Chereads / SAMUEL [Tagalog] / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

NANG sumapit ang dilim nakapalibot ang mga magkakaibigan sa bonfire, nag-iinuman at nagkukwentuhan silang lahat.

"Hey, guys laro tayo!" Wika ni Cassandra. Animo'y lasing na.

"Game ano bang laro 'yan?" Tugon ni Johan. Habang niyayapos niya si Tisay.

"Truth or dare," pinulot niya pa yung boteng wala ng laman at tinaas iyon. "Alam niyo siguro yung laro sa bote thingy, ano?" Dugtong aniya ni Cassandra. Tumango-tango naman ang mga kasama nito.

"Sige, sige simulan muna!" Parang inip na sambit ni Benjamin, tinungga nito ang alak na hawak niya at humithit pa ng sigarilyo sabay buga sa kung saan.

"Okay," aniya ni Cassandra at pinaikot ang bote. Matapos niyon ay tumapat ito sa harap ni Benjamin.

"Oh f*cking hell! Ako talaga?!" Hindi makapaniwalang angil nito.

"Alangan na samin?" Pangbabara ni Cassandra. "Truth or dare?" Dagdag pa niya.

"Hmm.. Dare!" Sagot anito ni Benjamin. Akmang magsasalita na sana si Cassandra nang unahan siya ni Prelim.

"Yakapin mo si Cass nang limang minuto," utos ni Prelim kay Benjamin. "Pag hindi mo ginawa, magtu-truth ka!" Dugtong pa nito.

Parehong natigilan si Cassandra at Benjamin pagkatapos ay nagkatinginan pa sa isa't-isa at tila naiilang pareho. Tatawa-tawa ngayon sila Johan, Tisay, Prelim at Kailyn dahil sa reaction ng dalawa.

"Dali na Ben! Tumatakbo na yung oras oh!" Pangungumbinsi ni Tisay habang tumawa-tawa pa.

"Kaya mo 'yan yakap lang naman eh!" Gatong naman ni Johan.

"Limang minuto lang Ben!" Bwelta pa ni Prelim.

"Go, Cass wag mag-inarte!" Pag chicheer pa ni Kailyn na sinabayan pa nito ng palakpak.

Napairap na lang si Cassandra habang si Benjamin naman ay sinamaan lang ng tingin si Prelim. Pero ilan saglit pa ay ngumisi siya nang nakakaloko nang biglang may naisip siya.

"Fine. Madali lang pala eh!" Pag sang-ayon niya at walang salitang niyakap si Cassandra na ngayon ay nakangiwi at tila nandidiri kay Benjamin dahil sa pagyakap nito sa kanya.

Nang matapos ang dare ni Benjamin muling pinaikot ang bote at tumapat iyon kay Tisay. Hindi pa man nagsisimula na magsalita si Benjamin nang unahan na siya ni Tisay.

"Dare" Maarteng wika ni Tisay.

"Ako ang mag-uutos," usal ni Benjamin. Tumango lang si Tisay habang nakaakbay kay Johan. "Go to your tent and f*ck with Johan!" Nakangisi nitong utos.

"Mukhang maganda 'yan Ben ah!" Pag sang-ayon ni Johan sa inutos nito. Tila nabuhayan ang alaga nito dahil sa sinabi ng kaibigan niya.

"What the hell!" Komento ni Prelim.

"Seriously Ben? 'Yan ang dare mo?" Hindi makapaniwalang saad ni Kailyn.

"Asus! Adik na nga manyak pa!" Banat naman ni Cassandra sabay halukipkip at tinaasan niya ng kilay si Benjamin.

Napahagikhik ng tawa si Benjamin bago niya sumbatan si Cassandra. "Ang sabihin mo, gusto mo lang akong tikman!" Pang-aasar nito. "Huwag kang mag-aalala pagbibigyan kita sa gusto mo!" Hirit anito.

Sa sobrang inis at pagkapikon ni Cassandra kay Benjamin umalis siya sa pwesto nila at naglakad palayo. Ayaw niya kasi sa lahat na siya yung pinagtutulungan ng mga kaibigan niya, mabilis siya kasing maasar at mapikon. Habang patuloy na naglalakad siya sa kawalan ay hindi niya namalayan na malayo na siya sa pwesto nila, kung kaya't sandali siyang huminto at nagpalinga-linga sa paligid.

Nasa kagubatan siya at madilim sa kinatatayuan niya. Di niya alintana ang madilim na paligid ngunit bigla siya sinalakay ng kaba nang makarinig siya ng kaluskos kung saan man parte ng kagubatan.

"Sino ang nandyan?" Matapang niyang sabi sa kawalan. Pinalibot niya ang tingin sa kung saan ngunit walang sumasagot sa kanya, tanging patuloy na kaluskos lamang.

"Benjamin! Alam kong ikaw 'yan!" Wika aniya. Halatang natatakot na siya dahil ayaw tumigil ng pagkaluskos sa paligid. "Ma-malaman ko lang na ikaw 'yan yari ka talaga sa'kin adik ka!" Lakas loob na banta niya.

Dahan-dahan siyang umatras habang nililibot niya ang paningin sa paligid. Ramdam narin niya ang matinding takot at kaba sa kadahilanang hindi siya nag-iisa sa kagubatan. Sa kakaatras niya ay bigla siya umangat patiwarik kung kaya't napatili siya at humiyaw sa sakit dahil may mga alambre na nakatusok sa kaliwang paa niya kung saan may naapakan siyang isang bagay kaya siya nakatiwarik ngayon.

"Oh sh*t! Tulong! Guys tulungan niyo ako!" Sigaw niya sa kawalan. Habang tumatagal na nakatiwarik siya ay pasakit ng pasakit ang kaliwang paa niya, dahil magalaw siya at sobrang naiiyak na siya.

"Help, help! Oh my god! Aaaaaahhhhh!" Naiiyak na sabi niya. "Tulungan niyo ako" dugtong aniya.

Ilang saglit pa na nakatiwarik siya doon ay may tao siyang nakita na may hawak na panakol papalapit sa kanya.

"Thanks god, may tumulong sa'kin!" Sambit niya sa kawalan.

Muli siyang napatili nang bigla siyang bumagsak sa lupa matapos siya tulungan ng lalaki na may hawak ng panakol. Napadaing siya na maramdaman na mas lalong bumaon sa paa niya ang alambre kaya mas lalo siyang umiyak sa sakit.

"Aaaahhh!! Oh myghad! Ang paa ko!" Hiyaw niya, habang pinipilit na tiisin ang sakit. Ngunit mas lalo siyang napahiyaw nang hawakan siya ng lalaki sa buhok ng mahigpit, napakapit tuloy siya sa buhok niya habang kinakaladkad siya ng lalaki sa kung saan.

"Anong gagawin mo sa'kin ha?!" Sigaw niya

Kahit na masakit ang paa niya at buhok, kinaya niya pa rin magsalita. "Aaaahh!!" Hiyaw niya muli nang bigla siyang hampasin ng lalaki sa ulo gamit ang pwet ng panakol, kaya wala na siyang nagawa kundi ay napapikit na lamang at tuluyan na siyang nakatulog.

HANDA nang matulog ang lahat ngunit tanging si Cassandra lang ang wala sa kanila kung kaya't hindi maiwasan mag-alala ni Kailyn sa kaibigan.

"Ah.. Guys, mahigit isang oras nang wala si Cass ah!" Sambit niya sa kanyang mga kaibigan na handa nang pumunta sa kani-kanilang tent.

Matapos kasi umalis ni Cassandra dahil sa inis nito kay Benjamin ay muling pinagpatuloy nila ang laro. Nang matapos at matutulog na sana sila ng maalala ni Kailyn si Cassandra na hindi pa bumabalik.

"Hayaan mo siya Kai babalik din 'yon!" Walang ganang sagot ni Benjamin.

"Oo nga baka nag ikot-ikot lang 'yon o di kaya nag-eemote pa din," gatong ni Johan na tatawa-tawa pa.

"Don't worry Kai kapag hindi pa siya nakakabalik bukas, hanapin natin siya" Kalmadong sambit ni Prelim.

"Ngayon na lang kaya natin siya hanapin? Baka kung ano nangyari sa kanya?" Alalang usal niya. Nagkibit-balikat lang si Tisay nang tumingin siya.

"Gabi na Kailyn makikita pa ba natin siya ng ganitong kadilim?" Hirit ni Benjamin.

Sinamaan niya ng tingin si Benjamin habang may nakasalampak na naman na sigarilyo sa bibig nito. "Kapag may nangyaring masama kay Cassandra, malalagot ka talaga sa'kin!" Banta niya kay Benjamin.

"Relax Kai walang mangyayari sa babaeng 'yon!" Nakangising saad ni Benjamin.

"Tama na 'yan!" Singit ni Prelim, "Bukas na lang natin siya hanapin" mahinahon na dugtong nito.

"Kaibigan mo siya dapat kilala mo ugali niya!" Hirit pa ni Benjamin, seryoso at tila pinapangaralan niya si Kailyn. Kasabay niyon ay umalis na ito at pumunta sa tent.

Walang salitang umalis din ang magjowa at pumunta narin sa tent. Napahinga na lamang ng malalim si Kailyn kahit pa sobrang nag-aalala na siya para sa kanyang kaibigan ay wala siyang magawa dahil may punto ang mga iba niyang kaibigan, malalim na ang gabi at saka baka malay niya babalik si Cassandra.

"Kailyn ihahatid na kita sa tent mo," prisinta ni Prelim. Tumango na lamang siya bilang sagot.