Virdjana's POV
Masama pa rin ang loob ko kay Reggie kaya pinagpasiyahan kong pansamatala munang putulin ang koneksyon ko sa kaniya sa pamamagitan nang pag-alis ng suot-suot kong kuwintas, alam kong magagalit siya dahil sa ginawa ko, pero hindi ko mapigilang hindi mainis dahil wala man lang siyang ipinakitang konsensiya hinggil sa kondisyon ni Drago na naiwan namin sa Hurricania.
Ilinagay ko ito sa isa pang bulsa ng aking palda bago tumayo at magsimulang maglakad pabalik sa aking dorm room. "Now, I don't feel like attending classes later." bulong ko sa sarili.
Madilim pa rin ang kapaligiran dahil alas-tres pa lang naman ng umaga, nararamdaman ko na ang unti-unting pagbigat ng talukap ng aking mga mata, sinampal ko ng isang beses ang kaliwa kong pisngi upang manatiling gising.
Kalaunan ay nahanap ko na lamang ang sariling tinatahak ang forest sa Northern Wing, sumandal ako sa isang punongkahoy - ni wala nang pakialam kung maayos pa ang itsura ko - bago nagdesisyong itulog na lamang ang nararamdamang pagod.
Maging ang katotohanang malapit nang sumapit ang ganap na umaga at ang posibilidad na atakihin ako ng mga naninirahang nilalang dito ay hindi na sumagi pa sa isipan ko.
"Virdjana? Virdjana, wake up!" iminulat ko ang aking mga mata nang marinig ko ang natatarantang boses ni Ruby Xercedes.
Noon ko lang napagtantong nakahiga na ako sa damuhan at hindi na nakasandal sa punongkahoy, isa pang hindi ko inaasahan ay ang nahanap ako ng babaeng ito sa gitna ng Northern Forest, well that could be an exaggeration, dahil hindi ko naman talaga alam kung gaano ba kalayo ang natahak ko papasok sa maliit na gubat na ito sa loob ng paaralan.
"Oh, good morning." I greeted while yawning.
"What? Alright... it's morning, but get up already and quick! The Academy is under attack!" the Sound Enchant exclaimed pulling me up from the ground, in which she did not even dare give me the time to gather my senses altogether.
Mula sa aming kinatatayuan ay umalingawngaw ang sigawan ng mga estudyante, mga boses ng mga guro na pilit na ginagawa ang kanilang makakaya upang pakalmahin ang nagtatakbuhang mga mag-aaral, narinig ko ito sa pamamagitan ng wind magic. Nang bumaling ako kay Ruby, nabasa ko ang kaniyang isipan kung saan nakumpirma kong naririnig niya din ang mga sigawan, malamang ay dahil sa kaniyang sound magic.
"What's the plan?" I asked her, as if we are going out there to face whomever the enemy was.
"Ang plano ay ang i-evacuate ang lahat ng mga estudyante sa Arcacian Shelter, at hayaan ang mga guro na ayusin ang problema." saad nitong gangster bago ako sinimulang hatakin patungo sa direksiyon ng Shelter na hindi ko nga alam na nag-e-exist.
"Oh... okay." sagot ko naman habang hinahayaan lang si Ruby na dalhin kami sa dapat naming pagtaguan kasama ng iba pang mga estudyante, kalahati ng utak ko ay lumilipad pa rin sa posibilidad na nasa panganib si Drago, lalong-lalo na at sigurado akong napalilibutan pa rin ng mga dambuhalang ahas ang bahay ko sa Hurricania.
"Ninjas? What the heck is going on here?!" Ruby exclaimed before releasing a barrage of sound waves towards the enemies wearing black outfits with their eyes only visible from the clothing covering their faces. The enemies got pushed away hitting the walls of a particular school building, they did groan and yelped in pain, proving that they were vulnerable to sound magic.
My eyes widened upon recognizing the emblem printed on their chests, an arrow embroidered using a silver thread, causing my head to throb due to the pain of a long forgotten memory. But who am I kidding? I remember them very clearly.
"SGN." I muttered under my breath.
"You fine?! Nasaktan ka ba nila nang hindi ako nakatingin?!" nag-aalalang tanong ni Ruby sa akin.
'Jeez, this woman literally became friendly after I helped her and her friends. I wonder if she's just acting to fool me.'
"Nothing, nothing... let's go ahead." sabi ko naman, this time being the one to lead the way to the so-called Arcacian Shelter.
"Do you know the way? Because I do." she asked while following me.
"I can hear the stampede from where we are, I'm following their sound using the sound waves travelling through air." I explained quite scientifically actually, despite the fact that it was also magic-related.
I heard Ruby chuckling before giving me a tap on the shoulder, implying that she does understand what I meant, before we continued threading the pathway to the Shelter. Unfortunately, on our way there we spotted Professor Jelina striking the enemies using a spear made of bamboo, and which whenever she throws it to a particular target, it returns to her upon will command.
"She's actually cool... despite her attitude." Ruby and I chorused, we then laughed at the fact that we actually thought about the same thing.
"Bakit nag-iisa lang siya?" tanong ko kay Ruby nang pansamantala muna kaming nagtago sa kanto ng isang tatlong-palapag na gusali.
"The other teachers were busy holding back the enemies that were trying to enter from the Back Gate. I think what happened was that she had no choice but to fight them off." explained Ruby in a surprisingly low voice.
"We should help, kung may nakapasok na sa gitna ng academy, then we should stop them from getting nearer to the Shelter." suhestiyon ko saka biglang tumabi kay Ma'am Jelina at tumulong sa kaniyang lumaban sa pamamagitan ng sipa at mga suntok.
Interestingly enough, hindi niya pinapatay ang mga S.G.Ns sadyang pinipilay niya lamang o hindi kaya ay inaatake hanggang hindi na sila makakagalaw pa, either way it's still violent.
"Miss Assassin?! What are you doing here? Follow the protocol and head to the Shelter!" Professor Jelina stated in a commanding tone.
By activating my Aura Sensos I can see her power was indeed greater compared to her usual rages when she's teaching. I don't want to piss her off, but I could see that she was having hard time all by herself.
"You could say I'm compensating for the moments that I've been rude to you Ma'am." says I, half-lying, kicking a particular Ninja using a round-house kick to the head, knocking out the enemy and in the process hitting two more ninjas coming our way.
"Sound Quake!" Ruby enchanted jumping in front of me and Professor Jelina, pushing away five ninjas and unfortunately making my ears bleed for a bit and indeed I yelped in pain.
"Ruby! Be careful of your magic." scolded Ma'am Jelina, causing Ruby to blush out of embarrassment before apologizing to me.
"I'm sorry! I'm sorry!" babbled this particular pink-haired, but I simply ignored that as I continue to attack more enemies.
"Students, enough is enough. Head to the Shelter!" ordered Professor Jelina making the two of us flinched out of surprise.
I was about to open my mouth in order to protest, but Ruby had successfully covered my mouth, nodding to Miss Jelina and pulling me away from the open field. After a few more running, we finally reached the Arcacian Shelter, the A.S in short, where we saw Professor Luke and Professor Merca calling out to students to enter the protective dome.
Once inside, it was noticeable that its size was five times larger compared to the Academy Gym, the students were gathered by class and another obvious fact was that most of them were wearing pajamas. There it struck me, it's still four in the morning, and weirdly enough I'm the only one wearing a uniform.
'Dammit, am I exposing myself into interrogation or something?!' I thought to myself.
"Virdjana, baby! Mabuti at hindi ka napahamak!" Ertune stated with a matching grin and a wink.
Given the fact that the school is under attack, I can't help but to wonder how this damned guy could remain calm along with his gangster subordinates. In response, I gave him a cold stare, before batting my eye on the rushing students entering the protective dome.
'Why is the school under siege? Even back when I was still a thief eight years ago, I've never seen or heard of problems like this one. Arcacia Academy has always been this great and prestigious school I always looked up to, a school where dreams come true, where as cheesy as it may sound - a place where you meet friends, where chaos is something unknown, where studying and mastering magic is haven, so why now?'
JP's POV
Nagising ako nang isang nakabibinging tunog ng mga alarms, agad akong bumaling sa orasan para lamang mapag-alamang alas-tres y media pa lamang ng umaga, napaisip tuloy ako kung may fire drill bang nagaganap sa ganitong alanganing oras.
"This is not a drill! This is not a drill! All students and school personels proceed to the Arcacian Shelter, we are under attack. I repeat we are under attack! To teachers and Masters that are available and could fight, immediately head back to the academy's back gate!" announced a female voice coming from the school's speakers.
Nagmamadali na ang mga estudyante na makalabas sa kanilang dorms. Kahit nakasuot lang sila ng pajama ay kaniya-kaniya silang takbuhan patungo sa direksiyon ng A.S.
Samantalang alam kong kailangang hindi ako mataranta at hintayin munang mabawasan ang bilang ng mga estudyante na kasalukuyang nagtatakbuhan patungo sa protective dome. "Just like what my father always reminds me, handle everything professionally, including so-called evacuations." I told no one before deciding to brush my teeth first.
Makalipas ang limang-minuto, habang nagsusuklay ako ng buhok, ay narinig ko ang malakas na pagsabog mula sa direksiyon ng Back Gates.
"Ano ba naman iyan? Ang ingay." reklamo ko bago dahan-dahang sumilip sa bintana nang muntik nang matamaan ng isang puting liwanag.
"Ah shit!" bigla akong napaatras, at sa muli kong pagsilip ay nakita ko si Kadaski na tinatapakan ang isang lalakeng nakasuot ng full-black na kasuotan na siya yatang nag-tangkang tirahin ako kanina, kasama niya rin si Drago na may hawak-hawak na Fire Whip.
Pero hindi iyon ang pinaka-nakagugulat, dahil ang katotohanang kasama niyang lumalaban si Master Hegara, na isang 'big shot' ika nga sa paaralan ang lalong ikinalaki ng dalawang mata ko.
"I suppose I should have taken this siege more seriously." I whispered before finally leaving the dorm.
Nang makarating na ako sa ground floor, nagkataon namang nakatayo na si Kadaski sa harap mismo ng dormitory, mukhang hindi niya rin inaasahang makita ako gayong karamihan ng mga estudyante ay tinutungo na ang A.S.
"JP? Teka, huwag mong sabihing wala kang idea sa nangyayari ngayon?" tanong ni Kadaski habang may kasunod na Gargantua Fuego sa kaniyang likuran.
"Alam kong inaatake tayo, pero hindi naman ako iyong tipo na nagpapanic eh." paliwanag ko sa kaibigan kong ito habang nagkakamot ng batok.
"Teka, nakita kong kasama mo si Drago, nasaan na iyon?" tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid.
"Nauna na siya sa field, inutusan ni Master Hegara na tumulong kina Sir Luke at Ma'am Merca sa A.S." sagot niya naman.
"JP!"
Pinigilan ko ang sariling mag-rolyo ng mga mata, bago ko lingunin si Master Hegara na may hawak-hawak na Bow and Arrow Relic, ang relic na ito ay may kakayahang magpakawala ng limang pana na may freezing effect sa kalaban na tumatagal nang higit sa limang minuto.
"Master Hegara, may maitutulong ba ako?" tanong ko saka yumuko sa kaniyang harapan bilang tanda nang paggalang.
"Ah... masaya akong makita na maayos ang kalagayan mo." nakangiti niyang saad, agad na napalitan ng isang simangot ang kaniyang reaksiyon nang hindi man lang ako nagpakita ng ekspresiyon na nagsasabing natutuwa ako sa sinabi niya.
"Excuse me, Master Hegara, JP, kailangan na nating magpatuloy upang makahanap ng paraan upang pasukuin ang mga kalaban." seryosong pagkakasabi ni Kadaski.
Agad naman naming sinang-ayunan ang sinabi ni Kadaski at dumiretso na sa malawak na open field sa gitna ng akademya kung saan nakita namin si Professor Jelina na mag-isang kumakalaban sa mga ninjas na nakalampas sa depensa ng ibang mga guro mula sa Back Gate.
'Mukhang pagod na siya...' sa isip-isip ko lang.
"Tabi!" narinig kong sigaw ni Aski saka niya ako itinulak dahilan para gumulong ako sa damuhan at malagyan ng alikabok ang pajamas ko, pero hindi iyon mahalaga dahil itinulak niya pala ako upang hindi ako madaganan ng isang debris na ilang segundo na lamang ay babagsak na kay Kadaski.
'Tubig? Walang malapit na tubig!'
Natataranta na ako ng sobra-sobra pero mabuti na lang ay mabilis si Master Hegara na agad na sumipa sa debri ng gusali na dahilan para mabiyak ito sa maliliit na bahagi.
"Nasobrahan ka naman yata sa pagiging kalmado, JP." saad ni Master Hegara na nakapag-pakunot ng noo ko, pero hindi ko na siya sinagot pa at tinulungan ang sarili kong tumayo mula sa pagkakadapa.
"Pasensiya na Aski." paghinging-tawad ko sa kaniya.
Tinapik niya lang ako ng isang beses sa likuran, binigyan nang tipid na ngiti, bago tumalon at sumakay sa Gargantua Fuego upang salakayin ang mga naka-itim na kalaban na halatang uma-outnumber na kay Professor Jelina.
"Salamat Mr. Nueva" sabi ni Ma'am Jelina bago tumakbo patungo sa kumpol ng estudyante sa hindi kalayuan, upang tulungan silang makarating sa Arcacian Shelter.
"There seems to be no end to them. We have to know why they're here." Master Hegara stated, charging the Bow and Arrow Relic striking the incoming enemies to a frozen state.