"BEAUTY woke up and went back to the castle because she did not mean to hurt the Beast. She cried and said, "Please don't die, Beast! I will live with you forever!" The Beast miraculously changed into a handsome Prince. He said, "I was under a curse all these years and could only be relieved when someone fell in love with me. I am now cured of the curse because you truly love me." And then, Beauty and the Beast were married and together they lived happily ever after."
Napangiti ang walong taong gulang na si Charley nang marinig niya ang Fairytale story na Beauty and The Beast na binasa sa kanya ng kanyang Daddy Robert. Sa lahat ng Fairytale stories; ito ang pinaka-paborito niyang story sa lahat. Nasa master's bed room sila noon habang naghihintay sa pagdating ng Mommy niyang si Charlotte.
"Daddy, parang ang saya pong magkaroon ng love, tulad ni Princess Beauty." Nakangiting sabi ni Charley.
Napangiti din ang Daddy niya at tumango. "Of course baby, masaya talaga ang magmahal, balang araw ay makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin mo habang-buhay."
Napangiti siya at saka niyakap nang mahigpit ang kanyang kalong na teddy bear. "Parang kayo ni Mommy?"
Tumango at ngumiti uli ang Daddy niya. "Oo."
"Paano na nga po kayo nagkakilala ni Mommy?" umupo siya at sumandal sa head rest ng kanyang kama, para mapakinggan nang maayos ang kuwento ng Daddy niya.
Natawa ang Daddy niya. "Pang-ilan beses ko na bang naikukuwento sa 'yo ang tungkol sa love story namin ng Mommy mo?" anito.
Napakamot siya ng ulo. Ang totoo niyan, sa tuwing binabasahan siya ng Fairytale story, lagi niyang isinisingit ang story ng kanyang mga magulang, dahil para sa kanya, wala pa ring Fairytale story ang makakatalo sa pinaka-magandang story na napakinggan niya鈥攁ng kuwento ng kanyang mga magulang.
"More than ten na po, Daddy." Nangingiting sagot niya.
"Hindi ka pa rin nagsasawa?"
Umiling siya. "Hindi pa po. Hindi po ako magsasawa kahit na kailan."
"Mabuti pa hintayin mo na lang ang Mommy mo para siya naman ang mag-kuwento sa 'yo, para 'yong version naman niya ang marinig mo." Natatawang sabi ng Daddy niya.
"Busy pa si Mommy, Daddy." Aniya. Isang doctor sa puso ang Mommy niya at nasa trabaho pa ito nang mga sandaling 'yon.
"Oo nga 'no." sagot din ng Daddy niya. Pasalamat siya at walang work ang Daddy niya ng araw na 'yon, buong araw lang silang magkalaro nito, kasama ng panganay niyang kapatid na si Don. Civil Engineer ang Daddy niya sa isang malaking firm sa bansa鈥攊to rin ang nag-isip ng konsepto at nagtayo sa kanilang maganda at malaking tahanan. Kapwa nasa lagpas thirty na ang edad ng mga magulang nina Don at Charley.
"Do you love Mommy?" nangingiting tanong niya.
Tumango ng ilang beses ang kanyang Daddy. "So much, baby."
Niyakap niya ang Daddy niya na nasa tabi niya. "And Mommy loves you too, Daddy."
" Para kaming story sa isang Fairytale, 'no?" nakangiting sabi nito.
Umiling siya. "Your story is the best, Daddy. Dahil totoo ang sa inyo." Nakangiting sabi niya.
Gumanti nang yakap ang Daddy niya. "I agree."
"Kaya ikuwento mo na ulit 'yong story niyo, Daddy. Para makatulog na po ako." Pangungulit niya.
Sumuko na lang ang Daddy ni Charley saka nito ikinuwentong muli ang love story ng mga magulang niya.
HANGGANG isang umaga, nagising siyang nagtatalo ang kanyang mga magulang at dahil bata pa siya ay hindi niya maintindihan ang pinagtatalunan ng mga ito. Ito ang unang beses na pagtatalo ng kanyang mga magulang na nasundan pa ng ilang ulit. Hindi siya makalapit sa mga ito, dahil bukod sa natatakot siya, animo'y ibang tao ang mga ito. Nasaan na ang mga magulang niyang noon ay labis-labis ang pagmamahal sa isa't isa?
Hanggang sa isang araw ay may narinig siyang nakapagpatigil ng kanyang mundo... 'yon ay nang sabihin ng Mommy na maghiwalay na lang daw ang mga ito. Sa gulat at takot niya na magkawatak-watak na ang kanilang pamilya, mabilis siyang nagtago sa isang masikip na aparador at doon ay tuluyan na siyang umiyak nang umiyak.
Ang buong akala niya ay magkakaayos din ang mga ito, pero nalungkot siya nang mag-alsa-balutan na ang Mommy niya at kasabay ng pag-iimpake ng mga gamit nito ay pati gamit nila ng Kuya Don niya鈥攁alis sila, iiwanan na nila ang Daddy nila at ang bahay nila!
Hindi pwede! Kailangan na niyang magising, dahil nasa isang masamang panaginip lang siya! Gumising ka, Charley!
'Di ba may happy ever after? Bakit sa story ng Mommy at Daddy niya, biglang naglaho ang kaligayang mayroon sila noon? Ang sabi ng Mommy niya habang umiiyak ito ay hindi na daw nito mahal ang Daddy niya dahil labis siyang sinaktan nito.
Naisip tuloy niya; Wala bang forever na tulad sa mga fairytale story?