Chapter 6 - 6

Hindi tuloy niya napigilang matawa. "Hindi mo alam na guwapo ka? O bumibingwit ka lang nang papuri?"

"Sinasabi nila na guwapo ako," anito, his tagalog is really cute. "But I don't believe them."

Napakunot-noo siya sa pagtataka. "Bakit naman? Alam mo bang weird ka?"

"They just like me because of my physical appearance and I doubt if they would still like me if they saw me years ago." Anito.

"Bakit?"

"Nothing." Anito.

Saglit silang natahimik, doon lang niya naalalang i-offer ang isang ham sandwich niya—actually, kulang sa kanya ang isang sandwich kaya madalas dalawa ang baon niya, pero dahil mabait ang lalaking ito sa kanya, sige, ibibigay na niya ang tressured food niya. Nagpasalamat ito sa kanya saka mabilis na kumagat doon.

"It's yummy." Anito.

"Sorry talaga, napasubo ka pa tuloy sa pakikipaglapit sa akin, siguro nga ay mabait ka lang talaga dahil natitiis mong makasama ako. Sorry talaga."

"We're quits." Anito.

"Ha? Paano?"

"I don't want them to get near me and you don't want to get bullied, so, I think we need each others' company." Anito.

"What? Okay lang sa 'yo na kumalat sa lahat na 'tayo'? Okay ka lang ba? As in, baka nabagok ang ulo mo somewhere?" hindi makapaniwala niyang sabi.

Tipid itong ngumiti. "It's really okay, basta dalhan mo uli ako sa susunod ng ganito." Tukoy sa sandwich.

"Are you sane?" nagtatakang tanong niya.

"I am."

"They why?"

"Bakit ba lagi mong ibinababa ang sarili mo? Cheer up!" anito, saka ito tumayo sa kinauupuan nito. "Huwag kang papadikta sa sinasabi ng iba. Live your life to the fullest and don't allow anyone to hold your happiness. Cheer up, Twynsta!"

"Wait! Y-You know my name?"

Saglit itong natigilan bago tumango. "I-I heard them saying your name." tukoy nito sa mga babaeng kasama nito kanina.

Tumango-tango naman siya, sabagay, siya rin naman nakilala ito dahil narinig din niya. "Thanks, Yasser."

"You also knew my name!"

"Narinig ko lang din." Nakangiting sabi niya.

"Okay, see you around." Sumaludo na ito sa kanya at naglakad palayo sa kanya. Nang bumaling siya sa paligid ay marami na palang mga mata ang nanunood sa kanila ng binata. Nagmistula yata silang telenovela dahil inaantabayanan na sila ng mga ito.

Mabilis na niyang inubos ang meryenda niya at tuluyan na ring tumayo sa kinauupuan niya para bumalik sa classroom. Habang naglalakad siya ay muli niyang naalala ang huling sinabi ni Yasser sa kanya. "Huwag kang papadikta sa sinasabi ng iba. Live your life to the fullest and don't allow anyone to hold your happiness. Cheer up, Twynsta!" Para kasing pamilyar ang mga katagang 'yon sa kanya.

Napangiti uli siya nang maalala niyang binanggit nito ang pangalan niya. Ang babaw siguro niya pero hindi niya mapigilan ang sarili na kiligin. Paano'ng isang katulad ni Yasser na super guwapo ay na-stuck sa kanya at sa pagpapanggap niya? At sumang-ayon pa ito nang walang kahirap-hirap? Amazing!

DEAR DIARY,

Gosh! I think I have a problem and my problem was all about crush and the only solution is Yasser, what to do? Haaay... Bakit gano'n siya, diary? Guwapo na mabait pa? Hindi kaya nakikita niya ang Nanay o lola niya sa akin, kaya para siyang at home sa akin? Ay, huwag naman 'yong parang nakikita niya 'yong kama o bahay niya sa akin—'di ko 'yon matatanggap! Pero bakit nga kaya, diary? Kasi baka mamaya, hindi ko namamalayan na mas lumalalim na pala ang pagkakahulog ko sa kanya, kasi alam kong masasaktan lang ako sa huli!

At ang malupit niyan, diary, pumayag na nga talaga siyang magpanggap na kami—oo, as in boyfriend ko siya sa isip ng mga tao and vice versa—quits nga lang daw kami e; sa akin, para hindi ma-bully at sa kanya para hindi lapitan ng mga babae. Eh, kung titingnan, mas agrabiyado siya dahil hindi naman ako super sexy at sikat sa school tulad niya. Well, siguro kilala na din ako ng iba ngayon sa school, pero dahil naman 'yon sa kanya, e.

Pero bakit nga kaya ayaw niyang malapitan ng mga babae at ayaw niyang mag-girlfriend? Nasaktan na kaya siya noon ng isang babae? Sa guwapo niyang 'yon, sinaktan pa rin? Nasaan ang hustisya? Pero grabe, diary, ang guwapo niya talaga at ang suwerte ko, sobra! Siguro mas mabait ako no'ng past life ko kaya ang sinuwerte ngayon. He-he.

Salamat diary, I love you!

Love,

Twynsta