Chereads / My Fake Perfect Lover (Finished) / Chapter 11 - Chapter Ten: May forever! (Finished)

Chapter 11 - Chapter Ten: May forever! (Finished)

"DAHIL sa ipinakitang totoong pag-ibig at tapat na puso ni Hunter para kay Dayanne, bumalik ang dalaga sa tabi ng binata—naputol ang sumpang iginawad ng isang mangkukulam sa dalaga—na pagsapit ng ika-18th birthday nito ay maglalaho ito sa mundo—tanging ang wagas na pag-ibig lang pala ang katapat ng masamang sumpa na 'yon. Napayakap ang dalawa sa isa't isa. Wala nang sinuman ang makakapaghiwalay sa kanila. Great love conquers all. The end."

Napabuga ng hangin si Charley sabay inat nang katawan. Nakakamiss din palang maingay ang kapaligiran niya. Ironic, pero dati gustong-gusto niya sa isang lugar na tahimik at siya lang ang naroon, pero nag-iba na yata ang ihip ng hangin sa kanya.

Sa ngayon kasi ay mag-isa lang siya sa bahay; si Andie ay isinama nang totoong Mommy nito na mag-out of the country, ayaw nito nang una dahil hindi nito kilala ang babae at hindi siya kasama, pero dahil na rin sa convincing power ni Train para makilala nito ang ina at sa pagsama ni Yaya Mayang, sa huli ay sumama na rin ang bata.

Si Train naman ay may out of town taping para sa bagong teleserye nito at halos mag-aapat na araw na. Lately ay naging sunod-sunod ang nagiging projects ni Train, dahil yata 'yon sa matapang na pag-amin nito na isa na itong Ama—na mas lalong nakadagdag sa appeal nito sa mga taga-suporta nito.

Mabuti na lang at natigil na din ang pangba-bash na ginagawa ng mga tagasuporta ni Train sa kanya nang malaman ng mga ito ang buong katotohanan. Muli siyang napabuga ng hangin. Dapat masaya siya dahil tiyak na matutuwa na ang mga readers niya sa wattpad dahil maayos na ang pagwawakas ng story niya, kaya lang parang hindi niya magawang sumaya.

Para kasing laging may humahawak sa kaligayahan niya—'yon ay ang kaaalaman na malapit nang mabuo pamilya ni Train—na lahat ay umaayon sa tadhana! Hindi niya magawang magtanong sa current relationship status ni Train, dahil para na rin niyang pinapatakan ng kalamansi ang sarili niyang sugat—masakit!

Hindi man niya alam kung papaano nga ba nagkahiwalay ang mga ito no'ng una, siguro naman ay deserve din ng mga ito na maipagpatuloy ang naudlot na pag-iibigan, lalo pa at kailangan ni Andie ng mga magulang, dahil lumalaki at nagkaakisip na ito. At kahit mahal pa man niya si Train at mahihirapan talaga siyang kalimutan ito, kailangan niyang ipaubaya ito sa totoong Mommy ng bata, para sa ikabubuti ng pamilya ng mga ito.

At kapag nagkataon na mabuo na ang pamilya ng mga ito, isa lang ang ibig sabihin niyon—kailangan na niyang lisanin ang kinakalihan niyang bahay. Masakit umalis sa bahay na 'yon, pero para sa sugatan niyang puso na ayaw na niyang i-torture, kailagan na niyang umalis doon.

Napabuga siya ng hangin. Kung kaya lang sana niyang kalimutan ang masakit na nararamdaman niya, kaya lang sa tuwing ginagawa niya 'yon, mas lalong nagsusumiksik sa kanya ang lahat. Ironic, pero dati utak goldfish siya. At kung kailan dapat siyang makalimot ay mas lalo siyang nagiging maalalahanin.

At kung sakali man ay makikitira muna siya sa apartment ng Kuya at hipag niya habang naghahanap pa siya ng bagong bahay na malilipatan. For the nth time, napabuga muli siya ng hangin. Pakiramdam niya ay stress na stress siya—and for the first time, hindi dahil sa sinusulat o sa pamilya niya, kundi sa love life niya. Yes, love life. Hindi pala talaga birong ma-in love; feels like heaven but hurts like hell, really! Nagulat siya nang biglang tumunog ang phone na nasa tabi niya—si Jin ang tumatawag!

Kinukumusta siya nito at ang kanyang pagsusulat ng nobela. Naalala kasi nito na naudlot ang pagpapakilala nito sa kanya sa Daddy at iba pang movie writers noon, kaya kung gusto pa daw niyang sumama dito para makipagkilala sa mga ito, willing pa din daw itong samahan siya.

He's a great man, indeed. Kaya suwerte ang babaeng magugustuha nito! Naitanong niya minsan sa binata kung bakit napakabait nito sa kanya at ang naging kasagutan nito ay dahil nakikita daw nito ang Mommy nito sa kanya—cute at funny, dahil writer-slash-publisher ang Mommy nito.

"So, sama ka sa akin bukas sa Tagaytay? Birthday party ng Daddy bukas at doon gaganapin, invited din ang mga magagaling na movie writers at ibang mga publishers na friend ni Mommy, na maaari mong pagkuhanan ng mga tips, malay mo may maka-discover din sa 'yo doon. Allowed naman akong mag-imbita, basta kaibigan ko." Masayang imbita nito sa kanya. Hindi siya agad nakasagot dahil sa magkahalong excitement at lungkot na nararamdaman niya.

Excitement—dahil may chance nang maisakatuparan ang matagal nang minimithi ng puso niya—ang maging isang published writer. Malungkot din siya, dahil kung gaano na kalapit na sa kanyang mga kamay ang pangarap, pakiramdam naman niya ay lumalayo ang mga taong napalapit na sa puso niya—sina Train at Andie!

"Hindi ka na nakasagot dyan, hindi ka ba papayagan ni Train?" mayamaya ay sabi ni Jin.

"Wala naman kaming koneksyon ni Train bukod sa katulong lang niya ako, bakit hindi niya ako papayagan?" malungkot na wika niya. "Sasama ako sa 'yo sa Tagaytay, Jin. Saan tayo magkikita?"

"Sunduin na lang kita ng mga eight in the morning?"

"Sure."

"WOW! ANG ganda talaga dito sa Tagaytay! Ang fresh ng hangin, maganda ang kapaligiran, lalo na dito sa rest house niyo, ang laki at ang sosyal. Mahusay kang Engineer, katulad ng Daddy ko." Nakangiting puri ni Charley kay Jin. Nasa terrace sila ng bahay ng mga Perez noon para saglit na magpababa ng pagkain at mag-relax, mayamaya ay mamamasyal sila.

Napangiti naman ang lalaki at napailing. "Too much compliments." Sinundo siya nito kaninang umaga. At magtatanghalian na sila nakarating sa rest house ng mga ito sa tagaytay, dahil sa sobrang traffic.

Nag-iwan na lang siya ng sulat na nagsasabing umalis siya para sumama kay Jin sa Tagaytay, para hindi mag-alala kung sinuman ang maghanap sa kanya doon. Hindi pa naman niya nai-charge kagabi ang phone niya, kaya battery dead 'yon.

Mamayang gabi pa gaganapin ang birthday party ng Daddy ni Jin, pero maaga na silang nagpunta doon para makapasyal na din. Saka ayos na din 'yon para hindi siya maburo sa bahay nila. Mas lalo lang kasing nadaragdagan ang sakit sa puso niya.

"Ang layo ng Engineer sa mga hilig ng parents mo ha," nakangiting sabi niya. Movie Director ang Daddy nito, isang writer-publisher naman ang Mommy nito, tapos isa itong Engineer?

Tumawa si Jin. "'Yan din ang sabi ng iba kong mga kaibigan noon. Well, kanya-kanyahan naman ng hilig e, hindi por que ganito ang linya ng parents mo, gano'n ka na din—depende pa rin 'yan kung ano ang gusto ng puso mo, 'yon ang sundin mo." Paliwanag nito na tinanguan niya.

"May tama ka dyan, Jin! Ako din e, biology ang tinapos ko, pero tignan mo ako kung saan nahilig—sa pagsusulat at soon, mag-oopen na din ng restaurant. Ibang-iba sa linya ng pinag-aralan ko, pero dito din ako masaya e." Nakangiting sabi niya.

Tumango-tango ang binata. "Pero sa tingin ko, namana ko ang mga hilig ko—gaya nang pagdo-drawing at paglalaro ng baseball sa Lolo ko sa father's side, Engineer din kasi si Lolo at naglaro din siya sa baseball para sa National team noon." Nakangiting imporma nito.

"Ikaw paano ka nahilig sa pagsusulat?"

"Mahabang istorya." Nakakamot sa ulong sabi niya. "Pero hindi ako naniniwala sa happily ever after at forever noon."

"Until you met him?"

"Change topic!"

"Guilty!"

"Hindi, 'no!" mabilis niyang depensa, nagmistula talaga siyang defensive sa mga reaction na. Bahala na! "Huwag kang judgmental!" muling sabi niya na tinawanan na lang ng binata.

NAPAAGA nang uwi si Train mula sa kanyang limang araw na out of town taping para sa kanyang upcoming telenovela. May isang tao kasing gustong-gusto na niyang makita, ngunit mailap ang swerte ng pag-ibig sa kanya, dahil walang ka-signal-signanl sa lugar kung saan sila nagte-taping, kahit na sa bahay na tinutuluyan nila, nasa kasuluk-sulukan sila ng Pangasinan at hindi niya magawang tawagan si Charley para kumustahin ito.

Ang susunod na taping nila ay dito na sa Manila, kaya hindi na siya magwo-worry gabi-gabi kay Charley, kung kumusta ito o kung nagpapalipas ba ito ng gutom. He may sounded so cheesy, pero sa 'yon nga kasi ang nararamdaman niya. For the first time in forever, he thinks a lot for a girl.

Well, iniisip din naman niya dati si Cassandra, minahal niya ito ngunit two years after—they ended up their relationship and became friends. Cassandra is his only girlfriend. Nagkakilala sila sa Europe noon, nang minsan magbakasyon ang babae doon. Few months after, naging magkaibigan sila ang later on ay naging sila. Maayos naman ang samahan nila at mahal nila ang isa't isa, later they'd realize na mas okay sila bilang magkaibigan—napapadalas na kasi ang awayan nila sa mga simpleng bagay, selosan at kung anu-ano pa.

Pero kay Charley, malala e, na halos magpatayo na siya ng poste ng signal para magkasignal sa lugar o kung pwede lang umuwi at balikan, ginawa na niya, kaya lang ay malayo kasi at tiyak madami siyang maaabala kapag nagkataon. Sa loob ng ilang linggong nakasama ito—nasanay na yata ang mga mata niyang lagi itong nakikita paggising niya sa umaga at bago siya matulog sa gabi—but what made him fall for her was her genuine actions, being straightforward, funny, innocent and cute—dagdag pa na kasundo nito si Andie—na mahirap i-please ng ibang mga babaeng lumalapit sa kanya noon, including her real Mom.

"Charley!" nakangiting tawag niya sa dalaga. Saka siya nagmamadaling umakyat sa kuwarto nito, dahil doon na ito nananatili para magsulat ng mga nobela nito. Kinatok muna niya ang pintuan bago binuksan, pero wala siyang Charley na nakita. "Charley?" muling tawag niya. Tuluyan na siyang pumasok sa kuwarto para katukin ang bathroom nito, pero walang sagot. Bumaba uli siya at nagtungo sa kusina, baka nagluluto na ito ng early dinner, pero pagkarating niya doon ay wala pa rin, pati na rin sa maid's quarter. Baka naman nagdidilig ito sa hardin, hindi lang nila napansin ang isa't isa. Pero pagkarating niya doon ay wala pa rin siyang nakikita ni bulto nito.

Muli siyang bumalik sa loob ng bahay at umupo muna sa sofa sa sala, pagod siya sa limang oras na biyahe, wala pa siyang kain dahil balak niyang yayain ang dalaga na kumain sa labas—at balak niyang ibigay na rin ang regalo niya dito na tiyak na ikatutuwa nito—pero wala pala ito. Saan kaya ito nagsuot?

Mayamaya ay napansin niya ang isang maliit na note na nakapatong sa misita. Na-curious siyang buksan 'yon para basahin. Nang mabasa niya ang laman ng note—pakiramdam niya ay bigla siyang lumubog sa kinauupuan niya! Si Charley at Jin, magkasama sa Tagaytay at mag-o-overnight pa ang dalaga doon!

Huli na ba siya? Napasabunot siya sa kanyang buhok sa ulo. Magtatapat naman na siya ng totoong damdamin niya e, kinailangan lang niyang mag-ipon ng lakas ng loob, hindi ordinaryong babae si Charley—hindi ito tulad ng mga babaeng nakilala na niya at hindi ito naaakit sa mga pagpapa-cute niya, kaya pahirapan ito!

Doon niya biglang naalala na inimbita pala siya ni Direk Andoy—na Daddy ni Jin, dahil may gaganapin na birthday party ito sa rest house ng mga Perez sa Tagaytay, na tinanggihan niya dahil akala niya ay hindi siya makakadalo, pero sa tingin niya ay makakadalo na siya!

"YOU LOOK really amazing tonight, Charley." Nakangiting puri ni Jin sa kanya. Nasa events hall ng rest house ng mga Perez ginaganap ang Party ng Daddy ni Jin. Ang daming mga pagkaing nakahanda, iba't ibang mga inumin, desserts at kung anu-ano pa. Mabuti na lang at nagdala siya ng formal attire, dahil mukhang halos bigatin ang mga bisita doon.

"Salamat." Nakangiting sambit niya. Nakasuot siya noong matingkad na yellow below the knee dress, bagong bili lang niya 'yon nang madaan siya sa Mall. Para hindi naman siya masabihan na iisa lang ang dress na isinusuot niya. Tinernuhan niya ng yellow din na high heels saka itinitirintas ang kanyang lagpas balikat na buhok at saka isinuot ang kanyang contactlenses.

Niyaya siya ni Jin para maipakilala sa mga head writers na naroon sa party. Mababait at approachable ang mga ito. Nagkakuwentuhan sila tungkol sa pagsusulat at binigyan siya ng mga tips at pieces of advice. Sunod silang nagtungo sa kinaroroonan ng parents ng binata, binati niya muna si Direk bago nakipag-shakehands sa mga ito.

Napaka-cute at down to earth ang mga ito, at mukhang mga bagets pa rin kahit nasa lagpas fifty na ang edad ng mga ito. Sabi ni Jin, mabuti na lang daw at mabait itong anak, dahil kahit mag-isa ito, hindi nito binigyan ng rason para ma-stress ang mga ito dito.

Naalala din tuloy niya ang mga magulang niya. Ayon sa Daddy niya ay patuloy pa rin daw nitong sinusuyo ang Mommy niya, friends na ang mga ito, pero kailangan ng Daddy niya na ma-earn uli ang trust ng Mommy niya—alam niyang pagtatagumpayan ng Daddy niya 'yon, dahil kilala niya itong mabait at matiyagang tao. At kapag nagka-libre siya ng oras, dadalawin nilang pamilya ang Mommy niya sa States. Isama mo na sina Train at Andie! Napailing siya sa kanyang huling naisip. Paano niya maisasama ang dalawa? Sila ba ni Train? Ano'ng rason?

Nagkakakuwentuhan sila ni Jin at nang mga magulang nito nang biglang may nag-excuse sa kanilang likuran—sabay-sabay silang napalingon at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Train doon—na sa pagkakaalam niya ay nasa taping ito sa Pangasinan.

"Train!" korus nilang sambit.

"I didn't know you're coming." Nakangiting sabi ng Daddy ni Jin, saka nito tinapik ang balikat ng lalaki. Naagaw tuloy ni Train ang lahat ng atensyon ng mga imbitadong guests doon. Bumati rin ang Mommy ni Jin, makikipag-high five si Jin kay Train pero hindi 'yon pinaunlakan ng lalaki.

"He is jealous!" nakangiting bulong ni Jin sa kanya, na ikinailing na lang niya. Ayaw niyang mag-assume sa sinabi nito—lalo naman sa pagpapakita ni Train doon!

"Ah dude, direk, tita. Please excuse us." Magalang na paalam ni Train sa mga kasama nila, bago siya hinila palabas ng events hall patungo sa terrace kung saan silang dalawa lang ang naroon.

At dahil naka-sleeveless lang siya at mahangin doon ay nilamig siya. Kaya nagulat siya nang mabilis na hinubad ni Train ang itim leather jacket nito saka ipinatong sa balikat niya. Nag-iwas siya ng tingin nang magtagpo ang kanilang mga mata, dahil animo'y kahit mahangin sa lugar ay tila mawawalan na siya ng hangin sa katawan dahil sa labis na kaba na dulot nito.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?" aniya.

"Sinundan ka!" diretsong sagot nito na ikinalaki ng mga mata niya, kaya napatitig siya sa lalaking noon ay titig na titig pa rin sa kanya. "Dahil gusto kita—hindi—mahal kita! Charley, ayaw na kitang maging katulong dahil gusto na kitang maging girlfriend. Mahal na kita at ang lahat ng kabaliwan mo!" pagtatapat nito, na ikinatigil nang pag-inog ng kanyang mundo. "Mahal kita at hindi ko alam ang eksaktong rason kung bakit at ano ang nangyari. At hindi ko din alam noon kung bakit hindi ako natu-turn off sa mga kabaliwan mo—pero ngayon alam ko na ang dahilan—'yon ay dahil laman ka na nito." anito, saka nito itinuro ang tapat ng puso nito. "I wasn't planning on falling in love with you—but falling in love with someone like you is the best feelings in the world and I'm happy I did." He gently cupper her face with his warm hands. "Huli man ako, gusto ko pa rin malaman mo ang nararamdaman ko sa 'yo." Sa sobrang pagkabigla niya sa pagtatapat nito ay nanatili lang siyang nakatitig dito at walang masabi, hanggang sa...

"Train, 'yong mga sinabi mo... part ba 'yon sa script na mini-memorize mo?" natanong tuloy niya, hindi siya makapaniwala! Ang isang almost perfect na lalaki—magkakagusto sa baliw-baliwan na katulad niya? No way!

"I'm deadly serious, Charley!" seryosong wika nito. "You make me happy in a way no one else can. I just want to be yours, but you can never be mine now." malungkot na wika nito.

"Ha?"

"Seryoso na si Jin sa 'yo, ipinakilala ka na nga niya sa mga magulang niya e. And he even invited you here, where only close family and friends were invited."

Hindi tuloy niya napigilang matawa sa sinabi nito. "Hindi kami at walang kami ni Jin, Train." Natatawang paliwanag niya. "Dinala ako ni Jin dito para ipakilala sa Daddy niya at sa mga movie writers para humingi ng tips sa pagsusulat. Wala nang iba." Napahagikgik siya nang manlaki ang mga mata nito dahil sa pagtataka. "At dahil bored ako at masakit ang puso ko, kaya sumama na rin ako."

"Masakit ang puso mo? Why? Did you see a cardiologist already?" biglang nag-panic ang hitsura at boses nito, kaya muli siyang natawa.

"Don't worry, Train. Kapag tuluyang nahulog sa sakit sa puso ang pagiging broken hearted ko, nandyan naman si Mommy para gamutin ako."

"Broken hearted ka?"

Tumango siya. "Are you sure, 'yong mga sinabi mo, hindi parte ng script mo sa movie o telenobela?" tumango din ang lalaki at ngumiti, lumabas tuloy ang cute na dimples nito. "Pero... 'di ba malapit nang mabuo ang pamilya niyo? Train, ayokong makasira ng pamilya. Kaya niyo pang mabuo 'yan para magkaroon nang magandang pamilya si Andie. Give your love a second chance, mukha namang mahal ka pa rin ni Cassandra at tiyak mahuhulog pa uli ang loob mo sa kanya tulad nang dati—" naputol ang mahaba niyang litanya nang takpan nito ang bunganga niya ng mga labi nito at nang naramdaman nitong nakalma na siya ay saka nito tinapos agad.

"I wanna be your first kiss, first love and first everything, Charley. I'm really serious with you, I love you." Madamdaming wika nito.

"Pero Train, 'di ba nga naglasing ka pa dahil kay Cassandra? Isipin mo din na may anak kayo."

Lumapit si Train para yakapin siya nang mahigpit. "Isang beses ko lang itong sasabihin, kaya makinig ka." Imporma nito, na mabilis niyang tinanguan. Napabuga ng hangin si Train, bago ito nagsimula sa sasabihin nito. "Seriously, hindi ko talaga anak si Andie."

"What?" nagulat na wika niya, saka niya mabilis itong tinulak para makita ang mukha nito.

Tumango-tango si Train sa kanya at walang bahid ng kasinungalingan ang nababasa niya sa mga mata nito. "Anak ni Cassandra si Andie sa lalaking nakilala niya sa bar nang isang gabing mag-bar hopping siya. They did that at nagbunga ang kanilang ginawa. At dahil ako lang ang kaibigan niya, ako agad ang hiningan niya ng tulong, pero matagal na kaming hiwalay noon, napag-desisyonan naming mas maganda ang samahan namin bilang magkaibigan. At para itago ang kanyang pagbubuntis, nagpahanap siya ng apartment sa Europe para matirhan, nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbabakasyon muna doon dahil kaga-graduate lang niya noon. Hindi niya kayang sabihin 'yon sa mga magulang niya lalo pa at wala siyang ipapakilalang ama ng kanyang magiging anak, isang malaking kahihiyan sa pamilya nila." Kuwento nito. Buong tainga naman siyang nakikinig dito. "At nang manganak siya, balak niyang iwanan ang bata sa bahay-ampunan dahil takot na takot siya, pero nag-offer ako na ako na lang ang magpapalaki sa bata. Naawa ako sa bata at parang nakikita ko sa kanya si Sasha. Kumuha ako ng pilipinang katulong para kasama kong mag-alaga sa bata. Alam din ng parents ko ang tungkol dito, no'ng una ay ayaw nila, pero nang lumalaki na si Andie—na ako na ang nagpangalan, napapamahal na rin ang lahat sa kanya, dahil napaka-cute at bibong bata niya." nakangiting sabi nito, na ikinangiti din niya. He is truly responsible. Hindi tuloy niya mapigilang mas humanga dito. "At dahil napanood niya ang news tungkol kay Andie at inuusig na din si Cassy ng konsensya niya sa loob ng apat na taon at hindi na niya kayang itago ang katotohanan, nagkaroon siya ng lakas ng loob para ipagtapat sa mga magulang niya at sa fiancé niya ang tungkol kay Andie, kaya nagkahiwalay sila ng fiancé niya. Na-disappoint kasi sila sa naging pasya ni Cassy na ipaampon sa iba ang apo nila sa nag-iisang anak nila, pati na ang fiancé niya. Nagkalakas-loob din siyang aminin sa media ang lahat dahil sa kumalat na balita na walang ina si Andie—ayaw niyang ma-bully si Andie ng mga tao sa paligid. Temporarily, ako muna ang ama ni Andie, dahil wala pa siyang balita sa totoong Daddy ni Andie at ipagtatapat din namin kay Andie ang lahat, kapag kaya na niyang intidihin ang mga bagay-bagay sa mundo." Nakangiting paliwanag nito. "Kaya nang magpaalam si Cassy sa akin kung maaari niyang isama si Andie sa States para ipakilala sa parents niya at sa dati niyang fiancé, pumayag ako. And she texted me a while ago, after five days na panunuyo, nagbunga din daw ang lahat. Pinatawad na siya at ng fiancé at mga magulang niya. At good news, makakauwi na si Andie sa atin."

"Okay lang na umuwi sa atin si Andie?"

Ngumiti si Train. "Oo naman. Ako kaya ang Daddy niya at ikaw ang Mommy niya." nakangiting sabi nito. "Pero syempre may Mama Cassy pa siya at soon Papa Dustin niya. At anytime naman pwede nilang hiramin si Andie, pero sa atin muna si Andie." Masayang sabi nito.

Sa sobrang saya nang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yon ay napayakap siya sa lalaki na tinugon naman agad nito.

"I also wanna be your last kiss, last love and last everything, Train. Seryoso, mahal din kita. At kahit madami pang magalit sa akin na mga fans mo dahil feeling nila inagaw kita sa kanila, wala na akong pakialam."

"No Charley, if they are really a solid supporter like I've said before, they'll stay no matter what happen to me, even if I get married... with you."

"Kasal? Tayo?" kumalas siya dito.

Tumango ito at ngumiti. "Para tuluyan nang magkaroon ng Mommy si Andie."

PAGKATAPOS ng party ay sumabay na siya kay Train pauwi sa Manila. Masaya ding malaman ni Jin na sa wakas ay umamin na silang dalawa ni Train sa tunay na nararamdaman nila para sa isa't isa.

KINABUKASAN ay ang nakangiting mukha ni Train ang nabungaran niya, may bitbit pa itong tray na naglalaman ng agahan niya. Ipinatanong agad nito 'yon sa bedside table niya at may kung anong dinukot sa likuran nito.

"Matagal ko nang planong ibigay sa 'yo ito, kaya lang hindi ako makakuha ng tamang tiyempo." Nakangiting sabi nito, saka nito inabot sa kanya ang isang puting envelop.

Mabilis naman niya 'yong binuksan at binasa at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto niya ang laman ng kasulatan na ipinabasa ni Train sa kanya.

"Ibinabalik mo na sa pangalan ko ang bahay na ito?" gulat na sambit niya.

Tumango at ngumiti si Train. "Nang kausapin ako ng Daddy mo over a phonecall, sinabi niyang bibilihin niya muli ang bahay na ito, pero tumanggi ako, dahil ibibigay ko din sa 'yo ang bahay na nito, as a gift of my love." Nagulat siya nang bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya. "Kaya kong iwanan ang showbiz world, pakasalan mo lang ako." anito. Hindi siya kaagad nakaimik kaya muli itong nagsalita. "Are you willing to live with me in this house, with Andie—forever?" Tila nawalan siya ng boses pero gustong-gusto na niyang sumagot ng yes, mabuti na lang at nakatango-tango siya, kaya mabilis siyang sinugod ng yakap nito. "Yes!" masayang sambit nito, saka siya pinaliguan ng halik sa mukha. "Dahil sa 'yo nakapangalan ang bahay na 'to, ako naman ang magsisilbi sa 'yo, kaya nagdala ako ng agahan mo, mahal kong prinsesa." Nakangiting sabi nito.

"Train, may sasabihin ako sa 'yo." Nakangiting sabi niya, nagulat na lang ito nang mabilis niyang hinila ang kuwelyo ng damit nito at hinalikan ito sa mga labi nito. Wala na siyang pakialam kung hindi pa siya nagto-toothbrush, basta ang alam niya ay napakasaya niya nang mga sandaling 'yon, tiyak kapag nalaman ito ng pamilya niya at ni Andie, masisiyahan din ang mga ito sa kanila.

A MONTH after ay naka-receive si Charley ng isang text message mula sa publishing house na pinagpasahan niya ng manuscript niya. They gladly informed her na approved na ang nobela niyang 'yon, kaya sa labis niyang tuwa ay napasugod siya sa mag-ama na noon ay abala sa paglalaro ng video games sa kuwarto ng lalaki at niyakap ang mga ito.

A week after ay tumawag naman si Jin at sinabi nitong may gusto daw makipag-usap na isang movie director sa kanya, mukha daw interesado ito sa wattpad story niya. She was very thankful and happy, dahil sa sunod-sunod na blessings na dumadating sa kanya, dagdag pa na malapit nang mapasakamay ng Daddy niya ang matamis na oo ng Mommy niya—may soon to be pamangkin pa siya, sinisimulan na ding itayo ang plano nila ng Kuya Don niya na restaurant, may daddy na din sina Dyesebel at taptap.

And of course she has Train Evan and Andie. Indeed, she was really blessed. Nothing is better than having them in her life and vice-versa.

-WAKAS-