Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 27 - Deal with Strikes

Chapter 27 - Deal with Strikes

Chapter 26: Deal with Strikes 

Haley's Point of View 

Sa mga araw na nanatili kami sa retreat house, inilabas ng mga kaklase ko 'yung thoughts and feelings na hindi nila madalas mailabas sa mga magulang nila o kaya'y sa ibang tao. 

Nag share ako nung sa akin, pero hindi 'yung kabuoan nito. 

Hindi naman sa ayokong mag open up, pero kahit kasi sabihin o ikwento ko 'yung mga nararamdaman ko o 'yung mga isyu ko sa buhay, wala rin silang pwedeng maitutulong do'n. Pero hindi ko rin sinasabing gusto kong may makinig sa akin. 

Umupo ako sa sofa at tiningnan ang mga kaklase ko na ngayon ay mga nakahinga na nang maluwag matapos mailabas ang mga problema nila sa buhay. Mas nagkaro'n kami ng closeness nang dahil dito. Ang galing. 

Malakas na humikab si John. "Gusto kong matulog!" Inaantok na wika ni John at humalukipkip na isinandal ang likod sa pader. Tiningnan ko 'yung wall clock na nasa kaliwang bahagi. 7:35 AM, 'tapos nagising kami kanina, 5 o'clock na. 

Humikab na rin ako at pinikit-sara ang mga mata.

Tatlong araw at sunod-sunod na kaming puyat. Natatapos ang discussion ni Brother ng 1 o'clock ng umaga, kung minsan naman ay umaabot ng 3 o'clock ng madaling araw. Tapos ang gising namin ay 6 o'clock pa ng umaga.

Nawala nga 'yung pagod namin emotionally, pero katawan naman namin ang pagod. 

Bumahing ako at isininga ang laman nung ilong ko sa inilabas kong panyo. 

Sira ang heater ng girl's shower room kaya no choice kami kundi ang maligo ng mabilisan slash buhos ng biglaan, subalit nang dahil naman doon ay dinapuan na kami ng sakit. 

Lumapit sa akin si Harvey at may iniabot. "Kunin mo" Tukoy niya sa gamot na nasa palad niya, tiningnan ko iyon at tumingala. Namumula ang ilong niya at sinisipon rin. Kaya iwinagayway ko ang mga kamay ko sa tapat ng aking dibdib bilang pagtanggi.

"Huwag na, ikaw na gumamit niyan." Sa tingin ko kasi ay hindi pa siya umiinum ng gamot, hindi ko naman pwedeng tanggapin 'yan.

Kinuha niya ang kamay ko at pilit na inilagay ang gamot sa mga palad ko, suminghot at nagpamulsa siya pagkatapos niyang umayos nang tayo. "Kunin mo na, bibili na lang ako mamaya" Sandali pa akong nakatingin sa gamot na ibinigay niya hanggang sa ibalik ko ang tingin sa kanya na ngayon ay papunta kina Reed. 

"Sir! 'di ba, pupunta tayo sa mall mamaya?"

"Oo nga, Sir! Sinabi niyo 'yon sa amin!"

Umupo sa katabi kong sofa si Sir Santos kaya tiningnan ko siya sa periphera eye view ko.

"Pupunta tayo sa mall hndi magsaya, ihahatid muna natin si Brother bago kayo mag gagagala. Pero 2 hours lang iyon dahil mahaba pa ang biyahe." Humiyaw sa tuwa ang buong klase habang nanatili lang akong tahimik sa pwesto ko. Wala namang dapat na ikatuwa, ang dami-daming mall sa lugar namin, eh. 

"Yey! First time makakapag shopping na may hamog." 

"Keiley, may mall kayo rito?"

"I-I'm not sure." Hindi siguradong tugon ni Kei kaya mga nagsi-lapit ang mga kaklase ko sa kanya. Pinapanood ko lang sila nang ibaba ko ang tingin ko sa sahig.

"Malapit na sila." Naalala kong babala nung taong iyon na nagpasalubong sa kilay ko. Don't listen. Tinatakot ka lang niya. 

Huminga ako nang malalim at tumayo na para lumabas muna sa rest house ng old building.

Sa veranda lang ako tumambay dahil medyo kinakabahan akong lumayong mag-isa. Hindi dapat ako magpaapekto ng ganito sa sinasabi ng taong iyon pero hindi ko talaga maiwasang hindi matakot dahil hindi naman ito ang unang beses na napahamak ako o ang mga kaibigan ko. 

Tumingin ako sa kanan at kaliwa ko para magmasig sa lugar. "Ngh." 

Bumuntong-hininga kong ipinatong ang mga siko ko sa baluster. Kung anu-ano lang din 'yung pumapasok sa isip ko kaya grabe na lang ang gulat ko nang may humawak sa balikat ko. 

Marahas kong tinabig ang kamay na iyon at humarap sa kanya. 

Nanlalaki ang mata ni Reed dahil sa naging arte ko. "O-Oy." Bungad niya na hindi ko nagawang imikan 'agad at nanginginig lamang na nakatingin sa kanya. Nawawala nanaman ako sa sarili ko. 

"Para kang takot na takot." Ibinaba ko ang kamay kong nakaangat at tumagilid sa kanya. 

"S-Sorry. May iniisip kasi ako ta's bigla mo 'kong hahawakan, eh." Sagot ko sa kanya. 

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. "May gumugulo ba sa 'yo?" Panimula niya na nagpabuka sa bibig ko.

Inilingon ko ang tingin sa kanya. "Bakit mo nasabi?" Tanong ko sa kanya. 

Umiling siya. "Hindi, wala naman. Para kasing ang lalim lalim na ng iniisip mo." Tugon naman niya na tinawanan ko nang kaunti. 

"Kulang tayo sa tulog, kaya lutang akong tingnan sa'yo." Wika ko saka tumalikod sa kanya. Napapagod akong kumausap sa kung sino ngayon, gusto ko munang lumayo. "Wala na tayong pag-uusapan, 'di ba?" Ibinaling ko na ang tingin mula sa pagkakalingon sa kanya at inangat ang kamay bilang pagpapaalam. "Later." Naglakad na ako paalis. 

"Sandali lang, Haley. May gusto akong sabihin." Habol ni Reed at humawak sa kanyang batok. "Iyong tungkol sa sinabi ko noon sa infirmary?" 

Huminto ako sa paglalakad habang diretsyo lang ang tingin ko. Pumikit ako't muling huminga nang malalim. "Gusto ko lang talagang liwanagin bago pa man--" Pinutol ko na 'yung sasabihin niya. 

"Yes, I fully understand Reed," Pangunguna ko at humarap sa kanya. Para siyang masaya sa paraan ng pag ngiti niya. Siguro nga, akala niya hindi ako na-offend sa binawi niyang salita nung araw na iyon. Akala niya natuwa ako sa biro niya. "...that you don't like me as a person." Umangat ang pareho niyang kilay, naglaho rin ang kanyang pag ngiti. 

Nanlamig ang tingin ko sa kanya. "I'm not mad, but we're not a kids. Stop acting like one. if you please." Huling sinabi ko bago ako ulit tumalikod sa kanya't nagpatuloy sa paglalakad. Iniwan ko siyang nakatayo ro'n sa pwesto niya. Hindi na rin niya ako tinawag pagkatapos. 

Hinayaan kong dalhin ako ng paa ko sa kung saan, gusto ko lang talagang mapag-isa. 

Dinala ako ng paa ko sa lugar kung nasa'n ang bonfire. May maliit din na garden sa kaliwang bahagi at malaking puno sa gitna. 

Naglakad lakad ako habang iginagala ang tingin sa paligid, lumalakas din ang ihip ng hangin kaya isinarado ko na ang zipper ng Jacket ko kasabay ang paghinto sa tapat ng napakataas na puno. "A-Ang taas." Kumento ko at unti-unting tumingala para makita ang kataasan ng punong ito. 

Nagkaro'n ng tunog ang hangin, iniipit ko ang hibla ng buhok ko sa aking tainga at ibinaba ang tingin sa kumakapal na hamog. Inangat ko rin ang tingin sa kalangitan na ngayon ay mabilis na dumidilim. Uulan? 

Alerto akong napalingon sa kanang bahagi nang makaramdam ako nang kaunting presensiya roon. Nakarinig din ako nang kaunting kaluskos, humarap ako ro'n at napaatras ng isa. "Lumabas ka riyan." udyok ko sa taong nagtatago sa likod ng mga makakapal na halaman. 

Gaya nga ng sabi ko ay lumabas ito.

Nagsalubong ang kilay ko. "How did you get here?" Paanas kong tanong sa taong ito. Nakasuot na siya ngayon ng Red leather jacket pero gano'n pa rin ang suot-suot na maskara. 

"You have to come with me." Ibang boses naman ang gamit niya ngayon-- tila nag e-echo't boses ng mamang lalaki, napakalalim. "They're here." 

Napakagat-labi akong humakbang ng isa. "Sino ba 'yung mga tinutukoy mo?! Bakit hindi mo sabihin sa akin nang malaman ko?!" Sunod-sunod kong tanong, pakiramdam ko ay naghe-hysterical na rin ako. 

"Just this once, Haley. Listen to me." Mainahon niyang pakiusap sa akin na inilingan ko. 

"No! I don't want to!" Mariing sagot ko sa kanya. 

Nag-iba ang aura niya nang dahil doon. "Then, I have no choice but to you force you, Hailes." Sagot niya at mabilis na sumugod sa akin na talagang nagpagulat sa akin. 

Na sa harapan ko na siya't tatama na sa akin ang kamao niya nang mabilis kong iwasan iyon. 

Tumalon-talon ako paatras sa kanya. Anong klaseng taong 'to? Ang bilis niya! 

Nanggagalaiti ang bagang ko sa inis. "If I were you, I'm going to stop this sh*t!"

Hindi siya sumagot at tumira lang nang tumira habang iwas lang ako nang iwas.

I don't want to admit it, pero kapag huminto ako't nagkamali lang nang kaunti. Matatamaan niya ako, at ayon sa paraan ng pagsuntok niya, pwede akong makatulog at bumagsak. 'Yung tipong isang pikit, nakahiga ka na. 

Mabilisan kong inilabas ang karayom sa maliit na lalagyan na madalas kong dala-dala at pumunta sa likuran niya. Handa ko ng itusok 'yung karayom sa batok niya subalit alerto niyang hinawakan ang pulso ko't diniinan ito dahilan para mapabitawan ko ang karayom. Malakas din niyang ipinunta ang aking kamay sa likuran ko na nagpasigaw sa akin sa sakit. Tiniis ko iyon at umikot sa ere para magawang sipain siya, pero laking gulat ko rin nang makailag siya ro'n sa atakeng ginawa ko.

Wala pang nakakailag sa sipa kong 'yon. 

Patalon siyang umatras pero matulin din akong pumunta sa harapan niya para bigyan siya ng malakas na kamao sa mukha. "Aghhhh!" Sigaw ko't nanlaki ang mata nang magawa kong masapak ang kanan n'yang pisngi. "I-I did--" 

Ginantihan kaagad ako ng taong ito at nasapak din ako sa kanang pisngi. "Sh*t." I cussed. Umatras din ako kaya nagkaroon kami ng malaking space sa pagitan namin. 

Hingal na hingal na ako habang masamang nakatingin sa taong na sa harapan ko, animo'y parang wala lang sa kanya 'yung ginawa namin at nakatayo lang siya ro'n. Sino ba itong taong 'to? 

"I don't want to hurt you any more than this, Haley." Saad niya. "Just come with me." 

Dumura ako ng dugo at pinunasan ang labi gamit ang likurang palad. Umismid din ako. Now, I'm mad. "Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo? Huwag kang sasama sa taong 'di mo kilala." 

Natawa siya sa sinabi ko. "I guess, you're right." 

Ibinaba ko ang zipper ko dahil pinagpapawisan na ako kahit kumakapal na ang hamog.

Matalim kong tiningnan ang taong nasa harapan ko. "I'm serious. Sabihin mo sa akin kung sino ka, at kung ano ang intensiyon mo." 

Umayos siya nang tayo. "Seryoso rin ako, Haley. Sasabihin ko lahat pagkatapos mong sumama sa akin." Pagkasabi niya niyon ay muli nanaman siyang sumugod. 

I've got no choice but to do this, I supposed. 

Pinatunog ang aking mga daliri bago tumakbo pasugod sa kanya.

Reed's Point of View 

"Nasaan na si Haley?" Hanap ng adviser namin kay Haley. 

Nagtinginan ang mga kaklase ko habang papalapit naman sa akin si Kei. "Kasama mo siya kanina, 'di ba?" Tanong at hanap niya kay Haley sa akin. 

Humarap ako sa kanya. "Kausap ko siya kanina pero hindi ko alam kung sa'n siya pumunta, ang alam ko kasi magpapahangin lang si Haley. Pero hahanapin k--" Hindi ko na naipagpatuloy 'yung sasabihin ko dahil dumating na siya. 

"Pasensya na, Sir kung ngayon lang!" Hinging paumanhin ni Haley nang huminto siya sa harapan ng adviser namin.

"Saan ka ba nanggaling?" Nakasimangot na tanong ni Sir Santos 'tapos sinilip ang kanang pisngi ni Haley. "Ano'ng nangyari d'yan sa pisngi mo?" Napatingin din ako sa tinutukoy ni Sir Santos. 

Hindi pa gano'n kahalata pero namamasa ba 'yan? 

Ngumiti si Haley. "Don't mind it, Sir. Nadulas kasi ako ro'n sa pinuntahan ko kanina, 'yung pisngi ko 'yung unang tumama sa sahig." Paliwanag ni Haley kaya umismid si Kath.

"Hindi ka lang naging paimportante, ang tanga tanga mo pa." Pairap na pang-aasar ni Kath na hindi lang pinagtuunan ng pansin ni Haley. 

Bumuntong-hininga si Sir Santo at pumalakpak ng tatlo. "O siya siya! Umalis na tayo! Kailangan na nating makauwi bukas bago magtanghalian." 

Nagsi-pack up na kaming lahat habang nanatili lang ang tingin ko kay Haley na hinahanap 'yung gamit niya. 

Pero dinala na sa kanya ni Kei at Mirriam 'yung maleta gayun din ang bag niya kaya ngiti naman itong nagpasalamat saka siya napatingin sa akin. 

Napaawang-bibig ako, akmang magsasalita nang itikum ko na lang. Pero namilog ang mata ko nang ngitian ako ni Haley saka siya lumakad kasama sila Mirriam. 

Sinundan ko lang ng tingin si Haley bago ako akbayan ni Jasper. "Oy, nakita ko 'yon." 

Nilingon ko si Jasper. "Iyong ano?" Naguguluhan ko namang tanong pero idinikit lang niya 'yung hintuturo niya sa pisngi ko. 

"Nginitian ka niya. Ano'ng ibig sabihin no'n?" Panunukso niya kaya tinulak ko siya palayo sa akin. 

"Walang ibig sabihin iyon." Iritable kong sagot at ibinalik ang tingin kay Haley. "Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako nginitian." Mahina kong sambit habang nakatitig sa side view ni Haley habang kausap si Mirriam. 

Napaano ba talaga 'yung pisngi niya? 

*****