NAPAKURAP-KURAP si Charley habang kinikilala ang lugar kung nasaan siya. It looks familiar. Hanggang sa ma-realize din niyang nasa loob siya ng maid's quarter.
"Mukhang gising ka na." Napapitlag nang biglang may nagsalita sa kanyang paanan—si Miss Mitchy!
Tumango-tango siya sa babae saka muling inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Ang huling pagkakatanda niya ay nagtayo siya ng tent sa bakuran ng bahay kagabi, para doon muna mamalagi nang pansamantala. "Ano pong ginagawa ko dito?" aniya. Saka siya dahan-dahang naupo sa kama.
"Ang taas ng lagnat mo kaninang umaga, kaya dinala ka ni Train dito sa kuwarto." Napatingin siya sa wall clock—alas nuwebe na ng gabi. Naaalala nga niyang inaapoy siya ng lagnat kagabi. Teka, dinala daw siya nino?
"Si Train po?" nagtatakang tanong niya.
Tumango-tango ang babae. "Ngapala, kumain ka na muna bago ka uminom nitong gamot." Anito, na inilapag ang tray na may mainit-init pang sopas.
Hindi naiwasang maantig ang kanyang puso, ngayon lang uli kasi niya maramdaman ang gano'ng care sa ibang tao. "Naku, nag-abala pa po kayo. Salamat po ng marami." Nakangiting sabi niya. Kahit pala may pagka-masungit ang anyo ni Miss Mitchy, mabait din naman pala ito.
Umiling ito. "Si Train ang dapat mong pasalamatan dahil siya ang nag-alaga sa 'yo kaninang umaga. Nang umalis ako kanina for a meeting, siya ang nagpunas sa 'yo nang maligamgam na tubig." Imporma nito na ikinagulat niya.
"Bakit po?" hindi niya makapaniwalang tanong niya.
Nagkibit-balikat ang babae. "Mabait naman talaga 'yon e, hindi lang halata." Anito, tuluyan na siyang tumayo mula sa kama. "Saan ka pupunta?" tanong ni Mitchy.
Napangiti siya dito. "Magpapasalamat po kay Train."
Umiling ito. "Huwag na! Hindi 'yon tumatanggap nang pasasalamat, saka pagod 'yon dahil kagagaling lang namin sa taping niya kanina, pagkatapos mag-stable ang temperature mo. Nagluto pa nga siya ng mushroom soup kanina baka daw magising ka at magutom, kaya lang mukhang ngayon ka lang nagising at hindi mo nagalaw 'yon, kaya pinalitan ko na ang mushroom soup nitong sopas." Paliwanag nito.
Tumango-tango na lang siya at very thankful sa mga ito. "Salamat po talaga." Nakangiting sabi niya. tumango naman ang babae, umupo uli siya sa kama. "Ahm, miss Mitch, artista po talaga si Train?" curious na tanong niya na tinanguan naman ng babae.
Lihim siyang napailing. Gano'n siya ka-outdated sa mga showbiz news! Kaya pala dinadagsa ito ng maraming tao sa hotel noon. Hindi lang 'yon, ang sikat na lalaki—ang siya pang nagpunas ng bimpo at nag-alaga sa kanya. Naku! Malaman lang ito ng mga tagahanga nito, tiyak, kaiingitan siya!
KATATAPOS lang ni Train sa kanyang morning jogging. Sa kusina na siya agad nagtungo para makapag-prepare ng kanyang agahan. May taping pa siya mamaya para sa movie at tiyak na uumagahin siya nang uwi.
Napapa-isip na nga siyang kumuha uli ng katulong, para hindi na siya ang nagluluto para sa kanyang sarili. Hindi naman na siguro mangyayari sa kanya ang nangyari dati—ninakawan kasi siya nang dati niyang katulong, kaya nawalan na siya ng tiwala sa sinumang hindi kakilala. Nagha-hire lang siya ng temporary maid—pati na rin PA—para sa isang araw o kung minsan ay siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay, kapag wala siyang ginagawa.
Pero dahil limitado na ang kanyang free time, wala na siyang time para maghanap ng katulong, kaya ipapaubaya na lang niya 'yon sa kanyang Manager—pati na ang pagkuha ng PA at driver, 'yong hindi gagawa ng tsismis at kung anu-ano pa tulad ng ginawa ng mga datihan.
Nagulat siya nang papasok na sana siya sa kusina ay may narinig siyang mga kalansing nang nahulog na kubyertos. Sa pagkakaalam niya ay mag-isa lang siya sa bahay. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at muntik na siyang mapasigaw nang bigla na lang may tumayo mula sa kanyang harapan—it was that sick girl, from yesterday. How could he forget?
"A-Anong ginagawa mo dito sa kusina?" nagulat niyang tanong, saka siya napailing at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili. Kumuha siya ng isang baso at mabilis na sinalinan ng tubig mula sa pitsel at inisang lagok 'yon.
"N-Nagluto ako ng breakfast para sa 'yo." Nakangiting sabi nito, saka inilapag ang niluto nito sa hapag.
"What for?" tanong niya, saka niya sinulyapan ang inilapag nito. "W-What's that?" Bakit kulay itim ang mga pagkaing niluto nito? At parang amoy-sunog?
"Originally, bacon at tapa 'yan, kaso...uhm..."
"Nasunog mo?" pagtutuloy niya.
Nakita niyang dahan-dahan itong tumango at napangiti. "Sorry."
"Why did you cook?" napapailing na tanong niya, saka siya kumuha ng isang piraso ng bacon strip—ang tigas niyon na parang loofa, muli niyang ibinalik 'yon sa pinggan.
"As a simple thank you for taking care of me yesterday." Nahihiyang sabi nito.
Napailing siya. "Don't misunderstand the things I did yesterday. Ginawa ko lang 'yon para gumaling ka agad at nang makaalis ka na sa bahay na 'to."
"Pero salamat pa din, wala pa kasing nakakapag-alaga na ibang tao sa akin—"
Itinaas niya ang kanyang kamay para awatin ito sa pagsasalita. "So, magaling ka na?"
Tumango ito. "Medyo. Sorry, hindi kasi ako marunong magluto, kaya nasunog ko ang breakfast mo sana."
Napailing na lang siya saka nagtungo sa harapan ng refrigerator para kumuha ng mga pwedeng iluto doon. Naglabas siya ng bacon, longganisa at itlog, kapagdaka'y nagsimula na siyang iprito ang mga 'yon.
Amaze na pinapanood siya ng babae! Hindi siguro nito inaasahan na marunong siyang magluto. He used to live all by his self, when he was in a University. Doon ay natuto siya ng mga gawaing bahay.
"Ang galing!" pumapalakpak ito. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti at mapailing sng lihim. At nang matapos siya sa pagpi-prito ay inihanda na niya ang mga 'yon sa hapag-kainan. Napatingin siya sa babaeng humila ng upuan sa tapat niya—ang laki ng pagkakangiti nito sa finished product niya. "Charley nga pala ang pangalan ko." Kapagdaka'y pagpapakilala nito sa kanya. Tumango naman siya at inabala na ang kanyang sarili sa mga pagkain sa hapag. "Ah, Train?" Saglit siyang bumaling sa babaeng nagsalita. "W-Wala ka na ba talagang balak na ibenta uli sa akin itong bahay?" tanong nito.
Kitang-kita niya ang biglang paglungkot nang magagandang mga mata nito at muntik na siyang madala, mabuti na lang at mabilis siyang nakabalik sa kanyang katinuan. "Wala."
Mula sa likuran ni Charley ay biglang sumulpot doon si Mitchy. "Good morning" tipid na bati nito sa kanila.
"'Morning." Sagot niya sa kanyang Manager.
Tipid na ngumiti si Charley kay Mitchy. "Magandang umaga po, miss Mitchy!" bati nito, saglit pang tumingin si Charley sa kanya, bago tuluyang lumabas sa kusina.
Napailing na lang siya ng lihim—naaawa na naman kasi siya! Kaya siya mabilis na naloloko, dahil masyado siyang maawain sa mga tao, kahit 'di pa niya gaanong kilala. Umupo si Mitchy sa upuan sa kanyang harapan.
"Ano 'tong itim na bagay na nasa pinggan?" nagtatakang tanong nito na tinutukoy ang niluto ni Charley kanina.
Natawa siya at umiling. "She cooked for me, as a thank you, but look at it was really awful."
Nakita niyang tipid na ngumiti ang babae na bihira niyang makita. "Sweet." Anito. Sweet? Baka bitter, kasi sunog.
Maagang nagpunta doon ang Manager niya para i-discuss sa kanya ang mga bagong projects at schedules niya. Napakamot siya sa kilay nang mapagtanto niya kung gaano siya ka-busy sa mga susunod na araw. Nevertheless, masaya siya sa mga blessings na dumadating sa kanya.
"Sa tingin ko, kailangan ko nang magkaroon ng permanenteng maid, PA at driver ngayon. I entrust you with these things." aniya.
Nakita niyang nagulat ito sa kanyang sinabi. "Are you sure?" Tumango siya. "Okay, I'll try to contact my close friends to help me find—"
"Ako! Pwede ako!" Sabay silang napalingon ni Micthy sa taong biglang sumingit sa usapan—si Charley! "Present!" sigaw pa nito.
"Ikaw?" nagdududang tanong niya.
"Oo." Ngumiti ito nang malaki. "Kaya kong maglinis ng bahay, magwalis ng bakuran, mag-plantsa ng mga damit, maglaba, maghugas ng mga plato, magtimpla ng kape, kumanta, sumayaw at magsulat ng mga nobela."
Tinitigan niya ang mukha nitong punong-puno ng determinasyon, bago siya napailing. "Hindi ka marunong magluto."
Nahulog ang balikat nito. "Pag-aaralan ko."
Muli niya itong tinitigan. "Bakit mo gustong maging katulong ko? May binabalak kang hindi maganda, 'no?" Aniya kay Charley.
Umiling-iling ito. "Ayokong mawalay dito sa bahay na kinalakihan ko, kaya ako nag-aapply na katulong mo..." may kung anong sumundot sa puso niya dahil sa makapagbagdamdaming titig na ipinupukol nito sa kanya.
Kaya pati siya ay nagulat sa sunod niyang sinabi. "Okay."
Biglang nanlaki ang mga mata ni Charkley. "T-Tanggap na ako?"
Nagkibit-balikat siya, nasabi na niya e. "Pero kapag puro kapalpakan ang mga gagawin mo, sisante ka na agad."
"Yes!" anito, saka mabilis na nakalapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. "Salamat, Train!"
Hindi siya agad nakakilos at nagmistula siyang parang tuod. Naramdaman niya ang malakas na boltaheng nanulay sa kanyang mga ugat, kaya mabilis niyang tinanggal ang mga braso nitong nakayakap sa kanya.
"A-Ayokong hinahawakan ako!"
Napakamot ito ng ulo. "Sorry, nadala lang ako." Saka ito muling napangiti ng malaki.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito, ano'ng ang biglang nangyayari sa kanya? "L-Linisin mo na ang bahay, ngayon din!" utos na lang niya, para iwala ang kung ano mang strange na pakiramdam na 'yon.
"Sir, yes, sir!" anito, saka sumaludo sa kanya.
"Train, kagagaling lang niya sa sakit." Paalala ni Mitchy.
Mabilis na umiling-iling si Charley sa Manager niya. "Okay na po ako, Miss Mitchy!" nakangiting sabi nito, saka ito energetic na nag-warm up sa kanilang harapan, bago ito tuluyang lumabas ng kusina.
"She's funny and cute. Tiyak magkakasundo sila ni Andie." Ani Mitchy sa kanya.
"She's a bad cook." Naiiling na sabi niya. "At sa palagay ko, hindi sila magkakasundo ni Andie. Speaking of Andie, she has been crying the whole day, yesterday after we've talked over the phone." Napabuga siya ng hangin.
"I hope we could still keep her, to avoid any bad publicity." Nagkibit-balikat si Mitch.
"FIGHTING Charley!" pagpapalakas-loob ni Charley sa kanyang sarili. Saka niya tinampa-tampal ang magkabilang pisngi niya, wala nang atrasan ito! Ginusto niya ito, kaya paninindigan niya ito!
Ito lang ang tanging paraan para mapanatili siya sa bahay, kaya gagawin niya ang lahat para manatili doon, kahit gawin pa niya ang pinaka-ayaw niyang gawin—ang paglilinis ng buong kabahayan.
Iniligpit na muna niya ang tent na nakatayo sa bakuran, bago siya muling bumalik sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan ni Train. Muntik na siyang mapaiyak nang makita niya ang frying fan na ubod ng itim dahil sa nasunog niyang niluto kanina. Good luck sa kanya!
Pagkatapos niya sa kusina ay isinunod niya ang sala, ang tatlong kuwarto sa ibaba—inayos na rin niya ang maid's quarter kung saan siya mamamalagi, naroon na rin si taptap at si Dyesebel—isinunod naman niya agad ang limang kuwarto sa itaas. Hinuli niya ang Master's bedroom kung saan dating kuwarto ng kanyang mga magulang na ngayon ay kuwarto na ng kanyang Amo—yeah right, amo—dahil katulong na siya ngayon ni Train.
Dahan-dahan niyang binubuksan ang silid, hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa loob. Bihira siyang pumasok sa loob ng master's bedroom, dahil naaalala niya ang masasayang alaala nilang pamilya. Nanubig ang kanyang mga mata at pilit na pinipigilang huwag tumulo ang mga ito. Ayaw niyang umiyak. Pero hindi rin niya napigilan ang kanyang mga luha.
"Mommy... Daddy..." saglit siyang napayuko at umiyak, bago siya umiling-iling at pinunas ang kanyang mga luha saka muling pinalakas ang kanyang loob. Kailangan niyang maging malakas!
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa buong kapaligiran. Napakalaki na nang ipinagbago ng silid. May malaking glass cabinet na itong nakalagay doon na may iba't ibang mga robots ang naka-display. May isa ring malaking robot na nakatayo sa bed side nito—mas matangakad pa yata 'yon kay Train.
Sa pagkawala niya ng dalawang araw ay agad nang nabago ang bahay—marahil ay napag-planuhan na talaga 'yon nang husto at maraming mga trabahador ang nagtulong-tulong doon. Napailing siya at muling ibinalik ang atensyon sa robot, ang tanda na Train, pero pulos pambata pa ang laman ng kuwarto nito.
Naagaw ng kanyang atensyon ang wall lamp kung saan iba't ibang mga larawan ni Train ang naka-slideshow doon. May malaking flat screen TV at blue ang lahat nang makikita doon—mula kurtina, bed sheet, pillow case at kumot. Mukhang hindi ito mahilig sa color blue!
Nagsimula na siyang maglinis sa loob. Vacuum dito, pagpag doon. Sinimulan na din niyang punasan ang malaking robot nito at dahil mas malaki 'yon sa kanya, nakatingkayad siyang inaabot ang mga balikat niyon.
Hanggang sa biglang bumalik sa alaala niya ang kabaliwang ginawa ng kapatid niya. Argh! Kung hindi dahil sa kapatid niya, hindi sana siya naghihirap nang gano'n. Nasaan na kaya ito? Hindi pa siya tinatawagan nito at hindi rin niya makontak ito, pati ang asawa nito. Pero isa sa mga araw ay pupuntahan niya ito sa bahay ng mga ito.
"Kuya! Kapag nakita kita, paaambunan kita ng sermon!" naiinis na sabi niya. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.
At gano'n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata sa gulat nang biglang may bumagsak na malaking bagay sa sahig at nadaganan niyon ang kanyang kaliwang paa. Napa-aray siya pero hindi na niya inalintana ang sakit nang makita niyang natanggal ang kamay ng robot ni Train! Pinanggigilan niya yata!
"Hala! Naputol!" napakagat siya sa pamunas na hawak niya. Pero nang mapansin niyang nakakagat siya sa basahang hawak niya ay halos masuka siya.
Ano na'ng gagawin niya? Mabilis niyang pinulot ang natanggal na braso ng robot, saka muling ikinabit dito, pero ayaw nang maikabit. Mukha yatang nadisgrasya niya ito!
"...Huwag na huwag kang papasok sa kuwarto ko, maliwanag?" naalala pa niyang bilin ni Train sa kanya kanina, pero dahil masyado siyang thankful dito at gusto niyang linisin ang kuwarto nito, kaya sinaway niya ang bilin nito. Kahit may pagka-ulyanin siya ay naalala niya ang sinabi nito at tumatak 'yon sa isipan niya, hindi lang niya sinunod.
Patay! Napabuga siya ng hangin. Malamang kapag nalaman ni Train na pumasok siya sa kuwarto nito at nasira pa niya ang robot nitong mukhang mamahalin, baka bigla na lang siyang palayasin sa bahay. Kailangan niyang maikabit 'yon nang hindi napapansin ni Train ang sira!
GINULO ni Charley ang kanyang buhok dahil sa frustration. Tatlong oras na kasi siya sa harapan ni taptap at mag-aalas onse na rin noon ng gabi pero hanggang ngayon wala pa rin siyang naisusulat na kahit anong salita sa Microsoft word na binuksan niya.
Gusto niyang magsulat nang bagong story, since may isang plot na biglang kumalabit sa utak niya habang naglalabas siya nang sama ng loob sa CR kanina, pero ang nakakalungkot lang ay no'ng paglabas niya ng CR, nakasama yata sa pag-flash niya sa toilet ang lahat ng kanyang iniisip na ideya kanina.
"Argh!" muli niyang ginulo ang kanyang buhok, pero mas lalo lang siyang nainis nang sumabit ang mga daliri niya sa strands nang magulo niyang buhok. May ilang araw na kasi siyang hindi nagsusuklay pagkatapos maligo. Dahan-dahan na lang niyang inalis ang mga daliri sa buhol-buhol niyang buhok.
Napailing siya. Tutal ang hopeless na, magtitimpla na lang siya nang maligamgam na gatas sa kusina, sakaling makatulog siya nang mahimbing mamaya, baka bukas ay bumalik na rin ang nawawala niyang ideya.
Lumabas na siya sa maid's quarter, para pumunta sa kusina nang biglang bumukas ang main door ng bahay at iniluwa doon ang Amo niya—si Train Evan Sebastian—na hindi niya maintindihan kung ano'ng nangyari dito—he looks awful—magulo ang buhok, damit at mukhang lasing na lasing.
"Kayo po ba ang katulong niya?"
Nagulat siya nang biglang may lumitaw na maliit na lalaki sa likuran nito na marahil ay nasa four feet ang height. Pero napakunot-noo siya sa sinabi nito, gano'n na ba siya kamukhang katulong sa ayos niya? Mabilis niyang sinipat ang hitsura niya—at napatikom na lang ng bibig.
"Ano'ng nangyari sa kanya?" aniya, lasing na lasing si Train at halos hindi na maibukas ang mga mata nito. Mabilis niyang inalalayan si Train kasama ng maliit na lalaki, papunta sa living room at pinaupo sa malaking sofa.
"Napadami po kasi siya ng inom sa bar na pinagta-trabahuan ko, kaya nagmagandang-loob na lang po akong ihatid siya, dahil mukhang hindi na niya kayang magmaneho e." anang maliit na lalaki.
Napailing siya. Ano naman kayang problema ng Train na 'to para maglalasing-lasing e hindi naman pala kaya. Tssh. "Paano mo nalaman itong tirahan niya?" aniya.
"Tinanong ko siya." Nakangiting sabi nito. "Saka... Uhm... I-Idol ko po kasi siya." Humahangang pagtatapat nito sa kanya. "Kaya no'ng makita ko siya kanina, tinulungan ko na siya bago pa siya makita ng mga paparazzi para kuhanan ng mga larawan."
Nilapitan niya ito at tinapik ang balikat nito. "Isa kang huwarang mamayan, sana dumami pa ang mga katulad mo." Aniya.
Ngumiti ito nang maluwang. "Pinalaki kasi ako ng mga magulang ko na maging huwarang mamayan at tumulong sa mga nangangailangan." Anito.
Napakamot siya sa kanyang baba. "So, lumaki ka na pala sa lagay na 'yan?" aniya. Natawa naman ang lalaki. Inalok pa niya ito nang maiinom, pero kailangan na daw nitong bumalik sa trabaho, kaya nagpasalamat na lang siya dito bago ito tuluyang umalis.
Pasalamat si Train at nakauwi ito nang maayos, dahil kung hindi, malamang pagpi-piyestahan na ito sa mga tabloid bukas.
Umupo siya sa tabi nito at napatitig sa mukha nito. Namumula 'yon, lalo na ang tungki ng ilong nito at ang mga labi. Magulo ang buhok nito na parang nabagyo sa ayos nito, mabuti na lang at guwapo pa rin ito. Ang unfair lang, dahil kahit yata magdamit pa ito ng basahan ay head turner pa rin ito, ayaw man niyang aminin sa kanyang sarili, pero malakas ang dating nito.
"Hmmm..." Narinig niyang umungol ito, kaya muli niya itong tinapunan ng tingin. Hindi na tuloy niya namamalayan na unti-unti nang tumataas ang kanyang daliri para ayusin ang buhok nito, hanggang sa malanghap niya ang amoy-alak na hininga nito, pero ang weird lang, dahil hindi 'yon masangsang sa ilong, para ngang umaamoy lang siya ng fruity cologne. Napapikit tuloy siya.
"W-What the heck is going on?" narinig niyang nagsalita ang lalaki sa kanyang harapan, kaya mabilis siyang nagbukas ng mga mata—nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang napakalapit na ng kanilang mga mukha at titig na titig pa ito sa kanya.
Mabilis siyang umurong palayo dito. At kinalama ang puso niyang nagsisimulang magwala dahil sa kabang naramdaman niya. Napalunok siya nang mariin. "A-Ah ano kasi e... Ahm..."
"Are you trying to seduce me?" namumungay ang mga mata na tanong nito sa kanya, saka ito umusog palapit sa kanya.
Napaurong din tuloy siya palayo dito. "Ako? Inaakit ka? H-Hindi ah!" mabilis niyang depensa.
Natawa ito sa sinabi niya. "Eh bakit ka namumula?" nangingiting tanong nito sa kanya. Lasing na lasing na talaga ito, dahil pati mga salita dito ay dumudulas na sa dila nito.
"Hindi ako namumula. Hindi lang kasi ako naligo kanina." Naging abala kasi siya sa gawaing bahay at pagsusulat. Mabilis niyang inamoy ang sarili niya, mabango pa naman siya.
Bigla itong nandiri sa kanya dahil sa naging reaksyon nito. "You're disgusting!"
She stuck out her tongue. "Mabuti na 'to, kaysa umuwing lasing na lasing tulad mo. At least hindi ako amoy alak." Aniya.
"Sino'ng lasing ha?" anito.
"Ikaw!"
"Hindi ah! Kahit amuyin mo pa ako!" anito, saka ito tumayo para lumapit sa kanya para ipaamoy sa kanya na hindi ito lasing.
Tumayo din siya para layuan ito—pero huli na dahil na-corner na siya nito—itinukod nito ang dalawang braso nito sa headrest ng upuan kung nasaan siya. Nanlaki ang kanyang mga mata at tila may malaking bikig sa kanyang lalamunan kaya nahihirapan siyang lumunok, dahil sa labis na kaba.
Kailangan na niya itong maitulak agad, pero hindi nakikiayon ang kanyang sistema dahil tila nanlalambot siya sa kanyang kinauupuan. Daig pa niya ang na-stroke. Nakita niyang napangisi ito sa kanya.
"Ano? Amoy alak ba ako?" nakangising tanong nito. Hindi siya makasagot dito dahil mas malakas ang tibok ng puso niya at tila na overpower nito ang kakayahang niyang magsalita.
Hindi siya dapat nakakaramdam nang ganoon. Writer siya at alam na niya ang patutunguhan nang ganoong pakiramdam. Kaya inipon niya ang buong lakas niya para makabalik ang kaluluwa niya sa kanyang katawan—at nagtagumpay naman siya dahil nakakakilos na siya.
Mabilis niyang itinapat ang kanyang dalawang kamay sa malapad na dibdib nito, saka ito itinulak nang buong puso—pero wrong move ang ginawa niya dahil mabilis din itong nakakapit sa balikat niya—at gano'n na lang ang pagsinghap niya nang matumba silang dalawa sa sofa. Nahila siya ni Train na ngayon ay nakasubsob sa kanyang dibdib!
Halos lumabas ang kanyang mga eyeballs dahil sa eksenang 'yon. Saglit siyang napatulala bago ito itinulak sa palayo sa kanya, saka siya tumayo sa harapan nito.
"I-Ikaw!" itinuro niya ito. Ngalingaling sampalin niya ang magkabilang pisngi nito. She felt molested.
"B-Bakit?" anito na umaayos nang pagkakaupo na parang hindi na nito namalayan ang naganap na eksenang 'yon sa kanila.
"S-Sumubsob ka sa ano ko... err... kainis!"
"Sa likuran mo? Eh itinulak mo kasi ako, napakapit tuloy ako sa 'yo kaya nadaganan mo ako at napasubsob ako sa likuran mo!"
Likuran? Eh kung tirahin kaya niya ang ulo nito? Sa dibdib niya ito nasubsob e, hindi lang halata na dibdib 'yon, pasalamat ito ang lasing ito! Napabuga na lang siya ng hangin, wala siyang mapapala sa pakikipagtalo sa isang lasing.
Pero dahil mabait siyang tao, tinulungan na lang niya itong tumayo para ihatid sa kuwarto nito. Ang bigat nito! Hanggang sa makarating sila sa kuwarto nito, ibinagsak agad nito ang katawan nito sa malaking kama—knock out!
Muli siyang napabuga ng hangin, saka uli siya bumaba para magtungo sa kusina—uminom siya ng maligamgam na gatas bago siya bumalik sa kanyang kuwarto. Sa isang oras, ang dami nang nangyari sa kanya—napailing siya nang biglang mag-flashback ang lahat nang kaganapan sa kanila ni Train kanina sa living room.
That was one of a hell of experience! Erase! Erase! Erase!