Chereads / Eumythymn Hunter / Chapter 17 - Desperation

Chapter 17 - Desperation

Kadaski's POV

Wala akong sinayang pang segundo at agad kinatok ang pinto ng gusali ng mga Master. Sa kabutihang-palad hindi pa lumalampas ng isang minuto ay may sumagot na sa pintuan, may kabigatan ang kaniyang mga yabag pero nararamdaman ko namang isa siya sa malalapitang mga tao.

"Sabihin mo ang pangalan mo at kung ano ang pakay mo sa alanganin ng oras na ito." utos ng boses kasabay ng narinig kong paghawak nito sa hawakan ng pinto sa kabilang bahagi.

"Kadaski Nueva, Master, kailangan ko ng tulong. Si Drago Arcedes, may kumidnap sa kaniya sa may East Garden!" sagot ko.

Pumihit na ang doorknob at nang bumukas ang pinto ay mabilisang ako kinabig papasok sa establisyemento. Mamuntik pa akong mawalan ng balanse pero agad naman akong nakabawi at nakatayo. Nang mag-angat ako ng tingin, isang balbas-saradong matanda, este isang nakasimangot na Master Shin ang bumungad sa akin.

"Master naman, bakit kailangang hatakin ninyo ako ng marahas?" tanong ko habang inaayos ang mga gusot na nakuha ng uniporme ko.

Dahil sa sinabi ko ay pinagtaasan tuloy ako ni Master Shin ng isang kilay. 'Aight, wrong move ka Aski."

"Pasensiya na Master! Ang ibigsabihin ko po ay salamat at pinapasok ninyo ako." paghinging-tawad saka yumuko sa harap nito.

"Drop the formalities Nueva. Hindi ba at dapat nagkukumahog ka at sabi mo'y may dumukot sa kaibigan mo?" saad ni Master Shin habang hinihimas-himas ang maikli at itim nitong balbas.

"Yes Master!" sagot ko naman.

Tumango-tango ito at saka dumire-diretso sa pasilyo ng gusali. Panay mga painting at estatwa ng mga armor ng knights ang nakahilera sa dinadaanan namin, pagkatapos ng ilang minuto ay narating na namin ang opisina ni Master Shin.

"Maupo ka," utos niya sa akin at saka sinara ang pinto ng kaniyang opisina, "I'll assume na hindi pa lalampas sa dalawang oras nang madukot si Arcedes."

Tama doon si Master at tumango ako bilang sagot sa kaniyang sinabi.

"Kadaski Nueva, fourth year student, seventeen years old and a member of the Enchanted Elites, yet never have been deployed to an out of town mission. Do you know the reason why?" Master Shin asked, listing things about me before batting me an eye.

Bubuksan ko na sana ang bibig ko para sumagot, pero binigyan niya ako ng tinging nagsasabing huwag akong magsasalita. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit kailangan niyang sabihin ang mga iyon.

"Nueva, ang sagot ay attitude! Ang mentalidad mo ay isang disadvantage sa isang mission. May kakayahan ka, may talento pero hindi ka puwede sapagkat hindi mo naiisip ang epekto ng iyong mga aksiyon sa nakapaligid sa iyo. Gusto mong ikaw ang masusunod, gusto mong ikaw ang magaling. Higit sa lahat maikli ang pasensiya mo." panenermon niya sa akin, bago umupo sa office chair niyang nakaharap sa bintana.

Malinaw na malinaw na pumapasok sa mga tenga ko ang masasakit na mga salitang iyon, pero bakit hindi ako gaanong apektado? Isa lang talaga ang nasa isip ko ngayon, at iyon ay ang mailigtas ang bestfriend ko. "Master, mamaya mo na lang po ako pagalitan. Buhay ang pinag-uusapan dito."

Natigilan si Master Shin sa sinabi ko at napabuntong-hininga. Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit niya sinabi ang mga salitang iyon.

"Hindi ako makatutulong. Marami akong inaasikasong confidential issues, pero may dalawang tao sa faculty na ito na maaari mong lapitan, alam kong hindi puno ang schedule nina Master Hegara at Master Yoto. Katukin mo ang opisina nila." saad ni Master Shin, habang nakalagay ang pisngi sa kaniyang kaliwang kamay, animong wala sa mood na magpaliwanag pa.

"Sige po. Salamat." sabi ko naman saka muling yumuko.

Sa pagpihit ko ng doorknob, narinig ko ang pag-usog ng upuan ni Master Shin na nangangahulugang tumayo na ito mula sa kaniyang pagkakaupo. "Kadaski Nueva, huwag kang magpadalos-dalos. Kung sakaling pumayag ang isa sa mga Master na nabanggit ko kanina na tulungan ka, makinig kang mabuti sa sasabihin nila."

Iyon ang mga huling salitang narinig ko sa Master bago siya magpaalam at palabasin ako ng tuluyan sa kaniyang opisina. 'Huwag magpadalos-dalos?' Gusto ko pa sanang pag-isipan ang tunay na dahilan ni Master Shin para bigyan ako ng ganoong payo, pero naalala kong dapat ay wala akong sinasayang na oras kung gusto ko iligtas si Drago. Kumaripas na ako patungo sa opisina ni Master Yoto.

Virdjana's POV

"Ahas? Ahas na naman?" tanong ko nang hindi pinahahalatang nagrereklamo ako. Hinawi ko ang kurtina pa-kanan para silipin ang kumpol-kumpol na mga serpyenteng pumapaligid sa bayan ng Hurricania.

'Kailan pa naging pugad ng reptilya ang bayan namin?' tanong ko sa sarili, bago umiling-iling. 'May pakiramdam akong dapat ko silang palayasin sa bayan.' sa isip-isip ko lamang.

"Anong gagawin natin? Sunugin ko na ba?" tanong ni Drago na handa na sanang pagliyabin ang kaniyang mga kamay.

Agad kong tinampal pababa ang dalawa niyang kamay bago nagsabing, "nakalimutan mo na bang sensitibo ang mga ahas sa init? Mapalalala mo lang ang sitwasyon natin."

"Siyempre alam ko iyan. Pero at least, we could burn them down." rason niya naman saka inihalukipkip ang kaniyang mga braso sa harap ng kaniyang dibdib.

"Let's not do anything. Leave them be." I told Drago.

"Sabi mo iyan.," masunurin niya namang tugon, "alam mo kung may choice akong pumili nang naging partner ko sa Burial Forest, ikaw pa rin pipiliin ko."

Inirolyo ko ang aking mga mata nang marinig ko ang komentaryo ni Drago, natigilan ako ngunit pinagpaliban na lamang ang pagsagot dahil nasasayang lamang ang oras. Pumasok ako sa isang kuwarto, punong-puno ito ng sapot at napakaalikabok rin, sapat na para mabahing ako nang dalawang beses.

"Alam mo kung bakit?" tanong nito na animong naghihintay talaga ng response mula sa akin.

'Most likely dahil alam mong isa akong Eumythymn. You seem to be the curious type anyway.' sagot ko sa isipan.

"That's because you're the very first girl that didn't swoon over me." Drago answered.

I stopped from rummaging the drawers to give him a can-you-shut-up-look.

"Sabi ko nga," nakangiti nitong bulong sa sarili, "any progress?"

"Drago, be quiet!" sigaw ko kay Drago.

Huli na nang mapagtanto kong napalakas ang boses ko, at ang mas malala ay umalingawngaw ito sa paligid.

Sumunod ang katahimikan, ngunit agad ring nabalot ng kakaibang ingay ang paligid ng bahay.

"GET DOWN!"

Kasabay ng pagsigaw ni Drago ay ang pagkabasag ng bintana sa kaliwa ko at pagpasok doon ng isang itim ng buntot ng pagi, kung hindi ako naitulak ng lalakeng ito ay malamang ay nasugatan na ako.

Pareho kaming napadaing nang matumba kami sa sahig, hindi pa doon natapos ang nagbabantang panganib dahil mukhang may nadiinan kaming bisagra na siyang rason upang mahulog kami pababa at dumausdos sa isang slide papunta sa ilalim ng bahay.

"Dragooooooo!"

"Hindi ko sinasadyaaaaaa."

Dumausdos kami pababa sa isang wooden slide na nagdala sa amin sa isang pitch black room.

Aski's POV

Isa, dalawa,... at bago pa ako makakatok ng ikatlong beses ay pinagbuksan na ako ng pinto ni Master Yoto? Pero bakit isang babae ang nasa harapan ko? Mas matangkad siya sa akin, at kung bababaan ko pa ang pride ko, masasabi kong napakatangkad niya talaga, hindi normal ang height niya at sa estimate ko nasa 8 feet siya.

Kung iisipin, ito ang unang beses makikita ko siya ng personal, kaya siguro hindi siya um-attend sa General Meeting ng Enchanted Elites at Council ng Entity Masters ay possibleng dahil insecure siya sa height niya? Wait, I'm jumping into conclusions again.

"I'm used to that reaction." Yoto sighed, while playing with her long golden locks that reaches past her waist, and given that she's sooo tall, her hair was also extremely long. She slightly bent down to look at me, and I cannot help but to gulp due to her towering height.

'Master Yoto, the Master of Fire Element, Dragons and Guardians. Alam kong isa siya sa mga misteryosong member ng Entity Masters Council and some even say na mapalad ka kapag nakasalamuha mo siya.'

"My apologies, Master Yoto!" sabi ko naman saka yumuko sa kaniyang harapan bilang pagbibigay-galang.

"Urgent matter, I suppose." Master Yoto stated while returning to sit on her office chair, which was by the way, extremely tall too.

Bigla tuloy akong nahiya, dalawang Master na ang kinatok ngayong gabi, "I'm sorry about this Master Yo--" Natigilan ako sa sinasabi ko ng magtaas siya ng isang kamay para pahintuin ako sa pagsasalita.

"Zarrah Yoto. Call me Master Zarrah instead. Hearing you call me Master Yoto makes me uneasy, people always mistake my beautiful self as a man. How frustrating~." Ssbi pa nito habang hinihimas ang kaniyang noo.

"Ah... ang ibigsabihin ko po. Master Zarrah, I'm here to ask for your help my bestfriend Drago Arcedes has been abducted by some nymph in the gardens." pagkukuwento ko sa nag-a-alalang tono.

"A nymph?" She echoed, releasing a soft chortle afterwards, "you mean the 'kind' of nymph written in this academy's fairy tales?"

"Apparently, yes Master Zarrah," sabi ko naman, "kailangan ko talaga ng tulong."

"What happened then?" she asked, awaiting for the summary of the story.

I told her everything starting from me and Drago chasing each other at night, well I told her it was NOT yet curfew, I don't want us to get in trouble after all. I told her about the indistinguishable woman who appeared behind the fountain and the circle filled with a language we were unable to read and comprehend, how this 'nymph' was angry at me and how I believe she took Drago as her way of getting back at me, whatever I did.

I further elaborated that I have no idea nor any recollection that I have angered a nymph.

Zarrah Yoto was silent, and after a few seconds that felt like hours for me, she gave me an ear-to-ear grin. Was it just me or her expression was getting darker and darker by the second?

"Give me a bargain, give me someone's soul, or give me your life in return, better yet give me your Guardian." Zarrah stated, clasping her hands together and placing it on her desk before leaning forward, again her height looming over me.

'What is this increasing tension in the air?' I asked myself. 'I didn't know asking help from the Masters could be this difficult.' I thought to myself, but despite everything I tried to hide my fear.

"What will I get in exchange Nueva?" asked Master Zarrah. "Or perhaps your silence meant that my side of the deal may not be good enough for this little rescue request of yours, young man?" she questioned, her grin getting wider and creepier.

'Did I just step on a fucking landmine?'