Third Person's POV
"Kapag tinawag ko ang kulay, itaas niyo ang kamay niyo. Malinaw ba?" tanong ni Professor Edric.
"Yes, sir." the class chorused.
"Red."
Itinaas nina Jeffrey at Ertune ang kanilang mga kamay, isang mayabang na ngisi ang gumuhit sa labi ni Ertune samantalang nanghihinayang si Jeffrey.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo ha?!" tanong ni Ertune sa magiging kalaban.
"Nothing." maikling sagot ni Jeffrey pagkatapos ng isang buntong hininga bago pumasok sa bilog.
Ang totoo ay nais na makalaban ni Jeffrey si Kadaski, idolo niya kasi ang kaklase pagdating sa larang ng labanan. Simula ng makita ni Jeffrey ang talento ng Fire Enchant sinumulan niya na itong hangaan nang maging ka-batch niya ito mula 1st year High School.
"You know the rules." said Professor Edric, blowing on the whistle as a signal to begin the mock battle.
Walang sinayang na oras si Ertune at agad nagpatubo ng mga higanteng Venus Fly Traps sa buong bilog, at dahil nasa loob sila ng Gymnasium, nag-crack ang sahig nang tumubo ang mga halaman.
"Yikes!" usal ni Jeffrey at agad naging alerto, tumingin pa ito sa kisame na animong nagdadasal para sa buhay niya.
"Uso namang sumuko na, Jeffrey." may kumpiyansang sabi ni Ertune habang iginagalaw ang kanyang mga braso para makontrol ang mga halaman. Nais ng binata na pahirapan muna ang kalaban bago ito puwersahang patalsikin sa labas ng bilog.
"You won't defeat me that easily." saad ng binatang Striker Type.
"Tch, binigyan na kita ng pagkakataong sumuko!" sigaw ni Ertune. Pero sa loob-loob nito ay hindi ito papayag na agad na sumuko ang kanyang kaklase.
Alam ni Ertune na isang Speed Enchant ang kaharap niya, maging ang katotohanang mas mabilis itong kumilos kaysa sa kaniya.
Ang plano niya ay ang hindi payagang makalapit ng masyado sa Jeffrey sapagkat malakas ang mga sipa nito. Pero huli na ang lahat, dahil nang muli niyang ibalik ang atensyon sa kalaban ay hindi na niya makita si Jeffrey.
Napamura si Ertune at agad hinagod ng tingin ang bilog, maging ang kaniyang mga halaman ay pinahanap niya rin. Nabaling ang atensyon ni Ertune sa mukha ng mga kaklase niyang mukhang namamangha sa kanilang nakikita.
Doon napansin ng binata na lampas ang mga tingin nito, sapagkat nakatingin ito sa likuran niya.
"Velocity Magic: Black Mamba!" Jeffrey enchanted, ang kanyang buong kanang binti ay nabalot ng dilaw na ilaw na sapat na para patulugin ang sino mang tamaan nito.
Alam iyon ni Ertune, kahit papaano ay alam niya naman ang ilan sa mga kakayahan ng kaniyang kaklase.
Nanlaki ang mga mata ni Ertune nang maramdaman ang pagdampi ng binti sa leeg niya, ngunit dahil na rin sa paniniwalang dapat siya ang manalo ay naka-isip pa rin ito ng paraan.
"I won't lose to you..." Ertune whispered.
"Uprooting!" Ertune enchanted.
The match ended, rubbles were scattered everywhere and the winner started laughing proudly.
"Violet."
Ang magkatapat sa labang ito ay si Lizbeth at Genesis. Si Lizbeth ay ang babaeng may kakayahang kontrolin ang gravity sa loob ng limang metro. Ang binatang si Genesis naman ay may kapangyarihan ng yelo.
Si Genesis ay miyembro ng Enchanted Elite, a ten to a ten thousand ratio sa mga pinakamagagaling na mag-aaral sa Prestigious Academy of Ancantia, at alam ito ni Lizbeth. Alam ni Lizbeth na kailangan niyang ihanda ang sarili.
"Pumasok na sa bilog ang magkatunggali." utos ng kanilang guro pagkatapos ayusin ang nasirang mga bahagi ng sahig sa gym.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng halos kalahati ng klase, kasama na doon sina Kadaski at Drago. Sa kabilang banda ang ilan ay nakadama ng takot, at wala namang ideya si Virdjana kung bakit nagkakaganoon ang kaniyang mga kaklase.
"You better win!" sigaw ni Ertune sa kaniyang kabarkada.
"What's with your reactions?" tanong ni Virdjana kay Drago.
"Well, kung sa tingin mo magulo na iyong labanan kanina, mas malala ito." sagot ni Drago saka humalukipkip.
Ang sumunod na eksena ay mga pagsabog at mabilis na pagbaba ng temperatura sa buong gymnasium.
Basically, mukhang naging taglamig na sa loob ng venue na naging dahilan para payagan ni Professor Edric na lumabas muna ang hindi na kaya ang lamig at manatili ang nais pang manood.
Lahat ay nagpasiyang lumabas ng gymnasium at tanging si Professor Edric, na siyang hurado, ang natira sa loob kasama si Lizbeth at Genesis.
"Hindi ko alam na seryoso kung lumaban si Genesis, ang lampa kaya tingnan noon." komento ni Laylah habang kausap si Ruby.
Sumang-ayon naman ang pinuno ng Trouble Makers, mayroong kaniya-kaniyang bias ang nagsilabasan sa kung sino ang mananalo sa dalawa.
"It's gonna be that person." saad ni Virdjana nang tanungin siya ni Ruby.
"Paano mo nasabi? Halatang namang iyong isa ang mananalo." kontra ni Ruby saka inilagay ang dalawang kamay sa kanyang beywang.
"I just know." simpleng sagot ng dalaga.
Pagkaraan ng ilang minuto ay pinapasok na ni Professor Edric ang mga nasa labas at laking-gulat nila nang malaman kung sino ang nagwagi, maliban lang kay Virdjana sapagkat tama ito.
"Blue."
Magkalaban si Ruby, isang Sound Enchant at ang kaklase nilang may kakayahang gawing putik ang kahit anong surface na mahawakan nito. Mukhang nawalan ng ganang manood ang kalahati ng klase, at alam na nila kung sino ang mananalo sa dalawa.
"Professor, I'd rather forfeit." saad ng kalaban ni Ruby.
"Bakit naman?" tanong ng guro.
"We all know that I'm the weakest student here at Class S." dagdag pa nito at tinalikuran na si Ruby.
"Are you sure about your decision?" pahabol na tanong ni Professor Edric.
"She's not sure!" sigaw ni Ruby at dinuro ang kaklase, "Fight brownie."
Nagulat ang buong S-Class, hindi nila inakala na marunong pala si Ruby na bigyang pagkilala ang kakayahan ng kanyang kalaban. Kailan pa kaya ito natutong himukin ang kapwa na hindi sumuko? Iyan ang nasa isipan ng karamihan ng taga-S-class.
Napangiti ang kaklase at hinarap si Ruby.
"How could you be so..." hindi nito naipagpatuloy ang sinasabi at tuluyang lumuhod at umiyak.
"I don't think it's the right time to cry." komento ni Virdjana, pero natigilan ito ng mabasa ang iniisip ng kalaban ni Ruby.
Muntik pang bigyang-babala ni Virdjana si Ruby sa susunod na mangyayari nang kabigin ni Drago ang braso ng dalaga saka umiling-iling. Doon napagtanto ni Virdjana na nakasalalay sa aktibidad na iyon ang kanilang indibidwal na marka sa naturang asignatura at hindi puwedeng sumingit na lang siya bigla.
"Don't interfere." bulong ni Drago saka ngumiti.
Napaayos ng tayo si Virdjana, humalukipkip at nag-iwas tingin. 'What was I thinking?' Turan ng dalaga sa kanyang isipan.
"Tch..." tanging reaksiyon naman ni Kadaski saka ipinagwalang-bahala ang nakita.
Samantala, inakala ni Ruby na magiging madali na lamang ang kanyang panalo kaya napagdesisyonan nitong lapitan ang kaklase upang aluhin ito. At doon siya nagkamali.
"Quake Mud." Ruby's opponent enchanted, as she creates a symbol on the floor, that caused Ruby to get immediately sucked downwards.
"What the?!" gulat na sabi ni Ruby habang sinusubukang makawala sa dating sahig ng gymnasium na ngayo'y isa nang malapot na putik.
Napangisi ang kalaban ni Ruby, tumayo at pinahiran ang luha nito. Pagkalao'y tumawa ito ng parang bruhilda. Napabuntong-hininga na lamang ang S-Class sa resulta ng laban.
"That was unexpected." sabi ni Jeffrey sabay kamot ng buhok.
"Hindi man lang nagawang umatake ni Ruby~" Nangungutyang sabi ni Lizbeth sabay ayos ng kanyang blonde na buhok.
"Yellow."
"That's Drago Arcedes versus Virdjana Phantom Assassin." nakangiting pahayag ni Ruby. "This fight would be awesome. I just know it."
"Virdjana, mabuti pang kusa ka nang tumapak palabas sa bilog. Ayaw kitang masaktan." sabi ni Drago sa pinaka-sincere niyang tono.
"Don't underestimate me, I'll make sure you'll suffer." saad ni Virdjana sa malamig na tono.
"Unfortunately, the two of you can't participate. I just received a message from the faculty office, specifically from Master Shin that both of you needs to rest." pagtikhim ni Professor Edric.
Sabay-sabay na nagreklamo ang mga estudyante ng S-Class.
"White."
Kasalukuyang naglalaban ang isa sa alipores ni Ruby at kabarkada ni Ertune.
Samantala, hindi pa rin nayayamot pa rin si Virdjana dahil sa natigil na pagtatapat nila ni Drago.
"That was unnecessary. I could still fight." bulong ni Virdjana sa sarili.
"Can you even win against me without your true element?" whispered Drago to Virdjana as he casually passes by her.
"I don't need to hear that from you." malamig na sabi ni Virdjana saka tinalikuran si Drago at tinungo si Professor Edric upang magpaalam na pupunta muna ito ng banyo.
"HOY!" malakas ngunit seryosong pagkuhang-pansin ni Kadaski sa matalik na kabigan.
"A-ANO?" nagulantang namang tanong ni Drago.
"How was the mission?" seryosong tanong ni Kadaski, "sabi ni JP maraming Blood Crystals sa Death Tree Orchard."
"Aski, confidential information remember?" Drago reminded his best friend.
Kadaski clenched his fists because he knows that part. "Eto na lang, did you get rid of the curse? That Phantom was probably a huge burden to you."
Drago chuckled and patted his best friend's shoulder. "Yeah, I did it, but I'm not alone. Virdjana played a huge part, and even got herself hurt in the process."
"Hurt my ass, you're the only one with bruises here. She seems perfectly alright." reasoned Kadaski.
"ARAY!" daing ni Kadaski nang may dumapong malakas na sapok sa ulo nito.
"Zeky! Welcome back." bati ni Drago.
Hindi inaasahan ni Drago na makikita niya si Zeky Shade sa klase, abala ito ng sobra-sobra bilang miyembro ng Enchanted Elite kaya madalas itong excused sa klase. Kung si Drago ay may marks of leave sa class dahil sa missions, si Zeky naman ay dahil sa organization workloads.
Ngumiti si Zeky at yinakap si Drago, ginulo-gulo ang buhok nito bago bumitaw. Malapit din kasing magkaibigan ang dalawa, "I should be the one welcoming you back."
"Para saan iyon Zeky?!" delayed na pagrereklamo ni Kadaski.
"You were blocking the way. I can't see my precious friend." seryosong sabi ni Zeky, kasabay ng pagkislap ng mga salamin nito.
"HAHAHA, kahit kailan talaga binobola mo ako." natutuwang sabi ni Drago.
Napabuntong-hiningi si Aski, alam nitong isang reasonable na tao si Zeky at hindi ito mahilig magbiro kaya bakit bigla na lang siya nitong sinaktan?
Naputol lamang ang ibang pakiramdam ni Aski tungkol kay Zeky nang maalala nito kung paano sila hinatak ng presidente papunta sa Detention room at sinumbong kay Miss Sedusa. Kinilabutan ang binata at napagpasyahang palipasin na lamang ang naramdaman.
"Black."
Nagtaas-kamay sina Kadaski at Zeky, hindi inaasahan ni Professor Edric na magkakatapat ang dalawa kaya saglit nitong itinigil ang ang aktibidad. Pinalabas ang lahat at inutusang tumungo sa malawak na field sa loob ng akademya. Hindi na ito ipinagtaka ng natitirang S Class.
Pagkaraan nang sampung minuto ay narating na nila ang malawak na field. Doon ay gumawa ng bilog ang guro at kapansin-pansing mas malawak ito kumpara sa bilog na nasa Gymnasium.
"Quiet down." saway ni Professor Edric. "By the way, Kadaski Nueva, I believe you would use your Inadustus?"
"Of course. He wouldn't want to set this whole field on fire." Zeky stated, affirming their teacher's question for her opponent.
"Sumilbato ka na lang kasi, Prof." nababagot na sabi Kadaski saka pumasok sa bilog.
"Guess there's no stopping you both." sabi na lamang ni Edric saka hinipan ang kanyang silbato.
Walang sinayang na oras si Zeky, sa sandaling makatapak ito sa loob ng bilog ay agad nitong tinawagan ang mga anino sa kanyang paligid, mga anino ng mga bato, ng damuhan, maging ng mga alikabok. Pinag-ekis niya ang dalawang braso sa harapan at isinigaw ang spell.
"Shadow Tentacles!"
Agad itong pinalusob ng dalaga papunta sa kinatatayuan ni Kadaski, na sinagot naman ng binata gamit ang isang mid-tier spell.
"Fire Creation: Gargantua Fuego!" Kadaski enchanted. Isang dambuhalang bolang apoy ang lumamon sa mga galamay, literal na linamon at pinutol nito ang mga galamay.
Dahil sa atake at depensang ito ay pinaatras ni Zeky ang kanyang mga 'alaga'. Bagaman kinain ng Gargantua Fuego ang dulo ng Shadow Tentacles, mabilis namang nag-regenerate ang mga galamay na parang wala itong natamong sugat. Kasalukuyan pa ring ngumunguya ang Gargantua Fuego. Hindi na hinintay pa ni Kadaski na makaisip ng panibagong estratehiya si Zeky at agad itong nagsagawa nang isa pang enchantment.
"Fire Creation: Salamander!"
Pinasugod agad ito ni Kadaski patungo kay Zeky, at kagaya ng Gargantua mas malaki ito sa normal na tao ngunit may kaliitan kung ikukumpara sa unang sinummon ng binata. Ang mga yapak nito ay nag-iiwan ng apoy ngunit mabilis ding naglalaho.
"Itulak mo siya palabas!" sigaw ni Kadaski.
"WOAH~ As usual, hindi siya nag-aaksaya ng oras pagdating sa labanan." pabuntong-hiningang komento ni Genesis.
"Go Aski!" cheered Jeffrey, his eyes sparkling, after all he sees Kadaski as a model student when it comes to battling.
"That arrogance would end him someday." komento naman ni Lizbeth sa seryosong boses.
"Guys, hindi naman siya mayabang. I'll say...talagang determinado lang siyang tao." nakangiting pagdepensa ni Drago sa kanyang kaibigan.
Nang isang metro na lamang ang lapit ng Salamander kay Zeky, ginamit ng Fire Creation ang buntot nito upang hampasin ang babae. Mabilis namang nakatalon si Zeky at sumirko ito paabante, pinaglaho ang Shadow Tentacles at ginawang Shadow Katana, iniangat nito ang espada, handa ng papalapit na pag-atake.
"Kung ako sa iyo, huwag mong gayahin ang tangang gamu-gamo." seryosong sabi ni Kadaski, ipinitik nito ang daliri at bigla na lamang humarang kay Kadaski ang Gargantua Fuego habang nakanganga handang lunukin ng buhay ang presidente ng S Class.
"Sh*t, he's taking this too far Professor!" natatarantang pahayag ni Ruby.
Hindi umimik ang guro at patuloy na nanood.
"Kung may bagay kayong dapat hindi kalimutan dahil 4th Years na kayo, iyon ay ang katotohanang huwag na huwag ninyong hahamakin ang mga Enchanted Elite." sermon ng guro.
At tuluyang na ngang nilamon ng Gargantua ang kawawang si Zeky, iyan ang iniisip ng S Class. Ngunit hindi pa nga nagtatagal ng limang segundo ay bigla na lamang naging itim ang apoy ng Gargantua Fuego.
Sumunod ay ang pagsabog nitong naging dahilan upang maglaho ito, at nanatili pa ring nakatayo ng walang natamong galos ang babae.
"You've wasted enough time." Saad ni Zeky bago biglang magpakita sa harapan ni Kadaski upang bitawan ang isang malakas na suntok.
Hindi nakareact ng tama si Kadaski at nagpagulong-gulong palabas ng bilog.
"The winner for this round is Zeky Shade." Anunsyo ni Professor Edric
-Closing-
Muling pinapila ng guro ang mga estudyante, apat na column at limang row. Bago nito i-anunsyo ang mga marka ay nagbigay muna ito ng encouraging speech sa lahat.
"Sir, puwede na ba naming malaman ang grades namin?" bagot na tanong ni Ertune habang nag-aalis ng kulangot.
"..."
"Kadiri ka talaga!" sigaw ni Ruby at muling nagbitaw ng suntok patungo sa binata. Iyon nga lang sa pagkakataong ito, humakbang paatras si Ertune dahilan para ma-out balance si Ruby at aksidenteng mapayakap sa binata.
"..."
"There's a time for flirting people." komento ni Zeky sabay ayos ng kaniyang salamin.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." tawanan ng klase. Isang tipid na ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Virdjana.
"Ew, kadiriii!" reklamo ni Ruby bago tumakbo at nagtago sa likod ni Virdjana.
"Ganda ka? Ganda ka?" pambabara naman ni Ertune.
Napabuntong-hininga na lang ang guro dahil sa kasalukuyang kaguluhan. Natahimik lang ang lahat nang sumilbato si Edric. "Listen up! Here's your grades."