Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 60 - On the Horns of a Dilemma

Chapter 60 - On the Horns of a Dilemma

Chapter 58: On the Horns of a Dilemma

Haley's Point of View 

  Bumaba na kami sa sasakyan nang marating namin ang gitna ng kagubatan. Sa sobrang katahimikan nito, naririnig namin ang kuliglig gayun din ang himig ng mga ibon na naroroon sa puno. At dahil nakasuot ako ng black long socks, dumadapo sa 'kin ang iilang mga lamok. Attractive raw kasi para sa mga lamok ang itim. Ang kati! 

  Binubugaw bugaw ko iyon habang naglililinga sa paligid. "Nandito naman na tayo, 'di ba?" Nag-aalanganin kong tanong. Ang tahimik nung lugar. Wala man lang akong nakikitang mga gusali o kung ano mang sign na may tao rito. 

   

  Nakatungo si Reed sa hawak niyang tab kung saan chine-check niya 'yung lokasyon kung saan naroroon si Mirriam. "Dito pino-point out 'yung lokasyon ni Mirriam. So it was supposed to be here." Paglingon ni Reed sa kaliwa't kanan niya. Si Jasper naman ay tahimik laman na nagmamasid. 

 

  Isinuksok ni Roxas ang baril sa pouch gun niya sa beywang. "Wala pa." Simple niyang sagot kaya pareho kaming lumingon ni Reed at Jasper sa kanya. 

"Eh?" Reaksyon naming tatlo. Iniisip kung bakit iyon ang naging sagot niya hanggang sa pumasok sa isip ko 'yung itsura ng lugar sa labas ng W.S.O. 

Hindi siya 'yung main basement pero posible na tulad ng secondary basement na iyon, nakatago rin 'yung alternative basement ng B.R.O. 

  "…because it was hidden." Seryosong sambit ni Jasper kaya humarap si Roxas sa kanya at tumango bilang sagot. 

  "Correct. Pupuntahan natin 'yon ngayon dahil hindi nila pwedeng marinig na mayro'ng paparating sa area nila." Tugon niya at naunang naglakad kaya sumunod kami. 

  Iilang minuto rin kaming lumakad hanggang sa marating namin ang dead end-- ang bangin. "Roxas. Oy! Wala ng daa--" Napatagil si Reed sa sinasabi niya nang makita namin ang ibaba ng bangin.

  May iilang gusali na naroon sa ibaba na natatago ng mga malalaking puno tulad nung secondary basement ng White Stone Organization. 

  Nakita ko ang pag-awang bibig ni Jasper, pero naging seryoso rin ang tingin pagkatapos. 

 

  Umismid si Roxas. "Sino nga bang mag-aakala na makikita ko rin ang lugar na 'to?" 

  Lumingon ako sa kanya." Hindi n'yo pa ba 'to natatagpuan?" Tanong ko na inilingan niya bilang sagot. 

  "Hindi. Ilang taon na rin namin hinahanap ni Vivien ang basement na 'to kaya kung tutuusin, isa rin itong matagumpay na misyon kahit hindi sadya. Hindi ito 'yung central basement ng Black Rock Organization pero pwede kaming makakuha ng intel o impormasyon mula sa laboratory nila rito." Hindi na ako nagtanong kung ano ang kailangan nila at nakatingin lang sa kanya. 

  Si Reed naman ang napalingon kay Roxas. "Naalala ko lang, nabanggit nga ni Lara 'yung pangalang Vivien. Pero bakit?" Taka niyang sabi. 

  Pumaharap ang tingin ni Roxas. "Para matago ang totoo niyang identidad. Sa loob ng organisasyon, ako at ang heneral lang ang nakakaalam sa totoo niyang pangalan for security reason." 

  Humarap na ang tingin ni Reed para tingnan ang ibaba ng bangin mula sa kinatatayuan namin. "Totoo." 

  Nanliit lang ang tingin ko 'tapos napakuyom ang kamao. Marami pa talaga akong gustong malaman, marami pa akong tanong sa kanya, sa kanila. Pero mas importante na makita namin si Mirriam bago ang iba pang bagay. 

 

  May biglang sumabog sa loob ng gusali na siyang nagpagulat sa 'min. "Si Vivien na yata 'yon." ani Roxas. Patalon siyang bumaba kaya pareho kaming dumungaw nila Reed para tingnan siya. 

  "Hoy!" Reaksiyon ni Reed samantalang nakaawang-bibig naman ako. 

Ang taas nung tinalunan niya. 

  Lumanding si Roxas ng normal at tumayo, pagkatapos ay lumingon at tumingala para makita kami. Mas lalo akong napakuyom ng kamao. 

  Ang laki talaga ng pagkakaiba ng mundo, ito ang buhay na mayroon ang mga assassin tulad niya, tulad ng kapatid ko. Hindi pangkaraniwan, hindi ordinaryo. 

  Si Jasper naman, sumunod na rin kaya mas bumuka ang bibig namin ni Reed. 

  Nagsalubong ang kilay ko at hindi na nga nagdalawang-isip na tumalon. Pa-slide akong bumaba sa lupa at sinusubukan na hindi magkamali sa pag balanse upang hindi masubsob. Nagtagumpay ako at tumayo na nang maayos. 

Si Reed, dahan-dahan na lamang siyang naglakad pababa kaya nauna na kami nila Roxas. 

  Sa paglalakad namin, naabutan namin ang iilan sa mga lalaki na nakahiga't nakadapa sa lupa. Ang iba rito ay puro duguan, makikita rin ang laman sa sikmura ng iilan, malalim na sugat sa leeg, isang pugot na ulo dahilan para manghina nanaman ang tuhod ko. 

  Napahawak na rin ako sa bibig ko nang maramdaman ko na bumabaliktad ang sikmura ko. Sa sobrang dami ng dugo na nakakalat, naaamoy ko na rin ang mala-kalawang na amoy. Sh*t. This isn't the time for this!   

  "Si… ate rin may gawa nito?" Tukoy ko sa mga tao sa paligid kahit alam ko na ang sagot. Siya rin ang halos pumatay sa mga tao sa E.U kaya hindi hindi imposible na siya rin ang may gawa ng walang awang pagpatay sa mga tao na nandito. 

 

  Kaya siguro nasabi ni Roxas na si Lara 'yung kinatatakutan sa organisasyon. 

 

  Nakahabol na rin si Reed pero napahinto nang makita ang mga tao sa paligid na naliligo sa sarili nilang mga dugo. Lumingon kami ni Jasper sa kanya. 

  Marka sa mukha niya ang sobrang takot. Pero mas nakita sa kanya 'yung totoong bangungot noong tumuon ang atensiyon niya sa isang lalaki na walang ulo dahilan para mapaatras siya't napaluhod. Nagsimula na rin siyang magsuka. 

  Sa sandaling iyon, pumasok sa utak ko 'yung sinabi ni Jasper sa 'kin noong nagkakwentuhan kaming dalawa tungkol kay Reed. 

  "Hindi ko alam kung ano 'yung huling nakita ni Reed matapos sumabog 'yung kotse na sinasakyan nila. Pero nasabi niya sa akin na nakita niya 'yung ulo ng ama niya na gumugulong raw papunta sa kanya. Sinabi niya iyon ng walang kabuhay-buhay habang sinisisi sarili niya, pero heto siya't nakakapag drive pa rin ng sasakyan kahit iyon ang dahilan ng pagkamatay nila Tita." 

  Animo'y nawala bigla 'yung nararamdaman ko't dikit-kilay siyang pinuntahan. Niluhod ko ang kaliwa kong tuhod at humawak sa kanan niyang balikat. "Reed." Tawag ko sa pangalan niya at napalingon kay Roxas noong magsalita siya. 

  "Huwag n'yong sabihin na magiging pa-importante kayo rito? Tandaan n'yo, hindi ko kayo pwedeng iwanan dito dahil marami pang kalaban sa tabi-tabi." Aniya at inangat ang tingin noong makarinig nanaman kami ng isa pang pagsabog sa loob. "Pinili n'yo ang pagsama kaya bilisan n'yo." Biglang pagseseryoso ni Roxas nang tingnan niya kami mula sa kanyang gilid ng mata, kaya ibinalik ko ang tingin kay Reed na dahan-dahang tumayo. 

  Pinunasan niya ang bibig niya ng likurang palad at namumutla na idiniretsyo ang tingin kay Roxas. "Right." Malakas na loob niyang sagot kahit hindi niya magawang tingnan ang mga bangkay sa paligid. 

  Naging seryoso lang din ang tingin ko at tumango. 

*** 

  HINDI KAMI nahirapan sa pagpasok sa loob ng basement dahil karamihan sa mga tauhan ng B.R.O ay tumba lahat. Kung tutuusin, ayokong maniwala na si Lara ang gumawa lahat ng mga ito dahil sa murang edad niya. 

Mapapaisip ka na lang kasi kung paano niya nagawang makapatay nang ganito karami kahit siya lang mag-isa. 

O baka naman may kasama siya? 

  Sa kalagitnaan ng paglalakad ay huminto kami nang makita namin ang daan sa kaliwa't kanan. "May dalawang daan," Panimula ni Jasper. "Saan tayo mag-uumpisa?" Dugtong niya. 

  Hindi kaagad nakapagsalita si Roxas at kinuha lamang ang mala mobile device niya na kung tatawagin nila ay communication device. Para itong cellphone pero iilan lang talaga ang pindutan nito. 

  "Naka off ang communication device ni Vivien. Hindi ko siya matatawagan. Kaya kakapain na lang natin kung saan dapat pumunta." Ipinasok na niya ang device sa bulsa niya. "Isa sa daan na pupuntahan natin, may panganib na sasalubong. Handa ba kayo ro'n?" Tanong sa amin ni Roxas. 

  Medyo nag-aalanganin ako bigla sa tanong. Totoong sumama ako rito dahil handa ako sa pwedeng mangyari pero kung iisipin ko rin. Paano nga kung mamamatay ako? Ano pa'ng saysay nung pagpunta ko rito kung wala rin pala akong magagawa? 

 

  Palaging ako 'yung tinutulungan kapag na sa panganib. And partly, this is my fault. Kung maiaalis man namin si Mirriam dito pero buhay namin ang kapalit, hindi siya magiging masaya. 

Baka dumating pa sa punto na pati sarili niya, sisihin niya. 

And I don't want her to feel that. Pero alangan namang tumigil kami rito? Ayokong si Lara na lang 'yung gagawa ng lahat habang ako, naghihintay lang dito. 

Kaya--

 

"Hangga't hindi pa natin tapos 'yung pinaka dahilan natin kaya tayo nandito," Tiningnan kami ni Jasper na may ngiti sa kanyang labi. "...hindi ako papayag na mamatay na lang basta't basta. Aalisin natin dito si Mirriam."

  Sabay kaming napanganga dahil sa sinabi ni Jasper. 

Geez... Ano ba'ng iniisip ko. As if namang kaya kong mamatay at iwan sila rito. Hindi rin matutuwa si Mama kung mawawala pa 'yung isa niyang anak.

  "Moron, why the hell are you saying that as if you're going to die?" Iritable kong wika at sinuntok siya sa dibdib. "Lalabas tayo ng sama-sama. Walang pwedeng mamatay." Pagpapanatag ko habang bilog lamang ang bibig niya. Labas sa ilong din siyang ngumiti pagkatapos gayun din si Reed na nagpameywang. 

  "Okay, okay. Tama na 'yung drama." Pagsingit ni Roxas at inilabas ang isang baril. Inabot niya iyon sa akin kaya nataranta ako lalo pa't hawak ko na iyon. "B-Bakit mo 'to binibigay sa 'ki--" 

  "Gamitin mo 'yan kung medyo alanganin na 'yung sitwasyon." Sagot niya. "Naturuan na kita sa pag gamit ng baril," Nung na sa secondary basement kasi ako ng W.S.O. at wala akong masyadong magawa, tinuruan niya ako sa paggamit ng baril kahit wala naman akong balak gamitin. Kaya hindi ko inaasahan na ito pala 'yung mga pagkakataon na magagamit ko 'yung bagay na inaakala kong walang saysay sa una. "It's up to you on how you're going to use it. Just don't forget that--" 

  "Never put your finger on the trigger unless you're gonna fire." Pagtanda ko sa sinabi niya kaya tumango siya. Ibinaling naman niya ang tingin kina Jasper na nakahanda na ang mga kamay makatanggap ng armas. 

  "Wala akong mabibigay sa inyong baril. Wala akong pakielam kung mamatay kayo." Biro ni Roxas kaya naasar si Reed at balak pa sanang sugurin si Roxas nang pigilan siya ni Jasper. 

  "Ikaw patayin ko diyan, eh--" Muli kaming napatigil dahil sa pagnginig nung sahig dahil sa malakas na pagsabog kaya tumakbo na kami sa daan na tingin namin ay dapat naming puntahan.

  Para kaming na sa isang malaking container dahil sa itsura nung lugar, may mga kwarto rin kaming nakikita kaya binuksan buksan namin, may maliliit na laboratory, medical room, at kung anu-ano pa. 

  Pumasok kami sa interior laboratory at luminga-linga. Ang daming gamit dito, hindi namin alam kung dapat pa naming pakielaman. Pero may nakita akong mga bala ng baril kaya pinuntahan ko iyon at namilog ang mata. "Kailangan mo ba 'to, Roxas?" Tanong ko. 

  "Hindi. Marami akong magazines." Sagot niya.

  Nangalikot si Reed bawat drawer hanggang sa iangat niya 'yung kamay niya. "May nakita akong susi." ani Reed na may hawak na maraming susi. 

  "Nanliit ang tingin ni Roxas. "Dalhin mo 'yan, baka kailanganin natin 'yan. Tara na." Paglalakad niya na sinundan namin. Alerto lang kami sa paligid dahil wala kaming ideya kung kailan may aatake. 

  Hanggang sa makaapak kami sa mala-bodegang lugar.

  Naglakad kami sa dulo at binuksan ang pinto, pagtulak pa lang namin ng pinto ay bumungad sa amin ang kaliwa't kanan na solitary confinement. Nagkaroon kami ng pakiramdam na baka nandito si Mirriam kaya dali-dali kaming pumasok para hanapin siya sa bawat kwarto. Locked lahat nung prison door kaya sinubukan naming gamitin 'yung nakita naming susi at laking tuwa na ito nga 'yong mga tamang susi para rito.

 

  "Mirriam? Mirriam!" Tawag namin sa pangalan niya habang patuloy pa rin siyang hinahanap. 

  'Tapos sa pintong binuksan namin ngayon ay ang siyang nagpasinghap sa amin lalo na noong tumambad sa 'min ang isang pamilyar na lalaki. 

  Unti-unti niyang itiningala ang ulo niya upang makita kami. Laking gulat na siya ang makikita namin sa lugar na ito. "S-Sir Santos?!" Hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya saka kami sabay-sabay na napalingon nila Jasper nang iputok ni Roxas ang baril sa labas. 

Nang lumabas ako para makita ang nangyayari, tumibok ang puso ko dahil sa iilang mga tauhan sa B.R.O. 

Mga nakasuot sila ng itim na maskara at may mga sari-sariling armas na hawak. 

"Kaya pala ang ingay ingay, may bisita tayo." 

  Humalakhak ang isa. "Pamilyar 'yung babae, oh?" 

  "Talagang pamilyar," Sabi nung parang tumatayong lider sa grupo nila, "Kapatid yata 'to ng kaisa-isang Villafuerte." Tukoy niya kay Lara kaya pumaharap sila Jasper at Reed. 

Samantalang ikinasa naman ni Roxas ang baril niya. "Ayoko 'tong sabihin pero, 

Hindi ko 'to napaghandaan. Hindi ko alam na marami pa sila." 

Hindi kami umimik at kinakabahan lamang na tiningnan ang mga kamatayan nandito. 

*****