JP's POV
"Zeky, huwag kang paloloko sa mga mokong na iyan." sabi ko kay President habang naka-neutral stance.
"JP, we need to stand down." siyang sagot sa akin ni Zeky.
"Wait what?" I retorted, " we can obviously take them down."
I noticed Zeky grit her teeth, and clenched her fists lightly. I wonder what she was planning, that is, if she does have a plan to free the students from our ninja enemies.
"Alam kong kaya natin, but we have to make sure they won't harm others." bulong niya bago magsimulang maglakad papalapit sa kalaban.
"Huwag kang lalapit! Gigilitan ko ang leeg ng babaeng ito kung hindi ka titigil!" babala ng isa saka tuluyang idinikit ang dulo ng patalim na hawak-hawak niya at doon natigilan si Zeky.
"Anong gusto niyo?" tanong ko sa kanila sa seryosong tono.
Nagkatinginan ang mga ito bago nagsimulang magtawanan, ilang segundo din silang nagpalitan nang mga tingin bago may isang nagpasiyang sagutin ang tanong ko.
"Kung ayaw ninyong may masaktan na kahit isa sa mga estudyanteng ito, pagtipon-tipunin ninyo ang mga Masters sa South Wing ng akademya!" saad ng partikular na ninja na ito na mas malaki ang pangangatawan kumpara sa iba niyang kasamahan.
"Mga baliw ba kayo? Alam ninyo sigurong kapag nagkasama-sama ang mga Masters ay wala na kayong matatakbuhan pa!" nakangisi kong saad sa kanila.
"Or perhaps, they have a trump card or someone with them strong enough to beat all our Masters down." stated Zeky kasabay nang pag-aayos niya ng rim ng kaniyang salamin.
Bigla akong nakaramdam ng pangamba dahil sa sinabi ni Zeky dahilan para mapa-ungos ako ng mga labi at halukipkip ng aking mga braso, "Pres, when you put it that way... It's actually real scary, especially coming from you."
"Call the masters huh? And how can we make sure that you're not going to run away with all these students?" questioned President Zeky while emitting a serious aura around her.
"Sounds stupid missy. Alam naming wala na kaming tatakbuhan pa sa Back Gate dahil bantay-sarado na ito." sabi naman ng isa sa kaliwa habang tinatapon at sinasalo ang isang granada.
"Eh, kung ganoon naman pala, bakit hindi na lang kayong magmakaawa na palayain namin kapalit ng mga estudyanteng nadakip ninyo?" tanong ko.
Isa sa mga ninja ay nagpasiyahang alisin an suot-suot niyang itim na tela na tumatakip sa kaniyang mukha upang ipakita sa amin ni Zeky ang isang Countdown timer sa kaniyang lalamunan, naka-ukit na animong isang linunok na relic.
"Bomb Relic." usal ni Zeky.
"At mayroon na lang tayong sampung minuto para tawagin ang mga Masters?!" dagdag ko sabay kamot sa ulo ko dahil sa biglang stress na naramdaman ko.
'Kung ganito ang paraan nila, mawawala talaga ang composure ko.' Sa isip-isip ko lang.
"JP, ikaw na ang bahala sa nais nilang mangyari. Magbabantay ako dito upang siguraduhing hindi nila susubukin saktan ang mga estudyante." utos sa akin ni Zeky.
"Pero Zeky paano iyong bomba?" pag-dadalawang isip ko.
"I can handle it. I'm no Enchanted Elite if I can't withstand a Relic such as this." she stated as she summons a large dome of darkness that imprisoned her and the others inside, in which she kept a small open rectangle so that we could still communicate.
"Hey, hey, hey! What do you think you're doing?!" pagpapanic ng isa sa mga ninja.
"I'm protecting the academy from further damage." sagot ni Zeky.
"So, you don't care if the timer runs out and blows all of us to teensie-bitsy pieces eh?" natatawang tanong ng isa sa mga ninja.
"Zeky!" I called out, slamming the dome from the outside, "Zeky!" muli kong tawag sa pangalan niya.
"You're wasting time Jordan. Go!" shouted President.
That tone forced me to bit my bottom lip and have no other choice but to run across the fields in order to contact the Masters. If these happened to be one of those ordinary days, the Masters would be either inside the Faculty Office or attending their weekly meetings at the Master's Entity Council. In rare occasions, some of them visit the villages they have founded.
'Come on JP, think! Where is the nearest place a Master could possibly be?'
Tumatakbo ako pero wala namang direksiyon, ilang buildings na ang nalampasan ko, ilang liko na rin ang pinasukan ko pero wala akong makitang Masters.
"JP, ano na? Halos limang minuto na yata ang nakalipas..." bulong ko sa sarili ko.
'Curses.'
"Master?! Any Masters around here?!" tawag ko sa kawalan.
Umaalingawngaw man ang boses ko ay wala naman ni-isang kaluluwa ang sumasagot sa mga pagtawag ko. Alam ko na majority ng mga estudyante ay na-evacuate na sa A.S kaya imposibleng may ilan pang estudyante ang matitira sa vicinity na ito, paano pa kung Masters ang usapan?
"For the students' sake, any Master here?!" sigaw ko nang makarating na ako sa Faculty Office kasabay nang pagkatok ko sa pinto.
Zeky's POV
'About time for him to leave, what a pain in my ass.' I inwardly thought, before putting my hand down, thus making the shadow dome disappear.
"That was a great show." laughed the muscular ninja in the group. What followed were the students puffing into leaves. It turns out that they were just dummies after all. It's such a petty trick and Jordan Patrick was too stupid to not notice that illusion.
Nagsimula na ako palibutan ng mga ninja, lahat sila'y tahimik at hindi pa rin nawawala ang agresibo nilang mga tingin sa akin. Walang kaduda-dudang plano nila akong labanan kahit nasa ilalim sila ng Bomb Relic, at ang mas malala nito ay kung gusto nila akong isama sa hukay.
Isa, dalawa, tatlo! Tumalon ako patungo sa kanan dahil tamang-tama at may nagbato ng palakol sa dati kong kinatatayuan. "These people..." I uttered but was not able to complete what I was saying when five of these ninjas rushed towards me, attempting to punch my head and out balance me.
"Don't get too cocky, outnumbering me would not make me helpless." I stated, lifting my right arm to manipulate their shadows, using it to bind themselves. "Shadow Constriction." I casted.
Due to my attack, they soon all fell flat on their faces, like worms - wriggling to be freed from the dark binding spell. There and then, I looked around to check if any students, teacher or Masters could possibly be around to help me.
Fortunately, there wasn't anyone, and even my shadows could not sense anyone moving nearby the area, that means the majority are already inside the Arcacian Shelter.
"Release." bulong ko sa hangin.
Nagkatinginan ang mga ninja nang pagpasiyahan kong pakawalan na sila, ilang segundong katahimikan bago sila magsiluhuran sa harapan ko, nakayuko, at nakatingin sa lupa. "At your service, princess." sabay-sabay nilang sinabi.
Ngumisi lamang ako at mayamaya ay napabuntong-hininga, "Nice work. Now, disperse and run after JP Streamwave, if you still want your lives." I ordered while grinning.
Lalo lamang lumawak ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko silang manginig at agad-agad na magsitayuan upang habulin ang uto-utong water enchant na iyon. Mula sa 'di kalayuan, isang pigura ang nahagip ng aking mga mata, 'Tch, hindi maaari. Huwag mong sabihin may nakakita sa buong pangyayari?!'
Agad akong nag-anyong anino upang tunguhin ang kung sino mang nakasaksi, ngunit nang makarating ako sa lokasyon ng pigura ay walang sino man ang naroroon.
"Who could that be?" I thought out loud before fixing the rim of my eyeglasses, composing myself, before placing both of my hands behind my back. "Nevermind, I'll bet whoever that is, they would stick around to watch me..."
Kadaski's POV
Kasalukuyan naming tinatahak ni Drago ang ruta patungo sa South Wing dahil ayon kay Drago, doon nanggagaling ang isang malaking amount ng mahika at kailangan namin siguraduhing walang estudyante ang nasa peligro.
Ibinahagi sa akin ni Drago ang teorya niya tungkol sa maaaring pakay ng mga ninjang iyon, ngunit ang ideang iyon ay isa lamang sa maraming puwede rason ng kanilang pag-atake, at kung paano nila nalamang kami ang tagapagmanan ng Seal ng Madoka Twin Dragons.
"Kadaski, teka....tigil." saad ni Drago kasabay nang pagharang niya sa akin gamit ang kaniyang kaliwang braso.
Nasa kanto kami ngayon ng isang gusali at iniiwasan naming may makasalamuhang black ninjas para mabawasan ang damage sa paligid.
"Bakit anong problema?" tanong ko bago nakisilip sa kung ano man ang tinitingnan niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sira-sirang pathway patungo sa cafeteria, pero ang mas malala ay ang mga putol-putol na katawan ng mga ninja ang nakakalat sa paligid.
Agad akong napatakip ng bibig dahil sa matapang na amoy ng dugo, nang iangat ko ang aking paningin, napansin kong parehas kami ng reaksiyon ni Drago.
"Aski, may idea ka ba kung sino ang may kagagawan nito?" tanong ni Drago sa akin, nanlalaki ang kaniya mga mata at walang-dudang napalunok ito ng laway dahil sa pangamba.
"Mga Masters? Pero wala akong naaalalang mayroong Master sa paaralan na ito na walang-awa at brutal na pumapaslang ng mga kalaban." sagot ko naman bago dahan-dahang maglakad paatras, gayundin ang ginawa ni Drago.
"This is crazy Kadaski. Someone out there had slain these enemies, and we are not even sure if that person is an ally or an enemy." Drago warily stated while brushing his now unruly hair. "Who knows if the assailant is still out there."
I balled my fist and then punched Drago on his shoulder, causing him to yell soundlessly. I got glare in return, but then I just have to explain to him why I did it, "Drago, you need to snap out of it. We're the Madoka Dragons. Together, we can bring down this guy."
"Tama. Tama ka Kadaski, lalong-lalo na at wala pa rin tayong naririnig na announcement na lahat ng estudyante ay nasa loob na ng Arcacian Shelter." determinadong niyang pagkakasabi kasabay nang pagpapalagablab niya ng kaniyang mga kamao.
Nagsitanguan kaming dalawa bago nagmamadaling tinawid ang field na napuno nang dugo at pira-pirasong bahagi ng katawan ng aming mga kalaban. Sa kabutihang-palad, hindi namin nakasalamuha ang may gawa ng karumal-dumal na pagpatay na iyon.
Pagkalipas ng halos 20 minuto ay narating na namin ang South Wing ng paaralan, at hindi namin inaasahang makita doon sina Master Shin, Master Shien, Master Zarrah. Sa kanilang harapan ay mga ninjas na may mga hostage na estudyante na nakakulong sa isang kulungan gawa sa itim na usok.
"Masters!" tawag-pansin ko sa kanila. Nang mga pagkakataong iyon ay nakatakbo na kami ni Drago papalapit sa mga Masters mula sa likuran nila kaya hindi kami agad napansin ng mga hostage-takers sa harapan.
"Arcedes! Nueva?!" gulat na bulalas ni Master Shien - the librarian.
"Enchanted Elites, good timing. You should stay here and watch us fight." stated Master Zarrah Yoto - the Master of Flames, with a grin, leaning downwards given her towering height.
"That's Master Yoto?!" Drago accidentally spats out, surprised by the fact that there's an 8-feet tall woman in front of him. Nakakuha tuloy siya ng matalim na tingin mula sa tatlong Masters, kaya agad naman itong humingi ng paumanhin.
Mayamaya, umalingawngaw ang pagtawa ni Master Shin - the Recruiter.
"Hoy, tanda! Hindi kami nakikipagbiruan sa iyo, kapag hindi ninyo ibinigay ang hinihingi namin ay papatayin namin ang mga batang ito!" sigaw ng isa sa mga ninja na may hawak-hawak na palakol.
"Mamaya na kayo dumaldal." pagpapatuloy ni Master Shin na nagawa pang pumaypay-paypay gamit ang kaniyang kanang kamay sa harapan ng mga ninja, bago muling bumaling sa amin ni Drago.
'Master, sa tingin ko hindi magandang idea ang i-provoke mo pa sila.' sa isip-isip ko lang, saka bumaling sa mga ninja na halatang nairita sa inasta ni Master Shin.
Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay sa kanang balikat ko, lumingon naman ako, para lamang makita ang seryosong ekspresiyong nakapinta sa mukha ng matalik kong kaibigan.
Tinapik niya ang balikat ko ng dalawang beses bago lumapit kay Master Shin upang bumulong. Nanatiling nakangiti si Master Shin kahit seryoso ang pagmumukha ni Drago, nang matapos ang bulungan nila ay hinarap na ni Master Shin ang mga ninja.
"Master Yoto, Master Shien alam kong wala akong kapangyarihan upang utusan kayo, kaya makikiusap na lamang ako." panimula ni Master Shin saka iniabot sa kaniyang kambal na si Master Shien ang kaniyang wallet. Teka, wallet?
"What are you doing Shin?" tanong ni Master Zarrah.
"A bargain. A small deal, believe me I will make sure no student will get harmed, if I can prove it, you can control my budget for the month! Hahaha!" remarked the Recruiter towards her twin sister Master Shien.
"Kahit kailan talaga, hindi ka nadadala. Sige, tinatanggap ko ang deal na iyan, halata namang kakainin mo rin ang mga binitawan mong salita." dismayadong pagkakasabi ni Master Shien bago nagsimulang maglakad papalayo, "Enchanted Elite Nueva and Arcedes, maiwan kayo dito, kung sakali lamang na pumalpak ang magaling kong kapatid." dagdag pa nito.
Nagkatinginan kami ni Drago at sabay pang napabuntong-hininga. 'They're not taking the enemies seriously. Bakit pa ba kami nag-aalala?' sa isip-isip ko lang.
"Oh me? I'll be going back to the faculty, Shien over there would probably head back to the Main Library. Don't worry children, the Recruiter is not that old... he just looks old." smirked the golden-haired Master before beginning to walk away from the scene.
"Ha! Don't underestimate us! Damn these people... S.G.Ns sugurin sila! Mamaya na natin ipagpapatuloy ang negosasyon kapag napatumba na ninyo ang limang iyan!" utos ng nagsisilbing pinuno ng grupo.
"Pero Boss, hindi iyan ang utos sa atin. Wala naman sa usapang haharapin natin si Master Shin." reklamo nang isa sa kanila.
"Hindi mo ba ako narinig?! Patutumbahin natin ang mga iyan nang walang kahirap-hirap." seryosong babala nito sa kasamahan.
Dahil sa mga pagsisigawan nila ay lalo lamang natakot ang mga estudyanteng hostage na nila, 'sa tingin ko hindi ko na kaya pang manood na lang.'
"You know, there are words better left unsaid." giit ni Drago kasabay ng pag-summon nito ng kaniyang Fire Whips.
"Fire Salamander!" I enchanted, and so my giant lizard friend emerged from the ground.
Hindi maipagkakailang nagkakainitan na nga kami rito, hindi na rin ako makapaghintay pang suntukin ang mga pagmumukha ng mga ninjang ito gamit ang nag-aapoy kong kamao.
Kaagad naman namatay ang enthusiasm namin ng pumwesto sa harapan ni Master Shin. "Mga bata, huwag kayong susugod. Ang dahilan kaya ko pinaalis si Shien at Yoto ay hindi dahil kaya ko ng mag-isa ang grupong ito..."
Nagkatinginan kami ni Drago dahil sa sinabi ni Master Shin. "Anong ibigsabihin mo Master?" Tanong ni Drago.
"Lahat ng ninjang nasa harapan natin ay may Bomb Relic sa loob ng katawan nila. Kung gagamit kayo ng apoy..." naputol ang sinasabi ni Master nang ipagpatuloy ito ni Drago, "kung gagamit kami ng apoy ay mas malaki ang tiyansang makapinsala pa kami at mapunta sa peligro ang buhay natin."
"Drago, hindi ko inaasahang darating ang panahong walang magagawa ang fire elements natin." bulong ko sa kaniya.
"Kaya nga Aski, kaya nga tayo nag-aral ng hand-to-hand combat. Kailangan natin silang patumbahin nang hindi gumagamit ng mahika, para makapagbigay ng oras kay Master Shien at Master Zarrah upang macontact ang isa sa mga Hiding Masters ng Arcacia..." Sabi niya naman.
"Aba Drago Arcedes, impressive. As expected mula sa isang top student, mukhang natunugan mo na ang tunay na plano naming tatlo nina Shien at Zarrah." nakangiting komento ng Recruiter.
Natahimik ako dahil, pinoproseso pa ng utak ko ang nangyayari, at sa kung anong plano ang tinutukoy nila. "Teka, huwag mong sabihing susubukan nilang makausap ang Time Walker?"