Chapter 54: Peril
Jasper's Point of View
Hating-gabi nang tawagan ako ng kapatid ni Mirriam.
Hindi pa ako natutulog ng mga oras na 'yon dahil hinihintay ko pa rin 'yung reply ni Mirriam.
Na sa tabi lang ng unan ko ang phone kaya dali-dali ko namang kinuha iyon upang sagutin ang tawag na inaakala ko pang si Mirriam.
Ini-swipe ko ang button para masagot ang call pagkatapos ay umupo't idinikit ang cellphone sa tainga.
"Ate Je--"
"Hindi pa rin umuuwi si Mirriam." Kaagad na bungad ni ate Jean kaya umalis ako sa kama. "Wala ba siya d'yan sa inyo? Hindi pa siya umuuwi rito, akala ko nandito na sa bahay. Pauwi na sila Mama rito mamaya-maya, papagalitan 'yang babaeng 'yan."
Lumakas ang tibok ng puso ko't napalunok ng laway. "Wala siya rito, at kanina ko pa hinihintay 'yung reply niya."
Natahimik siya sandali, pero hindi ko na siya hinintay magsalita dahil kinuha ko na ang jacket ko't susi ng aking motor upang lumabas ng kwarto. "Susubukan ko siyang hanapin, baka nandiyan lang siya sa labas o sa mga kaklase namin. Pero tumawag na kayo ng police kapag wala pa rin siya." Sabi ko bago patayin ang call.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan habang isinusuot ko pa rin ang jacket ko. Medyo nakakagawa ako ng ingay kaya noong makababa ako ay narinig ko na 'yung pagbukas ng pinto mula sa kwarto ni Ate.
Kaya mas binilisan ko ang pag-alis ng bahay. Pumunta sa gate upang buksan iyon 'tapos ay dumiretsyo sa garahe't itinaas na ang roll-up door niyon para umangkas sa motor ko.
Pinagana ko ang makina't mabilis na pinainit ang motorsiklo bago pa-drift na iniharap sa labasang gate.
Nandoon pa rin 'yung kaba na nararamdaman ko kaya pinaharurot ko na palabas.
Kinuha ko ang phone sa bulsa ko't tinawagan si John. Pero ilang ring na kaya ibinaba ko na lamang ang call. Baka tulog na, tinawagan ko rin ang isa kong kaklase na close rin si Mirriam. Sinagot naman niya 'agad.
"Hoy, gabing-gabi na, bakit ka pa tumawa--"
"Wala bang bumisita diyan sa bahay n'yo kanina?" Tanong ko. Hindi ko diniretsyo 'yong tanong dahil may pakiramdam pa ako na pwedeng mag cause 'yon ng panic bukas kung totoo ngang nawawala siya dahil sa isa pang rason.
"Ha? Wala-- teka nasaan ka ba at ang inga--"
"Bukas na lang. Salamat." Pangunguna't pagpapa-salamat ko bago ko in-end ang call. Sinunod ko naman ang number ni Roxas,
Pero bago ko pa man mapindot ang number niya, kamuntik-muntikan pa 'kong mabangga sa sasakyan na biglang kumaliwa noong makarating ako sa kanto.
Subalit nadulas ang gulong ko sa biglaan kong pag break kaya bumagsak ako't sumemplang. 'Yung sasakyan naman na halos mabunggo ako ay hindi ako hinintuan at tuloy-tuloy lamang sa kanyang pagpapaandar palayo.
Halos mamilipit ako sa sakit ng tuhod ko pero pinilit kong iniangat ang kalahati kong katawan para abutin ang cellphone ko.
Sh*t… Kumalma ka lang, Jasper. Hindi tayo makakapag-isip nang maayos kung matataranta ka…
Nahawakan ko na ang cellphone ko at dahan-dahang umuupo mula sa pagkakadapa. Nabasag ang screen nito pero pinindot ko pa rin ang number ni Roxas.
Unti-unti kong idinikit sa tainga ko ang cellphone. Pero pati si Roxas, hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo para itayo rin ang aking motorsiklo. "Hintayin mo 'ko, Mirriam. Hahanapin kita…"
Kei's Point of View
"Tumawag nga pala si Jasper nung madaling araw sa 'kin."
Kasalukuyan kaming may ginagawang activity noong tumingala ako sa kaklase kong iyon.
"Bakit daw?" Tanong ko.
"Ewan ko, may tinatanong siya sa akin kung may pumunta raw sa bahay ko. Saka ayon lang sa pagkakarinig ko mula sa cellphone, nagda-drive yata siya. Buti walang nanghuli sa kanya, ang alam ko kasi nagsisimula na 'yong curfew, eh." Pagkibig-balikat niya. "Kaya siguro um-absent kasi kung saan-saan pa pumunta. Napuyat."
"Kawawa naman ang bebe ko. Kung ako si Mirriam, dapat inaalagaan niya manliligaw niya, talagang aagawin ko na sa kanya si Jasper. Mas magalig pa 'kong mag-alaga sa kanya."
Humalakhak si Rose dahil sa sinabi ni Aiz. "Iba talaga 'yang fightig spirit mo. Pero ibig bang sabihin niyan, okay na sa'yo na maging sila ni Mirriam?" Paninigurado ni Rose kay Aiz.
Ipinag krus ni Aiz ang mga kamay niya. "Siyempre, hindi. Kapag sumuko ako rito edi parang sinasabi kong hindi ko love si Jasper, 'di ba?" Pag gesture ni Aiz at binigyan ako ng pasimple't masamang tingin.
"Hindi tulad ng isa diyan na jackpot na nga kay fafa Harvey, nakipag break pa."
May pumitik sa sintido ko pero nanatili lamang akong nakangiti.
Hindi pa ako nakuntento't humagikhik pa ako para lang may respond ako sa kanya.
Pero nang-asar pa siya.
"Tapos kapag naman nilalandi ng iba, magmumukmok sa isang tabi. Pare-pareho talaga kayong magkakaibigan." Pag-iling ni Aiz na siyang tinawanan ng isa naming kaklase. Tinutukoy ba niya kami nila Haley?
Napanguso akong wala sa oras. "Why are you laughing?"
Hawak na ng kaklase kong lalaki ang tiyan niya ng hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. "H-Hindi, sorry. Natatawa lang kasi ako dahil--"
"Totoo naman kasi, 'di ba? Birds of a feather flocks together." Tuloy-tuloy pa rin sa pang-aasar ni Aiz kaya mas lalong lumobo ang pisngi ko.
Umiwas na rin ako ng tingin. "Para naman kasing alam mo nangyayari."
"Well, I don't care. Basta," Humawak siya sa dibdib niya. "Kung LOVE ko ang tao, hindi ko iiwanan, 'no? 'Di tulad m--" Tinakpan na nung isa kong kaklase na babae ang bunganga ni Aiz.
"Kanina ka pa daldal nang daldal, wala ka pang ambag sa acitivity natin." Iritableng sabi ng kaklase ko.
Inalis naman ni Aiz ang kamay nung kaklase kong iyon. "Excuse me, wala talaga tayong matatapos dahil na kay Jasper 'yung piece na kailangan natin, aba."
Nakatingin lang ako kay Aiz nang pasimple akong mapatingin kay Harvey na tahimik na nakaupo sa sahig kasama ang ka-grupo niya.
Tumingala siya 'tapos hindi sadyang mapatingin sa akin dahilan para magtama ang tingin namin.
Pasimple naman akong umiwas ng tingin para hindi niya mahalata na siya tinitingnan ko't isipin na lang niya na dinaanan ko lang siya ng tingin.
Sa pwesto naman ni Jasper ako napatingin, medyo nag-aalala ako dahil wala siyang iniwan na text. Ganoon din si Mirriam.
Dalawin ko kaya mamaya?
Kinuha ko ang cellphone ko't pasimpleng sinilip. Saan ba kasi kayo pupuntang dalawa? Haley? Reed?
Haley's Point of View
Binuksan ni Reed ang pinto ng bahay kung saan tumambad sa amin si Manang Yhina. Buhat-buhat niya si Chummy, mahilig kasi talaga siya sa pusa kaya minsan, hinihiram-hiram niya kina manang Rissa-- kasambahay nila Harvey. "Oh, ba't ang aga yata ng uwi n'yo?" Tanong ni Manang Yhina kaya huminto kami ni Reed. Sasakyan niya gamit namin pauwi rito.
"Ah, may gagawin lang po kami manang." Sagot ni Reed na nagpamula sa mukha ni Manang Yhina.
"G-Gagawin? Pero masyado pa kayong bata!" Maling ideya na sambit nito dahilan para batukan ko si Reed.
"Umuwi lang po kami nang maaga pero may klase pa po, may titingnan lang po kaming program sa taas." Sagot ko naman at ibinaba ang tingin sa pusa kong gusto akong lapitan dahil inaabot ako ng isa niyang kamay.
I smiled and patted her head. Inilipat ko rin ang tingin sa tiyan niya.
Anytime pwede na rin siyang manganak.
"Haley, tara na." Pagmamadali ni Reed na nangunguna papunta sa kwarto niya na tinanguan ko naman.
"Mamaya na lang, Manang." Paalam ko bago sundan si Reed.
Binuksan niya ang pinto't dumiretsyo sa PC niya. Tinulak niya ang swindle chair niya't binuksan ang PC.
Kinuha rin niya ang stool sa ilalim ng study desk niya't ibinigay sa akin na kinuha ko naman upang upuan.
Tumabi ako kay Reed para makita ko rin ang na sa screen habang hinihintay naming magbukas iyon.
"Sigurado ka bang hindi natin kailangang I-check muna 'yong mga bahay nila?" Tanong ni Reed nang lingunin niya ako.
"Mas maganda kung dito na natin iche-check para 'di masayang ang oras natin." Seryoso kong wika at tumungo nang kaunti ng hindi inaalis ang tingin sa harap. "Hindi, marami na talaga tayong nasayang na oras." I added before I glanced over my shoulder.
"Pambihira kayo, wala akong ideya na ganyan kayo kabilis gumalaw kapag kaibigan n'yo na pinag-uusapan." Nagulat si Reed at mabilis na lumingon sa likod niya dahil sa biglaang pagsasalita ni Roxas. Naramdaman ko ang pagpapameywang ni Roxas. "Sinabi ko ngang huwag kayong maghiwalay pero wala naman akong sinabi na gumawa kayo ng ikahahamak n'yo. Kung hindi lang talaga natapos 'agad iyong ginagawa ko, baka napadpad na kayo sa kung saan-saan." Mahabang sabi niya kaya sumalubong ang kilay ko.
"Nasaan si Lara?" Tanong ko kay Roxas.
Nakabuksan na ang PC kaya binuksan na ni Reed ang program para I-check ang lokasyon nila Jasper.
Narinig ko ang paglabas ng hangin sa kanyang ilong. "Malakas talaga siguro ang instinct n'yong magkapatid." Parang sumusuko na siya sa tono ng pananalita niya kaya lumingon na ako sa kanya. Nakababa ang tingin niya sa akin bago niya iangat sa screen kaya pumaharap na rin ako ng tingin.
Bumungad sa 'min ni Reed ang pulang tuldok-- Lokasyon ni Mirriam.
Napatayo ako't nanlaki ang mata. Ang layo niyan dito!
Kailangan pa naming dumaan sa dalawang siyudad bago namin siya mapuntahan. Ano'ng ginagawa niya diyan?!
"Pinuntahan ng ate mo si Mirriam Garcia." Sagot ni Roxas kaya pareho at muli nanaman kaming napatingin ni Reed sa kanya. "May isa sa B.R.O. ang kumuha sa kanya." Dagdag niya dahilan para mabingi ako.
Lara's Point of View
Mula rito sa pinakamataas na gusali. Sinisilip ko mula sa telescope ang mga nakabantay na tao sa labas ng White Building.
Parte yata ito ng basement ng B.R.O. But I don't think this is one of the main.
Ibinaba ko na ang hawak kong telescope bago mawalan ng buhay ang mata kong nakatingin sa lugar na iyon. Mas lumakas ang hangin kaya umangat at sumayaw ang mga buhok ko sa ere kasabay ang pagsuot ko ng puting maskara.
******