PARANG stalker si Twynsta sa ginagawa niyang pagtago-tago habang pasilip-silip sa lalaking sinusundan niyang naglalakad papunta sa kung saan, as if naman hindi siya nahahalata sa laki. Gayunpaman, patuloy pa rin siya sa patago-tago at pasilip-silip niya hanggang sa maramdaman yata siya nito dahil huminto ito sa paglalakad. Mabilis naman siyang nagtago sa likod ng isang puno at sumilip doon—nakatalikod pa rin itong at animo'y naistatwa sa kinaroroonan nito, hanggang sa bumaling ito sa kinaroroonan niya kaya muli siyang nagtago!
Ang bilis ng tibok ng puso niya. Gusto niya itong kausapin para mapasalamatan at mag-sorry, pero nahihiya siya, kaya nahiling niyang sana ay hindi nito alam na nagtatago siya sa likod ng isang puno—pero imposible yata 'yon dahil mas malaki pa siya sa punong pinagtataguan niya. Nang maramdaman niyang may kumalabit sa balikat niya ay mabilis siyang nag-angat ng tingin at muli siyang dinagundong ng kaba nang makita ang lalaking sinusundan niya.
"Are you following me?" tanong nito sa kanya.
Mabilis siyang umiling-iling, pero naisip niyang wala rin naman siyang mapapala sa pagsisinungaling niya, kaya sa huli ay umalis na rin siya sa pagtatago niya sa puno para harapin ang lalaki. Grabe! Nakaka-intimidate ang lakas ng dating nito.
Nakaka-concious itong tumitig dahil sa ganda ng mga mata nito lalo na ang mahahabang pilik-mata nito, kaya nga nag-iiwas siya ng tingin. Ang bango din nito at ang astig pumorma. Hay, hindi talaga siya magtataka kapag mas dumoble ang bashers niya dahil sa ipinagkalat niyang kuwentong boyfriend niya ito.
Mukhang freshman din ito tulad niya at parang first time ding makita ng iba pang mga estudyante doon pero instant heartthrob agad. Unfortunately, hindi pa rin niya alam ang pangalan nito.
"Ahm, thank you nga pala last time dahil hindi ako na-bully at pinagtawanan." Aniya, hindi ito sumagot kaya muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita. "At saka sorry dahil ginamit ko 'yong picture natin at sinabi sa mga nam-bully sa akin na boyfriend kita," nahihiyang sabi niya. Nakatitig lang ito at hindi nagsasalita, mabilis siyang nagtaas ng kanang kamay. "Pero promise, hindi ko ipinagkalat 'yong picture natin, promise talaga! Feeling ko talaga palihim na bl-in-uetooth ng tatlong babaeng nam-bully sa akin last time 'yon saka ipinagkalat sa buong school para mapahiya ako. Hindi ko din alam kung bakit gusto nila akong pinagtatawanan." Aniya, saka siya nalungkot.
"It's okay." Anito, na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"A-Ano?"
"I said it's okay."
"Ha? Pero bakit?" nagtatakang tanong niya.
Napakunot-noo ito sa sinabi niya. "Bakit ang ano?" Ang cute ng tagalog nito dahil may pagka-slang, baka Fil-Am or Amboy ito.
"Na okay lang sa 'yo ang lahat? Hindi ka ba nagagalit? Naiinis? Nasusuka? Hindi ka ba nacu-curious kung paano ako nagkaroon ng picture sa 'yo? Baka kasi hindi mo na ako naaalala."
"We've encountered in your gadget shop last week, if I wasn't mistaken. I just turned eighteen, so, I'm not yet forgetful." Anito, saka ito tipid na ngumiti.
Lihim naman siyang natuwa sa kaalaman na naaalala siya nito. "Pero sabagay, sa laki ko ba namang 'to, makakalimutan mo ako." nakangiting sabi niya.
"Stop looking down on yourself!" anito, na ikinagulat niya. Napatitig siya dito at nag-iwas naman agad ito ng tingin sa kanya. "Ayoko lang kasi ng dina-down ng isang tao ang sarili niya." anito, napangiti siya ng lihim, bukod sa may accent ang pananagalog nito, hindi rin niya maiwasang mas tumaba ang puso niya sa sinabi nito—ito lang kasi ang kaisa-isang taong alam ang nararamdaman ng isang tulad niya.
"S-Salamat." Aniya.
Umiling-iling ito. "I have to go." Paalam na nito sa kanya, saka mabilis naglakad papunta sa Engineering building, naiwan na lamang siya habang sinusundan ito ng tingin.
Sandali! Hindi pa nga pala niya alam ang pangalan ng lalaki, pero sa susunod na pagkikita na lang. Naglakad na siya papunta sa Science building, magsisimula na din kasi ang klase niya. Hindi pa rin niya napigilang mapangiti dahil sa labis na kasiyahang nararamdaman niya. Nagtataka siya kung bakit mas lalo pang nagiging perfect ang lalaking 'yon sa kanyang mga mata—medyo seryoso at misteryoso, pero bukod sa guwapo ito, napaka-optimistic at gentleman nito at hindi niya maiwasang kiligin. Haaay...
Pagdating niya sa classroom nila ay mabilis siyang nilapitan ng mga kaklase niyang babae at sabay-sabay na tinanong, wala tuloy siyang naintindihan sa mga ito. Hanggang sa maupo siya sa puwesto niya ay nakasunod ang mga ito at pinuputakte pa rin siya ng mga katanungan.
"So, you're really with Yasser?"
"You're such a lucky girl!"
"How to be you, Twynsta?"
Sunod-sunod na sabi ng mga kaklase niya. Mukhang nabalitaan na rin ng mga ito ang nangyari kahapon, well, gustuhin man niyang sagutin ang mga ito, pinili na lamang niyang manahimik dahil baka mas lalo lang siyang makahabi ng kuwento.
"So, you're really with Yasser?" naalala niyang tanong ng isang kaklase niya. Yasser? His name was Yasser? Hmm... bagay na bagay sa kanya! Sa wakas ay nalaman na din niya ang pangalan ng lalaking 'yon, may nagagawa din minsan na maganda ang chismis, e. So, Yasser is an Engineering student.
Saka lang siya tinantanan ng mga kaklase niya nang dumating na ang teacher nila at saka na sila nagsimula sa kanilang aralin.
DAHIL PUNUAN sa canteen ay nagtungo na lamang si Twynsta sa isa sa mga vaccant benches sa school, for meryenda break. Habang naglalakad siya para maghanap ng bakanteng bench ay may namataan siyang lalaking nakaupo sa di-kalayuan—na noon ay napapaligiran ng mga babae. Ang weird lang dahil parang hindi naman nito pinapansin ang mga babaeng nakikipag-usap dito—may pagka-suplado pala si Yasser. Pero bakit hindi naman niya 'yon naramdaman nang magkausap sila?
Wait, dito din kaya nag-aaral 'yong guwapo ring kasama nito noon—si Brain? Para kasing mag-isa lang niya itong nakikita. Nagkibit-balikat na lang siya. Ang daming mga babaeng nakapalibot kay Yasser na naging instant admirers yata nito. Well, sabagay napaka-head turner nga naman kasi nito.
Umupo siya sa isang bench na nakaharap sa lalaking nasa di-kalayuan, 'yon lang naman kasi ang bench na nakita niyang malapit, e. Inilabas niya agad ang baon niyang two ham sandwiches na ginawa niya at orange juice. Nakakagat na siya nang muli niyang balingan ng atensyon ang lalaking nasa harapan niya, ngunit muntik na siyang mabilaukan nang makita niyang naglalakad na ito palapit sa kinaroroonan niya. Naiwan sa bench ang mga babaeng nakapalibot kanina dito.
Mabilis siyang uminom ng juice para kalmahin ang ubo niya at ang puso niyang nagwawala dahil sa bilis nang pagpintig niyon.
"Can I seat beside you?" tanong ng lalaki sa kanya.
At sino ba naman siya para tanggihan ang guwapong nilalang na 'to? "S-Sure." Aniya.
Kaya naupo ito sa harapan niya. "They're bothering me." Anitong tukoy ang mga babae sa table nito kanina.
Natigilan siya sa pagme-meryenda niya. So, pinuntahan siya ni Yasser sa kinauupuan niya para hindi na siya isturbohin ng mga admirers nito since alam ng mga ito na sila? Pero kapag iniisip pa rin talaga niya ang bagay na 'yon, talagang parang ginayuma o dinasalan niya ito sa lagay nila, e.
Pati siya ay hindi makapaniwala na nakikipaglapit ito sa kanya instead na masuka ito sa tsismis na kumakalat sa school nila. O baka talagang unique ang taste ng lalaking ito at hindi nito bet ang mga sexy at magagandang girls.
"Bakit hindi mo itama sa lahat ang totoo tungkol sa atin? Baka kasi magalit ang girlfriend mo sa 'yo kapag nalaman itong kabaliwan ko." Aniya.
"I don't have a girlfriend and... I don't want to have one." Anito na ikinasinghap niya.
"D-Don't tell you are..." napalunok siya nang mariin bago binitawan ang susunod na sasabihin... "a gay and you are using me to keep your real identity to others?" Tanong niya, Nanlaki ang kanyang mga mata nang ang seryosong lalaki ay bigla na lang tumawa nang malakas. "Why are you laughing?" nagtatakang tanong niya, ngunit hindi pa rin matigil-tigil sa katatawa ang lalaki.
Napatitig tuloy siya sa kaharap na lalaki. Halos namumula na ang mukha nito sa kakatawa—at mas lalo pa itong gumu-guwapo sa mga mata niya. Ang weird talaga, kapag kasama siya nito ay iba ang aura nito—unlike kapag kasama ito ng iba. Dahil ba mukha siyang nakakatawang baboy kaya nag-iiba ito kapag kasama siya? Gusto niyang bumusangot sa naisip niya—pero sa nalamang bading ito? Gosh! Hindi niya matatanggap!
"May nakakatawa ba sa tanong ko?" nakakamot sa ulo na tanong niya.
"I'm not a gay, okay?" anito, saka ito pilit na kumalma sa pagtawa. "I just don't feel like commiting to anyone."
"Bakit? Saan ka bang planeta galing at ang katulad mong guwapo ay takot sa commitment?"
"I'm guwapo?" nagtatakang tanong nito.