DAHIL may taping si Train nang sumunod na araw at hindi gaanong abala si Charley sa mga gawaing bahay, naisipan niyang magpunta sa Mall para bumili ng romance book—para may pagkunan siya nang matinding emosyon at kilig—dahil hindi uso sa kanya ang salitang 'kilig'.
Pero kahit gaano kasaya ang ending ng mga binabasa niyang stories, hindi pa rin niya magawang lagyan nang nakakakilig na ending ang mga stories dahil—walang forever!
Nang makarating siya sa Mall ay agad siyang dumiretso sa bookstore para bumili ng romance books. Pagkatapos niyang makabili ng libro ay bigla namang kumalam ang sikmura niya, kaya naisipan na muna niyang magmeryenda sa food court, alas kuwatro na kasi ng hapon at ang huling kain niya ay kanina pang lunch.
Nang makarating siya sa food court ay napangiwi siya. Bukod sa punuan sa lugar ay halos magkakakasintahan pa ang mga naroong kumakain. Pero hindi na lang niya pinansin ang mga ito, naghanap na lamang siya ng bakanteng mesa makakainan, hanggang sa makakita siya sa bandang sulok, na good for two persons.
Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit sa mesa—bigla na lang may naupo tao sa tapat ng upuan na ookupahin niya. Nag-angat siya ng tingin sa sinumang bigla na lang naupo doon, nauna siya doon at ayaw niya nang sinumang makakasama.
Pero napatigil siya sa akmang pagtataboy sa taong bigla na lang naupo sa harapan niya nang masilayan niya ito—he was a man but not an ordinary one—dahil nagtataglay ito nang magandang mga mata, matangos na ilong, mapupulang mga labi, may kaunting stubbles ito pero malinis pa ring tingnan ang mukha, may kaputian ang balat at marahil nasa six feet din ang taas nito at mukha itong hearththrob.
He smiled at her when he noticed that she was already staring at him—bihira kasi siya makakita ng mga ganitong hitsura, katulad ni Train. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa lalaki.
"I'm sorry Miss, puno na kasi ang lahat ng mga mesa dito, okay lang ba sa 'yo na mag-share na lang tayo ng table?" narinig niyang tanong nito.
Napalingon uli siya dito. "Hindi ba pwedeng maghintay ka na lang nang mababakanteng mesa?" aniya.
Nakita niyang napangiti uli ito. "Senyales ba 'yan na kailangan ko nang umalis dito?" anito.
Tumango siya. "Gusto ko kasi mapag-isa." Pagtatapat niya.
Again, he flashed his killer smile. Mas gumuguwapo ito kapag ngumingiti. "You're so straightforward. I like it." Puri pa nito sa kanya.
Napakunot siya. Seriously? Hindi man lang ito tinablan sa pagtataboy niya? Yeah. She used to drive away men who get near her at madalas ay pina-prangka niya ang mga ito. She didn't care if they get hurt dahil nagsasabi lang naman siya nang kanyang tunay na nararadaman.
"Ang feeling naman ng babaeng 'yan para paalisin si Mr. Guwapo."
"He looks familiar, though!"
"Hmm... you're right! Saan ko na nga din siya nakita? Hmm..."
Narinig niya ang usapan ng tatlong babae sa kabilang mesa, nang lumingon siya sa gawi ng mga ito, napansin niyang nakatingin na din pala ang ibang mga tao sa kanila—sa lalaki.
"Doon ka na lang kaya sa table na 'yon?" Saka niya itinuro ang table na kinaroroonan ng tatlong babaeng narinig niyang nagsalita kanina. Narinig niyang nagtilian naman ang mga ito.
Tila hindi nito narinig ang sinabi niya, dahil ngumiti lang ito sa kanya. "I'm Jin Zacchary Perez, but you can call me Jin or Zach. And you are?" Nag-abot pa ito ng kamay para makipagkilala sa kanya pero hindi niya inabot 'yon.
"Nice meeting you." Tipid na sagot niya.
Ngumiti uli ito at umiling. "So, may I know what's your name?"
"Bakit ko kailangang sabihin?" nagtatakang tanong niya sa lalaki.
Nagulat siya nang bigla na lang tumawa ang kausap na lalaki. "Because you already knew my name, but you know what... you're cute and funny!"
Siya cute at funny? Malabo ba ang mga mata nito? Gayunpaman, nagkibit-balikat na lang siya. "My name is Charley. Pero sandali, artista ka ba?" mayamaya ay tanong niya, ayaw na kasi niya yata ng gulo, if ever. Naranasan na kaya niyang maaway ng mga fangirls ni Train noon, ayaw na niyang maulit 'yon
Umiling ang lalaki sa kanya. "I am a baseball player but currently injured." Nakangiting sabi nito.
Narinig niyang biglang napatili ang tatlong mga babae sa kabilang mesa, na mukhang naalala na ang lalaki—kapagdaka'y nagsilapitan na ang mga ito para magkipag-picture sa lalaki.
"Ikaw pala 'yong cover sa sports magazine na binabasa ng Daddy ko!" tili ng isang babae. Ang dalawang babaeng kasama naman nito ay abala sa pakikipag-selfie sa lalaki.
Napailing na lang siya. Bahala na nga ang mga ito, kinuha na niya ang mga nakalapag niyang gamit sa mesa para umalis na sa lugar, magte-take out na lang siya ng pagkain niya, nawalan na kasi siya ng ganang mag-dine in. Pagkatapos niyang makapag-take out ng pagkain ay naglakad na siya palabas ng Mall.
Nang makalabas si Charley sa Mall ay bigla siyang nakarinig nang malakas na hiyawan at tilian sa paligid. Na-curious tuloy siya kung ano 'yong inaabangan ng kumpulan ng mga tao, hanggang sa matangay na siya sa crowd, palapit sa isang itim at mamahaling sasakyan na parang pamilyar sa kanya—na noon ay napapalibutan na nang maraming tao—na sinusuway ng mga guwardiya dahil hindi na makausad ang sasakyan.
Naitulak-tulak tuloy siya hanggang sa mapasubsob ang kanyang mukha sa nakasarang bintana ng sasakyan.
"Aray ko!" daing niya, hirap na hirap siyang makaalis sa pagkakangubngob ng mukha niya sa bintana, masyadong masikip at gitgitan sa likuran niya kaya hindi siya makaalis. "Hindi ako kasali dito, huwag niyo akong itulak!" sigaw niya. Parang tumabingi na yata ang pisngi niya dahil sa ginagawang pagtutulak ng mga tao sa kanya.
Nag-ipon siya nang lakas para makaalis sa kinaroroonan niya nang bigla siyang napatingin sa loob ng sasakyan—nanlaki ang kanyang mga mata nang maaninag niyang si Train Evan ang naroon at matamang nakatingin din sa kanya—na parang kinikilala rin kung sino siya.
Kinalampag niya ang bintana para humingi ng tulong dito baka sakaling makinig ang mga fans nito na pakawalan na siya doon. Nakahinga naman siya nang maluwag nang magbukas ng bintana si Miss Mitchy na nasa passenger's seat para kalmahin ang mga taong tila naghi-hysterical na.
Napabuga siya ng hangin nang sa wakas ay lumuwag na ang gitgitan sa likuran niya hanggang sa makaalis na siya mula sa crowd. Napapunas siya ng kanyang pawis at nasapo niya ang kanyang pisngi na feeling niya ay tumabingi na! Napailing na lang siya sa mga taong patay na patay makita lang si Train. Hinding-hindi siya tutulad sa mga ito, kahit kailan!
PAGKAGISING ni Charley kinaumagahan ay dumiretso siya sa banyo para maglinis ng mukha pagkatapos ay nagpunta na siya sa kusina. Ipaghahanda pa kasi niya ng bread at milk ang Amo niya, pero nagulat siya nang makita niya si Train na nagluluto na doon. Nauna pa pala itong nagising sa kanya.
Hindi nito napansin na nakatayo siya sa pintuan habang pinapanood itong nagluluto. Pagkatapos nito sa ginagawa nito ay inihanda na rin nito ang mga niluto sa hapag, nagulat ito nang mapansin siyang nakatayo lang doon habang nakatitig dito.
"Nakakagulat ka naman." Naiiling na sabi nito, saka ito naupo paharap sa kanya. "May ibibigay nga pala ako sa 'yo!"
Ano kayang ibibigay niya sa akin—morning kiss? Napailing siya sa kanyang naisip. Saan naman kaya nanggaling ang isiping 'yon? Mabilis siyang nakalapit dito. Isang square at nakabalot sa pulang gift wrap ang bagay na inabot nito sa kanya.
"Open it!" mayamaya ay imporma nito.
Hindi ko naman birthday, bakit ako may gift? Nagtatakang tanong niya sa kanyang sarili, gayunpaman, tumango na lang din siya. Bumait na yata ito sa kanya, marahil napagtanto nitong isa siyang maalalahanin at mabait na tao. Mabilis niyang binuksan ang ibinigay nitong regalo sa kanya at tumambad sa kanya ang isang—cook book.
"Ano 'to?" aniya.
"Hindi mo ba nakikita na libro 'yan?" naiiling na sabi nito. "Binigyan kita niyan para may pagkunan ka ng ideya sa pagluluto! Kailangan mo nang mapag-aralan 'yan bago dumating si Andie."
"Andie who?"
"Never mind." Naiiling na sabi nito. Sino si Andie? Magkakaroon sila ng bisita? Girlfriend kaya ni Train? Wala namang napapabalita na may girlfriend ito e. Baka secret girlfriend!
Lihim siyang napabuga ng hangin. Akala pa naman niya, masisiyahan siya sa regalo nito. Hindi na masama! Napa-considerate pa nga niya, dahil niregaluhan ka ng ganyan. Anang isipan niya. Kailangan naman talaga niyang mag-aral nang pagluluto, kung ayaw niyang mapalayas sa bahay na 'yon!
Nagpasalamat siya sa lalaki at napatitig sa pagkaing niluto nito. "M-Mukhang masarap 'yang mga niluto mo ah." na tinutukoy ang carbonara, bacon strips, chocolate bread at kung anu-ano pa. Napalunok siya nang mariin dahil bigla siyang nagutom.
Tumango ito at ngumisi. "Yeah!" Saka ito sumubo ng bacon strip na sinundan ng carbonara. "Hmmm... Delicioso!" tila nang-iingit pang sabi nito.
Hindi tuloy niya napigilang maglaway, napapunas siya agad ng kanyang bibig. "Ahm... Train..."
Lumingon agad ito sa kanya. "What?"
"Patikim naman niyan..." sabay turo sa mga pagkaing nasa hapag.
"Okay." Mabilis na sagot nito, na ikinatuwa niya, kaya mabilis na siyang kumuha ng plato niya. Kinuha ni Train ang plato niya saka ito sinalinan ng pagkain. Pagkatapos ay mabilis siyang umupo sa tapat nito at agad na nilantakan ang pagkaing nasa harapan niya.
Nagningning ang kanyang mga mata nang matikman niya ang Carbonara nito—ang sarap ng pagkakaluto niyon! Para siyang nakakain ng isang mamahaling pagkain na sa mga mamahaling restaurant lamang makikita!
"THE NUMBER you have dialed is either unattended or out of the coverage area, please try your call later..."
Napakagat si Charley sa kanyang unan dahil sa frustration. Nakakailang tawag na siya sa Kuya Don niya simula kanina at talagang malapit nang pumutok ang ugat sa kanyang sentido sa sobrang inis niya. Pinuntahan na din niya ang kapatid at hipag sa condo na tinitirahan ng mga ito, pero ang sabi ng mga taong napagtanungan niya ay naibenta na daw ng mag-asawa ang condo na 'yon, kaya hindi na niya alam kung saan niya hahagilapin ang kapatid! May balak pa kayang makipagkita ang mga ito sa kanya?
Hindi na nga rin niya magawang mag-concentrate sa sinusulat niya dahil sa mga ito. Naloloka pa siya dahil puro negative feedbacks ang natatanggap niya para sa posted story niya sa wattpad—na-bash pa tuloy siya ng mga reader dahil sa ginawa niyang tragic ending. Napabuga siya ng hangin.
Mag-dadalawang linggo na simula nang ibenta ng Kuya niya ang bahay nila kay Train at magda-dalawang linggo na rin siyang naninilbihan bilang katulong nito. Malapit na siyang matutong magluto, kaunting tiis na lang. Sana ay magakaroon pa siya nang maraming pasensya at kasipagan—dahil doon siya madalas magkulang.
Tumawag din sa kanya ang Mommy at Daddy niya no'ng isang araw—kinumusta siya—pero hindi niya binanggit ang tungkol sa pagkakabenta ng bahay nila dahil ayaw na niyang mamroblema ang mga ito.
Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa kanyang kama. Nagutom siya dahil biglang nawala ang lahat ng kinain niyang lunch kanina dahil sa pag-iisip niya. Luckily, umalis after lunch si Train, dahil may fans day daw ito, kaya malaya siyang gawin ang anumang nais niyang gawin sa loob ng bahay.
Paglabas niya sa maid's quarter ay sa kusina agad siya nagtungo. Binuksan niya ang ref para maglabas nang maaaring kainin doon nang magulantang siya sa nakadikit na note doon, na nagsasabing...
Hey,
Don't you dare eat all my foodstuffs!
Ps. I never hired you just to eat. Stretch your bones, you boar!
-Train Evan Sebastian
Nanggagalaiting pinunit ni Charley ang maliit na papel na pinagsulatan ni Train ng note nito sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang mga ngipin. Oo at may katotohanan ang sinabing 'yon ni Train na matakaw siya at siya na ang nakakaubos sa mga stocks ng pagkain doon, pero sa nagugutom siya e.
Sa gutom niya ay natutukso tuloy siyang kumuha ng pagkain doon, pero kailangan niyang maghunos-dili, baka dahil sa pagiging PG niya ay patalsikin siya ni Train. Kumuha na lang siya nang malamig na bottled water, para kahit papaano ay maibsan nang kaunti ang kanyang gutom.
Napabuga siya ng hangin, gutom pa rin kasi siya, kaya wala na siyang choice kundi lumabas ng bahay, kahit ayaw sana niya—para magpunta sa convenience store sa bayan. Nagpalit na muna siya ng damit at inayos ang kanyang hitsura bago tuluyang umalis ng bahay.
SA 7/11 siya dumiretso para bumili ng pagkain niya. Kumuha siya ng tatlong klase nang malalaki at iba't ibang sandwiches at isang 1.5L na C2. Mag-uuwi na lang din siya mamaya ng cup noodles para sa kanyang dinner, tutal sanay naman na siyang 'yon lang ang lagi niyang kinakain.
Sa isang sulok siya ng convenience store puwesto. Pagkagat niya nang hotdog sandwich ay animo nakatapak siya sa alapaap. Gano'ng pakiramdam ang ipinagkait sa kanya ni Train, dahil sa hindi pagpapakain sa kanya. She was so hungry. Wala na siyang pakialam kung mainit pa ang hotdog sandwich o kung anupaman, basta iisa lang ang alam niya—gutom na gutom siya.
Sa limang minuto lang ay naubos na niya agad ang tatlong malalaking sandwiches, saka tinungga ang 1.5L ng kanyang inumin na mabilis niyang nakalahati. Na-satisfy siya nang sa wakas ay mag-burp na siya.
Ngunit saglit siyang napatigil nang napansin niyang parang kanina pa may nakatingin sa kanya sa kung saan. Napalinga siya sa paligid, guni-guni lang ba niya 'yon? Napailing na lang siya. Kapagdaka'y tuluyan na rin siyang lumabas ng store pagkatapos niyang makapagbayad.
Habang naglalakad siya patungo sa paradahan ng mga tricycle ay may naramdaman siyang nakasunod sa kanya, ngali-ngaling magtatakbo na siya, palibhasa walang gaanong tao sa parte na 'yon, pero baka makahalata ang sumusunod sa kanya na nagpa-panic na siya, kaya relax lang!
Huminga siya ng malalim saka niya inihanda ang kanyang kamao. Ramdam niya—malapit na ito sa kanya. Humanda sa kanya ang stalker niyang 'yon, hindi yata nito alam na minsan ay sumali siya ng martial arts sa school nila dati.
Nang maramdaman niyang malapit na ito sa likuran niya ay mabilis siyang bumaling dito at malakas at mabilis niyang pinakawalan ang napakalakas niyang suntok—na inasinta ang sikmura nito. Medyo nasaktan siya sa ginawa niya, pero alam niyang mas nasaktan ito dahil sa lakas nang pagsinghap nito.
Mag-aalas sais pa lang noon ng hapon pero mabilis na bumalot ang kadiliman sa paligid, kaya hindi na niya makita ang anyo nito. Akmang tatakbo na sana siya palapit sa kumpulan nang marinig niyang binanggit nito ang pangalan niya.
"A-Ang lakas mo palang sumuntok, Charley." Natatawang sabi pa ng lalaki. Pinipilit tuloy niyang kilalanin ito. Napakurap-kurap siya. He seemed and sounded so familiar. Saan na nga ba niya ito nakita?
"It's Jin! We've met in the foodcourt last time." Pagpapaalala nito sa kanya, ilang saglit din siyang napaisip bago tinangu-tanguan ito. "Could you help me get in my car?" Pakiusap nito.
Mabilis naman niyang tinulungan ang lalaki. "Sorry. Hindi ko sinasadya ang ginawa ko. Akala ko kasi—stalker!" Hinging paumanhin niya.
Tumango ito at ngumiti. "It's okay, kasalanan ko naman e." napakamot ito ng ulo. "May pinuntahan kasi akong lugar na malapit dito, nang bigla akong mauhaw, kaya huminto ako sa 7/11, hanggang sa nakita kita. Nagdadalawang-isip ako kung lalapitan kita, kaya sinundan na lang kita, pero mali pala ako ng move..."
Napangiti siya ng apologetic. "Okay ka na ba? Baka gusto mong dalhin kita sa malapit na hospital?"
"Don't worry. Hindi na gaanong masakit." Natatawang sabi nito. "Ang lakas mo pala manikmura."
Nahiya tuloy siya sa ginawa niya dito, nagmistula kasi siyang basagulero dahil sa kanyang ikinilos. Napailing siya ng lihim.
"Charley, I wanna befriend with you."
Bigla siyang natigilan. May guwapong nilalang na nakikipagkaibigan sa kanya? "Why?"
"Because I find you so adorable."
"Me? A-Adorable?" nagtatakang tanong niya, na tinanguan ng binata.
Ilang minuto pa sila nagkakuwentuhan—nalaman niyang Engineer na pala ang binata, tulad ng Daddy niya, pero mas pinagtutuunan nito ang baseball as a playing coach. Ahead ito sa kanya ng tatlong taon, na tulad ni Train—nalaman niya 'yon kay Miss Mitchy no'ng tanungin niya ito. Nalaman din niyang film director ang tatay nito at nagmamay-ari ng isang publishing house ang Mommy nito.
Kapagdaka'y kinuha nito ang numero ng cell phone niya bago ito nagyaya na ihatid siya pauwi. Hindi na siya tumanggi dahil bawas-pamasahe din 'yon.