Chereads / My Fake Perfect Lover (Finished) / Chapter 3 - Chapter Two: Kahiya-hiyang Charley!

Chapter 3 - Chapter Two: Kahiya-hiyang Charley!

NAMILOG ang mga mata ni Charley nang makita niya ang kabuuan ng Prince Hotel kung saan siya mananatili ng dalawang araw. It was magnificent! No, kulang pa ang salitang 'yon para ilarawan kung gaano 'yon kagarbo at kaganda! Palibhasa hindi siya gaanong naglalalabas ng bahay, kaya bihira siya makakita nang ganito kalaki at kagandang hotel. Mabilis siyang pumasok sa loob, mas lalo siyang napanganga nang makita ang loob.

"Yes ma'am, may I help you?" anang isang nakangiting babaeng nasa front desk.

Mabilis siyang lumapit dito para ipakita dito ang Hotel card na ibinigay sa kanya ni Sher last week. Kinuha naman agad 'yon ng babae saka tinignan.

"Ang sabi po ng Kuya at ng sister-in law ko, ipakita ko lang daw po ang hotel card na ito." nakangiting sabi niya.

Ngumiti naman ang babae sa kanya. "Opo ma'am, ang card po na ito ay isang priviledge card na kung saan maaari kayong manatili sa hotel na ito ng dalawang araw—for free."

Nanlaki ang mga mata niya, totoo nga! "Wow!" amazed niyang sabi.

"Kapatid po kayo ni Lyndon delos Santos?" tanong ng babae.

Tumango siya. "Paano niyo po nalaman?" nagtatakang tanong niya.

Ngumiti ang babae sa kanya. "Ako po si Flordeliza, kaklase ni Sher no'ng college at ipinakilala niya kami ni Don sa isa't isa. Kung hindi ako nagkakamali ay ikaw si Charley. Ipinakiusap ka sa akin ni Sher. Ang totoo niyan, siya ang nanalo ng priviledge card na ito, na ipinasa sa pangalan mo." Nakangiting imporma ng babae, tumango-tango naman siya. Saglit pa itong may ipinaliwanag sa kanya bago ito tumawag ng bellboy na magdadala ng gamit niya papunta sa kanyang designated room.

"Salamat." Nakangiting sabi niya sa babae, bago siya tuluyang nagpa-assist sa bellboy na tinawag ng babae.

Sa fourth floor matatagpuan ang kanyang kuwartong tutuluyan. Hiniram saglit ng bellboy ang keycard na hawak niya—na ibinigay sa kanya ng babae kanina sa front desk—saka nito ipinasok sa automated door at agad namang bumukas.

Mabilis nang ipinasok ng bellboy ang malaking backpack niya sa loob ng kuwarto—mukhang wala pa itong balak umalis kung hindi pa niya ito nginitian at pinasalamatan, bago isinara ang pintuan. At tutal maaga pa naman at mamayang gabi pa ang concert, magpapakasaya na muna siya doon.

Inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kanyang kuwarto—it's really so breathtaking; napakalinis, napakaayos, napakabango—isang ideal room na nalalayo sa kanyang magulong kuwarto. Pagkatapos niyang pagsawain ang kanyang mga mata sa pagmamasid sa buong kapaligiran ng kuwarto ay masaya niyang nilundag ang kanyang malambot na king size bed saka itinalbog-talbog ang kanyang katawan doon—hanggang sa mahulog siya sa carpeted floor.

"Aray!" daing niya, sabay hawak ng kanyang tumamang likuran. Pero imbes na tumayo siya ay nagpagulong-gulong pa siya sa carpeted floor. Ang saya-saya niya!

Natigil lang siya sakanyang pagsasaya nang biglang tumunog ang doorbell sa harapan ng kanyang pintuan. Mabilis siyang tumayo para pagbuksan kung sinuman 'yon at nabungaran niya ang isang babaeng may tulak na cart, na naglalaman ng mga pagkain.

"Good day ma'am, morning snack po." Nakangiting imporma nito.

Biglang nagningning ang kanyang mga mata. "T-Talaga po bang may free delivery kayo ng food sa Hotel na 'to?" hindi niya mapigilang tanong, niluwangan niya ang pagkakabukas ng pintuan para maipasok ng babae ang dala nitong cart na may mga pagkain.

Nakita niyang ngumiti ang babae. Saka nito inilapag ang mga dala nitong pagkain sa dining area niya. "Isa po kasi kayo sa mga VIP guests namin."

"Ako? VIP?" nagulat na tanong niya. Tumango ito bago magalang na nagpaalam sa kanya. Well, napangiti na lang siya.

Hindi na rin siya nagpatumpik-tumpik nang simulan na din niyang banatan ang mga pagkaing inihanda sa kanya ng babae. Masasarap lahat ng mga putaheng naroon, may chicken, carbonara, garlic bread stick, yummy soup and appetizing appetizer. This is one of the best days of her life!

NANG matapos siyang kumain ay saglit siyang nag-ayos ng kanyang sarili—feeling fresh pa siya dahil ang tagal niyang naligo kanina sa bahay, bago siya nagtungo sa hotel—balak kasi niyang libutin ang buong hotel! Ang naghuhumiyaw niyang matingkad na green dress na umaabot hanggang tuhod ang nakalkal niya sa kanyang malaking backpack, 'yon na din ang suot niya mamaya sa concert, dahil iisang dress lang ang baon niya.

Pinakawalan niya ang kanyang wavy brown hair na lagpas balikat, isinuot ang kanyang brown contactlenses—nangangamba kasi siyang baka mabasag ang kanyang eyeglasses sakaling magkagulo ang mga fans mamaya sa concert. Naglagay din siya nang kaunting make up at nag-cologne. Saka niya isinuot ang kaisa-isang three inches high-heeled shoes niyang kulay pink.

Nang makalabas siya sa kanyang kuwarto ay naglakad na siya papunta sa elevator, sakto namang papasara na 'yon noon, kaya mabilis niyang tinanggal ang kanyang sapatos at mabilis na tumakbo para maabutan ang papasarang elevator. Para siyang isang malupit na runner dahil sa ginagawa niyang pagtatakbo, hindi na niya alintana na naka-dress siya.

"Paki-hold 'yong button!" sigaw niya sa mag-isang taong nakita niyang nasa loob ng elevator, ngunit hindi yata siya naririnig nito—kaya hindi na siya nag-aksaya ng boses.

Nang malapit na siya sa elevator ay mabilis niyang d-in-ive ang pintuan para makapasok sa loob at sakto namang sumara 'yon. Nakahabol siya! Gusto niyang palakpakan ang kanyang sarili, pero napagod siya doon.

Mabilis siyang tumayo mula sa pag-dive at itinukod ng kanyang dalawang kamay sa kanyang magkabilang tuhod, hingal na hingal siya sa kanyang pagtakbo. Ang bingi kasi ng taong kasama niya sa elevator.

Umayos siya ng tayo at nag-angat ng tingin sa nakatayo na matangkad na lalaking sa gilid niya—nakita niyang mabilis din itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nakasuot ito ng itim na adidas cap at dark glasses, may nakasalaksak na ear phones sa magkabilaang tainga nito at nakatuon na ang atensyon sa cell phone nito—kaya marahil hindi nito narinig ang kanyang sigaw kanina.

Napansin yata nito ang ginagawa niyang pagtitig dito, kaya lumingon ito sa kanya, mabilis niyang isinuot ang hawak niyang sapatos para hindi magkalayo ang tangkad nila ng lalaki, she's five feet flat at marahil ang lalaking kaharap niya ay lagpas six feet.

"What?" anito. Saka ito nagtanggal ng shades nito. She was greeted by his cute chinky gray eyes—ang ganda ng kulay ng mga mata nito at hindi 'yon contactlenses! Tumaas-baba ang tingin niya sa lalaki at kung susumahin ang hitsura nito, mukha itong artista!

Maputi at makinis ang balat nito, maganda at bagay dito ang makapal na kilay nito, mahahaba rin ang pilikmata nito. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi, ang angas din ng porma nito at napakabango pa. Nakita niyang ngumiti ito, kaya lumabas ang dimples nito.

Wala siyang pakialam sa mga lalaki; mapa-guwapo man o hindi, pero hindi niya maitatanggi sa kanyang sarili na isa itong eyecatcher dahil kanina pa siya nakatitig dito. Napailing siya. Kahit kasi unfamiliar sa kanya ang salitang love, marunong pa rin naman siya mag-appreciate ng mga katulad nito. After all, writer pa rin siya at mga ganitong hitsura ang madalas niyang gawing hero sa kanyang mga stories.

"Hindi ba nakakasawang tingnan ang mukha ko?" mayamaya ay narinig niyang sabi nito. Saka uli ito ngumiti at umiling.

Bigla siyang namula sa kinatatayuan niya. Kung bakit ba naman kasi may kaakibat yatang magnet ang lalaking ito at namagnet nito ang kanyang mga mata.

"Nakakasawa!" aniya. Pero taliwas 'yon sa inire-react ng mga mata niya. Saka siya mabilis na nag-iwas ng tingin. Hindi na niya narinig na nag-komento pa ito.

Pakiramdam niya ay bigla siyang nasuka dahil sa pamumuri niya sa lalaking katabi niya. Palibhasa lately ay ang Kuya Don lang niya ang nakikita niyang lalaki, kaya bago na sa kanya ang makakita ng ganitong mukha ng lalaki.

Sandali! Anang isipan niya. Para kasing pamilyar ang lalaking nasa harapan niya! Saan na nga ba niya ito nakita? Sumilip uli siya sa lalaking katabi, abala na uli ito sa cell phone nito. Weird! Dahil hindi naman siya gaanong lumalabas ng bahay, nanunood ng TV o nagbabasa ng diyaryo—paano ito naging pamilyar sa kanya?

"Gusto mo ba nang autograph ko o makapagpa-picture sa akin?" mabilis itong bumaling kanya, kaya nahuli siyang nakatitig dito.

Mabilis uli siyang nag-iwas ng tingin. "Bakit sino ka ba?" aniya. Ang kapal naman ng mukha nitong mag-suggest ng autograph at makapag-picture dito. Ano siya sira?

Sinundan nito ang kanyang tingin. "I'm Train Evan Sebastian." He then again removed his shades and flashed his killer smile.

Napakunot-noo siya. "Train Evan Sebastian, who?"

"What? Wait... y-you don't know me?" tila nagtatakang tanong nito. His face and name sounded familiar, pero hindi niya talaga matandaan ito at kung sino ito. Umiling-iling siya sa lalaki. "A-Are you an alien? Like out of this world?" napakunot-noo na ito.

Hindi na niya ito nasagot dahil tuluyan nang bumukas ang pintuan ng elevator. Nakita niyang napailing na lang ang lalaki saka mabilis na isinuot ang itim na cap at shades nito. At nagulat na lang siya nang biglang magtilian ang mga taong tila nag-aabang sa pagbubukas ng elevator. Nagmamadali nang lumabas ang lalaki sa elevator na mabilis ding sinunandan nang maraming kababaihan.

"It's Train! Oh dear, God!"

"Train, notice me!"

"Ang guwapo ni Train, sobra!"

"Grabe! Mas hot siya sa personal!"

Nakita niyang kumaway-kaway naman ang lalaki sa mga taong sumusunod dito, hanggang sa tuluyan na itong dinumog ng mga tao sa hotel. Hindi na tuloy siya nakaalis sa kinatatayuan niya dahil pati siya ay naisama na rin sa kumpulan ng mga taong sumusunod sa lalaki.

"Teka, hindi ako kasali sa fansclub niyo! Padaanin niyo ako!" pakiusap niya, kung artista man ang lalaking 'yon—hindi siya fan nito!

Hanggang sa magsidatingan na ang mga guwardiya para umawat sa mga baliw na fans nang kung sinumang lalaking 'yon. Kung hindi siya makakaalis sa siksikan at kumpulan na 'yon sa matinong pakiusap, gagamitan na niya ang mga ito nang ninja moves.

Plot: malakas niyang babanggain ang mga ito saka siya ta-tumbling para makawala sa mga ito! Magbibilang siya nang hanggang tatlo. Inihanda na niya ang kanyang sarili para banggain ang mga ito, game na!

One, two, three—pero nagulat na lang siya nang saktong hilain ng mga guwardiya ang mga taong nasa harapan niya—naitulak-tulak tuloy siya sa harapan hanggang sa mapasubsob siya—nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang hawak ng kanyang mga kamay—isang pang-lalaking pantalon na bumagsak pababa mula sa sinumang nakasuot. God! Nahila at nahubaran niya ang suot na pantalon ng lalaking nasa harapan niya! Mabilis siyang nag-angat ng mukha—and that guy was no other than—him! The guy in the elevator! Oh my God!

Nakarinig siya nang malakas na pagsinghap ng mga taong nasa paligid. Siya naman ay tila naging istatwa sa kanyang pagkakadapa sa harapan ng lalaki.

Nagulat na lang siya nang mabilis na hilain ng lalaki ang hawak niyang laylayan ng pantalon nito saka 'yon mabilis na itinaas. At tuloy-tuloy nang naglakad palabas ng hotel, mabilis namang inawat ng mga guwardiya ang mga taong gustong sumunod sa lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay nasulyapan niya ang pamumula ng mukha nito—hindi niya alam kung dahil sa pagkapahiya, sa galit o baka naman pareho.

Tumayo na rin siya agad mula sa pagkakasubsob sa semento. Hindi siya nasaktan, dahil immuned na siya sa sakit, dahil madalas naman siyang nag-aala-action star. Pinampag niya ang kanyang damit na parang walang nangyari.

Magsisimula na uli sana siyang maglakad para libutin ang kabuuan ng hotel nang biglang may mga humarang sa kanyang daraanan. Anim na mga babaeng noon ay halos patayin na siya sa talim ng mga tinging ipinupukol ng mga ito sa kanya. Napalunok siya nang mariin. Ano bang ginawa niya sa mga ito at gano'n na lang kung makatingin ang mga ito?

"B-Bakit?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.

"Alam mo ba ang ginawa mo?" anang isang babae kulay pink ang dress. Umiling siya.

"Pinahiya mo ang Prince namin sa harapan nang maraming tao!" sabi naman ng naka-blue dress na babae.

"Isa kang pervs!'" ang babaeng naka-red dress naman ang nagsalita.

"Hindi ka namin mapapatawad!" si nakakulay-yellow dress naman ang nagsalita.

"Humanda ka sa mga Trainatics, Evanatics at Gwapoholics! Ihanda mo na ang sarili mong ma-bash!" sabi naman ng naka-black dress. B-in-oo naman siya ng isa pang kasamahan ng mga ito na may suot nang dress na kulay puti.

Luminga siya sa paligid, ramdam niya na siya ang pinagbubulungan ng mga taong naroon dahil nakangitin ang mga ito sa kanya—gano'n ba kabigat ang ginawa niyang kasalanan at tila balak na siyang i-assassinate ng mga ito? Hindi ko naman sinasadyang mahubaran siya e! depensa niya sa kanyang sarili.

Muli niyang binalingan ang anim na babaeng nasa kanyang harapan, nakita niyang pataas-baba ang pagsusuri ng mga ito sa kanya, saka sabay-sabay na nagtaas ng kilay. "You're dead!" korus pang wika ng mga ito, bago sabay-sabay na nagsilayasan sa kanyang harapan.

Napabuga siya ng hangin at napailing-iling na lang siya. Lately ay parang mga abnormal na babae ang nakakasalamuha niya. Ano bang nangyari sa babaeng 'yon? Saka ano 'yong Trainatics? Evanatics? At Gwapoholics na pinagsasasabi ng mga 'yon kanina? May pagkakapareho ba ang mga 'yon sa mga salitang 'Lunatic at barbariotic'? Nagkibit-balikat na lang siya.