Chereads / My Fake Perfect Lover (Finished) / Chapter 10 - Chapter Nine: Si Ex!

Chapter 10 - Chapter Nine: Si Ex!

"AND THEY sealed it with a kiss. The End." Napangiti si Charley nang matapos niya ang kanyang bagong nobela—na pinamagatang 'Reel love to Real love'. Natawa siya dahil ito ang first novel niya na may ma-keso at may matamis na happy ending.

Mag-iisang linggo na simula nang ma-discharge siya sa hospital. At dahil maayos na nag pakiramdam niya at nag-uumupaw ang ideya sa kanyang utak, muli niyang hinarap ang kanyang pending na nobela.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lang 'yon ang naisipan niyang isulat sa huli, basta ang alam niya ay naramdaman na lang niyang 'yon ang bagay para sa ending. Marahil ang ampalaya niyang puso ay natunaw na ang napalitan na nang ma-keso at maasukal na puso. Not bad.

Proof reading na lang tapos ise-send na din niya ang nobela 'yon sa isang publishing house. At napapaisip na din siyang i-edit ang posted story niya sa wattpad. At gawan 'yon ng happy ending. Para matuwa na rin ang readers ng story na 'yon.

Bumalik na ang Daddy niya sa Middle East, nang masayang-masaya dahil friends na daw ito ang Mommy niya! Kung gano'n ba naman kakulit at kaguwapo ang Daddy niya, hinding-hindi ito mare-resist ng Mommy niya. Bumalik na din ang Kuya at si Sher sa apartment ng mga ito.

Nalaman din ng Daddy ang tungkol sa pagbenta sa bahay nila at sa kalagayan ng buhay ng kapatid niya, kaya binigyan ang Kuya niya ng kaunting halaga para makapagsimula sa buhay, lalo na ngayon at magiging mga magulang na ang mga ito.

Ang sabi din ng Daddy nila ay gagawa daw ito ng paraan para muling mabili ang bahay mula kay Train, nagkausap na rin ang mga ito. Pero maibalik man o hindi ang bahay nila, basta naninirahan siya doon, dagdag pa na kasama niya si Train at Andie ay sapat na.

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto niya. "Mommy, mommy..." nagmamadaling pumasok doon si Andie nang nakangiti at excited dahil sa hitsura nito. "Pinakain na namin ni Yaya Mayang si Dyesebel! She's super happy na." anang bata na tuwang-tuwa sa alaga niyang isda—nagmistula na ngang ito na ang may-ari sa isda, dahil sa pangangalaga nito.

"So sweet of you, baby. Thank you for taking care of Dyesebel." Nakangiting sabi niya, na ikinagalak ng bata. Mabilis niyang isinara si taptap para maharap ang bata. Saglit silang nagkakulitan nito at ipinakilala niya dito ang si Teddy the bear niya, hanggang sa pumasok si Train dahil naiwan ni Andie na nakabukas ang pintuan.

"I'm planning to visit the LS Charity by next week, are you guys wanna come with me?" tanong nito. Saglit silang nagkatinginan ni Andie bago tumango-tango sa lalaki na ikinangiti nito nang maluwang. "Great! Then after that we'll gonna tour around."

"Pagkakaguluhan ka, kapag namasyal tayo." Mabilis niyang sabi. Lalo pa ang matunog na matunog ang pangalan nito—dahil sa blockbuster movie nito at sa naganap na isyu sa pagitan nila na mabilis din nitong na-depensahan—sinabi nito ang buong katotohanan sa media na hindi siya ang totoong mommy ni Andie at handa daw nitong ipakilala sa lahat ang totoong mommy, kapag dumating na ang tamang panahon.

Ngumiti ito. "I'll wear my best disguise, ever. So, relax." Anito, tumango-tango na lang siya. Saglit itong nag-excuse sa kanila dahil may tawag ito sa cell phone nito. "She was being bash online?" narinig niyang sabi ni Train, saka niya ito nakitang napailing. "Do something, Mitch! Warn those bashers. No, magpapa-presscon na lang uli ako. Those bashers are really into my veins." Kunot na kunot na ang noo lalaki at tipong kaunti na lang ay sasabog na ito sa hitsura nito. "Okay, see you later." Napabuga si Train, bago muling humarap sa kanila ni Andie.

"Ah Train, ako ba ang tinutukoy mong bina-bash online?" tanong niya. Ramdam kasi niyang siya 'yong pinag-uusapan kanina.

"Don't worry, I won't let anyone harm you—physically and emotionally. Don't mind them, I can handle everything." Anito, saka ito ngumiti sa kanya.

"I'm sorry," nakakamot sa ulo na sabi niya, saka siya nagbaba ng tingin. Baka mamaya ayawan na din ito ng mga fans nito dahil sa kanya. Kung bakit ba naman kasi—naputol ang pagsesenti niya nang hawakan ni Train ang baba niya para iangat 'yon.

Umiling ito. "Past is past, Charley. Maayos din ang lahat ng ito."

"Paano kung... bigla kang talikuran ng mga fans mo dahil sa akin?"

Tumawa si Train na ikinagulat niya, saka nito kinurot nang magaan ang pisngi niya. "Mananatili ang mga fans na totoong nagmamahal sa akin, kung walang matira, ibig sabihin lang no'n na hindi sila solid fan." Tumango-tango siya. "I got to go. May pictorial pa ako. Uwi ako nang maaga para makasabay sa dinner." Nakangiting sabi nito, saka ito dumukwang sa harapan ni Andie at humalik sa ulo ng bata.

"Bye dad, see you later." Ani Andie, bago muling inabala ang sarili sa pakikipaglaro sa teddy bear niya.

Tinapik naman ni Train nang magaan ang ulo niya. Pero bago ito lumabas ng silid ay may itinanong pa ito. "Hindi talaga nanliligaw sa 'yo si Jin?" for the nth time, siguro ay may isang linggo na nitong itinatanong 'yon sa kanya, panay tanggi kasi niya—na friends lang sila ni Jin, pero kung papansin daw niya, iba ang mga titig ng binata sa kanya. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit nitong tinatanong 'yon.

Natawa tuloy siya. "For the nth time, no!" sagot niya. "At sa susunod na tanong mo niyan, no pa rin ang sagot. Pero bakit mo nga ba paulit-ulit na tinatanong? Hindi naman kaya..."

Ngumiti si Train. "Some other time, Charley. I'm already late." Saka ito nagmamadaling lumabas ng silid. Napangiti at naapiling na lang siya.

"LS stands for Little Swimmers? Wow! Ikaw ang founder ng Charity na ito? Akala ko ba takot ka sa pool at beach? Pero mayroon kang ganitong charity." Nagtatakang tanong ni Charley kay Train. Nasa LS Charity sila noon para bumisita sa mga batang may edad three years old hanggang nineteen years old.

May apat na malalaking pools doon; dalawa para sa mga kids at dalawa naman para sa mga teens. May dala-dala din silang mga swimming equipments at mga pagkain para sa mga ito.

Maaga silang umalis ng bahay para makarami sila ng pasyal para sa araw na ito. Nagdala sila ng isusuot na disguise mamaya kapag namasyal na sila—a cap, dark glasses and a long hair wig. Mabuti na lang at hindi nila kailangang mag-disguise ngayon.

Tumango-tango si Train sa sinabi niya. "I lose my five year old sister because she was drawn in the ocean. I was playing the sand when I heard and saw her drawning. I was twelve years old that time but it was all too late when I saved her." Nalungkot ang guwapong mukha nito. "Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat dahil ipinabantay si Sasha sa akin nina Mommy at Daddy. Pero inabala ko ang sarili ko sa ibang bagay." Anito.

"She was that little girl in the photo frame on your bed side table?" tanong niya na tinanguan nito.

"Simula no'n, sa tuwing nakakakita ako ng pool o beach, naaalala ko ang nangyari kay Sasha at the same time, gusto ko 'yong i-overcome dahil tatlong beses na nagpakita si Sasha sa panaginip ko—sinasabi niyang, gusto daw niyang mag-swim—kaya ako nagpatayo ng ganitong instusyon para sa mga bata." Kuwento nito. Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil 'yon, gusto niyang maramdaman nito na nandito lang siya para sa lalaki. "Magkamukha si Sasha at Andie, 'no?" nakangiting sabi nito, saka sila sabay na bumaling ni Train sa gawi ni Andie, na noon ay nakikipaglaro sa ibang mga bata sa pool.

Tumango-tango siya. "Ang sabi ni Yaya Mayang, hindi mo daw gustong mag-swimming. As in, isinumpa mo na din ang paglangoy simula nang mawala si Sasha?"

Saglit itong hindi nagsalita, ang akala tuloy niya ay na-offend ito, pero nagulat siya nang sumagot din ito. "Hindi naman. Nagi-guilty pa rin kasi ako sa pagkakapabaya ko sa kapatid ko. Hindi man ako direktang sinisi ng mga magulang ko, pero alam ko na ako ang dahilan nang maaga niyang pagkawala. Sakit ako sa ulo ng mga magulang ko Charley, ewan ko ba. Feeling ko hindi ako worthy maging anak nila—una, dahil masyado akong pabayang kapatid, pangalawa, sinuway ko ang kagustuhan nilang maging business tycoon katulad nila." Napayuko ito.

Hindi tuloy niya napigilang yakapin ito. "Hindi totoo 'yan!" mabilis niyang sabi. "Nangyari 'yon kay Sasha dahil time na niyang makapiling si God. Hindi ka pabayang kapatid, anak o ama, dahil isa ka sa mga reponsableng tao na nakilala ko Train, tulad ni Daddy. Saka pwede ka pa namang maging business tycoon sakali maisipan mo nang lumugar ang buhay mo sa tahimik. Pero tiyak, malulungkot naman ang milyon-milyon mong fans, kaya doon ka sa kung saan ka masaya. For sure, nakasuporta lang ang pamilya mo sa 'yo. Natanggap nga nila agad si Andie, 'di ba? 'Yon ay dahil mahal ka nila." Tumango-tango naman ito. Kumalas din siya sa pagkakayakap dito. "Cheer up! Alam nating masaya na si Sasha doon, kaya move on na rin." Aniya. Sa wakas ay ngumiti na rin ito. Saglit ay nagpaalam siya sa lalaki dahil pupuntahan niya saglit si Andie. Nasa tabi ng pool ang mga bata, hindi naman siya nagwo-worry para kay Andie dahil magaling daw itong lumangoy, ayon kay Train.

Malapit na siya noon sa gilid ng pool nang makita niyang mahuhulog na ang isang batang lalaki doon—sa pool na pang-teens na marahil nasa lagpas five feet din, dahil sa paglalaro nito sa bola nito, kaya mabilis siyang tumakbo para sagipin ito.

Nasagip niya ang bata pero siya naman ang nahulog sa tubig!

"SIR Train, si Miss Charley po, nahulog sa teen pool, hindi daw po siya marunong lumangoy—" hindi pa natapos sa sasabihin si Anna—isa sa tatlong facilitator sa charity— mabilis na siyang tumakbo patungo sa pool, sabay tanggal ng cap na suot niya—nang makita niyang pataas-pababa si Charley sa pool ay wala nang isip-isip na tumalon doon para iligtas ang dalaga.

Mabilis niyang d-in-ive ang pool para masaklolohan si Charley. Tinulungan naman siya ng mga tao sa paligid para maiahon agad ang dalaga sa pool. Saka din siya mabilis na umahon sa pool.

"Charley!" magaan niyang tinapik ang pisngi nito, ngunit hindi nagbukas ng mga mata ang dalaga. Sisimulan na sana niyang i-pump ang dibdib nito nang bigla itong bumangon nang nakangiti—na labis niyang ikinagulat. "C-Charley?" gulat na wika niya.

"E di nakapag-swim ka din." Nakangiting sabi nito. Nagpalakpakan naman ang lahat ng mga tao sa paligid na animo'y kasabwat nito sa mini-play nito. Lihim siyang napailing. Kaya pala walang tumulong sa dalaga kanina habang nalulunod ito dahil siya talaga ang gusto nitong sumagip dito, kaya pala duda na siya e, dahil may mga swimming instructors naman doon na pwedeng sumalba sa dalaga, pero kailangan ay siya pa ang magliligtas.

Napabuga siya ng hangin at tumayo mula sa pagkakaluhod sa harapan ng dalaga. "This is not funny." Naiinis na sabi niya—hindi dahil naloko siya nito, kundi dahil halos maramdaman uli niya ang kabang naramdaman niya nang nakita niyang nalulunod si Sasha.

Kaya sa thirteen years na lumipas ay pinag-aralan niya nang husto ang swimming para hindi na muling maulit ang masamang nangyaring 'yon. Gusto niyang maging isang mahusay at effective na swimmer na kayang magsalba ng buhay ng ibang tao.

Tumigil sa pagpapalakpak ang mga tao at nakatingin lang sa kanila ni Charley—habang siya ay nagwo-walkout, ito naman ay mabilis na nakaagapay sa kanya. Hanggang sa mabilis itong humarang sa daraanan niya.

"Sorry na, nahulog talaga ako sa pool. Kaya lang naisipan ko lang gawin 'yon dahil gusto kong maramdaman uli ng katawan mo ang paglangoy. Pasensya na talaga."

Napabuga siya ng hangin. "You scared the hell out of me, Charley!" aniya.

Mabilis itong nagtaas ng kanang kamay. "Promise, hindi ko na uli gagawin ang prank na 'yon."

"Dapat lang. Dahil kung hindi water proof itong cell phone ko, sira na 'to." Aniya, pero biro lang niya ito.

Bigla itong naalarma. "Hala! Mabuti na lang pala at hindi 'yan nasira. Kung hindi magkakatulong na talaga ako sa 'yo, forever."

"Ayaw na kitang maging katulong!" aniya, saka niya nilagpasan ito para bumalik sa kinaroroonan niya kanina, tatawagan na lang niya si Yaya Mayang para magpadala ng mga dami nila ni Charley doon.

Mabilis na nakaagapay ang dalaga sa kanya. "Ha? Bakit? Marunong na akong magluto, masarap pa nga e. Magaling na din ako sa iba pang gawaing bahay..." hindi niya napigilang mapangiti nang palihim. Kung alam lang sana nito ang ibig niyang sabihin. Pero saka na lang, kasalanan nito ang pag-udlot ng pagtatapat niya, dahil sa prank nito!

Yes! He is officially in love with the craziest girl he had ever met! Kung paano? Hindi na niya namamalayan. Basta, nagseselos siya lagi kay Jin kapag magkasama at magkatawag ang mga ito. Hindi siya makapag-focus sa ginagawa niya dahil masyado siyang distracted sa pag-iisip kay Charley. Ngayon nga lang din siya nasabihan ng isa sa mga director niya—na magseryoso siya, dahil nakaka-limang ulit na sila sa pagte-take nang parehong eksena.

"DAHIL may kasalanan ako sa 'yo, Train. Ako na ang taya para sa foodtrip nating tatlo para sa araw na 'to." Desididong wika ni Charley sa mag-ama.

Pagkatapos nilang bumisita sa LS Charity at nagpalit ng damit—na inihatid ni Yaya Mayang kanina doon—inimbita niya ang dalawa na magpunta sa Mall para mag-foodtrip at pagtapos no'n ay mamamasyal sila sa kung saan-saan—syempre, naka-disguise na silang tatlo! Mukhang effective naman dahil walang nakakakilala sa kanila.

"Sigurado ka ba dyan?" nakangising tanong ni Train. "Malakas akong kumain, sige ka."

Malakas kumain? Ows? Hindi naman halata e, takot yata ang fats sa katawan mo. "Oo nga, akong bahala. Let's go!" aniya.

"Let's go!" masayang sagot ni Andie. Saka ito humawak sa kamay ng Daddy nito at sa kamay niya. Para tuloy silang mukha ng isang masaya at kumpletong pamilya.

Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti dahil sa sayang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon. Hindi kailanman sumagi sa isipan niya na nadarating ang mga tulad ng ganitong pagkakataon.

Sa noodles house sila unang nagtungo, mahilig kasi talaga siya sa mga noodles. Hindi naman nagreklamo ang mag-ama, nakakatuwa nga dahil hindi maarte ang mga ito. Gusto kasi niyang dalhin ang mga ito sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng katulad ng mga ito. Sunod silang nagpunta sa foodcourt para kumain, ang dami no'ng tao pero may mga available seats pa rin naman. Sunod silang nagtungo sa ice cream parlor, sa bilihan ng tusok-tusok, bilihan ng cotton candy at sa lahat ng stalls sa lahat ng sulok ng Mall.

Pagkatapos nilang magpababa ng pagkain ay nagtungo sila sa arcade para sumayaw sa dance revolution. Nakakatuwa dahil siya lang sa kanilang tatlo ang hindi marunong sumayaw. Hindi niya lubos akalain na sa tangkad ni Train ay malambot ang katawan nito—pero sa huli ay si Andie ang nagkamit ng may pinakamataas na score sa kanilang tatlo.

Alas singko na sila lumabas ng Mall. Nagpunta sila sa isang malawak at magandang park para mag-bisekleta. At dahil hindi marunong mag-bike ng single si Train, isinakay na lang ito ni Andie sa tribike ng bata—tawa nga siya nang tawa dahil bigat na bigat si Andie sa pagpipidal nito. Sabay-sabay din silang nag-roller skate, sa pagkakataong 'yon ay pare-pareho na silang marunong no'n, kaya magkakahawak sila ng kamay habang sabay-sabay sa pag-i-skate. Ang saya-saya nilang tatlo, kahit sa huli ay nakakapagod.

Alas siyete y media na sila umalis sa park at sunod na nagpunta sa isang magandang restaurant. Pero dumaan pa sila sa Mall kanina para bumili ng proper attire dahil sa isang elite Italian resuraurant sila susunod na pupunta. This time ay wala ng disguise-disguise. Napapalingon sa mesa sa gawi nila ang mga taong naroon, pero dahil mga sosyal ang naroon, finesse na finesse pa rin ang kilos ng mga ito. At tila normal na lang ang makakita ng bigating personalidad sa showbiz.

"Mommy, Daddy. I really had fun a while ago!" masayang wika ni Andie.

"Kami din, baby!" magkasabay na wika nila ni Train, saka sila nagkatinginan at napangiti sa isa't isa.

Mayamaya ay dumating na ang kanilang mga orders. Napangiti siya nang makita niya ang carbonara na in-order niya, naalala kasi niya ang carbonara ni Train na niluto at ipinatikim nito sa kanya. Sinimulan na niyang lantakan 'yon—pero napailing siya, mas masarap ang luto ni Train! Sana sa bahay na lang sila kumain at si Train na lang ang nagluto—nawala ang nasa isip niya nang biglang dumukwang si Train na nasa harapan niya—kapagdaka'y pinunas nito ang gilid ng labi niya gamit ang hinlalaki nito.

"Messy eater." Nakangiting sabi nito, nanlaki ang kanyang mga mata nang isubo nito ang hinlalaki nitong ipinampunas sa gilid ng labi niya—that was an indirect kiss! "Ano sa tingin mo, mas masarap ang Carbonara ko, 'no?" nakangiting sabi nito na tinanguan na lang niya.

ALAS DIYES y media na sila nakauwi at tulog na si Andie na kinarga ni Train patungo sa kuwarto nito. Pagkatapos maglinis ng katawan at nagbihis ng damit ni Charley ay saglit siyang nagtungo sa kuwarto ni Train, nakabukas 'yon noon at wala ang lalaki kaya dahan-dahan siyang pumasok doon at lumapit sa bata na nakahiga na kama. Hinaplos niya ang magandang mukha nito.

"Paano nga kaya kung bumalik ang totoong Mommy mo? Paano kung hilingin niyang mabuo uli ang pamilya niyo—kakayanin ko kaya?" tanong niya sa tulog na bata. Napabuga siya ng hangin. Nagulat na lang siya nang may kamay na humawak sa mga balikat niya. Mabangong-amoy pa lang nito ay kilalang-kilala na niya.

"She really likes you a lot, Charley." Anito.

Ngumiti siya at tumango. "Gustong-gusto ko din si Andie." Aniya, kaya panigurado mahihirapan siya sakaling mawala na ang dalawang ito sa buhay niya—kung kailan niya napagtantong masarap pala sa pakiramdam na may kasama—bukod sa pamilya niya, saka naman.. Napabuga siya ng hangin.

"Gustong-gusto ka din namin ni Andie, Charley." Ani Train, na ikinabilis ng tibok ng puso niya. "At ayoko nang maging katulong ka sa bahay na 'to."

Mabilis siyang bumaling sa lalaki na noon ay nakangiti. "P-Pinapalayas mo na ba ako?" nagtatakang tanong niya. Ulyanin siya oo, pero sa pagkaalala niya, wala naman siyang nagawang kasalanan dito—oops, mayroon pala, dahil naputol niya ang kamay ng malaking robot nito. "N-Napansin mo na bang putol ang kamay ng malaking robot mo kaya pinapalayas mo na ako?" nabubulol na tanong niya.

"What? Naputol ang kamay ni Voltes V?" gulat na tanong nito, na mukhang ngayon lang nito nalaman. Saglit siyang napapikit at dahan-dahang tumango. "Okay. Don't worry, I'm going to find a person who could fix that robot."

"H-Hindi ka galit sa akin?" kasi ang ini-expect niya noon ay sisigawan siya nito at palalayasin, kaya nga hindi niya ipinagtapat e.

"Why would I do that? Silly!" nakangiting sabi nito, saka nito magaang tinapik ang ulo niya.

MAAGANG nagising si Charley para ipagluto at ipaghain ng agahan ang mag-ama. Naroon naman si Yaya Mayang para i-supervise ang kanyang mga ginagawa—napangiti siya nang sabihin ng matanda na pwede na daw siyang mag-asawa dahil mahusay na siya sa pagluluto.

Bukod sa writing, mukhang cooking naman ang susunod niyang kahihiligan. Kung makisusyo kaya siya sa Kuya niya para magpagpatayo ng restaurant? Hmm... pwede! Abala siya sa pagpi-preto at pag-gigisa nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran, muntik na tuloy niyang mabitawan 'yong hawak niyang sandok.

"Hmm... mukhang mabango 'yang niluluto mo." Puri pa nito sa niluluto niya, nagulat na lang siya nang ipatong pa ni Train ang baba nito sa balikat niya habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa.

Napatingin siya kay Yaya Mayang na naghuhugas sa may lababo at nang magtagpo ang kanilang mga mata ay mapanuksong ngiti ang iginawad ng matanda sa kanya. Ang totoo niyan ay matagal na siyang itinutukso kay Train, kaya lang ayaw naman niyang umasa na may damdamin ang lalaki sa kanya dahil imposibleng magkagusto ang isang sikat na sikat at napakaguwapong lalaki sa isang plane jane na tulad niya! Kaya inisip na lang niyang binibiro lang siya ng matanda, since anak na din ang turing nito sa kanya dahil matandang dalaga ito.

Ang bilis tuloy ng kabog ng puso niya. Parang biglang nawalan ng hangin ang buong paligid niya, kahit pa nakabukas ang mga bintana at mahangin sa labas gawa ng mga puno at mga halaman na nasa palibot ng bahay.

"D-Doon ka na sa table, malapit nang matapos itong niluluto ko." Kinakabahang wika niya, hindi kasi siya makapag-concentrate sa ginagawa niya. "M-May natimpla na akong kape mo."

Nanayo ang lahat ng mga balahibo niya nang maramdaman niyang ibinaon ng lalaki ang mukha nito sa kanyang leeg, ang init ng hininga nitong dumadantay sa balat niya ay nagbibigay ng milyo-milyong boltaheng tumatawid sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat.

"T-Train..."

Narinig niya itong humagikgik. "You smelled so sweet that's why I couldn't let you go." Anito. Naiilang tuloy siya. Siguro kung sa ibang tao, magmumukha silang bagong kasal sa ayos nilang dalawa ng lalaki ngayon. Akmang yayakapin ni Train ang baywang niya nang biglang may maliit at matinis na boses ang nakangiting tumawag sa kanila ni Train—si Andie.

"Mommy! Daddy!" ani Andie, saka ito nagmamadaling lumapit sa kanila at yumakap sa kanilang dalawa ni Train.

"Mommy is busy, so let's just seat over there." Ani Train sa bata, saka niya naramdaman ang magaang tapik sa kanyang braso. Nakahinga siya nang maluwag.

Nang matapos siyang magluto at maghanda ng mga niluto niya sa hapag kainan ay nagsimula na din silang mag-agahan. Natuwa naman siya dahil takam na takam ang mag-ama sa mga inihanda niyang agahan.

Nang matapos silang kumain ay nakakuwentuhan pa sila tungkol sa mga naganap na foodtrip at pamamasyal nila kahapon, pero naputol 'yon nang may tumawag kay Train—narinig niyang si Mitchy ang kausap ng lalaki, hanggang sa tuluyan nang nagpaalam si Train sa kanila dahil may mahalaga daw itong aayusin.

Pagkatapos niyang magligpit ng mga kinainan nila ay naglinis siya ng bahay kasama si Andie, naglaro ng videogames, nang mapagod si Andie ay nakatulog na ito, samantalang siya ay naging abala na sa pag-eedit ng kanyang story sa wattpad. Hanggang sa nabulabog ang katahimikan niya nang tumunog ang phone niya at ang Kuya Don niya ang tumatawag.

Tinatanong nito kung nanunuod daw ba siya ng TV, dahil nasa balita ngayon ang babaeng nagpakilalang totoong Mommy ni Andie—at kasama si Train sa isang presscon!

Mabilis pa sa alas kuwatro na nagtungo siya sa master's bedroom para manood—wala kasi siyang sariling TV—pagka-switch niya ay mukha nang napakagandang babae ang agad na nabungaran niya, kumabog ang puso niya—hindi niya maikakaila na magkamukha ito at si Andie, muling kumabog ang puso niya nang makita niyang katabi ng babae si Train na noon ay ini-interview ng mga newsreporter.

"Siya ba talaga ang totoong Mommy ng anak mo, Train?" tanong ng isang newsreporter kay Train.

Tumango-tango si Train sa lahat. "Yes!" tipid na sagot ng lalaki.

"So, bakit ka biglang lumantad sa media ngayon, Miss Cassandra?" bumaling ang reporter sa babaeng katabi ni Train.

"I was so sorry for my daughter that I couldn't take it anymore. So, I asked Train and his Manager to let everybody know about my real identity and to have this presscon. Dahil kapag dumating ang araw na malaman ni Andie ang ginawa kong ito, maging proud siya sa akin dahil inamin ko sa buong mundo na anak ko siya at hindi ko ginusto ang lahat nang paglilihim na ginawa ko. Nagkaroon lang ng circumstances na kailangan ko siyang iwanan kay Train, para mas maalagaan siya nang husto, pero I swear, hirap na hirap ako nang mga sandaling mawalay siya sa akin." Napaluha na ang babae na mabilis din nitong pinunas.

"Ms. Cassandra, nasagap din namin na matagal ka na daw engaged isang succesful business tycoon, totoo ba ito?"

"He broke up the engagement when he knew about this issue." Malungkot na sabi ng babae.

"That was a sad news. Pero in a brighter side, kapwa kayo walang mga karelasyon ni Train ngayon. Ang tanong ng madla, may chance pa ba na magkabalikan kayong dalawa?" nakangiting tanong ng reporter.

Hindi na nahintay ni Charley na sagutin ng dalawa ang katanungang ibinato ng reporter sa mga ito, dahil tuluyan na niyang pinatay ang TV! Bakit pa niya pakikinggan ang kasagutan ng mga ito—kung obvious naman na. Saka mabuti na rin sigurong magkabalikan ang mga ito, para muli nang mabuo ang pamilya ni Andie—may Daddy ito at bumalik na ang totoong Mommy nito at hindi na siya kailangan doon dahil substitute Mommy lang naman siya.

Hindi niya namalayang tumulo na pala ang kanyang mga luha. Masakit pala talagang ma-in love! Ngayon ramdam na niya kung ano ang nararamdaman ng mga characters sa stories niya sa tuwing hindi happy ang ending na isinusulat niya.