Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 52 - Vile Fate

Chapter 52 - Vile Fate

Chapter 50: Vile Fate 

Someone's Point of View 

 Sa loob ng hindi ganoong kadilim na opisina ay tahimik na nakaupo ang mga bata sa pahabang sofa habang ibinibigay ng isa sa kasamahan nila ang report na aking hinihingi. 

"Boss, ano ang gagawin natin?" Tanong ng bata ko na nakasuot ng kulay gray na vest, nakaupo siya sa may swivel chair at pinupukpok ang lamesa gamit ang stick na hawak.

 Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinignan ang labas ng bintana. "Karera wa doko ni iru?" [Where are they?] Tukoy ko sa mga pinadala kong bata sa partikular na unibersidad na iyon. 

Umiling ang bata ko at yumuko. "H-hindi sila nag tagumpay, nahuli sila ng W.S.--" humarap ako sa kanya para mabilis na ilabas ang aking baril upang iputok iyon sa ulo niya. Dahilan para mapaatras ang mga tao na nasa loob ng kwarto at mga natahimik.

 "Useless junk." Aking sambit bago napangisi na nagpamulsang humarap sa litrato ni Vivien na naroon sa Dart Board, kinuha ko ang isang pirasong arrow dart at mabilis na inihagis 'yon sa litrato ni Vivien Villafuerte. Tumusok iyon sa mismong ulo niya kaya mas lumapad pa ang nakaguhit na ngisi sa aking labi. 

"Boku no kaeri o matsu, boku wa anata ga ima shinu koto o kakunin shimasu." [Wait for my return, I will make sure that you're going to die now] Pakikipag-usap ko sa aking sarili bago nagsimulang humalakhak. 

 "Boss. B-Bakit hindi na lang natin sabihin 'to sa nakatataas na grupo para sila na 'yung mag-asikaso kay Vivie--" Matalim kong tiningnan ang nagsalitang iyon kaya mabilis niyang itinikum ang kanyang bibig. 

 "Anata wa anata ga hanashite iru koto o rikai shite imasu, anata wa sukoshi tawagotodesu ka?" [Do you understand what you're talking about, you little shit?] Marahan pero pagalit kong tanong. "Kapag ginawa natin 'yan, na sa kanila lahat ang commission! Kung tayo ang makakapatay sa pinaka delikadong assassin sa organisasyon. YAYAMAN tayo, na sa 'tin ang kapangyarihan, ang atensiyon, tayo ang ipagmamalaki at hindi na mamaliitin!" Naglakad ako para lapitan ang lalaking nagtangkang magsalita ng walang silbing bagay. Kinuha ko ang kwelyo niya para ilapit siya sa akin. "Wakaru?" [You understand?] Tanong ko at malakas na sinampal ang mukha niya. "Walang pwedeng makaalam sa impormasyon niya o sa kung anong nalaman natin tungkol sa babaeng 'yon!" Sigaw ko sa kanya kaya mabilis siyang tumango. 

 "I-I understand." Pagkasagot niya niyon ay patulak ko siyang pinaupo ulit sa sofa bago bumalik sa akin pwesto. Tiningnan ko ang wall clock.

 Gumawa na kami ng plano nung isang gabi kapag hindi nagtagumpay ang unang plano, kaya sa pagkakataon na ito. Hindi na 'to pwedeng mabigo, kaya inaasahan kita. Noel. 

Haley's Point of View 

 Naipaliwanag na lahat lahat ni Roxas ang kailangang malaman ni Reed kaya noong nagpaalam at umalis si Roxas, talagang namuo ang katahimikan sa buong kwartong ito at wala ni isa sa 'min ang umimik.

 Mukhang pilit niyang pinapasok sa utak niya 'yung mga nalaman niya. Hindi kapani-paniwala, alam ko. 

 Pero… 

 "Sorry kung ganito 'yung nangyayari," Panimula ko habang hindi siya tinitingnan. Nakaharap lang ako. "Wala rin akong ideya kung bakit nangyayari 'yung mga ganitong bagay sa 'kin na pati kayo nadadamay, kaya gaya ng sabi ni Roxas kanina. Kung sakali mang pakawalan ka ni Ate. Wala kang ibang pagsasabihan nito," Tumungo ako't napayukom ng kamao. "…'Cause although Roxas will keep an eye to all of you, there's no guarantee na hindi kayo malalagay sa alanganin." 

 Nanatili pa ring tahimik si Reed at nakatulala lamang sa kawalan. Samantalang ipinagpatuloy ko naman ang sinasabi ko. Sumandal ako sa headboard at tumingala sa kisame. "Kng sakali mang nangyayari 'to dahil nakatadhana sa 'kin na mawala. Wala akong pagsisihan." 

 Mukhang nakuha ko ang atensiyon ni Reed dahil sa aking sinabi. Nakita ko sa peripheral eye view ang kaunting pagtaas ng kanyang balikat. "Pero Reed, kung pwde lang talaga bumalik sa dati… na masaya tayong lahat at hindi nangyayari 'yung mga ganitong bagay, mas lalo akong walang pagsisisihan. Masaya ako, eh." Pagkibit-balikat ko. 

 Hindi ko na alam kung ano ang sinasabi ko. 

 "Ever since we met, wala akong ibinigay sa inyo na kahit na ano kundi sakit sa ulo. Naging pabigat ako kahit nung una pa lang." Pilit akong humagikhik. "Baka kasi karma ko 'to?" Pagkatanong ko pa lang niyan sa aking sarili, may namuo ng luha sa mata ko kaya mas napakagat-labi ako. 

 Bumalik bigla sa utak ko 'yung mga pang-aapi, pagtatanggi ng ibang tao sa 'kin, pang-aabuso, at pananakit. 

 "Do I even deserve this?" Isang tanong kasabay ang pagpatong ni Reed ng kanyang kamay sa likuran kong palad na nakayukom. 

Ibinaba ko ang tingin para lingunin siya. 

 Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Pag-aalala, pangingiyak ang makikita mo sa kanyang mukha. Halo-halo na hindi ko na rin maintindihan kung ano ang dapat na ipaliwanag sa kanyang ekspresiyon.

 Subalit nandoon iyong ngiti sa labi niya kahit wala siyang ibang sinasabi na ngayon lang niya ginawa. Ngayon lang nangyari na pinili niyang manahimik. 

 Dahil ba sa wala siyang masabi? O…

 Ah, no. That's not it.

 I see… I get it now. That's why this scenery is kind'a familiar. 

 Lumitaw ang litrato sa utak ko, nakahiga si Lara sa sapin at tahimik na nakahawak sa kamay ko na nakangiti sa 'kin at walang hinihingi na kahit na ano at nakatingin lamang sa akin. 

 How could I forget about that? Stupid me. 

 I must have covered up those memories because I didn't want to see them, I can't even recall them on my own anymore. 

 However, seeing him right now reminds me of that day again-- that moment. Lara knew the circumstances regarding to her life span that she chose to stay quiet and stay with me 'till the end. 

 

 Both him and Lara had the same thought of being helpless yet they're trying to give their best to quietly to put a smile on their lips to make me feel secure. 

 

 Hindi ba't ako dapat ang gumawa no'n para sa kanila? Pero parang ako pa ang walang magawa rito. 

 

 Ipinatong ni Reed ang noo niya sa noo ko at pumikit na may kasamang paghinga nang malalim. Hinawakan din niya ang pisngi ko gamit ang kaliwa niyang kamay na hindi naka handcuff. "Haley…" Paanas niyang tawag sa pangalan ko na narinig ko naman. 

 

 Iminulat na niya ang mata niyang nakasara kanina dahilan para magtama ang tingin namin sa isa't isa. "Please, don't say that…" 

 Ako naman ang pumikit bago ko ibaon ang mukha ko sa mga bisig niya. 

 Pareho naming alam, pareho kaming walang ideya sa pwedeng mangyari dahil paulit-ulit na nagaganap ang mga ganitong klaseng bagay. 

Walang makakapagsabi lalo na't hindi na biro ang sitwasyon. Hindi ito 'yung tulad sa insidente na nangyari kay Ray. 

 "Natatakot ako, Reed… Natatakot akong mamatay…" I said as I gave up myself to him. Paghigpit ng hawak ko sa damit niya at pagpikit ko nang mariin na siyang pagbagsak ng luha sa mata ko. 

 Hinawakan lang niya ang likod ng ulo ko, walang imik na pinapakinggan ang bawat paghikbi ko. 

Lara's Point of View 

 Nakasilip lang ako sa labas ng pinto ng kwarto ni Haley bago ako magpasyang umalis para imbestegahin ang iba pang footprints ng mga tao sa B.R.O. 

 The pair of twins that split by a vile fate, there is always this thing that blocks that light. If I have to become wicked in the eyes of others just to take you away from danger, I will surely flick this hurdles away 'till my last breath. 

Mirriam's Point of View 

 Pauwi pa lang ako ngayon galing sa training. Hindi na ako sumabay kay Jasper dahil dumiretsyo ako sa pwesto namin sa G-Shop kahit na inalok niya ako. 

 Ayoko naman kasi 'yung palagi niya akong hinahatid. Baka mamaya masanay ako 'tapos maging dependent ako masyado sa kanya. May sarili ring buhay 'yon. 

 Na sa side walk lang ako't naglalakad dahil malapit lapit na ako sa shop namin, subalit sa paglalakad ko ay nakaramdam ako ng presensiya sa aking likuran kung kaya't lumingon ako ro'n. 

 Dalawang magkasintahan lang pala iyon. 

 Sumimangot ako at pumaharap ulit ng tingin. Ang weird, bigla akong kinilabutan? 

 

 Kinuha ko na lamang 'yung phone ko para tingnan 'yung nilalaman dahil kanina pa talaga ito tunog nang tunog. 'Tapos sakto pa na tinawagan ako ni Jasper kaya mabilis ko ng sinagot. "Oh, Jasper?" Sagot ko sa phone. "Tumawag ka lang dahil do'n? Ang O.A mo mag-alala, parang hindi ko 'to ginagawa noon. Malapit na ako sa pwesto." Tinanong kasi niya kung nasa'n na ako at kung nakarating na ba ako. 

Someone's Point of View 

 Mabilis akong kumaliwa noong maramdaman kong lilingon ang babaeng iyon. Pasimple akong sumilip sa kanya na ngayo'y nakahinto at animo'y nagtataka. Pumaharap na lamang ulit siya ng tingin saka niya kinuha ang kanyang phone. 

 Habang patago ko naman siyang kinuhanan ng litrato at naglakad paalis. 

Noong tingnan ko sa screen ang aking kuha ay hindi ko mapigilang mapangisi't dilaan ang itaas kong labi. 

*****