Mabuti na lang at hindi na siya hinanapan ng iba pang larawan para mas ma-confirm ang relasyon niya sa lalaking 'yon. Napangiti siyang naglakad pabalik sa classroom nila. Sana ay hindi pa siya late.
Kinahapunan, papalabas na sana siya nang school campus nang makita niyang may isang taong pinagkukumpulan sa di-kalayuan, gusto rin sana niya maki-usyoso kaso hindi rin naman siya kasya, kaya umalis na lang siya.
KINABUKASAN ay nagulat siya nang halos maagaw uli niya ang atensyon ng mga tao sa dinaraanan niya, hindi ito tulad nang dati na dahil nilalait siya—parang may kaakibat na something sa tingin at bulungan ng mga ito. Napahinto na lang siya sa paglalakad nang mabilis siyang hinarang ng isang babae.
"Totoo ba ang larawang 'to?" saka nito ipinakita ang larawan na pareho ng nasa wallpaper niya, nanlaki ang kanyang mga mata—papaano nagkaroon ng kopya ang babaeng ito ng exclusive na larawang meron siya?
Nabili ba nito ang phone na ginamit sa pagkuha ng larawan? Pero i-d-in-elete na niya 'yon nang mai-bluetooth niya sa phone niya—saglit siyang natigilan nang maalala niya ang tatlong mga babae kahapon.
"Ahm, kasi..."
"Crush ko kasi ang lalaking ito, totoo bang boyfriend mo siya?" tanong nito.
"Kilala mo ang lalaking 'yan?" gulat na tanong niya.
May motor na mabilis humarurot mula sa kanyang likuran na mabilis nagtungo sa parking area na malapit sa kinaroroonan nila ng babae, wala sa sariling sinundan 'yon ng kanyang mga mata hanggang sa dahan-dahan nitong tinanggal ang suot na helmet at gano'n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ang pamilyar na lalaking 'yon.
Halos mapanganga siya at dagsain nang samut saring kaba nang bumaba ito sa magarang motor nito at naglakad palapit sa kinaroroonan niya—halos lingunin ito ng lahat ng mga estudyante—he is so breathtakingly handsome, a living mannequin, an almost perfect guy. Yes, he was that guy she had encountered in their gadget shop a week ago, ilang araw lang ang lumipas pero mas gumuwapo pa ito—sobra!
Napalunok siya nang mariin nang mabilis itong nilapitan ng babae para kausapin, napanganga siya at mabilis na tumakbo para awatin ang babae sa gusto nitong tanungin sa kadarating na lalaki—oh my God! This is so embarrassing!
Sino ba namang mag-aakala na magkikita pa pala sila ng lalaki? Sino ba ang mag-aakalang magka-schoolmate pa pala sila at may chance na magkita araw-araw? Pagkatapos ay ipagkakalat pa niyang boyfriend niya ito—mukhang hindi lang ang tatlong babaeng nakasalamuha niya kahapon ang nakakaalam niyon dahil mukhang ikinalat na rin ng mga ito sa buong campus—na marahil ay i-bl-in-uetooth mula sa kanyang cell phone. Nakakahiya!
Nagmamadali siyang tumakbo para awatin ang babae sa pagtatanong sa lalaki—magpapaliwanag na lang siya sa babae—ngunit nagkasalisi ang kanyang mga paa dahil sa bigat ng kanyang katawan; nadapa siya at gumulong—nakarinig siya nang pagsinghap sa paligid at agad na napalitan nang tawanan.
Napapikit at napailing na lang siya. Nakakahiya na talaga siya! Mabuti na lang madami siyang fats kaya hindi siya masyadong nasaktan sa pagkakadapa niya. Kung bakit kasi gumawa pa siya ng gano'ng kuwento—para lang hindi ma-bully, sana ay katulad no'ng high school, dini-dedma na lang niya, palibhasa ay nagsawa na siya.
Akmang babangon siya pero nahirapan siyang tumayo dahil hindi niya mabuhat ang kanyang katawan, nagulat na lang siya nang may kamay na mabilis nag-offer sa kanya ng tulong—nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya na kamay 'yon ng guwapong lalaking nasa wallpaper niya na ngayon ay nasa harapan na niya! Napalunok siya nang mariin at muling nagrambolan ang mga paru-paro sa kanyang sikmura.
Dahan-dahan niyang inabot ang kamay niya sa lalaki at nang mga sandaling naglapat ang kanilang mga balat ay para siyang napaso dahil sa weird na init na dumaloy sa kanyang mga ugat. Kumabog ang puso niya—he's such a gentleman. Nahirapan itong patayuin siya kaya tinulungan na din niya ang sarili niya hanggang sa maayos niya ang pagkakatayo. Mabilis niyang pinampag ang damit niyang nadumihan, buti na lang at wala siyang natamong sugat o gasgas.
"S-Salamat." Aniya. Tumango lang ito sa kanya bago siya nilagpasan, ngunit muli itong hinarang ng babae.
"Mag-boyfriend-girlfriend ba talaga kayo ng babaeng 'yon? Kalat na kasi sa buong school ang picture na 'to at sabi niya ay boyfriend ka daw niya." kuwento ng babae sa guwapong lalaki, saka nito ipinakita ang larawan nila ng lalaki.
Mabilis siyang napapikit ng mga mata at napakagat sa ibabang labi dahil sa labis na kahihiyan—baka mas lalo siyang pagtawanan sa magiging kasagutan at pandidiri ng lalaki dahil sa gawa-gawa niyang kuwento. Gusto na tuloy niyang magtatalon para bumuka ang lupa at magpakain na lang siya doon.
"Baka kasi photoshop lang ito o ginawan lang niya nang paraan para magka-picture kayo together at hindi naman talaga kayo." Sabi pa ng babae, sa lalaking nakatingin lang sa picture nila.
My God! Mukhang seryoso pa rin ang lalaki tulad no'ng una niya itong makita—at baka magulat na lang siya nang bigla itong matawa dahil sa larawan nilang ikinalat ng tatlong bruhang babae kahapon.
"What's if kami nga? Big deal?" sabi ng lalaki na halos ikalaki ng kanyang mga mata—at ikahulog ng panga ng mga tao sa paligid na nakikinig ng usapan. Saka agad na nilagpasan ng lalaki ang babaeng kausap.
Napatulala din siya sa nangyari. Gayunpaman, gusto niyang humingi nang pasasalamat sa lalaki dahil hindi siya napahiya sa lahat ng mga tao, at mag-sorry na rin dahil sa pagsisinungaling niya.
DEAR DIARY,
Nakita ko uli siya! Yes, 'yong lalaking nakita ko sa shop last time—'yong lalaking laman ng wallpaper sa phone ko, 'yong namumukod tanging lalaki na kaya kong ipampalit kay Justin Bieber at ang lalaking nakatunaw ng taba sa puso ko. Akalain mo 'yon, diary, imbes na mainis o mandiri siya sa gawa-gawa kong story na 'boyfriend' ko siya, parang ipinagtanggol pa niya ako sa lahat para hindi mapahiya at mapagtawanan, kinilig ako doon, diary, lumobo ang puso ko at mas lalo ko siyang naging crush, dagdag na napaka-gentleman pa niya at hindi katulad ng ibang mga bullies sa school.
OMG Diary! Second meeting pa lang namin ito, pero feeling ko, gustong-gusto ko na siya. Pero alam ko naman ang hangganan ko—at hanggang pag-iilusyon na lamang 'yon. Paano ba naman kasi magkakagusto ang isang Prinsipeng katulad niya sa isang balyenang tulad ko, 'di ba? Gayunpaman, let's never lose hope!
Gosh, I got this disease and its called crush, this is contagious 'cause he gave it to me! He-He. Salamat diary, I love you!
Love,
Twynsta