Chereads / My Fake Perfect Lover (Finished) / Chapter 8 - Chapter Seven: Premier night!

Chapter 8 - Chapter Seven: Premier night!

ALAS SIYETE pa lang nang gabi ay nasa venue na si Charley para sa premiere night ng movie na i-d-in-irect ng Daddy ni Jin—kasama niya si Andie. Halos maglupasay sa pag-iyak ang bata dahil gusto nitong sumama sa kanya, kaya sa huli ay palihim niya itong isinama, tutal wala naman ang Daddy nito sa bahay.

I-t-in-ext na niya si Jin kanina na magkita na lang sila sa sinehang sinabi nito, nakakahiya naman kasing magpasundo pa siya dito, hindi naman siya princesa, kahit gusto pa siyang sunduin nito.

Napamaang siya. Sobrang daming tao—mga fans, na may dala-dalang mga tarps at kung anu-ano pa ang naroon sa venue. Kabubukas pa lang ng movie ay mukhang patok na agad ito sa takilya. Naku! Magawa lang na movie ang isa sa mga akda niya, pwede na siyang kunin ni San Pedro!

Nasa gilid lang sila ni Andie habang naghihintay kay Jin, ang sabi nito ay malapit na daw ito doon, medyo traffic lang daw. Nagulat na lang sila ni Andie nang bigla na lang silang makarinig nang malakas na tilian mula sa mga taong naroon—marahil ay may celebrity nang dumating. Nakita niyang may naglalakad na noon sa red carpet, hindi niya lang makilala kung sino 'yon dahil nasa likuran silang bahagi, dagdag pa na wala din siyang kilalang artista.

Hinila niya si Andie para lumapit sa kinaroroonan ng mga tao, nacu-curious kasi siya kung sino ang tinitilian nang malakas, ngunit masyadong madaming tao para makita kung sino 'yon, kaya kinailangan pa niyang tumingkayad dahil mas matangkad ang mga tao sa harapan niya kahit naka-takong na siya, nakita lang niya na ang mukha ni—Train? Kamukha ni Train ang lalaking nakita niya o baka naman sa sobrang pag-aalala niya na baka hanapin sila ni Train sa bahay ay pati dito sa sinehan ay nakikita na niya ang mukha nito.

Nagulat siya nang bigla na lang may kumalabit sa kanyang likuran—paglingon niya ay ang nakangiting mukha ni Jin ang nabungaran niya, nagulat din ito na may kasama siyang bata, kaya ipinakilala niya ang mga ito, muntik pa nga siyang madulas na anak ni Train si Andie, mabuti na lang at mabilis niyang nabawi at ipinakilala ang bata bilang anak ng isa sa mga pinsan niya.

"You look so beautiful tonight, Charley." Nakangiting puri ni Jin sa kanya.

Pakiramdam tuloy niya ay biglang namula ang kanyang magkabilang pisngi. "H-Hindi naman." Nakakamot sa ulo na sabi niya. Suot niya ang nag-iisang matingkad na green above the knee dress niya, pink high heeled shoes, saka niya isinuot ang contact lense niya at nag-buns ng buhok.

"Mommy, is he your boyfriend?" tanong ni Andie na ikinalaki ng mga mata niya—tinawag siya nitong Mommy sa harapan ni Jin, baka mamaya magduda ito kung sino talaga ang batang kasama niya.

Mabilis siyang yumuko para kausapin ang bata. "Baby, sa bahay mo lang ako pwedeng tawaging Mommy, hindi pwede kapag nandito tayo sa labas." Imporma niya sa bata.

Nagtatakang napatitig sa kanya ang bata. "But why, Mommy?"

Napakamot na lang siya ng ulo. Sa loob ng isang linggong pagtawag nito sa kanya ng Mommy—na sinang-ayunan lang ni Train—marahil ay nasanay na ito sa tawag ng bata sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin, nang umayos siya ng tayo at bumaling kay Jin ay punong-puno nang pagtataka ang mga mata nito, ngunit nakangiti pa rin sa kanya.

"G-Gusto kasi talaga akong tinatawag na Mommy nitong pamangkin ko." Nakangiting palusot na lang niya sa lalaki.

"Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?" anito. Ngumiti siya at umiling lang sa lalaki, slight lang. "Tara na sa loob," nakangiting yaya na nito sa kanila ni Andie. Pang-pamilya daw ang genre ng movie, kaya pwedeng-pwede doon si Andie. Habang naglalakad sila papasok sa sinehan ay napapalingon si Jin sa kanya.

"Ang cute niyong tignan ni Andie, para talaga kayong mag-mommy." Nakangiting sabi nito, na nginitian na lang din niya. "By the way, ipapakilala kita mamaya sa mga editors na kaibigan ng Mommy, baka matulungan ka nila sa pangarap mong maging published writer." Nakangiting sabi nito.

Biglang nagningning ang kanyang mga mata at sa labis na kasiyahan niya ay napayakap siya kay Jin. "Salamat! I truly appreciate this, Jin." Hindi pa sana siya kakalas sa yakap sa binata dahil sobra talaga siyang thankful, nang umatungal si Andie dahil naipit ito sa pagitan nila ni Jin.

SA BALCONY silang tatlo pumuwesto. Madami na rin noon ang mga tao sa loob, pero crowded pa rin sa labas at hindi nakapasok ang iba.

"Ang galing naman ng Daddy mo at ng writer ng movie, dahil mukhang dinadagsa itong movie." Puri niya.

Nakita niyang ngumiti si Jin sa kanya. "Yeah, partly true. Pero hindi lahat dahil kina Daddy at sa mga writers and staffs, dahil ang totoo niyan, patok ang movie na 'to dahil sa mga actors especially sa lead actor sa movie na 'to." nakangiting sabi ni Jin.

Tumango-tango siya. "Ang galing!" humahangang sabi niya. Tumango-tango naman ang lalaki. "Mukhang maganda rin ang plot ng movie." Aniya. Pero kababasa lang niya kanina ang title ng movie—A Date for Rent!

"You must really watch this, dahil madami kang makukuhang ideas sa movie na 'to," he smiled at her. "After the movie, ipapakilala din kita kay Daddy at sa head writer ng movie na 'to, para makakuha ka ng advice sa kanila."

Muling nagningning ang kanyang mga mata dahil sa kanyang narinig. "Thank you, Jin." Ngumiti ang lalaki. Naagaw ang kanilang atensyon dahil sa hiyawan ng mga tao sa loob ng sinehan, magsisimula na kasi ang movie—hanggang sa bumungad sa kanya ang mukha ng bidang lalaki na ikinalaki ng kanyang mga mata. Train? Si Train?

"It's Daddy—" masayang sigaw ni Andie, na mabilis niyang napigilan.

"Yeah, it's Train." Singit niya, para linlangin ang pandinig ni Jin. Saka siya lihim na nailing.

"Pati mga bata, kilala si Train Evan Sebastian! Ibang klase." Nakangiting sabi ni Jin, pakiramdam niya ay tabingi na ang ngiti niya sa lalaki—paanong hindi niya agad nalaman na si Train ang bida sa movie na 'yon? Oo at narinig niyang may upcoming movie itong ipapalabas sa sinehan—pero nakalimutan kasi niyang itanong ang title at ang premiere night no'n. Anak ng itim na uwak naman oh!

At kung si Train ang bida sa pelikulang 'yon, malamang ay naroon din ito ngayon sa sinehang 'yon. Patay siya kung sakali mang makita siya nito kasama ang anak nito. Napakagat siya sa ibabang labi niya.

"Bigla ka yatang natahimik dyan," kalabit ni Jin sa kanya, kailangan siyang kalabitin nito dahil nasa gitna nila si Andie na tuwang-tuwang nanunood sa movie ng Daddy nito.

Umiling siya. "Ang ganda lang kasi ng movie at ang—" biglang natuon ang kanyang mga mata sa malaking projector at sakto naman ang buong mukha ni Train ang naka-focus doon. "G-Guwapo ng bidang lalaki." Pamumuri niya na biglang lumabas sa bibig niya, saka lang niya napagtanto ang sinabi niya nang marinig niyang tumawa si Jin.

"Don't worry, ipapakilala din kita sa kanya mamaya. He is a friend of mine, nagkakilala kami through Daddy years ago." Anito.

Nanlaki tuloy ang mga mata niya saka mabilis na umiling. "Huwag na, baka busy siya sa marami niyang fans after the movie." Palusot niya. Hindi sila maaaring makita ni Train!

"May inihandang party si Daddy mamaya after nitong premiere night and I was invited. At kung imbitado ako, imbitado ka na rin—and there, we can talk to Train exclusively."

Napanganga siya. "Ha? Naku, huwag na! Huwag na natin siyang abalahin."

"Hindi tayo makakaabala sa kanya, promise! And aside from that, pagbibigyan ako no'n."

Paano ba niya mapapasuko si Jin sa pangungulit nitong ipakilala siya kay Train? Hindi pwede! Patay na siya!

BUONG movie ay hindi siya nakapag-concentrate dahil sa bumabagabag sa kanya. She was torn of going on or going home. Going on—gusto niyang makilala ang mga gustong ipakilala ni Jin sa kanya na mga writers at ang daddy nito. Going home—dahil baka ipakilala din siya kay Train.

Hanggang sa tuluyan nang natapos ang pelikula. Siksikan ang paglabas ng mga tao noon sa sinehan, kaya nagpaiwan muna silang tatlo sa loob ng sinehan.

"It was a very good movie." Nakangiting sabi ni Jin.

"Yeah." Aniya, pero hindi naman niya gaanong naintindihan ang movie.

Malakas na tilian at hiyawan ang naririnig niya nang papalabas sila sa sinehan, mukhang pinagkakaguluhan na si Train, sana ay hindi mag-krus ang kanilang mga landas.

HINDI PA rin naaalis ang kaba ni Charley. Nasa garden resort sila ni Andie dahil nagpumilit si Jin na isama sila doon, saka nagugutom na din kasi ang bata, kaya wala na siyang nagawa, gagalingan na lang nilang magtago ni Andie.

"Dito muna kayo ha, may kakausapin lang akong importanteng tao saglit, pumila na kayo ni Andie sa buffet table tapos susunod na lang ako, then mamaya ipapakilala ko kayo kina Daddy at Train." Nakangiting paalam ni Jin sa kanya, tumango at ngumiti na lamang siya dito.

Sinuyod niya ang buong kapaligiran sa Garden resort, ang luwang at ang ganda ng lugar, mukhang mayayaman lang ang pwedeng makapunta sa lugar. Para itong paraiso na napapalibutan nang maraming puno at bulaklak. Malaki din ang pool na nasa gitna at may mga maliliit na kandila at rose petals na naroon.

Narinig niyang biglang kumulog ang tiyan nila ni Andie nang magkasabay, kaya nagkatinginan sila at nagkatawanan! Mukhang nagrereklamo na ang mga alaga nila sa tiyan. Kaya nakipila na rin sila ni Andie sa buffet table para kumuha ng kanilang pagkain.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang mga nakahanda—it was her dream foods—as in sa mga libro at youtube niya lang nakikita ang mga 'yon. Ang swerte naman niyang matikman ang mga ito!

Mabilis siyang kumuha ng plato nila, saka na siya nagsimulang magsalin ng pagkain nila ng bata. Pwedeng unli kuha ito. Ngunit napatigil siya sa pagsasandok ng pagkain nang biglang sumigaw si Andie.

"Daddy!" anito, na ikinalaki ng mga mata niya. Mabilis niyang binitiwan ang platong hawak niya saka bumaling sa batang noon ay nakangiting nakatingin sa lalaking nasa harapan nito, na walang iba kundi si Train.

"A-Andie?" narinig niyang nagtatakang sabi ni Train, saka ito bumaling sa kanya. "What are you doing here?" he mouthed. Huli na nang mapagtanto niyang nahakot na nilang lahat ang atensyon ng mga taong naroon. Patay!

"Daddy!" muling sabi ni Andie, saka ito mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ng Daddy nito at yumakap sa ama—narinig niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid saka nagsimula na ang bulung-bulungan.

"B-Baby..." ani Train, saka nito tinapik-tapik ang likuran ng bata. He was caught because of her negligence. Ano nang gagawin niya?

Mabilis siyang nakalapit sa dalawa, saka hinila si Andie sa ama nito, pero ayaw nitong bumitiw sa lalaki. "Andie, umalis na tayo dito. Inaantok na ako." palusot niya sa bata, pero umiling-iling ito.

Napatalim ang tingin ni Train nang mapansin nitong marami ng mga camera ang nakatutok sa kanila, tiyak pagpipiyestahan ito sa mga tabloids bukas. Ilang sandali pa ay may isang kagalang-galang na babae ang lumapit sa kanila—mukha itong reporter o kung anuman.

"Train Evan Sebastian, maaari mo bang ipaliwanag ang 'Daddy' thingy na itinawag sa 'yon g batang babaeng nakayakap sa 'yo ngayon?" diretsong tanong ng babae, nakatutok na noon ang videocam sa mag-ama. Napakagat siya sa ibabang labi niya, kasalanan niya ang lahat ng ito!

Nakita niyang napapikit si Train at napabuga ng hangin at akmang sasagot pero mabilis siyang sumingit. "Hindi." Aniya, kaya sa kanya na nakatutok ang camera ngayon. Bumaling naman sa kanya ang babae na mukhang nakahanap ng bagong iinterview-hin.

"And you are?"

"She's my mommy," mabilis na sagot ni Andie sa reporter, saka nito hinawakan ang kamay niya, "And his my Daddy." At hinawakan din nito ang kamay ni Train. Halos malaglag ang kanyang puso sa labis na kaba dahil sa kaganapang nangyayari. Muling napasinghap ang mga tao sa paligid.

Mabilis siyang umiling-iling sa mga taong naroon—marahil ay nagmumukha na siyang defensive sa mga inaakto niya. "Hindi totoo 'yong sinabi ng bata, nagjo-joke lang siya." Pilit siyang ngumiti sa mga tao, bago mabilis na hinila ang bata paalis sa lugar. Nang makita niyang sinusundan sila ng media ay tumakbo na sila nang mabilis. Hindi sila pwedeng maabutan at baka ikorner pa sila.

Hindi na sila nasundan ni Train dahil kinorner na din ito ng iba pang media personalities. Napailing-iling na lamang siya.

"Why are they following us?" nagtatakang tanong ni Andie.

"They want an autograph, but I'm busy." Sagot na lang niya. Nang makita niyang kahit saan sila sumuot at may media reporeters, hinila niya si Andie sa isang madilim na kuwarto at nang marinig niya ang kaluskos ng paa ng mga ito ay muli niyang hinila si Andie sa isang maliit na cubicle para doon magtago—ngunit biglang bumalik sa kanyang mga alaala ang mapait na nangyari no'ng kabataan niya—kung saan kinailangan niyang magtago sa loob ng maliit na aparador, dahil sa pag-aaway ng kanyang mga magulang.

Napatakip siya ng kanyang mga tainga, pakiramdam niya ay naririnig niya ang malakas na sigawan at awayan ng kanyang mga magulang—kung saan kinailangan na ng mga itong maghiwalay. Napailing-iling siya. Hindi siya makahinga. Inaaatake siya ng claustrophobia, na noon din ay na-develop dahil sa pangyayaring 'yon.

"Mommy, what are we doing here?" tanong ni Andie, pero hindi niya nasagot. "Mommy, why are you shaking? What's happening to you, Mommy?" anito, na tila natutuliro na din.

Napahawak siya sa kanyang dibdib para kalmahin ang sarili niya, pero hirap na hirap siyang gawin 'yon. Hina-hunting siya nang nakaraan. Pakiramdam niya ay unti-unti nang nauubos ang lakas niya.

"H-Hindi ako makahinga." Hirap na hirap na sabi niya.

"Mommy!" tuluyan nang umiyak si Andie, na panay ang yugyog sa mga balikat niya. "You can't die! Mommy! No, Mommy!"

Bago niya naipikit ang kanyang mga mata ay biglang bumukas ang pintuan ng maliit na cubicle na pinagtataguan nila ni Andie, hindi na niya makilala kung sino 'yon dahil hirap na hirap siya sa paghinga.

"Hey Charley, wake up! Hey, what's happening to you?" anang taong naroon, saka siya nito binuhat palabas ng cubicle. Parang boses 'yon ni Train—pero paanong si Train 'yon samantalang nakita niyang napapalibutan ito ng mga mediamen kanina?

"Daddy, hindi daw siya maka-breath!" narinig niyang sabi ni Andie.

Ilang sandali pa ay isang mainit ng mga labi ang lumapat sa kanyang mga labi—to give her the air that her body needs—his doing a CPR! Nakailang buga ito sa kanyang mga labi para supply-an siya ng hangin sa kanyang katawan. Minasahe rin nito ang kanyang mga kalamnan para bumalik ang kanyang lakas. Nakailang ulit ito sa ginagawa nito, hanggang sa tuluyan na rin siyang makalma, ngunit pakiramdam niya ay hindi pa rin siya makahinga nang mabuti.

"A-Ano'ng ginagawa mo dito?" aniya, saka niya pilit na pinapakalma ang kanyang sarili, nakita niyang mabilis nitong tinanggal ang itim na jacket na nakasuot dito, saka nito itinikip sa katawan niya at nagulat na lang siya nang bigla siyang binuhat nito.

"Iniwanan ko ang mga reporters para hanapin kayo ni Andie, hanggang sa marinig ko ang sigaw niya at natunton kayo dito." Sagot nito, saka na ito tuluyang naglakad palapit sa pintuan. "Ano'ng nangyari sa 'yo? You look so pale. But first, let's get out of here."

"Huwag, ibaba mo ako. Baka may makakita sa atin sa labas."

"I don't care. I need to bring you to the hospital. You're making me nervous." Seryosong wika nito, tatanggi pa uli sana siya dahil baka pagpiyestahansila ng media kapag nakita sila sa labas nang ganitong ayos—ngunit tila determinado at seryoso na ito sa balak nitong dalhin siya sa hospital.

Saglit siyang hindi umimik, hanggang sa tuluyan na silang nakalabas sa madilim na kuwarto, nakahawak naman ng tahimik si Andie sa laylayan ng puting polo shirt ng Daddy nito. Muli siyang huminga nang malalim.

"You're having a difficulty of breathing, why? What happened?"

"I-I have a claustrophobia eversince I was a kid and—" hindi niya naituloy ang kanyang gustong sabihin dahil naunahan na siya ng mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. "I-I'm sorry." Aniya.

"Hush, baby!" anito, na ikinagulat niya—baby? O baka nabibingi lang siya. "Makakasama sa 'yo ang pag-iyak. Whatever happened to you during your childhood days, that was all in the past and it would never gonna happen again, because I'm already at your side." Kalmadong wika nito.

Hindi niya namalayan na nakasandig na din ang ulo niya sa dibdib nito habang patuloy pa rin siyang buhat nito at naglalakad na sila no'n sa likod ng resort para makalabas ng tahimik sa lugar na 'yon.

Tumango-tango siya. Ang weird lang pero gumagaan ang pakiramdam niya sa pagsasabi ng kung ano ang nilalaman ng puso niya. "Dahil sa pag-aaway at paghihiwalay nina Mommy at Daddy, kaya ako nagtatago sa isang masikip at madilim na lugar—nang takot na takot. Kaya sa tuwing nasa isang masikip akong lugar, pakiramdam ko, naririnig ko pa rin silang nag-aaway—at natatakot ako." pagtatapat niya.

Tumango-tango ang binata. "Please forget those nightmares, Charley. That was all in the past." Anito, nanlaki ang mga mata niya nang saglit itong tumigil sa paglalakad saka siya nito mabilis na ginawaran nang matamis na halik sa kanyang mga labi, na ikinagulat niya nang husto. "Canyou just think of that kiss, whenever you are afraid?" anito, saka ito matipid na ngumiti sa kanya—hindi niya namamalayan na tumatango na pala siya sa lalaki.

"Daddy kissed Mommy!" narinig niyang masayawang wika ni Andie na nasa tabi lang nila. Nang muling magtagpo ang kanilang mga mata ay mabilis niyang itinago ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki, hanggang sa narinig na lang niyang tumawa ito.

Sana ay hindi nito marinig ang mabilis at malakas na tibok ng kanyang puso. Hindi tuloy niya mapigilan ang kanyang sarili na mapangiti—iba ito sa Train na una niyang nakilala—o baka, ito talaga ang totoong Train at ang dating Train na kilala niya ay 'yong Train na artista, pero kahit sino pang Train ito ngayon—isa lang ang alam niya—nahulog na nga yata nang tuluyan ang pusong pigil na pigil niyang mahulog dito.

"Si Train 'yon 'di ba?" isang kumpol ng mga newsreporter ang namataan nilang papalapit na sa kanila—kaya mabilis nang naglakad si Train para makarating sa sasakyan nito, nang makasakay sila sa kotse nito ay mabilis na rin nitong pinasibad 'yon.