Chereads / Eumythymn Hunter / Chapter 27 - A Glimpse of Somber

Chapter 27 - A Glimpse of Somber

Kadaski's POV

Nang matapos na ang linggo nang pag-rebuild sa mga nasirang gusali sa akademya ay nagpatuloy na muli ang mga klase sa lahat ng baitang sa Arcacia. Sa ngayon, ang pinagkakaabalahan ko ay ang pinaghahandaang Chronicle Play na magaganap sa susunod na buwan.

Ang Chronicle Play ay isang event na maihahalintulad sa dula-dulaan kung saan ang ikukuwento ng mga mag-aaral na sasali ay mga totoong kaganapan sa kasaysayan ng Arcacia.

Bilang Enchanted Elite, trabaho naming masiguro na hindi mananakaw ang source ng mga kuwento - ang Chronicle Book. Sa lampas sampung-taon kung paninirahan sa akademya na ito, wala pa naman akong nasasaksihang pagtatangka na nakawin ang mahalagang librong ito kaya siguradong madali lang ang trabaho namin.

Nang maisuot ko na ang aking uniporme ay tinahak ko ang maikling hallway patungo sa elevator, bumukas ang pinto ng isa sa mga kuwarto dahilan para ikagulat ko ng kaunti.

'Si Ertune lang pala.' sa isip-isip ko lamang.

"Aba, aba Kadaski! Timing ka ah!" bungad ni Ertune sa akin.

"Ewan ko sa'yo." sabi ko naman.

Linampasan ko na siya at dumiretso na lamang sa elevator. Pinindot ko na ang down arrow, saka naghintay na bumukas ang pinto nito nang bigla akong inakbayan ng nang-aasar na Nature Manipulator na ito. "Lumayo ka nga, gusto mong sunugin kita?!"

"Bakit ba palagi na lang mainit ang ulo mo ha? Sasabay lang naman ako eh. Parehas naman tayong Enchanted Elite." sabi niya.

Hinarap ko siya habang nakahalukipkip ang dalawang braso sa harapan ko. "At kailan ka pa naging opisyal na Enchanted Elite?" baling ko naman sa kaniya habang nagpipigil na pagtiimin ang mga panga ko.

"Not official. Just for today! Just for today! The Student Council assigned me as the temporary Enchanted Elite as a substitute for my buddy Genesis! After all, he's on another mission." he explained, taking his arm off of my shoulder.

"Buddy? Ah right. Genesis is a part of your gang. How could someone like him allow himself to become your subordinate?" I scoffed after.

"Hey! Don't you dare insult him!" Ertune retorted, leaning forward to raise my collar.

"Mukhang kulang na yata ang turnilyo sa utak mo Merdinia. Ikaw ang iniinsulto ko, hindi mo naman ka-lebel si Genesis eh." nakangisi kong pasada.

Nang magsimulang i-mutate ni Ertune ang indoor plant na naka-display sa hallway, sinimulan ko namang paliyabin ang kanang kamay ko. Sa kasamaang-palad, bumukas na ang elevator.

"Are you gonna come in or what?" a particular annoying voice uttered.

"Virdjana, my love!" exclaimed Ertune, letting go of my collar as he attempts to get a kiss on Phantom's cheek.

Malas lang nga ni Ertune, dahil imbes na halik ang makuha niya ay siniko siya ni Phantom papunta sa dingding ng elevator. "Lumayo ka sa akin." malamig na wika nito.

"Grabe ka naman...babe." sabi ni Ertune habang hinihimas ang namaga nitong pisngi.

Gustuhin ko man na pagtawanan ang sitwasyon ni Ertune, mas pinili ko na lamang na manahimik at pumasok na rin sa elevator.

"Haven't have enough sleep?" she asked out of nowhere.

Muntik pa akong mapatalon ng maramdaman ko ang malamig niyang hininga malapit sa tainga ko. Kanina pa ba kami magkalapit? Napayapos naman tuloy ako ng isang mata kasabay ng isang hikab dahil naaalala ko iyong panaginip ko, at hindi lang isang panaginip- bangungot!

Agad akong bumaling kay Ertune kung sakali mang nakita nito ang reaction ko, para lamang makita siyang nagtatampo sa kanto ng elevator.

'Ang drama na naman nitong ganster na ito.' sa isip-isip ko lang.

"Ano ngayon?" pag-aangas ko sa magnanakaw na ito.

"A nightmare?" pagpapatuloy na tanong ni Phantom.

Nanlaki ang mga mata ko dahil tama ang hula ng babaeng ito. Paano niya kaya nalaman na nagkaroon nga ako ng masamang panaginip ngayong umaga?

Sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevator at tinahak na namin ang hallway palabas sa dormitories.

"Hoy! Tama na iyang pagkukuwentuhan niyo at dalian na nating pumunta sa opisina. Ayaw naman siguro ninyong mapagalitan ni President Zeky!" saad ni Ertune saka nagsimulang tumakbo papunta sa nasabing opisina.

Susunod na sana ako kay Ertune nang hatakin ni Phantom ang dulo ng uniporme ko, which is by the way, a cute gesture--..I mean weird. She didn't say anything except for the fact that she suddenly lifted my uniform up.

"H-hey! What the heck!" I jumped away, obviously embarrassed.

Then Phantom whispered something to herself.

"Bakit mo ba ako hinuhubaran?!" tanong ko habang nagdadasal na hindi niya sana halata ang pagkataranta sa boses ko.

"Let's get going. Baka ma-late pa tayo sa meeting." bigla nitong sabi bago nagsimula maglakad papalayo.

Virdjana's POV

[East Wing: Enchanted Elite Office]

There was no designated seat for the members of Enchanted Elites, and that there was no rank among us. At least that's what I read from one of Zeky's messages through my inbox in the chatting option in the E.H.P system.

In my surprise, the one leading the meeting was Professor Jelina. She was holding a compiler of what I guess might be the summary details for each of the Enchanted Elites or perhaps a mission for us? I honestly have no idea.

"Magandang araw sa inyong lahat. Para sa mga hindi nakakaalam, pag-uusapan natin ang gagawing paghahanda para sa event na gaganapin sa susunod na buwan - ang Chronicle Play." nakangiting saad ni Professor Jelina.

"Andito na ba ang lahat?" tanong nito bago hagurin ng tingin ang buong silid, "mukhang hindi. Nasaan si Zeky? Genesis? Si Ryoline? Si Soriz at si Arcedes?" pag-i-isa-isa ng guro sa mga pangalan ng mga Enchanted Elite na hindi nakarating o wala pa sa nagaganap na pagpupulong ay naramdaman ko ang sarili ko na naguguluhan.

"How many are the Enchanted Elites though?" I asked ma'am Jelina while raising my right arm in the process.

"There are 10 Enchanted Elites." answered the teacher.

"Uhmm, like... 10-... 10 per year level? 10 per section?" I further questioned.

Ma'am Jelina raised an unsure brow at me, which made me also ask why internally. Then she looked at Kadaski meaningfully.

"Bakit ako ang papag-paliwanagan ninyo ma'am? Katamad naman ehhh." pagrereklamo ni Kadaski.

"Kasi mister Nueva, maaga naman kayong nakarating. Why not make use of it productively? Habang naghihintay kayo para sa iba ay ibahagi mo ang tungkulin ninyo. Isipin mo na lang activity ito para magkakikilala kayo." nakangiting pahayag ni Professor Jelina.

'Is that necessary?' I thought inwardly. 'and why is Professor Jelina acting less of a bitch today?'

"Ma'am, ma'am si Ertune na lang. Kaasar." bulong ni Kadaski bago niya pa-ungusin ang bibig niya.

"Mister Ertune, why don't you assist me set up some stuff from the auditorium to the other areas. It's training." stated Professor Jelina, winking at Ertune Merdinia.

"Ay, sige ma'am. Let's go!" agad namang pag-talima ni Ertune sa utos ng guro.

I looked at Kadaski, but he was already staring at me, glaring even.

"And what do I need to kno-," but he cuts me off by scoffing at me.

'Well, I tried initiating and I failed. Let's not waste time.' I thought to myself.

Nang makumpirma kong tuluyan nang nakalayo sina Professor Jelina at ang kaklase naming si Ertune, tumayo ako mula sa aking upuan para tunguhin ang bintana ng silid.

Binuksan ko ito kaya pumasok ang malamig na simoy ng hangin. Nahanap ko ang sariling pinagmamasdan ang malawak na field ng paaralan. Matatanaw rin mula sa gusali ang iba't ibang estatwa, trimmed hedges, at mga lamp posts na halatang pinagka-gastusan.

Am I in the right place? I smiled to myself.

"So, you do smile-"

Agad kong naipihit ang ulo upang bumaling sa pinanggalingan ng boses, walang iba kung hindi galing kay Kadaski Nueva.

"That was a sad smile though-" dagdag pa nito habang nakapamulsa.

Naramdaman ko ang sariling medyo nanigas, bakit ko ba hinayaan ang sariling maligaw sa sarili kong mundo at kalimutang may kasama pala ako sa classroom na ito?

Nonetheless, I kept quiet, and I didn't break the eye contact between us. 'This is awkward for my side. I felt like I was breaking character.'

Sa kabutihang-palad, nauna naman siyang mag-iwas tingin, nagbukas rin siya ng bintana at tumingin sa labas. Ginulo pa nito ang sariling buhok pagkanaka'y bumuntong-hininga. "Ayoko sa'yo, pero kung mag-mumukmok ka dahil lang sa ayaw kong ipaliwanag ang tungkol sa responsibilidad ng mga Enchanted Elites-"

I cut him off.

"Look, you don't have to force yourself Nueva. You despise me and that's enough reason for me to stop this conversation." I remarked before pulling away from the window.

"What?" gulat niyang reaksiyon sa sinabi ko.

"It hasn't even started yet- and mind you. You lifted my shirt up in the elevator, and that's another reason for me to feel disturbed. Talk about the fact na wala kang regards sa personal space ng iba." He retorted.

Then an awkward silence followed, the second wave to be specific. I immediately looked back outside, taking two steps closer to the window, feeling something hot on my cheeks.

"Don't worry about that Nueva, I should have known better than be concerned of your state." I mumbled under my breath.

This is all your fault Reggie. You were talking about a strange aura enveloping Kadaski Nueva, why did you demand for me to check it out?

"Well, Vi. It's a familiar aura." reasoned Reggie in my head before chuckling apologetically.

"My state?" naguguluhang tanong ni Kadaski na nakahatak sa akin pabalik sa realidad. "Why would you care?"

That's funny Kadaski Nueva. Bold of you to assume that I care about you.

"I don't. Forget it." I told him.

He looked at me, as if he was studying my face, "And here I thought, you did it to me. I heard your name Phantom translates to 'those who have risen from the ash' Witches of evil intentions." he spoke in a matter-of-fact tone.

I closed the window before heading back to the same seat I took earlier.

"You're not going to defend yourself?" he asked in confusion.

The door of the room opened just before I could say something, and entered the people wearing blazers of green, yellow, red and blue. Professor Jelina was the last one to enter, thus she closed the door afterwards.

"Alright! Let's begin discussing the Chronicle Book Safeguarding Operation!"

Drago's POV

[An Hour Earlier]

Maaga akong gumising, nasa bandang alas-cinco pa lamang noon. Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa Faculty Office, specifically mula sa Master of Flames - Zarrah Yoto. Kung magiging tapat lang ako sa sarili ko, aaminin kong na-i-intimidate pa rin ako sa height ni Master, hindi ako makapaniwalang isa siyang napakatangkad na babae!

I heard from the teachers that most of the students spent their time doing whatever they want and sometimes even breaking the rules inside the dormitory just to fight off the boredom of not being able to leave the building for safety precautions.

"Ano kayang gustong sabihin sa akin ni Master Yoto?" tanong ko sa sarili habang nag-bubutones ng aking uniporme.

Nang makarating ako sa Faculty Office, kumatok ako ng tatlong beses bago bumukas ang pinto. At hindi ko inaasahang ang magbubukas ng pinto ay si JP na kagaya ko ay nakasuot rin ng kumpletong uniporme.

"JP! Good morning." I greeted.

"To you too, come in. Master Yoto sent me to send you to her." he responded.

"Ah thanks." then I smiled at him.

Mahigit isang oras ang nangyaring pag-uusap sa pagitan ko at ni Master Yoto. Ang masasabi ko lang ay ikinatuwa ko na pinagkakatiwalaan niya ako na malaman ang impormasyong ito, at ikalawang dahilan ay dahil sa na-i-assign na naman ako sa panibagong misyon.

[East Wing: Enchanted Elite Office]

On my way to the East Wing, nadaanan ko pa ang ibang miyembro na papunta na rin doon kaya nagkasabay-sabay na kami. Nang papasok naman kami sa building ay nakita naming magkasama ang magkapatid na sina Ertune at Professor Jelina Merdinia. Binati namin sila, nagkumustahan rin bago pormal na magtipon-tipon sa opisina.

Nakangiti akong nagbukas ng pinto, dahil narinig kong makakasama namin si Virdjana sa meeting na ito. Iyon nga lang, hindi ko inaasahang ang madadatnan kong magkasama sa kuwarto ay ang bestfriend ko at si Virdjana.

"Alright! Let's begin discussing the Chronicle Book Safeguarding Operation!" anunsyo ni Professor Jelina.

"Drago! Pre!" bati sa akin ni Aski saka nakipag-apiran.

"Kayo lang magkasama dito? Kanina pa?" tanong ko naman sa kaniya.

"Oo. May pinuntahan kasi si Prof at iyang gangster kanina. Napag-utusan tuloy akong ipaliwanag kay Phantom iyong tungkol sa Enchanted Elite." pagpapaliwanag niya.

Umupo na kami sa mga bakante. Nang liningon ko si Virdjana, nakita ko siyang nakikipag-usap kay Ryoline - isang Beast Tamer Enchant, nahanap ko itong nakakapanibago pero hinayaan ko na lamang, at least hindi si Aski ang kausap nito.

'Teka, bakit ganito ako mag-isip?' puna na kalahati ng utak ko.

"Drago-" kakausapin sana ako ni Aski nang biglang ihampas ni Professor Jelina ang hawak nitong stick sa mesa.

"Attention! Ito ang mga dapat ninyong isa-isip sa araw ng Chronicle Play!" saad ni Ma'am sabay pindot sa touch screen monitor. Tahimik naman kaming nanood ng presentation.

"This will be fun." I smiled to myself.