Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 51 - The False Truth

Chapter 51 - The False Truth

Chapter 49: The False Truth 

Reed's Point of View 

 Naalala ko 'yung sinabi ni Kei sa 'kin noong 3rd year high school kami. Iyon 'yung araw bago ang school festival na nakita raw niya 'yung doppelganger ni Haley kung saan may superstition na mamamatay raw 'yung taong iyon kapag nakita mo 'yung isang 'siya'. 

 Pero ang totoo, hindi talaga si Haley 'yon. 

 Katulad din iyon ng nangyari sa akin nung nagparada kami't naiwan si Haley sa E.U. sa araw ng school festival. Sa gilid kung nasaan ang mga mataong lugar at pinapanood ang parada ng mga estudyante sa Enchanted University. 

 Akala ko, nakita ko siya. Akala ko si Haley 'yung nakatingin sa akin. Akala ko, guni-guni ko lang. 

 "Sinama mo pa 'yang Lara na 'yan para lang ma-solo si Reed!"

 "Bakit hindi ba totoo?! O baka nga isa rin sa mapagpanggap 'yang kapatid mo na nagkukunwaring PATAY, eh!" 

 Naalala ko pang sabi ni Tiffany noon matapos ang stage play namin sa Romeo and Juliet. Nasabi niyang kinulong siya sa isang kwarto dahil sa kapatid ni Haley, na alam kong gawa-gawa lang niya noon. 

 Pero hindi pala…

 Ngayong nakikita ko sa harapan si Lara. Si Laraley Christine Rouge, namulat ako sa mga nakatagong katotohanan. Iyon pala ang mga misteryong hindi ko binigyang pansin. 

 "Pero… bakit?" Panimulang tanong ko habang wala pa rin siyang sinusuot na kahit na anong ekspresiyon. Sobrang lamig, walang buhay.

Pareho sila ng mukha ni Haley pero, 

 …sobrang layo ng ginagawa nilang mukha. Ang daming tanong ang namumuo sa utak ko. 

 Paanong nandito si Lara? Bakit siya buhay? Natatanong ba 'to ni Haley sa sarili niya? Si Jasper, bakit hindi niya sinabi sa akin kaagad? Bakit may hawak siyang baril? Saan siya nanggaling? Bakit nakagapos si Haley? Ano ba talaga ang nangyayari? 

 Narinig ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong bago siya nagmartsa papunta sa akin saka niya marahas na hinawakan ang kwelyo ko para itulak ako. Napaupo ako sa edge ng kama ni Haley dahil doon niya ako dinala. 

 Noong tumingala ako para makita siya, malakas niya akong sinikmuraan na siyang nagpahiga sa akin. Nanginginig ang mata ko habang hawak-hawak ang tiyan ko na kanyang sinuntok. 

Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makahinga sa ginawa niya. 

 'Tapos ang sunod na lang na nangyari, unti-unti akong napapapikit, at nawalan nang malay. 

Jasper's Point of View 

 Kinabukasan. Dahil sa nag-aalala ako kay Reed, kaagad-agad akong dumiretsyo sa bahay nila Kei upang tingnan siya pero papunta pa lang ako, nakikita ko na sa kalayuan sila Harvey. Ganoon din si Hal-- Hindi, si Lara pa rin ito. 

 Inangat ko ang tingin ng noo niya. Mula kasi ro'n, makikita mo na dapat 'yung peklat niya, eh.

 Nandoon silang tatlo sa harapan ng Montilla Residence at handa na rin yatang pumasok sa sasakyan. Tumigil lang sila noong mapansin nila ang presensiya ko. 

 "Oh, Jasper?" si Kei. Nginitian niya ako. "Good morning." Bati niya.

 Sinimangutan ako ni Harvey. "Huwag mong sabihin sa akin na pumunta ka rito para lang isabay ka?" Umagang-umaga, pero sinusupetsiyahan kaagad ako. 

 Iwinagayway ko ang mga kamay ko. "Siyempre hindi, 'no? Ayoko namang isturbohin kayong dalawa." Tukoy ko sa kanila ni Kei kaya namilog ang mga mata nila't namula ang mga pisngi. Hehh… 

 "Pero nandiyan pala si Haley." Dagdag at banggit ko sa pangalan kaya tiningnan ako sa peripheral eye view ni Lara. "…kaya sasabay na ako." 

 Patalon akong lumapit papunta sa kanila at pumasok sa likod. 

"Gag* ka. Nasa'n 'yung motor mo?" Iritableng tanong ni Harvey nang makapasok sa driver's seat. Sumunod na rin si Lara sa passenger seat habang katabi ko naman si Kei. 

 "Na sa tabi-tabi lang po, Boss. Saka ayaw mo 'yon? May makakasama ka na mas pogi sa'yo? Hindi ka ba nacha-challenge?" 

 "Argh, just shut up." Inis na wika bago patakbuhin ang sasakyan. Nanatili lang na nakaguhit ang labi ko pero pasimple ko ring tiningnan si Lara na nakaharap ang tingin. 

 Lumingon ako kay Kei. "Nasaan nga pala si Reed?" Tanong ko sa kanya. 

Nakatingin siya sa cellphone niya nang ibaling niya sa akin. 

 "Masama raw 'yung pakiramdam, hindi ko pa siya nakikita ngayong umaga pero may note siya sa pinto niya. Eh, hinayaan ko muna kasi baka natutulog. Gumawa naman na ako ng excuse letter para sa kanya." Sagot niya kaya napasandal ako't tumingin na lamang sa labas ng bintana. 

*** 

 PAPUNTA NA kami sa building namin. Pero bago kami pumasok, hinawakan ko na kaagad si Lara sa balikat niya. "Pwede ba tayong mag-usap sandali?" Tanong ko sa kanya habang nangunguna na naglalakad ang dalawa. 

"Nasa'n si Ree--" 

 "Jasper, Haley. Dalian n'yo, medyo late na tayo, baka na sa classroom na si Sir Santos." Pagmamadali sa amin ni Kei bago dali-daling pumasok. 

Medyo nag-alanganin ako at napatingin pa kay Lara bago ako patakbong naglakad upang sumunod kina Harvey. 

 Nang marating namin sa classroom. 

Naabutan naman naming wala pang adviser pero bumalik na kami sa mga upuan namin. 

 Labas sa ilong kong itinulak palabas ang upuan bago umupo. Na sakto naman sa pagpasok ni Rose mula sa entrance door namin. Seryoso ang mukha niya at nagmartsa papunta sa teacher's table. "Classmates, may sasabihin ako. Manahimik kayo sandali." 

 Bumaling ang pansin ng lahat sa kanya at nanahimik. Maliban lang doon sa dalawang lalaki na nakasilip sa nakabukas na sliding windor. 

Nangti-trip ng estudyante. 

 "Miss! Miss! Crush ka raw nito, oh?" Turo ng kaklase kong lalaki sa katabi niya kaya pinaltukan siya nito. 

 "Gag*!" Mura nito at napalingon sa amin bago niya napansin na nakatingin kaming lahat sa kanya. Kinalabit niya 'yung isa naming kaklase kaya napatingin din ito sa amin saka dali-daling tumayo nang tuwid para pakinggan ang sasabihin ni Rose. 

 Ipinatong ni Rose ang dalawa niyang kamay sa teacher's table. "Biglaan lang daw ito pero nag resign na raw 'yung adviser natin." 

Nanlaki ang mata naming lahat at nagkanya-kanya ng reaksiyon. 

 "Ha? Bakit naman nag resign?" 

 "So, wala na tayong adviser? Free time na palagi ang homeroom?" 

 "Walang problema sa akin, para may oras pa tayong matulog sandali." 

 "Pero 'di ba, kapag nag resign ang teacher. May issue?" 

 "Don't tell me may ka-relasyon siyang teacher kaya siya nag resign?" 

 Kumento ng iba sa kanila. 

 "Grabe kayo. Ito na 'yung last year of high school natin pero ganyan kayo mag-isip?" Pagsusumamo ni Kimberly. 

 Ngumiti nang pilit si John. "Strikto si Sir Santos. Pero magaling magturo 'yon." Aniya saka hinampas ni Rose ang White Board para kunin ang atensiyon namin. 

 "Walang ibinigay na paliwanag sa akin kung bakit siya nag resign lalo na't malapit na tayong maka-graduate. Pero mayroon daw tayong bagong adviser. Na sa faculty siya, papunta na rin dito." Pagkasabi pa lang ni Rose no'n ay ang pagbukas ng sliding door ng isang lalaki na may katangkaran, moreno't matangos na ilong. Mayroon din siyang mapupungay na mata. 

 May hawak-hawak na siyang class record, at nakasuot nang maayos na uniporme ng mga guro sa unibersidad na ito. 

 Humarap sa kanya si Rose habang papalapit ang lalaking iyon. "Good morning, Sir." 

 "Good morning, Cadano." Bati pabalik sa kanya ng lalaking iyon. Mukhang ito ang bago naming adviser. 

Bumalik na si Rose sa pwesto niya kaya pumunta na sa harapan ng teacher's table ang gurong ito. 

 Muling nagkaroon ng bulungan. "Ito 'yung bago nating adviser?" 

 "Sheet, ang pogi. Ilang taon na kaya?" si Kath

 "May girlfriend na?" 

 "Rupok, may boyfriend ka na, ah? Landi landi mo." 

 Tumango ang guro. "Hello, class. Mukhang narinig n'yo naman na 'yung sinabi ng classmate n'yo. Ako ang magiging bago n'yong adviser starting today. I'm Emmanuel Santiago, gaya ng adviser n'yo. Magiging P.E Teacher n'yo rin ako." Pagkatapos ay luminya ng ngiti ang labi niya na siyang nagpapikit sa 'ming lahat. 

 Ang pogi! Hindi ako makakapayag! 

 Tumili ang mga kaklase ko. "Sir! May girlfriend ka na?" 

 "Sir, may P.E kami mamaya. Pwede bang swimming lesson tayo?" 

 "Huwag kang makinig sa mga 'yan, Sir! Malalandi sila!" 

 Humagikhik si Sir Emmanuel. "Wala akong girlfriend." Sagot naman ng adviser namin. Masyado naman siyang considerate sa mga tanong ng mga kaklase ko. 

 Pero bakit naman yata napakabiglaan ng resignation ni Sir Santos? 

Reed's Point of View 

 Hindi ko pa namumulat ang mata ko pero naramdaman ko kaagad 'yung sakit ng sikmura ko dahilan para mariin akong mas mapapikit bago ko imulat ang mata ko. 

 Tumambad kaagad ang mukha ni Haley sa akin kaya napasigaw ako't napaupo. Subalit doon ko rin napagtanto na nakagapos ang dalawa kong pulso. Eh? 

 "Gising ka na pala." Sabi ni Haley kaya ibinaba ko na 'yung tingin sa kanya. Naktingala siya sa akin bago siya umupo mula sa pagkakahiga niya. 

 Kumpara sa akin, handcuffs na 'yung na sa kanan niyang pulso habang 'yung kabila nito ay nakasabit sa makapal kapal na bakal sa headboard. 

Kaya makikita mo rin kung gaano kapula 'yung pulso niya na mukhang ipinagpilitan niyang alisin. 

"Haley… Bakit ako nandi--" Noong ibaba ko pa ang tingin, mas nanlaki ang mata ko dahil wala pa rin pa lang saplot ang pambaba niya't nakasuot lamang ng panty. "Pan--" Ginamitan niya ako ng headbutt. 

 "Manyak ka talaga!" Sigaw niya sa akin kaya napadapa ako ng wala sa oras. Ang sakit! Ang sakit! 

 "Kailangan ba talagang banggitin pa sa 'kin? 'Di mo na lang ipikit 'yang mata mo't tinitigan mo pa! Mongrel!" Inis na inis niyang sabi sa akin. Ininsulto pa ako. Galing… 

 "Ergh… B-Bakit kasi wala ka man lang short?" Taka kong sabi nang tingnan ko siya. Pulang pula na ang mukha niya. 

 Umiwas siya ng tingin. "Gusto ko ring malaman 'yan." Sagot naman niya na medyo marka pa sa boses ang kaunting hiya. 

Muli akong umupo mula sa pagkakadapa, sumandal ako sa headboard. 

 Inaalala ko mga nangyari kagabi. Kung nandito ako sa tabi ni Haley ngayon, malamang hindi lang basta't panaginip 'yung nangyari kagabi. 

 Dahan-dahan kong sinilip 'yung mukha ni Haley na nakatungo. Tinitigan ko ang mata niya, labi, ilong, ang mapupula niyang pisngi.

Bakit hindi ko napansin na 'di si Haley 'yon? Alam ko dapat 'yon, eh. Hindi man sa mukha niya, kundi sa 'pakiramdam' 

 "I'm sorry." Hinging paumanhin ko dahilan para iangat niya ang tingin sa akin para makita ako. "I'm sorry for not realizing it, na hindi pala ikaw 'yung nakakasama ko." 

 Umangat ang mga kilay niya bago labas sa ilong na ibinaba ang kanang kamay na may pag ngiti. "You wouldn't have thought that my twin sister was alive, though. Kaya bakit ka nagso-sorry sa akin?" 

"Kasi dapat ako ang unang nakakaalam dahil palagi kitang tinitingnan." 

 Natahimik siya sa sinabi ko't unti-unting namilog ang mata. Subalit pareho kaming napatingin sa lalaking pumasok sa pinto na siyang nagpagulat sa akin. "Hi ~! Iisturbohin ko muna kayo, ah?" 

 Nataranta ako. "S-Sino ka?!" Tanong ko at inilipat ang tingin sa mga hita ni Haley saka ko kinuha 'yung kumot sa pamamagitan ng ngipin ko para takpan ang pambaba ni Haley. 

 "Whoa. Kahit takpan mo pa 'yan, nakita ko na 'yan, 'no?" Sabay lapag ng pagkain namin sa side table. Naaamoy ko kasi 'yung ulam. 

 Napatuwid ako ng upo at dikit-kilay na tiningnan itong lalaking ito. "Huh?!" Reaksiyon ko. 

 

 "H-Huwag ka maniwala sa kanya. May sira lang talaga 'yung ulo niya para asarin ka." Marahan pero may tono ng pagkairita na sabi ni Haley sa akin. 

 "Eh. Cheapskate." Inilabas ng lalaking ito ang handcuffs sa bag niya at lumapit sa akin. Umupo siya sa edge ng kama ni Haley at sinisimulang tanggalin 'yung pagkakagapos ko. "Huwag kang magalaw, hindi ako magdadalawang isip na balian ka ng buto." Ewan ko, pero 'yung pananalita niya may pagkalamig na hindi mo maiwasan na sumunod. Inilagay niya kaagad ang isang handcuffs sa kanan kong pulsa habang ang kabila naman ay nandoon sa bakal ng headboard. 

 Tumayo na siya pagkatapos at nagpameywang. "Ayoko talaga kayong pahirapang kumain, pero baka mamaya tumakas pa kayo." 

 "Anong gusto mong gawin namin dito? Dito lang kami? Baka umuwi sila Tita rito!" Wika ko. 

 "May balak naman kaming pakawalan ka. Pero may mga bagay ka munang kailangang malaman. At pagkatapos, titingnan namin kung itatago ka namin o hindi." Paninigurado niya na nagpakunot-noo sa akin. 

 "Ha? Wala akong maintindihan, anong itata--" 

 "Reed." Tawag ni Haley na siyang nagpatigil sa akin. Lumingon ako sa kanya, ang lungkot na nung mata niya. "Just listen to him." Mas naguluhan pa ako dahil sa inakto ni Haley, naging seryoso rin siya bigla. 

 Ibinalik ko ang tingin sa lalaking ito. 

"Wala na talaga kaming balak na malaman pa 'to ng iba pero nalaman mo ng 'di sadya kaya…"

 Sinimulan niyang sabihin ang dapat na sabihin. Ikinuwento niya ang buong detalya, ang importanteng bagay na dapat kong malaman na siyang nagparamdam sa akin ng matinding takot. 

 "Haley… is in danger?" 

*****