Virdjana's POV
[A few minutes earlier]
'Mukhang hindi nila ako nakikilala, dahil ba ito sa damit ko ngayon o may iba pang rason? Pinagtatawag pa ako ng dalawa na diwata, ano sila mga bata?
Natigil ako sa mga pinag-iisip ko nang kausapin ako ni Reggie sa pamamagitan ng Telephathy.
'Virdjana, isama mo siya sa Hurricania." sabi niya sa akin.
'Sino?' tanong ko kay Reggie.
"The one with the red hair, Drago Arcedes right? He will help us, plus I know he's interested in you, take advantage of that." sabi sa akin ni Reggie telephatically. Napabaling ako sa dalawang lalakeng kasalukuyang nagtatalo tungkol sa wala namang kuwentang bagay.
'Take advantage huh?' pag-u-ulit ko sa aking isipan.
"We need to save your people as early as possible, find them and your mother too. Therefore, grab every opportunity to get closer to that goal and maybe find yourself a lover?"pangungumbinsi niya sa akin. "Not that I approve of this man..." dagdag pa nito.
"Are you kidding me?" I responded with a sigh.
There's that feeling again. A heavy responsibility to save thousands of others, it's seriously a burden in my chest. I don't want to save my people, but at the same time, I also feel like it's not that bad if I wanted to give it a shot.
Bakit ba ako nagsasayang ng oras? Ang plano sana ay mag-isa akong mag-iimbestiga sa Hurricania, pero naniniwala ako sa kutob ni Reggie, na magagamit ko si Drago para hanapin ang mga nawawalang villagers ng bayan namin. Pero ang pangit talagang pakinggan saan mang anggulo ko tingnan.'
I smirked. "Bakit ba ako nagdadalawang-isip, I've done things worse things. " bulong ko sa sarili saka lumapit kay Drago na nasa loob ng Teleportation Circle, hinawakan ko siya nang mahigpit sa kanang braso. "Hurricania." I stated, activating the circle.
[Hurricania]
Lumapag kaming dalawa sa gitna ng hamog at makapal na usok, pero kahit ganoon mababanaag mo pa rin paminsan-minsan ang mga sira-sirang kabahayan sa tuwing nahahati ng liwanag ang mga alikabok at kadiliman.
Narinig ko ang pag-ubo at pagrereklamo ni Drago tungkol sa alikabok kaya nakumpirma kong maaaring dalawa ang gumamit ng Teleportation Circle. Huminga ako ng malalim at humiwalay na si Reggie mula sa kuwintas, nagtama ang mga mata namin, hindi siya nag-iwan pa ng anumang kataga. Bumalik na rin sa dati ang kasuotan ko bilang uniporme ng paaralan. Alam niya na sigurong gagawin ko ang lahat para matupad ang nakaatang sa aking responsibilidad.
Liningon ko ang T.C at naaninag pa ang huling kislap nito bago tuluyang mabura sa maalikabok na lupa. 'Kainis, hindi ko pa talaga kayang matagal na panatilihin ang mga simbolong iginuhit ko gamit ang mahika at nang aming wika.'
"Ack, sakit sa likod. Mukhang lumanding ako sa kahoyyyyy..." daing ni Drago na ngayon ay nakasandal sa isang malaki at lumang punongkahoy.
"Drago, Black Pearl Tree iyan ah.." babala ko sa kaniya, pero nagsisinungaling lang naman talaga ako.
"HA?!" Napa-igtad ito at agad lumayo sa puno.
"I lied." I said after seeing his reaction.
He clutched his chest and took a deep breath, "ah, you're just kidding. Phew. That scared me."
"Teka, teka!" tawag ni Drago sa akin na sa wakas nang makilala na ako nito.
Inignora ko ito saka nagsimulang maglakad paabante.
"P-paanong...?" naguguluhan pa rin si Drago kaya hindi ito makapag-isip ng diretso.
"Concealment magic." sagot ko.
"Actually..." panimula ni Drago. "Una, hindi ko sinasabing hindi ka maganda kasi hindi ako nag-react ng ganoon nang una kitang nakita, ikalawa malamang dahil iyon sa kung ano mang mahika kaya hindi ka namin nakilala at ikatlo talagang mahilig lang ako sa Alamat ng mga Diwata sa Arcacia!"
"Say that again?" tanong ni Virdjana na naliwanagan na. Na para bang napakalma ito ng isa sa mga sagot ni Drago nang lingid sa kaalaman niya.
"Ayoko. Nasabi ko na." sagot ni Drago habang nakahalukipkip ang mga braso sa harap ng dibdib.
"Tch, fine." pagsuko ni Virdjana at saka nag-martsa patungo sa makapal na hamog, mabilis itong naglaho sa paningin ni Drago.
Drago's POV
"Sabi ko nga susundan na lang kita." pasigaw kong sabi kay Virdjana kasabay ng paghabol dito.
Kapansin-pansin ang napakakapal na hamog, at hindi rin maipagkakailang mukhang isang ghost town ang lugar na ito. Nakabalik ako sa realidad nang isang malamig na kamay ang dumapo sa balikat ko. 'AH sh*t, sh*t, sh*t'
"Drago." panimula ni Virdjana at tiningnan ako ng direkta sa mga mata, napalunok tuloy ako nang wala sa oras.
Ibinuka niya ang kaniyang bibig pero mabilis din itong isinara saka muling naglakad papalayo.
'Ano ba?! Kung wala ka naman palang sasabihin huwag mong tawagin ang pangalan ng seryoso!' reklamo ko sa aking isipan.
Natigil si Virdjana sa paglalakad pagkatapos kung magreklamo sa isipan at binigyan ako ng malamig at matalim na tingin. Nagsitayuan tuloy ang mga balahibo ko, tingin niya palang parang hindi siya magdadalawang-isip na patayin ako. Jeez.
Lumipas na yata ang mahigit 20 minuto pero patuloy pa rin kaming naglalakad sa gitna ng hamog. Naisip ko sanang tanungin si Virdjana kung bakit kami nandirito pero sa tuwing susubukan kong kalabitin siya ay naaalala ko iyong matalim niyang tingin kanina.
"Are you afraid of ghosts?" walang ano-anong tanong niya sa akin saka ako hinarap.
Naalala ko tuloy iyong kausap ni Virdjana bago kami lumabas ng gate. Sanay na akong makakita ng ganoong mga nilalang dahil totoo nga namang kaluluwa sila, lumulutang sa ere, tumatagos sa dingding pero hindi iyon mga normal na kaluluwa.
Ang kausap ni Virdjana sa labas ng gate ay isang Guardian at oo, hindi ko lang sila nakikita maaari ko din silang makausap, pero nasa sa amin ang desisyon kung magpapanggap kaming nagkakakitaan.
"Hindi, pero considering na ghost town ang lugar na ito, posibleng may ligaw na kaluluwa sa paligid." mahabang sagot ko.
"Ghost town huh?" narinig kong sabi ni Virdjana sa mahinang boses. Why does it feel off when she whispered those words?
"So, Virdjana anong pakay mo sa... lugar na ito? tanong ko habang iniiwasan ang mga nagkalat na gamit sa kalsada.
Hindi siya umimik.
"Staying outside your dorm room when the curfew is nearing is shady enough, then you created a teleportation circle to leave the school vicinity without any permission to leave the academy. You could be in deep trouble." I stated, putting one hand under my chin, looking like a detective.
"I see, but both of you boys were also about to break the curfew." she retorted with her usual cold tone, stopping on her tracks.
'Tama siya doon, pero nagkakatuwaan lang kami, mas kasuspe-suspetya ang kilos niya.'
"May I remind you that," Virdjana began as she claps her hands once then draws a Yin-Yang sort of symbol in mid-air.
"Teka, aatakihin mo ba ako?" tanong ko at saka nag-summon ng Fire Whip sa kanang kamay ko.
"We are not friends. and I can do whatever I want, whenever I want." she stated giving me a scary smile.
Mukhang ina-underestimate niya ako. Dalawang beses kong linatigo ang lupa upang paliyabin ang whip, 98 pa nito at lalong lalakas ang sakit na makukuha ng kalaban na tatamaan nito sa paglipas ng oras.
"You're confusing. Thought you were kinda nice." sabi ko sa disappointed na tono.
"You've only known me for less than a week..." sagot niya at saka pinakawalan ang isang atakeng maihahambing sa isang malakas na explosion, "Wind Magic: Air Revolution!"
"Sh*tttttttttttt~" Hindi ko inaasahang ganito kalakas ang spell na ito, talagang lumipad ako papalayo at kung hindi ako nakakapit sa isang punongkahoy gamit ang pagpulupot ko roon ng latigo ko ay malamang mahigit isang kilometro ang ilinipad ko, at ikamamatay ko iyon!
Tumagal nang mahigit tatlong minuto ang patuloy na bugso ng hangin, mabuti at nahinto na ito bago pa ako mapagod kahahawak sa latigo ko.
"You survived that? Pretty neat." Narinig kong sabi ni Virdjana mula sa likuran ko. Malamang habang patuloy na gumagana iyong spell niya ay ginamit niya iyong sapat na oras para makapunta sa likod ko.
Agad kong inalis ang pagkakapulupot ng Fire whip sa punongkahoy, nag-iwan pa nga ito ng paikot ng burnt mark sa balat nang kawawang puno. Hinarap ko siya ngunit wala siya roon, naging mas alerto ako, napakatahimik ng paligid.
"Do you know where we are?" tanong ni Virdjana.
Sinundan ko ang pinagmulan ng boses at natagpuan ko siyang nakatayo sa sanga ng punongkahoy, pero agad akong nag-iwas tingin dahil baka iba ang masilip ko. Jeez.
"Malay ko ba!" sagot ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa malayo, saka pinaglaho ang latigo.
"It was repeatedly discussed in the History subject from the first grade even until course schools." sabi nito kasabay nang isang axe kick mula sa kinatatayuan niya, halatang ulo ko ang pinupuntirya niya.
Sa kabutihang palad, gamit ang apoy mula sa mga palad ako, gumawa ako ng propulsion sa harapan ko para makailag ako paatras.
"It was repeatedly described as an unfortunate village with its strong yet unfortunate people yet 'no one' survived the tragic incident that occurred, the carnage that happened. Quite ironic right?" pagpapatuloy niya saka nag-summon ng dalawang hugis tatsulok na patalim sa kaniyang mga kamay, paminsan-minsang din itong naglalaho...parang hangi-
"Aerial Blades!" she enchanted, swinging it twice to me aiming for my face.
'Goddamit, this woman is surely going for the kill!'
I successfully countered with a fire blast after dodging her attacks, and I'm not even sure why I was worried whether she could survive my attack or not. I'm not the kind to attack people with no particular reason, and this is clearly for self-defense.
"Worry about yourself first, Drago Arcedes." I heard and felt her cold breath right beside my ears, both of them, kaya nalito ako kung nasaan ba talaga siya, sa kanan o sa kaliwa?!
"Fire Barrier!" I enchanted, surrounding myself with a spherical barrier made of fire.
"This is the ghost town from the history books, my home, Hurricania." Virdjana revealed while wearing a pained expression on her face.