Chereads / Eumythymn Hunter / Chapter 14 - The Garden Nymph

Chapter 14 - The Garden Nymph

Virdjana's POV

Professor Edric dismissed us not long after the announcement of the winners. Everyone who sparred together appeared to be looking forward to their matches, even though they don't like who they were fighting at the beginning. The biggest fight was between Kadaski and the president of the class named Zeky.

"Zeky defeated Kadaski, but before they began they discussed something with the professor." I mumbled to myself, but I guess I was not paying it much attention since Ruby has been pestering me from the sidelines.

"Professor ordered all of us to go back to our dorm rooms. We should head there now to end the day." sabi ni President Zeky na nagsimula nang maglakad papalayo sa field. "I better see no one breaking the curfew." she warned.

"Agreed. Nakakapagod." sabi naman ni Lizbeth saka humikab.

"Girls, sabay-sabay na tayo...obviously pare-pareho lang tayong nasa second floor." sabi ni Ruby, sinunod naman agad ito ng mga kabarkada maging ng natitirang kaklase namin.

"Tayo, boys? Saan punta?" nakangising tanong ni Ertune.

"Boss, daan tayong Infirmary, medyo nagalusan din kami eh." sagot ni Genesis.

Pumayag naman si Ertune at muling nabawasan ang S-Class 4th years. Halos nag-kaniya-kaniya na rin ang iba pagkatapos mamaalam.

"Vi, the investigation." Reggie reminded me telepathically.

"We talked about this already. I'll go when I feel like it." I responded while walking away from the others.

"I'm sure of it Vi. Tonight's the night where we can get the teleportation circle right." he beamed, "come on Vi. If we don't find anything there, we can stop I promise."

I took a deep breath, "this is the last time we'll be visiting that place."

I heard him celebrate his victory inside the necklace, thus I can't help but to smile a bit.

Ang pinaplano kong teleportation circle ay ginagamit sa mga pang-malayuang paglipat ng posisyon o lugar, halimbawa mula sa paaralang ito patungo sa labas ng siyudad. Hindi rin ito madaling buoin, mahigit isang oras ang dapat na paghahanda. Kinagabihan ay tinungo ko ang Laurica Fountain para sa huling imbestigasyon sa pupuntahan ko.

"What can I do to help??" tanong ni Reggie na bigla na lamang lumitaw sa harapan ko. Ikinagulat ko ito ng kaunti at hindi ko napigilang pagsalubungin ang mga kilay ko.

"Coordinates, mister." seryoso kong saad bago ilabas ang chalk na pasimple kong kinuha mula sa classroom nang nakaraang araw.

Kadaski's POV

"Lakad-lakad muna tayo." suhestiyon ko kay Drago sabay patong ng kamay ko sa balikat nito.

"Di ka na galit sa akin?" tanong nito.

"Hindi na. Okay, kaunti na lang" I answered before laughing.

"Good to know, how about Virdjana? You seem to dislike her." pahabol ni Drago, " I suggest na itigil mo na iyang sama ng loob mo sa kaklase natin. The mission was a success, the curse is gone. Puwede ka nang mag-cool down." sabi niya sa akin, saka ngumiti.

"Teka, paano mo nga pala nalaman na siya ang partner ko sa misyon?" pagtataka ni Drago.

Shit, nakalimutan ko na namang isarili lang ang mga pang-i-stalk na ginagawa ko. Hindi ako isang creepy stalker, talagang nang marinig ko mula sa Student Council na may estudyanteng halos kapantay ng lakas ni Drago o baka raw mas malakas pa na puwedeng pag-offeran ng Black Pearl mission, na-curious na ako. Nang mga panahong iyon, kung sino man ang mabibigyan ng misyon, gagawin ko ang lahat para mapapayag ito, kahit gumamit pa ako ng puwersa.

Sa kasamaang-palad, iyong babaeng magnanakaw ang na-scout ng Student Council para sa mission. I know that it sounded stupid to her, just by seeing the confusion that registered on her face, plus she gave me an annoyed look. I really thought that she won't lend Drago a hand.

I'm getting mixed feelings about what should I feel about her. She's an outsider, a wanted criminal, and most especially Master Shin and her are hiding the fact that she's a Eumythymn. I felt like I would be guilty no to share the information I know to my bestfriend, but I also have to become a man of my words and forget those things. Start a clean slate and give that Silent Thief, I meant Phantom, a chance.

"Aski, uulitin ko. Paano mo nalamang si Virdjana ang makakasama ko?" pag-uulit ni Drago.

"Ano, narinig ko sa Student Council." sagot ko.

"I see, nag-stalker mode ka naman." narinig kong bulong ni Drago habang umiiling-iling.

"Nahiya naman ako sa iyo!" sumbat ko sa kaniya.

"Bakit? Anong ginawa ko?" tanong niya habang tinuturo ang sarili.

"Hindi mo sa akin sinabi na pagkabalik na pagkabalik mo ay aalis ka na naman pala." hinaning ko.

Tinawanan lang ako ng mokong at nagsabing, "babawi na lang ako, pangako iyan."

Virdjana's POV

Sa wakas ay natapos na ako sa iginuguhit kong Teleportation Circle dito sa East Garden. Sinadya ko talagang gawin ito sa may kalib-libang parte ng paaralan para hindi agaw-atensyon. Ngayon dalawang bagay na lamang ang dapat kung gawin para maisagawa ang plano ko.

"Una, isuot ang clan outfit ng Hurricania." sabi ko sa sarili, inisip kong mabuti at pilit na inalala ang itsura at disenyo ng damit.

"Memento eorum symbolorum memorias

Et memores sunt claves quaerere

Pontes coniungere praeteriti

Eam frequentat, adhuc anima mea in eo!"

Mabilis lamang ang liwanag na lumipad patungo sa kalangitan, at sa loob ng ilang segundo ay napalitan na ang suot-suot kong uniporme ng clan outfit ng aking angkan.

"Ikalawa, necklace unification." bulong ko sa sarili, lumapit na sa akin si Reggie, yumuko ito na animong isang tagapagsilbi bago naging puting liwanag na pumasok sa kuwintas ko. Naghalo at naging isa ang kuwintas naming dalawa at ang simpleng Opal necklace ko ay pinupuluputan na ngayon ng isang puting dragon.

Dahil hindi ko na naaalala kung saan ang eksaktong kinalalagyan ng Hurricania Village, kailangan ko ang alaala ni Reggie ng bayan para matagumpay na marating ang aking destinasyon. Ngayon, activated na ang Teleportation Circle at kailangan ko na lang sabihin ang lugar na pupuntahan ko.

"What was that?" tanong ko sa wala naman, narinig ko kasing may tunog ng mga kaluskos sa likod ng kumpol ng mga hedges sa kanang parte ng hardin. Tinalasan ko ang pandinig ko at inihanda ang kamay para magpakawala ng Air Slashes kung sakali.

"Kadaski bumalik ka dito!" sigaw ng pamilyar na boses, boses ni Drago.

"Ayaw ko!" sagot naman ni Kadaski na pasigaw rin bago tuluyang tumalon sa ibabaw ng hedges para magtago.

"Nakita kita! Alam kong nasa likod ka ng mga hedge!" sigaw pabalik nang papalapit ng si Drago.

'Anong ginagawa nila dito?!' pagpapanic ko sa isipan.

'Fuck, fuck, fuck...I need to hide.' chant ko sa isipan habang lumi-linga-linga sa paligid para maghanap ng matataguan. 'Alam ko na! Sa likod ng fountain!' At tahimik nga akong kumaripas ng takbo patungo sa likod ng three-layered fountain.

"I could have just used invisibility magic but it takes minutes and I need concentration." reklamo ko at medyo frustrated dahil pakiramdam ko ay mukha na akong tanga.

Nang sigurado na akong hindi nila ako makikita, noon ko lang naalalang activated na ang Teleportation Circle at naglalabas ito ng mahinang puting liwanag. Dahil madilim na, halatang-halata ito, ilang segundo lang mula ngayon ay mapapansin din nila iyon.

"HA! Huli ka! Bakit ka nagseselos ha?" narinig kong sabi ni Drago saka tumawa.

"Gago, wala akong sinabing ganoon!" kontra ni Kadaski, sumilip ako ng kaunti sa transparent na flow ng fountain kaya nakita kong nagsimula itong tumakbo papalayo kay Drago pero papalapit sa Teleportation Circle.

'No, no...you people are messing things for me!' reklamo ko habang pinipigilan ang sariling magpakita, ayaw kong makita nila akong nakasuot ng ganito!

"Aminin mo na kasi. Aski, crush mo si Virdjana ano?" Sabi ni Drago na halatang may tono ng pangangantiyaw.

'Wait what? I'm the subject of their silly argument?'

"Fuck no. Hindi ko iyon type! Mukha ngang siga kumilos eh!" giit ni Kadaski habang dahan-dahang umaatras dahil dahan-dahan naman lumalapit si Drago.

'Ako? Siga? Bakit may panuntunan ba kung paano gumalaw ang babae?!'

"Ganoon? May bait naman siya, mataray lang nga.." sabi ni Drago habang nakangisi.

'Mataray?! Matarayyyyy?!'

"Sinabi mo pa, alam mo kahit mag-bestida pa ang pusong batong babaeng iyon hindi ko magugustuhan iyon!" sigaw ni Kadaski habang nakahalukipkip ang mga braso sa kaniyang dibdib. At take note, ilang steps pa niya ay makakapasok na siya sa bilog.

'That's it...I'm pissed.' sabi ko sa isipan, at ginawa ang bagay na iniiwasan kong mangyari mula pa sa simula.

Drago's POV

"Sinabi mo pa, alam mo kahit mag-bestida pa ang pusong batong babaeng iyon hindi ko magugustuhan iyon!" sigaw ni Kadaski habang nakangisi.

"..."

"Bakit ka natahimik? Sumasang-ayon ka na ba?" tanong ni Kadaski.

Napalunok lang ako at animong nasemento sa kinatatayuan ko. Sino bang mag-aakala na may napadpad pa lang diwata sa East Garden? May ala-alamat din kasi dito sa Arcacia Academy na tuwing kabilugan ng buwan ay laganap ang mga diwata upang tingnan ang kalagayan ng mga halaman sa loob ng paaralan. Balita ko pa, hindi sila dapat istorbohin dahil maiikli ang kanilang mga pasensya at ang mas malala, pumapatay daw ang mga ito.

"Kadaski...makinig ka sa akin." pabulong kong sabi sa kaniya.

"Ano tama ako hindi ba?" gatong pa ni Aski.

"Aski, huwag kang maingay, huwag kang gagalaw at huwag... please, huwag kang lilingon." babala ko kay Aski habang nanlalaki ang mga mata.

"Ha?" tanong nito at ginawa nga ang mga ipinagbawal ko.

Kadaski's POV

"Ha?" Sagot ko sa mga pinagsasabi niya, huwag lilingon? Ano bang meron sa likuran k-...

"What the?!"

Behind me is a girl with long black hair cascading up to her hips wearing a sophisticated long sky blue dress with patterns I cannot distinguish. Her eyes were black but has shades of gray which is very familiar to me, its fierce-looking and its glares looked like it wants to kill.

"Who is she?" tanong ko kay Drago, kahit na damang-dama na sa paligid ang pagbigat ng atmospera.

Bago pa makasagot kay Drago ay nauna nang magsalita ang misteryosang babaeng ito. "Razor Wind."

Ako lang ba o mukhang nag-play ang mga alaala ko sa harapan ng mga mata ko. Dahil mukhang naramdaman ng katawan ko na ikamamatay ko ang atakeng papalapit sa akin.

"Idiot, move!" sigaw ni Drago saka ako itinulak papalayo. Parehas kaming nadapa sa malamig na damuhan at ang sumunod na pangyayari ay ang makita ng dalawa naming mga mata ang hilera ng limang punong-kahoy na nahati sa gitna. Tatayo na sana ako nang mapansin kong nasa gitna kaming dalawa ni Drago ng isang bilog na mayroong mga simbolo, umiilaw din ito ng kaunti.

"Kadaski, isa iyang diwata. Iyong nasa alamat ng Arcacia." sabi ni Drago habang nakapinta ang gulat sa mukha, halatang hindi pa rin napapansin ang weird na bilog na kinadadapaan namin.

"Ano? Walang ganoon." giit ko at saka binalingan ng tingin ang babae. 'What the hell? Seryoso at galit pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.'

"Kadaski Nueva, I already warned you about messing with me before, therefore I will not hesitate to kill you." she stated coldly.

'Huh? Anong pinagsasabi nito?'

"Kill? Sabi na eh! Diwata ka!" nakangiting bulalas ni Drago sabay tayo.

"Diwata....?" natigilan ang babae at napabaling kay Drago. 'Nice, Drago i-distract mo lang siya!'

Tumayo si Drago at walang-takot na hinawakan ang kamay ng diwata raw at kinamayan ito. Nagmukha tuloy itong fanboy at nawala ang pagkamature nito. Habang distracted si Drago ay naisipan kong burahin ang bilog, siguro kung maligno nga ang babaeng ito kapag nawala ang bilog na posibleng pinagmulan niya ay maglalaho na rin ito.

"What are you planning?!" natigilan ako sa plano ko nang sigawan ako ng babae, ang lalong ikinagulat ko pa ay nang lumitaw ito sa harapan ko at nagpakawala ng isang sipa.

Mabuti at mabilis ang reflexes ko at agad akong naka-atras bago niya mapuntirya ang tiyan ko, "may diwata bang marunong mag-martial arts?" sarkastiko kong tanong kay Drago.

"Mahina sila physically kaya nagrerely sila sa magic according sa mga libro. Baka isa siyang evolution?" sabi ni Drago habang nakahawak ang isang kamay sa ilalim ng baba.

"What are you talking about Drago?" tanong ng diwata.

"Kilala mo ako?" gulat na reaksiyon ni Drago.

"What the hell is your problem people? Why can't you recognize me?" tanong niya sa amin.

'Seriously, sino ba siya?' Disappointed kong tanong sa isipan ko.

Nag-face-palm itong babae at saka bigla g kinausap ang sarili niya. Tuma-tango rin ito na para bang may sinasang-ayunan na hindi namin nakikita o naririnig. "But why him?" narinig kong tanong nito habang hinahawakan ang kuwintas na suot niya.

"A-are you kidding me?" Narinig kong pautal-utal na sabi ng babae sa kuwintas saka nagsimulang maglakad papalapit kay Drago. Ang mokong ko namang kaibigan ay patuloy pa ding nabibighani sa diwata na hindi naman talaga diwata na nasa harapan niya.

Huli na ang naging reaksiyon ko, at hinayaan ko lamang ang babae na makalapit kay Drago. Nasa loob pa rin ng radius ng magic circle si Drago at nang makatapak sa bilog ang babae isang salita lamang ang kaniyang sinabi at naglaho na silang dalawa sa harapan ko. Kasabay nang pag-sara ng simbolong nasa damuhan.

"Hurricania."