Chereads / Eumythymn Hunter / Chapter 18 - Rescue Mission

Chapter 18 - Rescue Mission

Virdjana's POV

Nahanap naming dalawa ni Drago ang aming mga sarili sa loob ng isang mas madumi at maalikabok na tagong basement. Walang-dudang ilang taon na itong hindi nabibisita dala ng lumang amoy ng kahoy na may kahalong amoy ng lupa, dalawang beses pa akong naubo bago ko napagpasiyahang itabi ng kaunti ang alikabok sa sulok gamit ang wind magic.

"You alright?" tanong ni Drago, kasabay ng pagpapasindi niya ng apoy sa dulo ng kaniyang hinlalaki, para makapagbigay ng mahinang klase ng liwanag.

"No." I answered picking myself up as I begin to look around the said basement.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya," saad ni Drago sabay kamot ng kaniyang batok.

Hindi ko maaninag kung anong ekspresyon ang mayroon sa mukha niya dahil madilim ang paligid at nakayuko ito.

'Virdjana.' tawag sa akin ng Guardian kong si Reggie through telepathy.

'Look who decided to connect with me.' I responded sarcastically to my guardian.

'Just look over there, behind that lone cabinet. Something is glowing.' he pointed out, and so I silently move to that specific direction. There really was something there.

"Isang locket." bulong ko sa sarili saka dahan-dahang hinimas ang alikabok na bumabalot dito. Gawa ang pendant sa bato ng opal, makinis ito at kung titingnan nang mabuti ay mapapansing maaari itong buksan. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad itong binuksan, nagbabakasaling may koneksyon ito sa pagkawala ng aking ina at ng mga mamamayan ng Hurricania.

Ang maliit na bilohabang frame ay gawa sa pilak at hindi maipagkakailang nabuo ito o binuo ito gamit ang mahika.

"Ano iyan?" tanong ni Drago dahilan para bigla kong itago sa likuran ang kuwintas.

Umiling ako bilang sagot sa kaniyang tanong, pero mukhang napansin niyang may hawak-hawak ako, "malamang madaling-araw na bumalik na tayo sa Arcacia," sabi ko nang may kataasan ng boses dahilan para mapaatras siya ng isang beses.

"You can tell time?" he asked out of confusion.

"Just my gut feeling." I replied before using my free hand to fish out a magic chalk from my skirt's pocket, beginning to draw symbols for the teleportation circle that would bring us back to the Prestigious Academy of Arcacia, at the very same spot by the Laurica Fountain.

"I think you have a lot to explain to me." stated this red-haired while rubbing his forehead.

Malamang ay medyo na overwhelm siya sa gulong pinasukan niya.

Gusto kong sisihin si Reggie, ngunit alam kong kapag hindi ko ginawa ang gusto niya ay hindi niya ako titigilan, sa huli't-huli ay mababadtrip lang ako kaya pinagbigyan ko na lamang ito.

Mahigpit kong isinara ang mga mata ko para itanggi ang posibilidad na pumasok sa aking isipan. Dapat mag-concentrate lang ako sa pagguhit ng mga simbolo na kinakailangan sa teleportation circle na ito.

"Matagal pa ba iyan?" tanong ni Drago bago siya lumebel sa akin habang pinapanood at ino-obserbahan ang isinusulat ko. "Sinong nagturo sa iyo mag-memorize ng Noraxian Runes?"

Dalawang letra na lang sana at matatapos ko na ang passage enchantment para sa Teleportation Circle nang matigilan ako dala nang tanong ni Drago. 'Good question, I don't remember though.' I pondered internally, slightly biting my bottom lip as I slowly find myself in a silent state.

"Virdjana... andiyan ka ba?" asked Drago, waving his hand up and down, in order to bring me back to reality.

"I... have... no... idea..." I answered as my brows furrowed, and I tried shaking my memories about it.

Drago gave me a surprised reaction and funny enough, even I was surprise myself.

"Niloloko mo ba ako?" tanong ni Drago na hindi makapaniwala sa sagot ko.

I rolled my eyes and finally was able to finish drawing the symbols. I stood up and using two finger to fire wind magic to the circle to activate it. The symbols shone in a web-like manner, rooting from the outer layer to the inside.

"You first." utos ko sa kaniya.

"Anong you first? Sabay na tayo... baka kung saan pa iyan papunta eh." pag-sususpetya ni Drago.

I scoffed and pulled him closer to me, side by side, our shoulders brushing against each other.

"Teka, masyadong malapittt." reklamo ng mokong.

"Drago, shut up." I stated, glaring at this man, then activating the Teleportation Circle with coordinates leading to the Fountain Garden.

"Teka!" bigla niyang sigaw bago mapagpasiyahang tumalon palabas ng T.P, nanlaki ang mga mata ko dahil nagsisimula na akong maglaho.

"Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kaniya, habang iniaabot ang mga kamay ko para sana mahawakan ko siya.

"I sense... I sense Kadaski nearby, I should warn them about the reptiles." he muttered before I completely disappear before his eyes.

Before I knew it, I was back in the academy grounds, alone in the silent sanctuary of the Fountain Garden. "Kadaski? At Hurricania? What?" I asked out of pure confusion.

Reggie decided to appear before me, placing both of his hands on my shoulders in attempt to calm me down, "Vi, Vi, look at me, look at me! He'll be fine. I'm sure the authorities would look for him."

"I don't give a damn about the authorities. The mere fact that he stayed for who knows if what he sensed was hallucinations?" I retorted, glaring at Reggie, in which he responded by giving me a look of disbelief and a scoff.

'Aba, sige mag-aaway talaga tayo.' I told him telephatically.

I gritted my teeth and gave my guardian a sounding slap on his face, which rendered him speechless, but I don't care anyway. "Don't let me remind you that you're just my guardian and I am your master."

Kadaski's POV

"Are you trying to tell me that I may not be good enough for this little rescue request of yours, young Nueva?" Master Zarrah Yoto questioned, her grin widening in the process.

Napalunok ako dahil sa bumibigat na tensiyon sa paligid, at napaisip tuloy ako kung mali bang sinabi kong ibibigay ko ang gusto ng Master na ito kung sakaling mailigtas nga si Drago.

"Yet apologies." Zarrah stated before yawning.

"Anong ibigsabihin mo Master?" tanong ko sa kung bakit siya humihingi ng tawad.

"My guess, is that it was Master Shin who sent you here? Telling you that my schedule was free when in fact I'm super busy with managing the Guardian Realm." Says the Master with long golden locks, "Gimme a few minutes sweetheart."

Tumango ako at tumahimik ng ilang sandali habang pinapanood ko si Master Zarrah na mag-dial ng mga numero sa kaniyang EHP, nang mag-ring ay boses ni Master Shin ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Listen here! How dare you lie to this child? Can't you lend the boy a hand?" pagsisimula ni Master Zarrah na halatang nagpipigil ng galit.

[Ano ka ba naman Zarrah? Alam mo namang may appointment ako sa Entity Council pagsapit ng alas-siyete ng umaga. Kailangan ko ng tulog.]

"Sleep? Do you think Masters should get enough sleep? We have a lot of work ahead of us!" bulyaw naman ni Master Zarrah.

[Jeez, your voice is cracking... it seems like the signal is bad... what? What was that? I can't hear you... I'm hanging up..]

At nang matapos na ang tawag ay humarap na sa akin si Master Zarrah habang nakangiti nang napakatamis, na para bang hindi siya galit kani-kanina lang.

"Kadaski Nueva. I would like to help you, but I'm not available. Adios~" she states and with a snap of her finger, a large mouth engulfed me - specifically speaking, her carpet - that sent me directly to Master Hegara's office.

"Aray ko naman..." bulong ko sa sarili habang hinimas-himas ang puwetan ko.

"Who's there?" asked the deep voice of Master Hegara Streamwave, the Master of Water and the founder of the Frost Village, his trademark being the curly mustache that was rumored to be one of the things he boasts about.

"Enchanted Elite member Kadaski Nueva, I'm sorry for the intrusion but Master Yoto sent me here. I meant, I came here to ask for help my best friend was kidnapped by a Nymph." pagkukuwento ko, habang nagdadalawang-isip kung gaano na ako naabala at kung ano na kaya ang kalagayan ni Drago ngayon.

"Nymph? Those are fairytales..." Master Hegara stated laughing out loud.

Ignoring his rudeness despite the situation, I continued with my explanations, "I heard that nymph say Hurricania and with that they both disappeared after this particular beam of white light!"

"A beam of white light? Is it circular with foreign letters?" asked the Master, seemingly piqued of the situation.

I nodded to his question.

"It must be a teleportation circle. And Hurricania?" he echoed with a brow raise, placing the coffee he was drinking on his office desk.

Once again, I nodded.

"Well... it sounds 'very' dangerous. We must go immediately, don't you agree?" Master Hegara stated with a smile and a clap, leaning forward to my direction.

I was speechless for a few seconds, hindi ko masabi kong sarkastiko ba siya o talagang nag-aalala tungkol sa kaibigan ko. Pero kahit ano pa man ang kahulugan ng kaniyang mga sinabi, mabuti at payag siyang tumulong.

"Salamat Master Hegara." I told him.

"Hindi, hindi... masyado pang-maaga para pasalamatan mo ako." saad ni Master habang tinatapik ang likuran ko.

Walang sinayang na oras si Master at agad nagpahanda ng sasakyan sa Back Gate ng Arcacia Academy, at sa loob ng 25 na minuto ay mayroon na kaming kasamang 30 Arcamy - mga subordinates na nagtatrabaho sa ilalim ng mga Master, kadalasang mga trained guards mula sa Academia - although weirdly enough, ang simbolo sa kanilang dibdib ay iba kung ikukumpara sa nakasanayang tatak na madalas makita sa guards ng paaralan.

"Okay, young Nueva. This would become a rescue mission, good thing I'm a Master and I could grant you permission to join and help you huh?" nakangiting sabi ni Master Hegara sabay pasok sa kotse.

Tumango ako habang nananatiling seryoso, "Master, paumanhin po pero puwede na ba tayong umalis sa lalong madaling panahon?" Tanong ko, bahala na kung bastos ang pagkakaintindi niya, pero kailangan ko na talagang makita si Drago.

Master Hegara chuckled, "of course. He sounds so precious, I could definitely tell you two are very good friends."

"Bestfriends. He's like a brother to me." I corrected.

Master could only chortle before ordering the driver to drive as fast as possible, after all we would be taking the Cleopardia Forest route also known as the Forest of Illusions.

Tatlumpung-minuto na ang nakalipas at napansin kong unti-unti nang bumababaw ang dilim ng gabi, binuksan ko ang EHP ko para tingnan ang oras, "1:26 am..." bulong ko sa sarili, desperado na talaga akong pabilisin pa ang sasakyan pero alam kong kailangan din naming maging maingat.

"Master, nabanggit mo kanina iyong teleportation circle. Bakit hindi na lang tayo gumawa ng ganoon?" Ttnong ko sa kaniya.

"Hmm, dahil upang makagawa ng Teleportation Circle kailangan munang pag-aralan ang Noraxian Runes na isang Lost Transportation Magic." sagot ni Master Hegara habang umiinom ng kape, kung saan niya mang lupalop iyon nakuha.

"Ang ibigsabihin ba Master, ang nymph na kumuha sa kaibigan ko ay malamang napakatanda na?" tanong ko, nagbabakasakaling tama ang mga hula ko.

"Hindi, hindi naman. You see young Nueva, maraming posibilidad at paraan upang matutunan ang Noraxian Runes. Isa sa pinakamabahong paraan ay ang pagpatay ng isang-daang tao at ikulong ang kanilang mga espiritu sa isang Lock Relic at pagkatapos ay ibenta ito sa Underground Hazbins kapalit ng scrolls." pagpapaliwanag ni Master Hegara habang nakataas ang isang daliri, animong nagsesermon.

"Ano?! Mas lalong dahilan pa para magmadali tayo!" pagpapanic ko, dahilan para tumayo ako mula sa pagkakaupo at mauntog sa kisame ng kotse, "ah shit.. aray."

Tinawanan lamang ako ni Master Hegara na medyo nakapag-pakunot ng aking noo, "nakasisiguro ka ba Master na hindi iyon dapat ipag-alala?"

"Hindi, hindi sa ganoon Kadaski Nueva. Maaari din naman kasing may nagturo sa sinasabing mong 'nymph'... maraming posibilidad, isang pang halimbawa ay, " itinigil niya muna ang pagpapaliwanag dahil uminom ito ng kaniyang kape, "ay posibleng isa itong senyales na gumagalaw na ang mga Dark Casters upang sakupin ang sansinukuban, at minalas-malas naman ang iyong kaibigan dahil isa siya sa mga biktima..." Master stated as his tone turns darker and eerier.

Drago's POV

Pagkatapos kong mag-pasiyang lumabas nang Teleportation Circle, agad naman akong nagsisi. Paano kong wala naman talaga si Kadaski sa Hurricania? Magmumukha lang akong malaking baliw nito at ang mas malala pa ay ang katotohanang maaaring napaliligiran pa rin ang bahay na ito ng mga damulag na serpiyente sa itaas.

"Sometimes, I wonder what's wrong with me." I whispered, crouching down on the floor due to frustration.

'Tch, Drago... hindi ito ang panahon para magmukmok. Tumayo ka diyan, umakyat ka ulit at kumpirmahin mo ang kutob mo.' sermon ko sa sarili.

Bumuntong-hininga muna ako saka hinilamos ang aking mukha, tumayo at inakyat ang slide na gawa sa pinakinis na katawan ng punongkahoy. At habang ginagawa ko ito ay tahimik kong pinagdadasal na sana ay umalis na ang mga malalaking ahas sa paligid nang bahay nina Virdjana.

Sa kabutihang-palad mula sa ilalim ay madali na lamang buksan ang floorboard, dahan-dahan ko itong binuksan bago tahimik na iniangat ang sarili para makatapak muli sa ibabaw. Nang masiguro kong umalis na nga ang mga ahas ay maingat akong lumabas ng malaking bahay upang walang ma-trigger na patibong.

"What to do?" I asked myself, exhaling once to at least lessen the tension in my body.

Fortunately for me, the connection I have with Kadaski became stronger when I began walking forward even though it was, without a location in mind. I soon began running to whatever this connection was telling me to go to and before I knew it, I already bumped into Kadaski himself.

"Drago? Drago! Master I found him!" sigaw niya naman sa isang partikular na direksiyon na dahilan para magtaas ako ng isang kilay.

"Teka, pumunta ka talaga dito para hanapin ako?" tanong ko dahil hindi ako makapaniwalang humingi pa talaga siya ng tulong mula sa isang Master para gumawa ng Rescue Mission ika nga.

"Siyempre naman, sira ka ba? Hindi ako papayag na ang huli alaala ko sa iyo ay ang ma-kidnapped ka ng isang diwata." pahayag niya naman habang nakasimangot.

Natawa ako sa biro niya, pero agad nawala ang pansamantalang saya na nadama ko nang maalala ko iyong tungkol sa mga ahas.

"Aski, kailangan na nating umalis sa lugar na ito. Mayroong mga malalaking reptilya sa paligid at bayolente rin ang mga ito." pagbibigay-impormasyon ko sa seryosong tono.

"Manta Rays." Kadaski stated.

"Ano? Alam mo ang tawag sa kanila?" tanong ko naman.

"Not really. Ngayon ko lang din nalaman, si Master Hegara ang nag-identify sa mga iyon. Sa totoo lang, kung hindi kami nakatagpo ng mga serpiyente ay hindi namin mahahanap ang bayan ng Hurricania." paliwanag ni Kadaski.

"That's true. Hindi matatawag na long lost village ang Hurricania kung madali itong matunton." usal ni Master Hegara na bigla na lamang sumulpot mula sa likuran ko.

"Master naman!" hinaing ko dulot nang pagkabigla.

"Ah, pasensya na. Gayon pa man, naisip lang naming sundan ang mga ahas dahil naalala kong ang ganoong species ay mahilig manirahan sa may kalamigang temperatura at iyon mismo ang temperatura dito sa bayan ng Hurricania." sabi ni Master Hegara habang nag-aayos ng kaniyang salakot.

"Ano pa bang hinihintay ninyo mga bata? Bumalik na tayo sa akademya." dagdag pa ni Master bago inutusan ang kaniyang mga katulong na dalhin na kami pabalik sa kotse.

Habang naglalakad ay nagsimula na si Kadaski na magbato ng mga katanungan sa akin.

"Drago, anong nangyari doon sa babaeng kumuha sa iyo?" seryoso niyang tanong.

'Uhh... sasabihin ko ba sa kaniyang si Virdjana at iyong diwata ay iisa lang? Mukhang hindi iyon magandang idea. Lalong-lalo na at hindi na maganda ang impresyon nila sa isa't-isa...'

"Ah, tinalo ko siya! Aski, kung nakita mo lang sana iyong laban namin." kuwento ko naman na may bahid nang kaunting kasinungalingan.

"Wind attacks back in the academy tapos Hurricania. Wind elements are naturally inherited by only one race. I think I know who it was."

"Veronica!" bigla kong putol sa konklusiyon niya.

"Ano?" naguguluhan niya namang baling sa akin.

"Veronica ang pangalan niya, nagpakilala siya sa akin. Alam mo ba nagkuwento pa iyong babae kung gaano mo siya nasaktan nang rineject mo siya noong 2nd years pa lang tayo? Sabi niya nagpanggap daw siyang tao noon, tapos inimbitahan ka daw niya sa likod ng gym para mag-confess pero hindi ayon nga... riniject mo siya kaya GALIT na GALIT..." dagdag ko pa habang nakangiti at tahimik na pinagagalitan ang sarili sa kung bakit ko piniling pagtakpan si Virdjana.

"Ganoon ba? Kaya pala... ang kapal naman ng babaeng iyon. Na-reject na nga tapos ikaw pa iyong napagdiskitahan. Tch, pasensiya na Drago," hinging-paumanhin sa akin ng matalik kong kaibigan.

'Hay naku, lalo lang akong na-guilty.'

Nang makapasok na kami sa kotse ay lampas 20 minuto kaming naghintay para kay Master Hegara, habang ginagawa namin iyon ay nagbiruan na muna kami.

"Students. Grab your seatbelts, we're going back quickly, a report coming from the Entity Masters Council says that the academy is currently under siege!" stated Master Hegara, entering the vehicle and ordering the driver to quickly drive back to Arcacia Academy.

Kadaski and I looked at each other in disbelief. "Looks like I won't be able to rest anytime soon." I whispered to my friend.