ang lalaking nakabulagta. Isang saglit pa, bigla ulit nangisay ang lalaki patay saka bumangon.
"Anong nangyari sa kaniya?"
"Di ko alam" sagot niya.
Ang lalaking bumangon ay idinilat ang mga mata, nakita niya nagkulay pula ang mga mata nito.
"Kuya ikaw pa ba yan?" tanong ng kapatid.
'Ggrrrraahhahaaahh.' Ang mga galamay ay nagkalat sa kung saan kaya nang akmang pupuntiryahin sila kumuha na siya ng baril pinaputok ang mga to.
"Aaahhhhhaaahahh!!!"
Pinaputukan niya ito sa ulo kaya bumagsak ito sa sahig. "Hindii!! Bakit mo ginawa yun! Kuya!" saka pinuntahan ang lalaking nakabulagta.
"Naging halimaw na siya." anya rito
"Kaya pinatay mo siya? Ganun?" angil nito saka nagiiyak na niyakap ang kapatid, iniwan na lang sila ni Glen.
"Ako nga pala si Sean" pakilala niya sabay lahad ng palad rito. "Alam kong galit ka dahil pinatay ko siya, pero ito lang tanging paraan para di niya tayo mapatay."
"Hindi na siya ang kuya mo, kaya kahit gusto ko mang ibalik siya di ko na magagawa yun dahil patay siya" patuloy niya.
"Edwin" pakilala nito sabay abot ng kamay sa kaniya