Chereads / TJOCAM 3: Secluded Feelings / Chapter 26 - Peril

Chapter 26 - Peril

Chapter 25: Peril 

Haley's Point of View 

Pare-pareho kaming mga nag-unat ngayon pa mang nakababa na kami mula sa ilang oras na pagkakaupo sa biyahe. Sawakas ay nandito na kami retreat house ng Baguio na under ng E.U.

Pumalakpak ng tatlong beses si Sir Santos bago kami tinawag para sa bunutan na magaganap para sa taong makakasama namin sa kwarto ng 4 days. 

Dapat talaga sa classroom na namin 'to ginawa para hindi gano'n ka-hassle ngayon at nang hindi naman kami 'yung nabibigla matapos naming malaman kung sino 'yong makakasama namin. Wala naman ni isa sa amin 'yung mga 'di magkasundo-- maliban na lang siguro kina Trixie? 

Umabante na ako at tinitigan ang kahon na hawak-hawak ni Sir Santos. 

Medyo nag-aalanganin talaga ako sa mabubunot ko dahil may pakiramdam ako na alam ko 'yung mabubunot ko. 

Tumabi sa akin si Kath kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatitig doon sa box. Pagkatapos ay nilingunan ako. "Ako ang bubunot." Saad niya, hindi ako umangal at umatras lamang para siya ang tumapat sa harapan ng adviser namin. Ipinasok na niya 'yung kamay niya ro'n sa kahon at maingat na kumuha ng pirasong papel. 

Inilabas na niya ang kamay niya at hindi kaagad binuksan, tumingala muna siya para tingnan ang adviser namin na hinihikab pa. 

"Sir, kung hindi ako nagkakamali. Iisang pangalan lang ang pwedeng makuha sa loob ng kahon at hindi na pwedeng maulit, 'di ba?" Tanong ni Kath kaya ibinaba ng adviser namin ang tingin sa kanya. 

Tumango siya. "Oo, 40 kayo sa klase kaya tig sampu lang sa boys and girls 'yung pinapabunot ko." Sagot niya. Sakto kasi na mayro'n kaming 20 girls and boys. In-arrange ito ng skwelahan hanggang class G para raw balance ang bilang. Kung may sosobra man, kadalasan ay na sa dulo o pinakahuling section ito mapupunta. Pero wala itong kinalaman sa taas ng grades dahil shuffle na kami. 

"Eh, pa'no kung 'yung taong nabunot ko, may nabunot pa lang iba?" Tanong ni Kath na sinang-ayunan ko. 

"Hindi 'yun pwedeng mangyari dahil pagkatapos na pagkatapos n'yong mabunot 'yung papel na may pangalan ng taong makakasama n'yo sa room, pupuntahan n'yo sila kaagad. Para malaman natin kung bubunot pa ba kayo o hindi." Paliwanag ni Sir Santos dahilan para bigyan namin siya ng walang ganang tingin ni Kath. 

Ibinaba na lang namin ni Kath ang tingin sa papel na nabunot niya saka parehong napalunok.

Dahan-dahan niyang binuklat ang nakatuping papel at laking gulat namin nang makita ang first initial sa pangalan na nandoon sa papel.

H...

Sigurado akong pangalan ko iyon dahil ako lang naman ang may H sa klase namin maliban kay Harvey. 

Tinupi niya ng isa ang papel 'tapos pasimpleng inabot sa adviser namin. "S-Sir, p-pangalan ko 'to. Pwedeng ibalik?" Nakangiti si Kath pero nauutal siya. 

Kinuha naman iyon ng adviser namin, 'tapos nanlumo na lang kami nang i-check ni Sir Santos 'yung nabunot ni Kath. Pareho n'ya kaming tiningnan at saka ngiting inabot ang susi. Wala naman akong nagawa kundi ang kunin iyon. "Ang retreat ay isa sa paraan para magkasundo kayong lahat dito. Kaya go, okay lang 'yan." 

Curse you.

Pumunta kami ni Kath sa gilid kasama ang mga maleta namin. "Maliban sa ayaw talaga kitang makasama, ayoko ng ganitong feeling." Panimula ni Kath na hindi ko inimikan. 

Ilang sandali pa nang makabunot na ang lahat. Nagpameywang ang adviser namin habang nakatingin sa aming lahat. "Ngayong may mga partner na kayo at na sa inyo na rin naman ang mga susi, magpahinga na. Kapag narinig n'yo ang tunog ng bell, pumunta na kayo sa main building," Turo niya sa tabi ng Chapel. "...ng retreat house para kumain." 

Walang sumagot ni isa sa amin at mukhang mga nag-alanganin na ibinaling ang tingin sa old building.

"Nangyari na ba 'to?" 

"I know, right?" 

"Deja vu ang tawag diyan. Pero I feel you." 

Nakita ko ang pagtabi lalo ni Mirriam kay Kei para kumapit sa braso nito. 

"Hoy, babae. Kapag may nangyaring hindi maganda sa akin. Ikaw unang-una kong sasaniban. Ta's ihuhulog kita sa bangin." Pananakot ni Kath dahilan para tumaas ang balahibo ko. 

"Not a good joke." Sambit ko 'tapos huminga nang malalim bago kunin ang pulso ni Kath upang pumasok sa old building na pag i-stay-an namin. "Tara na lang." 

"W-Wait, how dare you touch m--" Pagmamaktol niya. 

"Shut up." Pagputol ko sa sinasabi niya. Sumunod na nga lang din ang mga kaklase ko sa 'min at mga nagkanya kanya na ng punta sa mga kwarto nila nang makapasok sa old building. 

Samantalang nandito pa rin kami ni Kath sa ibaba at nakatitig lang sa itaas. Tinapik ng isa naming kaklase ang aming balikat. "Ano pa'ng ginagawa n'yo riyan? Umakyat na kayo para makapagpahinga nang kaunti." aniya na tinanguan ko lang. 

"A-Ah." Tanging nasagot ko bago siya pumanik sa taas.

Dumungaw naman si Kei mula sa itaas. "Are you guys okay?" Nag-aalala niyang tanong sa amin. 

Nilingon ako ni Kath habang ipinasok ko naman ang kamay ko sa bulsa ng aking jacket para kumuh ng marshmallow ro'n. "Hoy, babae. Paano kung may magpakita rito--?" Pinakain ko sa bunganga niya 'yong marshmallow para manahimik siya.

Tumingala akong muli para makita si Kei. "We're okay. Aakyat din kami. Right, Kath?" Pagbalik ko ng tingin sa bruha dahilan tumutol siya. 

"No! Tell our adviser na mag change tayo ng room number. I have a bad feeling for room 035th! " Matinis niyang sabi.

I hissed. "Samahan mo na lang ako sa taas." At hinila ko nanaman siya.

Hinila niya pabalik sa kanya ang kanyang kamay. "No, I won't go with you-- eek!"

Binigyan ko siya nang napakatalim na tingin. "Sasama ka o ako mismo ang papatay sa 'yo sa takot?"

Umurong ang ulo niya. "B*tch." Tawag nanaman niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko para buksan ang flashlight nito, itinapat ko ang liwanag sa baba (chin) ko, ngumisi at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Ano? Mas nakakatakot ako kaysa roon sa iniisip mo, 'di ba?"

Napakagat-labi siya at napapikit nang mariin. "I hate you!" Sigaw niya at dali-daling pumanik sa taas na sinundan ko lamang ng tingin. 

Humagikhik si Kei kaya ibinaling ko ang tingin sa kanya. "Kahit na inaaway ka niya noon, ang bait mo pa rin sa kanya." 

Pinatay ko na ang flash light ng phone ko at inilipat ang tingin kay Kei. "Pa'no mo nasabi?" Taka kong sabi. 

She smiled at me. "You actually did that para mabawasan 'yung kung anong nararamdaman niya. Kahit ikaw pa mismo 'yung mas takot na takot, hindi mo lang ipinapakita." 

I blushed. "T-Takot? Who told you? Saka mali ka, Kei. I didn't do that for her sake, ayoko lang na nag-iinarte siya, iyon lang." Inangat ko na nga ang trolley handle ko para hilahin paakyat. 

"Gusto mong tulungan kita?" Tanong ni Kei na labas sa ilong kong tinanggihan. 

"No thanks." Wika ko. 

"Bilisan mo, Haley Miles Rouge. Gusto ko nang matulog." Bossy nanamang pagmamadali ni Kath na tinawanan ni Kei. Nang makatuntong ako sa second floor, nagpaalam na si Kei kaya dumiretsyo na nga ako sa room 035th.

Nakabukas ang mga ilaw sa hallway, bukas din ang mga pinto dahil nakapasok na rin ang mga kaklase ko sa mga rooms nila. 

Huminto ako sa tapat ni Kath na nakaupo sa sahig katabi ng pintuan. Tumingala siya para simangutan ako. "You're so slow. Buksan mo na 'yung pinto." 

Ihagis ko kaya sa mukha niya 'tong susi. Kainis. 

Kinuha ko na nga 'yung susi na nasa bulsa ko para buksan ang pinto. Tumayo na rin si Kath para tumabi sa akin. Nang mabuksan ang pinto ay binuksan na rin namin kaagad 'yung ilaw, bumungad kaagad sa amin 'yung malaking kamay na nakamarka ro'n sa pader na nasa harapan namin.

I saw this before! 

Tinakpan ni Kath ang mukha niya dahil sa nararamdamang takot. "I-I knew it! Badluck 'to Haley! Badluck!" Sunod-sunod niyang sambit habang nanginginig lang ang mata ko.

Subalit may na-realized ako dahilan para lumapit ako ro'n nang makita ko namang mabuti 'yung kamay na iyon. Huminto ako sa tapat na iyon at sinuri. "H-Haley?!" Tawag ni Kath. 

Hmm...

Para idinikit ng kung sino 'yon ang kamay niya sa pader saka dahan-dahang ibinaba nang kaunti para mai-extend at magmukhang malaki 'yong marka ng kamay. This is just a childish prank. Wala talagang nakakatakot.

"H-Haley..." Nanginginig na tawag ni Kath na nakapasok na pala saka siya kumapit sa braso ko.

I glanced over my shoulder. "What?" Kunot-noo kong tanong pero inalis lang niya 'yung kapit niya sa braso ko saka umiwas ng tingin. 

"Nothing." Sagot niya. Kinuha ko na nga lang 'yung maleta namin ni Kath sa labas ng kwarto at ipinasok. Pagkatapos ay tiningnan ang single kama-- or should I say murphy bed? Iyong hihilahin mo 'yung ilalim ng kama para magkaro'n pa ng isang kama?

Itinuro ko ang itaas na kama. "Diyan ka sa taas matutulog habang dito naman ako sa baba, wala ka ng pwedeng maireklamo diyan, 'di ba?" Pagiging considerate ko. 

Pinitik niya ang buhok niya't inilagay ang kanang kamay sa kanyang beywang. "Buti naman at alam mo." Hinila niya ang maleta't ipinatong sa kama niya para siguro mag-ayos. 

Samantalang hinila ko naman ang kama sa ilalim para humiga muna sandali. Inilagay ko lang muna sa tabi 'yung mga gamit ko, mamaya ko na lang aayusin.

Pumasok si Kei. "Haley, hindi ba't na sayo 'yung earphone ni--" Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin niya si Kath, lumingon naman ito kay Kei at napasimangot.

"Wanna fight?" Paghahanap ni Kath ng away na sinimangutan naman ni Kei. 

Umupo ako mula sa pagkakahiga 'tapos nilingon si Kath. "What are you? A kid?" Tanong ko kaya inilipat naman niya ang tingin sa akin. 

"Pagsabihan mo kasi 'yung kaibigan mo na matutong kumatok bago pasok. She's trespassing." Daing ni Kath. 

"I didn't mean to--" 

"Manahimik ka, mang-aagaw." Pagpapatahimik ni Kath kaya umangat ang mga kilay ni Kei 'tapos ay nag-iba ang aura. 

"Bihira lang talaga akong tawaging mang-aagaw, at sa 'yo pa talaga nanggaling." Saad ni Kei dahilan para mapahawak ako sa aking noo't mapatayo. Lumakad ako papunta sa pagitan nila. 

"Mapapagalitan tayo nito kung dito kayo mag-aaway." Suway ko sa kanilang dalawa saka pumasok ang isa pang sakit sa ulo. 

"Just leave them alone" Lumingon ako kay Aiz na ngayon ay nakasandal sa frame ng pintuan namin, humalukipkip siya't pinitik ang buhok. "Ganyan talaga kapag naglalabanan sa pag-ibig, gagawin ang lahat makuha lang ang minamahal--"

Nag stop sign ako. "No offense, pero wala kaming pakielaman diyan sa pag-ibig na tinutukoy mo." Sabat ko na nagpaatras sa kanya.

Pagkatapos ay inis akong tiningnan kasabay ang pag-alis niya sa pagkakasandal sa frame ng pintuan. "Huwag mong sasabihin sa akin na no offense kung mao-offend ako!" 

Ano ba talagang nangyayari rito? Wala na akong ideya kung saan 'to patungo. 

"Oy, oy. Anong nangyayari rito at nagsisigawan kayo?" Pareho naming itinuon ang tingin kay Rose at halos atakihin sa puso nang makita ang naging itsura ng class president namin.

Naglagay kasi siya nang facial Black mask.

"Don't scare us like that! Saka talagang may oras ka pang maglagay ng black mask, eh 'no?" si Aiz. 

Itinagilid nang kaunti ni Rose ang ulo niya. "Hmm? Hindi naman ako papayag na kayo lang ang maganda 'no? Well, maganda naman na ako pero kailangan ko pa ring magpa-ganda para mas lalong gumanda ang maganda kong mukha." Gusto kong matawa kasi hindi talaga niya nasabi nang maayos 'yung sinasabi niya. Siguro dahil kapit sa mukha niya 'yung Black Mask.

Nagpameywang siya pagkatapos. "At mukha rin namang wala kayong balak na magpahinga. Maglaro tayo ng spirit of the glass. Ayain natin 'yung iba." Suhestiyon at anyaya ni Rose dahilan para bigyan namin siya ng kakaibang tingin. Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "What's with the face? Mukha kayong patay." 

"M-May Uno cards akong dala diyan. Iyon na lang 'yung laruin natin?" Patanong na suhestiyon ni Kei. 

"And there's NO WAY we would play that thing! Are you insane?" Umiiling na sabi ni Kath na tinanguan ko bilang pagsang-ayon.

Hindi ako naniniwala sa spirit of the glass pero mas mabuti kung hindi namin 'yon lalaruin.

"Aww, bakit naman? Minsan na nga lang--" Hinila na lang namin ni Kath si Rose palabas ng kwarto, magulo siyang kasama.

"Bumalik ka na sa kwarto mo, ang annoying mo" Sambit ko nang mapalabas namin siya sa kwarto, humarap naman siya sa amin at ngumuso. 

"Wala namang ganyanan--" Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin na pati si Kath ay napaatras nang makita ang itsura ko.

Tumawa naman nang pilit si Rose 'tapos tinapik si Kath. "Baka gusto n'yong makipaglaro sa akin ng--"

"Get out." Simpleng pagpapalayas ni Aiz habang gumagamit ng malalim na boses.

"Humph. Nakakatampo kayo." Nguso pa ni Rose bago umalis sa harapan namin para sa kabilang kwarto namang manggulo. "Gusto n'yong maglaro ng spirit of the glass?" Rinig naming anyaya nya sa iba naming kaklase. 

Humarap na nga lang ako kay Kei at Aiz na ngayon ay naglalabanan nanaman ng titigan, huminga ako nang malalim."Kayong dalawa" Tukoy ko kila Aiz at Kei dahilan para pareho nila akong tingnan. Tinuro ko ang labas ng pinto gamit ang hinlalaki ko. "Baka gusto n'yo na ring lumabas? Magpapahinga na ako"

Humarap si Kath sa kanila at tumango. "Hindi sa sumasang-ayon ako sa kanya pero kailangan ko na ng beauty rest dahil nakaka-stress kayo. Shoopi." Pag gesture niya. 

Kinuha ko ang earphone na hiniram ko kay Mirriam kanina sa back pack ko 'tapos inabot kay Kei. "Here." Abot ko sa kanya ng earphone dahil iyon talaga ang pinunta niya rito. Nagpa-salamat siya't lumakad na kasama si Aiz. Nagkabungguan pa sila kaya nagkaroon nanaman sila ng alitan ng tingin habang naglalakad paalis. Isinara ko na lang ang pinto at bumalik sa kama para ibagsak ang katawan doon. Ini-spread ko rin ang mga kamay ko't pumikit. 

Handa na talaga sana akong matulog pero kinalabit ako ni Kath kaya iminulat ko ang mata ko't halos atakihin sa puso nang bumungad ang mismo niyang mukha sa akin. "W-Wala naman sigurong multo, 'di ba?" 

Tinulak ko 'yung mukha niya palayo sa akin. "Wala! Umayos ka nga!" 

***

SINARADO KO ANG zipper ng Jacket ko dahil nararamdaman ko na ang lamig sa loob ng katawan ko. 'Tapos itong kama ko parang namamasa dahil sa lamig. Wala bang kahit na anong heater diyan? Saka anong oras na ba't hindi pa rin kami tinatawag?

Tiningnan ko ang wrist watch ko na hindi ko pa tinatanggal mula kanina, pasadong 2 o'clock na ng hapon at malapit ng mag miryenda.

Lumingon ako sa kama ni Kath nang maingayan ako sa malakas niyang hilik na tila akala mo parang baboy na nagsasalita.

Kinuha ko ang extra kong unan 'tapos binato sa mukha niya, akala ko nga magigising pero isa rin pala siya sa tulog mantika. Humarap ako sa kisame tapos itinuon na lamang ang tingin doon habang nakatago lang ang kamay ko sa bulsa ng Jacket ko para kahit papaano ay mainitan. Gusto kong tumayo pero hindi naman ako makatayo, nanginginig ako sa lamig.

Nag vibrate ang aking phone na nasa gilid lang ng unanan ko senyales na mayro'ng tumatawag dahil na sa buzz pattern ito. Tiningnan ko ang screen, nagmo-moist ito sa lamig kaya pinunasan ko ito gamit ang manggas ng jacket ko bago sinagot ang tawag. "Hello?" Sagot ko nang maidikit na sa aking tainga. 

"Hailes." Tawag niya sa pangalan na iyon kaya mabilis akong napaupo. Mas lalong nanginig ang katawan ko hindi dahil sa lamig kundi sa takot. Hanggang dito, sinusundan pa rin niya ako. "Ayaw talaga kitang takutin pero binabalaan na kita ngayon. Malapit na sila." 

Bumigat ang pakiramdam ko. Ang lamig...

"A-Anong malapit na sila? Ano'ng pinag... sasasabi mo?" Nahihirapan kong tanong sa kanya.

"Kung hindi mo susundin 'yung sinasabi ko sa'yo, mapapahamak ka." Sabi pa niya sa kabilang linya. 

Nagbuga ako nang maraming hangin. "Just stop it, I'm begging you." Kinuyom ko ang kamao ko dahil naninigas na rin ang mga daliri ko. "Kaya ko... ang sarili k--" Pinutol niya ang sinasabi ko. 

"YOU'RE NOT!" Napasinghap ako sa biglaan niyang pagsigaw.

"They'll--" 

May kumatok sa pinto kaya napatay ko bigla ang call, tumayo ako para ipagbuksan ng pinto ang taong iyon. Medyo nahirapan pa akong buksan dahil sa sobrang pagnginig ng katawan ko pero nagawa ko namang itulak pahila ang pinto.

"M-Mirriam? Bakit?" Takang sabi ko nang bumungad siya sa akin.

"Tumunog na 'yung bell, hindi mo narinig?" 

Humawak ako sa batok ko. "Hindi ko narinig-- wala kaming narinig." Lumingon ako kay Kath. "Sige, gisingin ko lang itong bruha." 

Tumango si Mirriam. "Hintayin ka namin ni Kei sa labas" Wika niya't lumakad na paalis.

Pumunta naman ako kay Kath para gisingin siya. Makikita sa mukha niya na maganda ang napapanaginipan niya dahil ngumingiti ngiti pa ito, hindi ko sana gigisingin kaso baka ako pa ang sisihin niya kung hahayaan ko lang siya dito at hindi kakain ng miryenda. Walang sinasanto 'tong isang ito, eh.

Hinawakan ko ang balikat niya at niyugyog. "Oy, Kath." tawag ko sa kanya ngunit yumakap lang siya sa unan niya at tinabig lang ang kamay ko. Augh. "Gumising ka na, kakain na tayo." Sabi ko't niyugyog pa siya. Kaso wala, hindi pa rin siya nagigising. 

Napa-bored look ako at sinubukan ang isang masakit na paraan para magising ang isang taong tulog mantika.

Hinipan ko isa-isa ang mga palad ko't kiniskis na muna ito bago sampalin ang magkabilaan niyang mukha. Nagising siya sa ginawa ko pero mukhang wala pa rin sa sarili niya. "Buti naman at gising ka na" Sambit ko. 

Kumurap-kurap muna ito bago lumingon sa akin. "Eh?" Taka niyang reaksiyon.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Gusto mo pa ng isang sampal?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya nag salita at pumikit lang, 'tapos ang sunod na nangyari ay nakarinig nanaman ako ng hilik.

Umurong ang ulo ko dahil sa gulat. Seryoso ka ba?! 

Niyugyog ko ulit siya. "Hoy, Kath! Peste ka! Sinasayang mo 'yong oras ko, gaga!" Humilik pa ito kaya kinuha ko ang kwelyo niya at binuhat na pati ang katawan niya ay umangat na rin. "Hoy! Gumising ka riyan!" Sigaw ko pero deadma. 

"Hindi ganyan ang paggising sa babaeng iyan" Lumingon ako sa babaeng nagsalitang-- si Trixie.

Nakakrus ang mga kamay niya habang malawak na naka-spread ang mga paa niya sa sahig. "Tumabi ka riyan." Utos niya na sinunod ko naman. Bumwelo muna siya bago tumakbo papunta kay Kath para patalon na lundagan ang kaibigan niya.

Tumaas ang magkabilaan kong kilay nang malakas niyang sikuhin ang sikmura ni Kath. "Wake up!" Gising niya dahilan para mapaupo si Kath mula sa pagkakahiga at mapaubo. At nang dahil sa ginawa ni Trixie ay nag-aaway na sila ro'n sa kama't nagsasabunutan. 

Nagpakawala ako nang hininga at hinayaan na lamang 'yung dalawa na mag-away sa kwartong iyon.

Yuko akong lumabas sa kwarto, subalit napatingala nang makita ko sila Kei na naghihintay sa tabi ng railings ng hagdan. Lumapit ako sa kanila saka nila ako nilingunan. "Ang ingay sa kwarto n'yo, ano meron?" Tanong ng nakasandal na si Kei.

Huminto ako sa harapan nilang dalawa ni Mirriam, pagkatapos ay pasimpleng lumingon kung nasa'n ang kwarto namin. "Don't mind them." Labas sa ilong kong sabi't ipinasok muli ang dalawang kamay sa bulsa ng Jacket ko. Ugh, cold. 

"Tara na, baka mapagalitan pa tayo." Anyaya ko sa kanila saka kami nagsabay-sabay na bumaba ng hagdan. 

Lumabas na nga kami sa old building para pumunta sa main nang makakain na rin ng miryenda. Ngunit sa paglalakad namin, napatingin ako sa bintana ng Chapel. Madilim sa loob no'n pero tila parang may nakasilip sa akin dahilan para bumuka ang bibig ko't mapahinto sa paglalakad. 

Tumigil din sina Kei para lingunin ako. "Bakit ka huminto?" Tanong ni Mirriam kaya inilipat ko ang tingin sa kanya. 

"A-Ah, wala. Bigla lang akong may naalala." Sagot ko at ibinalik ang tingin sa loob ng Chapel. Nawala na ro'n 'yung presensiya na naramdaman ko kanina. 

Sinundan ni Kei 'yung sinisilip ko 'tapos kumapit sa braso ko. "May nakikita ka ba na hindi namin nakikita?" Tanong niya kaya ibinaba ko ang tingin sa kanya. 

"Sarado third eye ko." Biro ko kaya humagikhik siya 'tapos hinila na ako papunta sa main building. Nakasunod lang sa amin si Mirriam. 

*****