NAGISING si Charley dahil sa maiingay na mga taong nag-uusap sa kanyang tabi. Dinala siya ni Train sa Hospital para masuri nang mabuti ang kanyang lagay. At dahil nag-aalala din siya sa lalaki at sa anak nito, na baka ma-chismis uli ang mga ito ay si Yaya Mayang na lang ang ipinakiusap niyang magbantay sa kanya—na nagpaalam sa kanya kanina na uumuwi lang saglit sa bahay para kumuha ng iba niyang mga gamit.
Mag-iisang araw pa lang siya sa hospital at may nakakabit pa sa kanyang swero, ngunit maayos na ang kanyang paghinga. Ang sabi ng Doctor ay bukas pa siya madi-discharge.
Nagulat siya nang mabalingan niya ang dalawang taong nag-iingay sa kanyang tabi—ang Kuya Don niya at si Sher, na noon ay kausap ang Doctor na sumuri sa kanya kanina. Ayon sa sinabi ng Doctor sa kanya ay nakulangan lang daw siya ng hangin sa katawan, pero maaayos na ang lagay niya. Salamat sa ginagawang first aid ni Train sa kanya.
"K-Kuya? Sher?" sambit niya, na mabilis ikinalingon ng mga ito—at sa gulat ng mga ito ay saglit na napatulala ang mga ito habang nakatitig sa kanya—kitang-kita niya ang guilt sa mga mata ng mga ito, sa ginawa ng mga ito sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo sa kanyang kama, nagpaalam naman ang agad ang Doctor sa dalawa, mayamaya ay lumapit na din ang mga ito sa kanya.
"Patawarin mo kaming dalawa, Charley!" magkasabay na wika ng dalawa, saka mabilis na lumuhod ang mga ito sa harapan niya—sising-sisi talaga ang histura ng mga ito noon at halos umiyak na rin ang mga ito. "Hindi naman talaga namin gustong ibenta ang bahay e, pero 'yon na lang kasi ang tanging paraan para mabayaran namin ang malaking pagkakautang ko sa loan shark na pinaghiraman ko ng pera." Sabi ng Kuya, saka nito kinuskos ang dalawang palad. "Sorry na talaga."
"Ito kasing Kuya mo," napahikbi si Sher na mabilis na pinatahan ng Kuya niya dahil bawal daw itong ma-stress at magdamdam. "Naisipan niyang mag-casino dahil sa kagustuhan niyang mapalaki ang capital niya para sa pina-plano naming pagpapatayo ng restaurant dahil malapit na kaming magka-baby, ang kaso natalo siya ng malaki. Hanggang sa nakilala niya loan shark na pingahiraman niya ng pera, pero natalo uli siya ng mas malaki pang halaga at ang huling paraang alam niya ay ibenta ang condo namin at ang bahay niyo." Pagtatapat ni Sher.
"Patawarin mo ako Charley, hindi ko man lang naisip na sobra kang masasaktan—ang buong akala ko kasi ay kaya mo na ang lahat since napaka-independent mong kapatid at lahat nagagawan mo ng paraan. Naalala mo no'ng kolehiyo tayo? Ikaw ang nagpamulat sa akin na kailangan natin kumita ng sarili nating pera sa pamamagitan ng pagpa-partime nang hindi alam ni Mommy—habang ikaw nag-iipon ng pera, ako naman nilulustay ko ang mga sahod ko sa mga walang kwentang bagay. Habang ikaw hindi ginagalaw ang perang inilaan ni Mommy at Daddy sa 'yo sa bangko, ako naman kung saan-saang negosyo ko na ginamit pero wala pa rin permanente. Ang dami kong pagsisisi at napagtanto sa buhay, habang nakatira sa isang maliit na apartment na nirerentahan namin ngayon—na mahalaga talaga ang may pananaw sa buhay at maging independent. Sana mapatawad mo kami—lalo na ako, masyado akong naging selfish dahil tanging si Sher at ang magiging baby na lang kasi namin ang nasa isip ko." Naiiling na sabi nito, saka nito inabot ang kanyang isang kamay at pinisil 'yon. "Sorry."
Napabuga siya ng hangin at lihim na napailing. Gustuhin man niyang pagalitan ang mga ito ngayon dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya—ngunit nanaig pa rin ang awa at pagiging kapatid niya dito. Palibhasa ay mahilig nitong sarilinin ang problema nito, hindi tuloy niya ito natulungan.
"Bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa akin, Kuya? Bakit kayo nagtago sa akin ni Sher at bakit hindi mo sinasabing magkaka-baby na kayo—" biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa napagtanto niya. "Magkaka-baby na kayo?" pag-uulit niya na mabilis tinaguan ng dalawa. Sa gulat niya ay hindi siya agad nakapagsalita.
"Gaya ng sinabi ko, naging selfish ako at pamilya ko lang ang inisip ko no'n, kaya ko nagawa 'yon at nagpunta kami sa ibang bayan para doon manatili—para makaiwas sa paghahanap mo, pero alam din naman na darating ang oras na katulad nito. At nang mapanood namin sa TV na buhat-buhat ka ni Train papunta dito sa Hopsital ay mabilis kaming napasugod, nag-alala ako nang husto at inuusig na ako ng konsensya ko na halos gabi-gabi ay ikaw na galit na galit ang lagi kong napapanaginipan. Noon pa man ay gusto na talaga kitang puntahan para humingi ng tawad, kaso wala pa akong sapat na lakas ng loob na humarap sa 'yo."
Lihim siyang napailing sa sinabi ng kapatid niya na nakuhanan pala sila ni Train ng video, hanggang sa hospital ay nasundan pa rin sila ng mga news reporter. Mabuti na lang at mabilis na nakaalis sina Train at ang anak nito.
"Sana Kuya, Sher, huwag na huwag niyo nang uulitin ang mga ginagawa niyo—lalo ka na Kuya, huwag ka nang mag-casino—"
"Hindi na talaga," umiiling-iling na sabi nito. "Pero sorry, Charley. Hindi na natin mabibili uli ang bahay dahil pinambayad ko na 'yong pera sa loan shark." Malungkot na wika nito.
Umiling-iling siya. "Okay lang Kuya, doon pa rin naman ako nakatira ngayon e. Kayo, ayos lang ba kayo sa bagong tirahan niyo?" aniya.
Nanlaki pareho ang mga mata ng dalawang kausap niya. "So, totoo ang balitang kayo ni Train at may anak na kayo—napanood namin sa TV." Anang kuya niya, na mabilis niyang nahampas.
"Four years old na si Andie, nakita mo ba akong magbuntis, Kuya?" naiiling na sabi niya.
Nagpatango-tango naman ang dalawa. "So, kaninong anak 'yong bata? Teka, huwag mong sabihing nagli-live in kayo ni... Train?" eksaheradong tanong ng kapatid niya, na ikinaling niya.
"Katulong niya ako sa bahay na 'yon, kapalit nang pagtira ko doon." Pagtatapat niya.
"Ikaw? Katulong?" magkasabay na wika ng mga ito. "Hindi ka nga marunong magluto at maglinis ng bahay." anang kuya niya.
"Grabe ka sa akin, Kuya!" naiiling na wika niya. "Busy lang kasi ako noon sa pagsusulat, kaya hindi ko magawang maglinis ng bahay—ang FYI, marunong na akong magluto ngayon, 'no!" pagmamalaki niya, may Yaya Mayang at cook book kaya siyang guide.
Tumango-tango na lang ang dalawa. "Siguro naman ngayon, may happy ending na ang mga isinusulat mo?" nakangiting tukso ng kuya niya, na inirapan na lang niya—natawa tuloy ang mga ito. Ang weird lang, sa panaginip niya kanina ay ang continuation ng story na isinusulat niya—at sa panaginip niyang 'yon ay nagkatuluyan ang bidang lalaki at babae at nagsama nang masaya.
At ngayon-ngayon lang niya napagtanto na hindi naman pangit ang may happy ending story. Masarap din sigurong magsulat ng may magandang ending—malay niya, nang dahil doon ay mapansin na ng isang publisher ang talento niya sa pagsusulat. Tumango-tango siya sa kanyang sarili. Susubukan niya! Susubukan niyang lagyan ng may happy ending ang story niya!
"Ilang weeks na ang ipinagbubuntis mo, Sher?" nakangiting tanong niya kay Sher, kapagdaka.
"Ten weeks na, Charley. At kukunin ko kayo ni Train na ninong at ninang kapag nanganak na ako."
"Sure!" nakangiting sagot niya, saglit pa silang nag-usap nang maputol 'yon dahil may tawag siya sa phone—ang Mommy nila, na nabalitaan din daw nito ang pagkaka-hospital niya dahil sa panunood ng balita sa Pinoy TV. Sobrang nag-alala daw ito nang husto at gusto nang umuwi para makita siya, pero hindi ito makauwi dahil madami itong pasyenteng mino-monitor, kaya hanggang tawag na muna ito.
Nagulat din sila ng Kuya niya at ni Sher nang may biglang pumasok sa loob ng kuwarto, pare-parehong nanlaki ang kanilang mga mata nang mabungaran nila ang kanilang Daddy, na hingal na hingal na pumasok sa loob.
"Daddy?!" magkasabay na wika nila ng Kuya niya.
"No, Mom. Si Daddy, nandito din ngayon sa hospital." Narinig niyang sinabi ng kuya niya, sa mommy nila na nasa kabilang linya ng tawag.
"Ano'ng ginagawa mo dito, Dad?" nagtatakang tanong niya.
Saglit munang huminga nang malalim ang Daddy niya, saka bumuga ng hangin bago siya sinagot. "Nabalitaan ko sa kasama ko na nakita ka daw niya sa TV na isinugod dito sa hospital, sa sobrang pag-aalala ko ay mabilis akong nagpa-book ng flight pauwi dito, dapat kagabi pa, kaya lang puno na ang flight, kaya pinagpabukas ko na, mabuti na lang at may ka-close akong tauhan sa airport kaya ako nakapa-book agad." anito, saka ito mabilis na nakalapit sa kinaroronan niya. "Kumusta ka na, baby? Okay ka na? What happened? Napaaga ang bakasyon ko na dapat sa susunod na buwan pa—a surprise vacation." anito.
"C-Clautrophobia, Dad." Pagtatapat niya, saka niya ikinuwento ang dahilan nang phobia niyang 'yon. Nang matapos siya sa pagkukuwento ay mabilis siyang niyakap ng matanda.
"I'm sorry, anak. Ako ang dapat sisihin sa lahat nang ito." Sising-sising wika ng ama nila. "Kung hindi sana... nangyari ang bagay na 'yon, hindi hahantong ang lahat ng 'yon sa ganito." Anito, nakita niyang tumulo ang mga luha ng Ama nila, na ikinaalarma niya.
Hindi pa niya nakikitang umiyak ito, dahil kapag kaharap sila ay lagi itong nakangiti at sweet at ngayon lang niya itong nakitang umiiyak. Mabilis niya itong niyakap nang mahigpit.
"Daddy..." aniya, habang magaan niyang tinatapik-tapik ang likuran nito.
Naramdaman niyang umiiling-iling ito. "I was really sorry for what happened to our family. Pero maniwala kayo sa akin, hindi ko niloko ang Mommy niyo. Mahal na mahal ko siya hanggang ngayon at hindi ko kailanman naisipang ipagpalit siya sa iba." humihikbing wika nito. "I was framed up by one of my colleagues, late ko nang nalaman dahil nagpa-assign na ng ibang construction firm ang taong involved sa pangyayaring 'yon. Nainggit siya sa akin dahil sa pagkaka-promote ko bilang senior Engineer. Kaya isang araw, niyaya niya ako at nilasing at dahil wala na ako sa katinuan noon, dinala niya ako sa isang motel at umupa siya ng babae para ipalabas na may karelasyon akong iba." Paliwanag ng Daddy niya.
Ngayon lang niya narinig ang buong katotohanan mula sa kanilang ama. "Alam po ba ni Mommy ang buong katotohanan, Daddy?" aniya.
Tumango-tango ang Daddy niya. "Pero mas pinaniwalaan niya ang mga larawang ipinadala ng kasamahan ko, hindi ko siya masisisi dahil kahit sino ay aakalaing may nangyari sa amin ng babae, pero alam ko at ramdam kong wala talagang nangyari sa amin ng babaeng 'yon. At dahil naunahan akong magpaliwanag at labis siyang nasaktan, hindi na niya pinakinggan ang mga ginagawa kong paliwanag." Malungkot na wika nito. Sana ay naririnig ngayon ng Mommy niya ang sinasabi ng Daddy niya. "Hinanap ko ang babaeng nakasama ko nang gabing 'yon para ipaliwanag ang lahat, pero huli na dahil nangibang bansa na daw ito. Nalaman ko na lang na pumirma na ng annulment paper ang Mommy niyo at ipinadala sa akin, ngunit ang hindi alam ng Mommy niyo, hindi ko pa rin 'yon napipirmahan hanggang ngayon, dahil umaasa pa rin akong darating ang oras na pakikinggan niya ang mga paliwanag ko, sana sapat na ang fifteen years para mahilom ang lahat ng sakit ng kahapon. Sana tinunaw na ng panahon ang pait at sakit ng nakaraan."
"Dad..." kinalabit ng Kuya niya ang Daddy nila, saka nito iniumang ang cell phone nito dito. "She wanted to talk to you." Anito, saka nito ibinigay sa ama ang phone. Saglit na natahimik at tila nagulat ang Daddy nila nang malaman nitong nasa phone pala ang Mommy nila, hanggang sa mag-excuse ito sa kanila at lumabas ng kuwarto para makausap ng sarilinan ang Mommy niya.
Malungkot silang napangiti ng Kuya niya—sana ay dumating na ang pinakahihintay niyang araw na muling mabuo ang kanilang pamilya. Walang ni isang araw na hindi niya ipinagdasal na muling magkasama-sama ang kanilang buong pamilya.
Kaya din siguro siya naging writer dahil umaasa siyang darating ang oras na makakapagsulat din siya ng may magandang ending sa mga isinusulat niya. May kumatok sa pintuan at pagbukas niyon ay si Jin ang nakita niyang nakangiting pumasok.
"Hello everyone! How are you, Charley?" nakangiting bati nito sa lahat. may dala itong basket of fruits at isang punpon ng mga rosas, na mabilis inabot sa kanya. Saglit niyang ipinakilala ang binata sa Kuya at hipag niya, bago nagkaroon ng mundo ang dalawa at naiwan na lamang sila ni Jin na magkausap. "Nag-alala ako nang husto sa 'yo nang bigla ka na lang kayong nawala ni Andie, hinanap ko kayo pero hindi ko na kayo makita sa kung saan. Sinubukan ko ring tawagan ang phone mo, pero busy ang linya. Hanggang sa napanood ko nga 'yong balita—hindi mo sinasabi na magkakilala pala kayo ni Train—at close pa." mapanuksong ngumiti ito.
"Pasensya na talaga, hindi na kami nakapagpaalam sa 'yo, masyado na kasing magulo nang oras na 'yon." Aniya.
Tumango-tango ito. "Naiintindihan kita. Hindi rin kita agad nadalaw kasi tinawagan ako ng mga empleyado ko sa Tagaytay kinabukasan dahil nagka-problema daw doon at dahil alam kong nasa pangangalaga ka ni Train, I assumed your okay already, kaya nagtungo na ako sa Tagaytay para tingnan at ayusin ang problema doon. Babalik uli ako doon sa susunod na araw." Anito.
"Bukod sa pagiging playing coach sa baseball team, may iba ka pang pinagkakaabalahan?" aniya.
Ngumiti ito. "I am a baseball playing coach at heart but I'm still an Engineer." Nakangiting sabi nito. "Ako ang gumawa at nag-design ng horse ranch doon, hanggang sa nahilig na din ako sa mga kabayo. At para may pagkaabalahan ako doon, nagtayo na rin ako doon ng mga town houses bilang negosyo." Nakangiting imporma nito, na tinangu-tanguan niya. "One time, isasama kita doon, 'yon ay kung pinayagan ako ni Train," nakangiting tukso nito. "He didn't tell me about you."
"Hindi naman kami e." nakakamot sa ulo na depensa niya.
Ginulo nito ang buhok niya. "Mas lalo kang nagiging cute kapag nagba-blush ka." Nakangiting sabi nito.
At gano'ng eksena ang naabutan ni Train at Andie nang pumasok ang mga ito sa loob ng kuwarto. Napangiti siya nang maluwang nang makita niya ang mag-ama. Mabilis na nakalapit sa kanya ang bata, saka ito sumampa sa kama para yakapin siya.
"I miss you, Mommy!" nakangiting sabi nito.
"I didn't know that you and Train have a daughter, so, I guess you've been together for so many years now." Nakangiting sabi ni Jin sa kanya, saka ito nakipag-highfive kay Train.
Saglit munang ipinakilala niya sina Train at Andie sa Kuya at hipag niya bago muling naging abala ang mag-asawa. Hindi niya mabasa ang mukha ni Train nang titigan niya ito—para itong galit na ewan.
"Andie is only my daughter dude," matipid na sagot ni Train kay Jin.
Muling bumaling si Jin sa kanya, saka siya nito inalok na ipagbalat ng prutas—na ikinadilim ng mukha ni Train. Hindi niya alam kung bakit. Tatanggi na sana siya kay Jin sa alok nitong pagbabalat ng prutas nang mabilis na umungot si Andie na gusto daw nito ng mansanas—pero magbabalat na sana si Jin nang awatin ito ni Train, bawal daw kay Andie ang mansanas dahil constipated ang bata, kaya sa huli ay walang nangyaring balatan ng prutas.
"Dalawang naggugupuwahang mga lalaki. Not bad." Nalingunan ni Charley na malaki ang pagkakangiti ng Kuya niya at ni Sher sa tabi, habang abala ang mga ito sa kung ano.
Tinabihan ni Jin si Train at inakbayan nito ang lalaki. "Curious lang ako dude—sino talaga ang totoong Mommy ni Andie?" pabulong na tanong ni Jin, ngunit dinig na dinig ng kanyang matalas na pandinig.
"Hindi mo siya kilala, dude." Ani Train, saka ito kumawala sa pagkakaakbay ni Jin at naupo sa dulo ng kama niya, ngunit sinundan uli ito ni Jin.
"'Yong rich man's daughter ba na sinabi mo noon—ang Mommy ni Andie?" muling bulong nito.
"What are you talking?" ani Train, na napakunot-noo na.
"Naikuwento mo sa akin ang tungkol sa rich man's daughter na ex-girlfriend mo—na matagal nang engaged sa fiancé niya, no'ng minsan nagkainuman tayo. Umalis din ako kaagad noon dahil tinawagan ako ng Manager namin sa baseball team, nalaman ko na lang sa may-ari ng bar na kaibigan ko din na inihatid ka daw ng isang staff niya pauwi dahil lasing na lasing ka. I didn't know that you are still not capable of drinking white wine, like three years ago." Nakangiting sabi ni Jin.
Napailing-iling si Train. "But I really didn't know that you've known each other." Ani Train na tinutukoy silang dalawa.
Ikinuwento naman ni Jin kung paano sila nagkakilala at may pinag-uusapan pa ang mga ito, pero hindi na niya inintindi ang mga 'yon dahil natuon na ang atensyon niya sa 'Rich man's daughter' daw na ex-girlfriend ni Train. Kaya din siguro ito umuwing lasing last time—dahil naaalala pa rin nito ang babae—na mahal pa rin nito ang dating kasintahan. Kaya nga sila nagkaanak dahil nagmamahalan sila. At marahil nagkahiwalay lang ang mga ito dahil sa arranged wedding ng babae sa fiancé nito—na pwedeng mangyari dahil gano'n ang kadalasang plot sa mga soap operas.
Hanggang sa pumasok ang Daddy nila na namumula ang mga mata at ilong na mukhang galing uli sa pag-iyak, pero kitang-kita sa mukha nito ang kaligayan na matagal na niyang hindi nakikita dito—may good news kaya?
Mabilis na lumapit ang Kuya at si Sher sa Daddy nila at kinumusta. Nawala ang sakit na nararamdaman niya dahil sa 'totoong mommy ni Andie', nang marinig niyang sabi ng Daddy niya na maayos daw ang pag-uusap nito at ng Mommy nila.
Matagal na din daw gustong makipag-usap ng Mommy nila sa Daddy nila, kaya lang ay hindi nito alam ang gagawing approach, dahil sa mga naging actions nito noon sa Daddy nila. Saka labis daw itong nasaktan noon, kaya kinailangan pa nitong paghilumin ang sakit na inabot ng ilang taon, bago tuluyang mawala.
And in God's perfect time, tiyak magkakaayos na din ang mga ito. At may chance na muling maipagpatuloy ang forever ng mga ito. Napangiti siya nang sabihin pa ng Daddy niya na muli daw nitong susuyuin at liligawan ang Mommy niya hanggang sa mapasagot uli nito ang ina.
Nang bumaling ang kanyang ama sa dalawang lalaki ay mabilis na nag-unahan ang mga ito sa pagpapakilala sa sarili ng mga ito.