Chereads / The Destined Heiress Of Rabana / Chapter 5 - Ang Tagapagtanggol

Chapter 5 - Ang Tagapagtanggol

Kakaiba ang umagang iyon para kaya Shine. Hindi na siya nagmukmok at umiyak sa loob ng kubo. Inipon niya ang natitirang pag-asa sa dibdib at sinimulan ang umagang iyon ng isang ngiti habang tinitiklop ang pinaghigaan at inilagay sa gilid saka umayos ng tayo at pinasadahan ng tingin ang buong paligid.

Wala na siyang magagawa ngayon kundi ang tanggapin ang lahat, gustuhin man niya o hindi. Sa mundong ito, siya si Liwayway, ang tagapagmana sa kaharian ng Rabana. Hindi siya makakatakas doon.

Nakapag-decide na siyang aalamin ang nakaraan ni Liwayway upang maunawaan niya lahat kung bakit sila tumatakas kay Datu Magtulis. May sinabi si Makisig noon pero hindi niya natandaan. Ngayon, inihanda na niya ang sarili sa malalaman kesa naman magmukmok siya sa loob ng kubo at walang gawin para makabalik sa kanyang pinagmulan.

"Liwayway, aking bunso!" gulat na salubong ni Mayumi pagkakita sa kanyang palabas ng kubo, bitbit nito ang platong gawa sa pabilog na kawayan, nilagyan lang ng dahon ng saging ang ibabaw saka inilagay doon ang iba't ibang klaseng prutas, kaimito, mangga, saging at siniguelas.

Sandali siyang nag-isip kung ano'ng isasagot sa babae, mabuti na lang, mahilig siya manood ng drama sa TV kaya't nang mabuo sa isip ang sasabihin ay napangiti siya at nagmano sa kamay ng nagulat na ginang.

"Aking ina, magandang umaga po," bati niya.

Nagulat ang babae sa kanyang ginawa, nagtaka tuloy siya lalo nang bawiin nito agad ang kamay.

"Aking bunso, ikaw na ba iyan?" Hindi ka na nagsasalita ng salitang banyaga? Bumalik na ang iyong kamalayan?" nanlalaki ang mga matang usisa nito, tinitiyak kung hindi na ba siya tila nababaliw.

Isang matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan, pasimpleng kinuha mula dito ang hawak na plato saka binitbit iyon papasok sa loob ng kubo.

"Wala pa rin akong maalala sa aking nakaraan, mahal kong ina. Pwede po bang ikwento mo sa'kin ang nangyari mula nang ako'y isilang hanggang sa kasalukuyan upang

maalala ko ang lahat?" sagot na lang niya kasabay ang pakiusap dito.

Pa-squat siyang umupo sa sahig na kawayan at sinenyasan ang babaeng umupo din sa kanyang harapan. Tumalima naman ito, nagsimulang ikwento ang lahat.

Mula sa panganganak ng kanyang ina sa kanya at sa kambal niyang kapatid na si Tala, sa pagtakas nito mula sa Rabana nang salakayin ni Datu Magtulis ang kaharian, sa pagbabalik nito sa pulo ng Malamig kung saan siya lumaki kasama si Agila. Para itago ang kanyang pagkatao ay ipinakilala siya ni Mayumi bilang bunso nitong anak at si Agila ang kanyang nakatatandang kapatid subalit masama ang ama ng babae, ibinenta siya sa isang timawa noong bata pa siya dahilan upang magwala si Agila at bawiin siya sa pinagbentahan, dahil mahilig siyang kumanta at sa awitin niya'y nakasaad doong siya ang tagapagmana ng Rabana. Unconsciously, naipahamak niya ang sarili kaya't nalaman ni Datu Magtulis kung nasaan siya ngunit bago pa sila natunton ay nakaalis na sila sa pulo at napunta naman sa maliit na pulo ng Kilat-kilat

Mataman lang siyang nakikinig sa kwento ng babae habang kumakain ng kaimito.

Gumaya na rin ang nagkukwento sa ginawa niya, pinapak na rin ang mangga sa plato.

"Bakit po tayo napunta rito, mahal kong ina? At nasaan ang sinasabi niyong kwintas ko na susi sa kaharian ng Rabana?" usisa niya matapos ang kalahating oras nitong kwento.

"Si Agila ang nakababatid kung paano tayong dinala rito ni Hagibis, ang anak ng Datu ng Dumagit," sagot nito, pagkuwa'y inilapag sa sahig ang buto ng mangga at ipinunas sa damit ang kamay saka hinawakan ang kanyang dibdib, kinapa doon ang sinasabi nitong kwintas, nang makapa'y napangiti ito.

Siya nama'y tumaas bigla ang isang kilay nang maramdaman nga ang tila kadenang nakakapit sa kanyang leeg at ang bigat ng pendan niyon.

Takang dinukot niya iyon sa loob ng kanyang damit at pinagmasdang maigi ang pendant.

"I-ito ang sinasabi mong kwintas?" she stammered, hindi makapaniwala sa nalaman.

Nakangiti itong tumango ngunit maya-maya'y tuliro nang tumingin sa paligid, baka may nakikinig sa kanilang usapan.

Gusto niyang matawa sa sinabi ng babae. Pag-aari niya talaga ang kwintas na iyon, regalo ng kanyang papa noong 18th birthday niya. Hugis star ang pendant, gawa sa iba't ibang kulay ng perlas at sa gitna ay naruon ang iba't iba ring kulay ng malaking dyamanteng hugis ding bituin. Mula nang ibigay iyon ng ama'y lagi na iyong nakatago sa loob ng kanyang damit nang hindi madukot sa kanya.

Hindi niya akalaing pagkakamalan pa iyong susi sa kaharian ng Rabana.

Lihim siyang napangiti pero ayaw niyang ipahalatang hindi siya naniniwala sa sinasabi tungkol sa kwintas.

"Eh si Makisig po, Ina. Kanino siya anak?" usisa niya.

Kukuha sana ito ng isang pirang siniguelas ngunit agad sumulyap sa kanya.

"Hindi baga't ikaw ang nakiusap sa aking gawin siyang alipin pagkat ulila na siya sa mga magulang galing sa Pulo ng Kilat-kilat?" pagpapaalal sa kanya.

Natahimik siya. So, ginawa niyang alipin si Makisig dahil sa awa niya rito? Mabait naman palang tao ang totoong Liwayway.

Matapos makuha ang impormasyong gusto niyang malaman ay tumayo siya at nagmamadaling lumabas ng kubo.

"Saan ang iyong punta?" usisa ng tinatawag na ina.

"Mamamasyal lang po sa labas," sagot niya ngunit kumaripas ng takbo palayo sa kubo nang mapansing walang nakasunod sa kanya hanggang mapadako sa masukal na kagubatan, walang pakialam kung saan siya mapapadpad.

-------

Hindi niya inaasahang dadalhin siya ng mga paa sa isang mataas na batis na sa paanan niyo'y tila swimming pool sa luwang, malinaw na malinaw ang tubig.

"Wow!" bulalas niya, nagsusumigaw sa nakaawang na bibig ang paghanga sa tanawing nakikita at natuon ang pansin sa mga ligaw na orchids na nakapalibot sa gilid ng batis, ang gaganda, iba't iba ang kulay.

Hindi niya napigilang mapahagikhik, nakaramdam ng init ng katawan, nasabik sa tubig.

Ngayon niya naalalang hindi pa pala siya naliligo mula nang mapunta sa lugar na iyon, buti hindi nagreklamo ang kanyang mga kasama sa amoy ng kanyang katawan.

Muli siyang napahagikhik. Ngayon lang siya makararanas maligo sa batis. Iisipin niyang isang resort ang kanyang kinaroroonan, exclusive lang sa kanya, her private resort.

Nagpalinga-linga siya sa paligid, baka mamaya may tao pala, pero wala kaya dahan-dahan siyang lumapit pa kunti sa batis, umupo sa malaking bato sa gilid niyon at hinayaang damhin ng mga paa ang tubig na bumasa hanggang sa kanyang mga tuhod dahilan upang malilis niya pataas ang suot na damit.

Hindi nakuntento't inilublob na ang isang kamay.

"Wew! Ang sarap talaga maligo," wika niya sa sarili, muling lumingon sa paligid kung seguradong walang tao, nang masegurong wala ngang tao ay saka siya tumayo sa ibabaw ng malaking bato at hinubad ang mahabang damit, natira ay ang manipis na telang nakabaot sa kanyang dibdib maging sa mala-short niyang panloob. Wala pa palang undies nang mga panahong iyon, siya kaya mag-imbento ng mga 'yon at ipauso sa buong kapuluan?

Napalakas ang tawa niya sa naisip pagkuwa'y dahan-dahang lumusong sa tubig, nanginig pa bahagya nang mabasa ang kalahati niyang katawan, malamig pala sa ilalim, parang may yelo. Pero maya-maya'y nag-eenjoy na siyang pabalik-balik sa paglangoy, mula sa kabilang dulo ng batis hanggang sa malaking bato na siyang nagsisilbing point of destination niya sa paglangoy, doon din nakalagay ang kanyang hinubad na damit.

'Di nakuntento sa paglangoy lang, nagdive na siya sa ilalim ng tubig, sinubukang kumuha ng bato mula roon at nang magawa'y saka lang pumadyak paitaas hanggang sa maiahon ang ulo sa ibabaw ng tubig.

"Woww! Kahit bato'y kumikinang na parang buhay na dyamante!" bulalas niya sa sobarang pagkamangha, tinitigang mabuti ang hawak.

Subalit ang sayang mahigit isang oras niyang in-enjoy ay napalitan ng pagkatigagal nang mahagip ng tingin ang isang higanteng ahas na gumagapang palapit sa kanyang hinubad na damit. Sa laki niyo'y kasya yatang lunukin ang isang buhay na kalabaw, gaano lang ba ang kanyang manipis na katawan kumpara sa kalabaw?

Awang ang mga labing ilang beses pa siyang kumurap, baka nagkakamali lang siya ng tingin subalit nang huminto ang ahas sa pag-usad at parang may isip na napatingin sa kanya, ilang metro ang layo sa kanyang damit, tila pa nga nagtama ang kanilang paningin kasabay ng paglabas ng mahaba nitong dila.

"Ahhhh!!! Ahas!!! Tulong!" Umalingawngaw ang kanyang sigaw sa buong paligid sa magkahalong gimbal at takot. Mabuti na lang sa pagkakataong iyo'y gumana ang kanyang utak at nagbigay ng signal sa kanyang katawan na lumangoy palayo sa ahas paahon sa tubig sa kabilang gilid ng batis at kumarias ng takbo palayo lalo na nang maramdamang nasundan siya ng ahas.

Hindi nga siya namatay nang maaksidente sila ni Miko, mukhang sa ahas naman ang kanyang bagsak ngayon, wala din siyang kawala, it's her dead end pa rin, ang sama ng ending ng kanyang life.

Abo't abot ang panghingang nagpatuloy siya sa pagtakbo papunta sa masukal na kagubatan lalo na nang malingunan ang ahas na sumusunod sa kanya, siya talaga ang target. Wala siyang pakialam kahit magkandasugat-sugat ang binti sa mga naapakang bagay basta makatakas lang siya, lalong wala siyang pakialam kung naka-tube lang siya't manipis na short, hindi iyon mahalaga ngayon, kesa lamunin siya ng buhay ng ahas.

Ngunit sa pagkamalas ay hindi niya napansin ang sanga ng puno sa kanyang daraanan kaya't natapilok siya at babagsak na sana sa damuhan nang biglang may matigas na brasong pumulupot sa kanyang beywang kasabay ng paghila sa telang nakatakip sa kanyang dibdib.

"Nooo!" pigil niya.

Out of nowhere ay nakita niya ang mala-adonis na mukha ng isang lalaki, nakahawak sa kanyang beywang habang iwinawagayway ang telang natanggal nito sa kanyang dibdib, iyon ang ipinupulot sa ulo ng ahas na muntik nang makakagat sa kanya kung hindi siya nito naagapang iligtas.

This time, awang ang mga labi niya hindi sa takot, nakalimutan nga niya agad kung bakit siya tumatakbo, kundi sa pagkamangha sa mukhang bigla na lang tumambad sa kanyang harapan, yakap ang hubad niyang katawan at wala siyang choice kundi idikit ang walang takip na dibdib sa katawan nito.

Gwapo si Agila, lalaking lalaki kung pumorma pero kakaiba ang mukhang kanyang nasisilayan ngayon, tila isang diwatang lalaki, mas gwapo at mas matangkad kay Agila, matigas ang kamay nitong nakahawak sa kanyang beywang subalit ang gaan niyon, tila ba siya idinuduyan lang habang nakikipaglaban sa dambuhalang ahas.

Gamit ang hawak na espada'y nagawa nitong putulin ang ulo ng kalaban pagkatapos balutan ng telang tinanggal sa kanya ngunit sa mukha ay hindi man lang mababakas ang pressure sa ginagawa, para lang itong nakikipaglaro sa ahas habang idinuduyan siya sa ere, hindi tuloy niya mapigilang kumapit sa batok nito at kumuha ng lakas doon upang huwag siyang tumilapon sa kung saan.

Matapos ang kalahating minuto marahil ay nakita niya ang pagtiim ng bagang nito, bigla siyang itinulak palayo.

Dahil sa sandaling na-intimidate sa kagwapuhan ng lalaki'y late na niya na-realize na hindi lang siya basta nakadapa, nakapatong pa sa patay ng katawan ng ahas.

"Ahhhh!!!" muli niyang sigaw, nanindig agad ang mga balahibo sa takot at nagmadaling tumayo, inilang-hakbang lang ang pagitan nila ng lalaki saka buong lakas na tumalon sa katawan nito't walang anumang pumulupot sa leeg ng huli, maging ang mga paa niya'y ikinapit na rin sa pwet nito nang hindi siya malaglag.