Chereads / Eumythymn Hunter / Chapter 10 - To the Burial Forest

Chapter 10 - To the Burial Forest

Drago's POV

[Hallway 1:00 pm]

Ikinarga ko na sa likod ng sasakyan ang mga kagamitang kakailanganin ko para sa mission ko ngayong hapon. Ipinaabot na sa akin ni Master Shin sa pamamagitan ni Ian na hinihintay na lamang ang sagot ng estudyanteng inimbitahan para tumulong sa misyon.

"Ano pa man ang maging sagot ng taong iyon, kailangan kong malampasan ang hamon na ito. Ang pagsira sa sanga ng punong sumumpa sa akin." bulong ko sa sarili, "ang malas naman, hindi ko man lang nagamit ang oras ko dito sa akademya para maka-jamming si Aski. Heto, at kailangan ko na naman bumiyahe paalis."

"Greetings Mr. Arcedes." bati nang napadaang si Professor Jelina, " narinig kong aalis ka na naman para sa isang bagong misyon. Hindi ba at katatapos mo lamang ng misyon nitong nakaraang mga buwan?" pang-uusisa ni ma'am.

"Yes professor. That mission took me 3 months given that it involves walking long distances on foot, and other details I can't specify due to its confidentiality." I explained before chuckling.

"Isn't that too much for you?" she asked with a brow raised.

"It's nothing professor compared to the trainings I am receiving from my father." pagbibiro ko.

Professor Jelina understood what I meant after a few seconds, she blinked and then nodded, "then are you still going to attend my Special Class this afternoon or perhaps you won't be able to make it?"

Special Classes teaches students advanced magical lessons. I like those lectures, but I've taken so many of it as a middle-schooler so I'd basically just ace it. "May hinihintay na lang ako professor, but thank you for the concern."

"Alright then, I'll inform my co-formators. Good luck Mr. Arcedes." bade Ma'am Jelina before walking away.

3rd Person's POV

"It is noticeable that some of your classmates are not present today. What happened S class?" tanong ni Professor Jelina.

"According to the guidance reports, six students from S-Class are involved in a brawl with students from A-Class professor." kuwento ni Jeffrey.

"Thank you for informing me Mr. Lucia, these brawls never end these past few days. I don't really oppose battles to test your strengths, so I assume your class won against the nobles of A-Class?." Professor Jelina asked.

Aside from the Speedster Jeffrey Lucia, nobody in S-class had any idea as to where could their other classmates went.

"Alangan namang hintayin pa natin ang mga iyon? Sayang ng oras. Simulan na natin ang bagong leksyon, pakibukas ng pahina ng inyong libro sa pahina 243." pahayag ng guro.

"The special lecture for today is the about runes involved in casting the Lost Magic." began the Professor.

Everyone was piqued as it was rumored that practice of Lost Magic is not only banned in the city of Arcacia, but also has serious consequences when caught in action.

"Now, now, I am not going to teach you how to use and harness the magic. We would simply tackle its history." stated the professor that made the students upset.

"Bawal ang maingay sa klase ko." seryosong hinagod ng tingin ng guro ang mga estudyante ng S-Class.

"Welp~."

"Ssshhh na kasi!"

"Good.. now let's continue." said Ma'am Jelina.

Virdjana's POV

Wala akong choice kung hindi dalhin ang grupo ni Ruby sa Infirmary. Dalawa ang buhat ko at tatlo naman ay pinalulutang ni Reggie.

"Sino bang nagsabing tulungan natin ang mga ito?" bored na pagkakasabi ni Reggie.

"Wala, kusa na lang kasing binuhat ng mga kamay ang mga ito para dalhin sa Infirmary." sagot ko naman.

"O, andito na tayo, iwan na natin sa pintuan." suhestiyon ng aking guardian.

Umiling-iling ako.

"Iba na ngayon, kung wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko noon, ay dahil iyon sa isa akong taong kailangang buhayin ang sarili niya kahit pa masama ang gawin ko. Tandaan mo Reggie estudyante na ako ngayon at mayroon na akong responsibilidad sa kapwa ko" mahabang litanya ko.

"At saan mo naman iyan nabasa?" tanong nito na parang hindi kapani-paniwala ang mga narinig niya mula sa akin.

"Narinig ko lang sa Literature Class." sagot saka natawa ng kaunti.

"Sabi na nga ba. Kailan ka pa ba nag-alala sa ibang tao." komento niya saka humalakhak.

Right, when did I ever Reggie?

Iniwan na namin sa mga kwarto ang grupo nina Ruby nang may nakasalubong akong doktor at nurse nang palabas na sana ako ng pintuan. Nagpasalamat sila sa 'kabutihang loob' na ginawa ko at iginiit pang manatili ako upang hintaying magising ang isa sa trouble Makers.

I rejected their suggestion and quietly left the place.

Pagkalabas ko ng Infirmary saka ko lang natandaan na mayroon pa lang klase ngayong hapon. I remember Master Shin orienting me a little about the existence of special classes while two Arcamy Guards are dragging me back to the classroom a day ago.

I dashed my way to the classroom kung kaya naman ay naiwanan ko si Reggie na lumulutang doon. Magteteleport na lang iyon sa tabi ko.

"Hoy! Bakit mo ako iniwan?" tanong nito sa isang uyam na tono.

"Male-late na ako!" sabi ko na lang.

"Tch, iyan kasi may pa-enroll-enroll ka pang nalalaman." panenermon nito.

Kadaski's POV

Bumalik muna sa kuwarto ko para saglit na umidlip, gusto kong pakalmahin ang aking sarili pagkatapos ng pag-uusap namin ni Phantom. Nakakainis kasing malaman na hindi sa akin sinabi ni Drago na nasumpa pala ito sa huli niyang mission. Kailangan ko pa ba talagang marinig sa ganoong paraan?

Tama ang naging kutob ko bago niya pa tanggapin ang misyon na iyon. Binalaan ko na siya tungkol sa Burial Forest. Alam naming dalawa na hindi isang biro ang lugar na iyon ngunit itinuloy niya pa rin ang misyon.

Umupo ako sa kama at tumitig sa kisame. "So, you're leaving again? Ano? tatlong buwan na naman? Baka mamaya niyan hindi ka na bumalik ng buha-" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko at kunot na lang ako ng noo.

"Ang malas mo naman Drago, si Phantom pa talaga ang napili ng Student Council na maging partner mo." pabuntong-hininga kong sabi.

Sinilip ko ang orasan sa may dingding at malapit nang mag-ala-una ng hapon. Dali-dali na akong bumangon sabay takbo sa pintuan, ngunit pagbukas ko ng pinto ay may mga maid na naglilinis ng pasilyo.

"Good afternoon Mr. Nueva, late na ata kayo sa klase." nakangiting bati ng maid.

"Hindi ba halata?" asar na tanong ko sa kaniya.

Natakot ito kaya agad binawi ang ngiti at nagpatuloy sa pagpupunas sa sahig ng dormitoryo. Lumingon ako at nakita ang bintana. Oo nga naman, bakit hindi?Pumuwesto na ako saka binuksan ang bintana.

"Sir, huwag kang magpapakamatay!" sigaw ng maid ng makita akong nakapuwesto na para tumalon.

"Pasensya na, kailangan ng mabawasan ang guwapo sa mundo." Mala-poet kong sabi.

Kasabay ng pagtalon ko ay ang pagkabig ko ng kandado ng bintana kaya automatic na sumarado ito. Nagsimula ko nang takbuhin ang daan papunta sa building ng fourth-years.

"Pfft~ Ahahahahaha!" hindi ko napigilang ang paghalakhak ng mag-isa ng mapagtanto ko kung gaano kabaduy ang sinabi ko doon sa maid.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Virdjana Phantom Assassin. Nakakapagod naman ang pangalan nito, na nagmamadali rin. "Finally considered the deal?" tanong ko nang makahabol ako rito.

Hindi niya ako pinansin at mas binilisan pa nito ang pagtakbo.

"I guess not." pagsagot ko sa sarili kong tanong.

Nang makarating sa classroom ay nakilala ko ang boses ni Professor Jelina, mukhang magkakaroon ng quiz tungkol sa kung ano man ang tinalakay nilang topic.

"Mr, Nueva, Ms. Assassin glad you could make it before I started the quiz. However, I won't repeat the lesson." pahayag ni ma'am.

"Seems like nag-date kayo." pangungutya ni Lizbeth nang makapasok na kami sa classroom.

"I overslept." sabi ko sa kaniya.

"Sureee, and you Virdjana?" mused Lizbeth towards the Wind Enchant from Physicia village.

"Oo nga Virdjana, bakit ka naman late?" singit ni Jeffrey.

Pati ba naman identity pineke rin nila ni Master Shin, I'll find the right time to reveal to the others that you're not a Restovakian.

"I had to defeat 10 students, and bring 5 others to an Infirmary." Phantom said with a straight face.

Nagkatinginan si Lizbeth and Jeffrey sa hindi ko maintindihang dahilan.

"Ma'am Jelina! Virdjana was part of it, we can ask her!" agaw-pansin ni Jeffrey sa guro naming mag-h-handout na sana ng enchanted papers.

"Is she now?" responded Professor Jelina with a brow raised, "I suppose I shouldn't be surprised. Not even a week here at the academy and she's been brawling around." chuckled our teacher.

"Hoy, ano bang nangyari? Nakatulog ako kaninang tanghali." pabulong kong tanong kay Jeffrey.

Ikuwento sa akin ni Jeffrey ang balita sa guidance, at hindi pa rin ako makapaniwalang pinatumba ni Phantom nang mag-isa ang 10 sa mga estudyante mula sa A-Class.

Pero mas hindi ko maproseso ay kung bakit hindi sineryoso nina Ruby at kasamahan niya ang laban, what could be that pink-haired girl thinking? Did the A-rank students really overpowered them?

"Isn't that cool?" Jeffrey excitingly exclaimed.

Not exactly Jeffrey. Matagal ng may namumuong competition sa pagitan ng S-Class at A-Class, at ilang beses nang napatunayan ng aming klase na kami ay mas malakas sa kanila. Kung sa iisipin, makadaragdag ito sa merit at pangalan ng section namin, ngunit sa kabilang banda nangangahulugan nitong hindi na magiging tahimik ang buhay ni Phantom bilang isang transfer student.

"Miss Assassin, can you confirm it yourself? Anong abilidad ang iyong ginamit upang matalo mo sila?." tanong ni Professor Jelina.

"Physicia Fight Arts." Phantom answered.

Everyone began looking at each other, confused about her answer, and Miss Jelina raised her eyebrow even more. I mean, how could they not? Such a thing doesn't exist. Every clan has their own unique style of hand-to-hand combat, however the people from Physicia are not allowed to have an official one because of their diversity.

"O-oh really?" may pagtatakang reaksiyon ni Miss Jelina.

"Really, but I think I know the reason why you never heard of it professor. You've never been to Physicia, haven't you?" smirked Phantom.

"How did you know that?" Professor Jelina gasped, as she squints her eyes in the process.

I was about to tell professor that Phantom can read minds, when I suddenly heard this girl's voice inside my head.

'Not a word Nueva. If you tell them, I will reject the mission.' she warned.

What the heck? She can also use telepathy?

"I will excuse myself Professor Jelina." began Phantom, "I have a mission to take care of." and so she walked out of the room.

Hindi na siya nag-respond pa sa thoughts ko at umalis na nga.

"YES, NO QUIZ!" biglang sigaw ni Ertune.

"ERTUNE MERDENIA TO MY OFFICE!" sigaw naman pabalik ni Professor Jelina.

Virdjana's POV

"Huh, mukhang nawalan ka ng choice back there." said Reggie na lumabas sa kuwintas ko at lumutang-lutang na sabay sa aking paglalakad.

"That professor, I read her mind. She wanted to know my main ability. It seemed like she was also informed that I came from Physicia. Perhaps...." I paused just before I could take a step down the staircase of the building.

"Perhaps ano?" tanong ni Reggie.

"Perhaps Master Shin have not told anyone yet about my clan." I whispered to myself.

"What are your thoughts about it?" pangungulit ni Reggie.

"Then that means there are only three individuals who knows about it. Master Shin, Kadaski and... Drago Arcedes." I exclaimed as I placed a fist over my palm.

I fished the letter out of my pocket, and read it from the very beginning. When I saw the location of the waiting car, I started increasing my walking, until I found myself running southwards.

"Vi! Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ng aking guardian.

"To somewhere important." I answered before unclasping the necklace and zipping it close inside my pocket.

Mahingal-hingal akong nakarating sa waiting point na nakasulat sa papel. Ang unang sumalubong sa akin ay isang lalakeng nasa kaniyang mid-50's. May tatak ng logo ng akademya ang uniporme nito, at sa ilalim ay kaniyang job title.

"Mr. Arcedes, your partner has arrived." announced the man.

"What?" humugot muna ako ng hininga, bago tumayo ng maayos, "how did you know that I'll come?" tanong ko sa driver.

"Young miss, I don't, but only mission takers are given this address." the man answered, as his wrinkles were defined the moment he smiled at me.

"Virdjana? You considered the mission. Thanks a lot." beamed Drago Arcedes.

Weird. Isn't he gonna start asking about the fact that I'm a Eumythymn? I was so sure he was about to start interviewing me.

"I haven't done anything yet." I coldly replied before getting into the backseat.

"Buckle up students. I was ordered to bring you there as fast as possible." said the driver with a light chortle.

This man surely likes chuckling.

Umupo rin sa backseat si Drago at sinigurado nitong maayos na nakasara ang pinto ng kotse, pagkanaka'y bigla itong humarap sa akin na mukhang may planong yakapin ako. Agad kong hinugot ang aking patalim at itinutok ito sa kaniyang dibdib.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" seryoso kong tanong.

Drago blinked twice before backing away with a smile on his face. "Don't misunderstand. I was just helping you with the seatbelt. I assumed that you may have no idea how to lock it? It needs a rune symbol to activate." he explained.

"Oh, what is the rune?" I asked as I retract the dagger away.

"Miss Assassin, I don't want to inconvenience you, so allow me." Drago insisted, and before I could complain he was done with his own seatbelt too.

Inayos ko na ang pag-upo ko, at nagsimula nang humarurot ang sasakyan namin.

Five minutes later, Drago pulled out a scroll from his backpack saying, "this is your first mission right? Would you like to know the details of the forest?"

"I can navigate forests just fine. How did you get the curse?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"How? It's a recoil for not completely annihilating its source. I don't see this as a curse, but as mark of my accomplishment. You know Kadaski Nueva right? He's actually my bestfriend, we've known each other since we were kids, to the point that he can already predict what I'd do next. When he learned about the details of my past mission, he made sure I know that he was clearly against it. " Drago began.

I'm seeing where this is going. He seemed to be oversharing.

"I didn't listen to him. Aski's gut instinct is always right, he warned me, but where's the fun in that? Where's the thrill that I seek for if I chose to stay behind and have someone else take the mission?" he expounded enthusiastically and coolly.

"To summarize, you're a stubborn thrill-seeking rule breaker." I stated with my unchanging disinterested expression.

"Uhh, I... I guess you could put it like that." Drago responded after a few seconds while scratching his nape.

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tanging ang tunog lamang na nagmumula sa kotse ang paminsan-minsang nagiging ingay.

"Sir, Miss. Malapit na ho tayo sa dating spot ninyo." sabi ng driver sa amin saka lumingon.

I tilted my head to the right just to check if I heard what the driver said correctly.

Tiningnan ko si Drago na agad rumehistro sa pagmumukha ang kaba at gulat, saka agad na mahinang sinapok ang driver. "Manong Fred naman, palabiro talaga kayo. Magmaneho lang kayo, ayaw ko pang mamatay."

Natawa si Manong Fred daw at saka inapakan ang gas kaya lalong bumilis ang andar ng kotse.

Drago's POV

Narating na namin ang kabilang dulo ng kagubatan kaya ibinaba na kami ni Manong Fred kasama ang mga bagahe na kakailangan ko sa mission na ito. Nga pala, ngayon ko lang napansin na walang dalang kahit anong supply si Virdjana.

"Ingat kayo!" paalala ni Manong Fred saka nagsimulang mag-maneho pabalik sa siyudad ng Arcacia.

Inihanda ko na ang mapa na magtuturo sa amin ng lokasyon kung saan ko nakuha ang sumpa ng Black Pearl. Magsasalita na sana ako nang makaramdam ako ng sakit mula sa kamay ko patungo sa braso at buong katawan ko.

"NGH, not the best time..." napaluhod ako sa sakit at nakaramdam na rin ako ng pagkahilo at pagpapawis. Inaatake na naman ako ng sumpa ng black pearl.

"Drago?" narinig kong pagtawag sa akin ni Virdjana.

Hindi ako makasagot dahil ang kinakain na ang sistema ko ng hapdi at kirot. Muli akong napasigaw at nang inaasahan kong mawawalan ako ng malay ay naramdaman kong may sumalo sa akin.

"Gumising ka Drago." bulong ni Virdjana habang tinatapik-tapik ang aking pisngi.

Domodoble na ang paningin ko, pero kataka-takang normal lang ang paningin ko kapag si Virdjana ang tinitingnan ko.

"Drago Arcedes. I said wake up and stand up." she spoke in a scolding manner.

Hindi naman ako makapagsalita dahil masyado ng malakas ang epekto ng curse at nanghihina na ako.

"Seriously? What's with this situation?!" Virdjana continued to complain, however she was also not letting go of me.

I could no longer understand what she was saying or shouting. My ears are already affected by the curse.

Ilang sandali pa bago ako tuluyang makatulog ay parang sinampal ako ng malakas na liwanag, dahilan para mapabalikwas ako mula sa nanghihina kong estado kani-kanilang. Tinulungan niya akong tumayo, pero dahil nasa state-of-shock pa rin ako ay nagmukha lang akong piping nakatitig kay Virdjana.

"Virdjan-" sa wakas ay may lumabas rin sa bibig ko, pero hindi ko naman inaasahang siya ang sunod na mawawalan ng malay. "I can't believe this. A Eumythymn saved my life." I whispered under my breath.

Virdjana's POV

Nagising na ako at natagpuan ko ang sariling nakasanday sa isang malambot na unan. "Nasa kuwarto ba ako?" tanong ko sa sarili, lalo ko pang isiniksik ang sarili sa hinihigaan ko.

"Virdjana, huwag ka naman sanang magpaka-komportable." sabi ng isang pamilyar na boses. Agad kong iminulat ang mga mata ko at napabalikwas nang mapagtanto kong nakahiga pala ako sa hita ni Drago.

"Aray, dahan-dahan naman." reklamo niya sabay hawak sa pisnging natabig ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng muling magtama ang aming mga mata.

"What?" singhal ko sa kaniya.

Nagulat ito dahil pinag-taasan ko siya ng boses. Ah shit.

"Gets ko na. Sorry na, alangan naman kasing ihiga kita sa lupa?" rason naman ni Drago na napakamot ng batok niya.

May point siya, hindi ko man aminin pero magagalit ako lalo kung ganoon. Teka nga, kailangan na namin simulan ang misyon.

Dinukot ko mula sa bulsa ng palda ko ang papel na ibinigay sa akin ni Rizz, iyong presidente ng Student Council, litrato ng Death Tree na namumunga ng Black Pearl.

"Virdjana, tungkol pala kanina-" ngunit agad kong pinutol ang kung ano mang sasabihin niya.

"Nothing happened got that?" I told him with a glare.

Naglakad na kami papasok sa Burial Forest, pangalan pa lang nakakatakot na kaya tingnan natin kung hindi ka pa matatakot sa itsura, higante at malalapad ang mga punongkahoy na sa sobrang tangkad ay imposibleng maaninag ang tuktok. May kadiliman ang paligid dahil natatakpan nang mayayabong na dahon ang sikat ng araw. Wala ring makukulay na tinanim o bulaklak sa paligid.

Matatangkad ang mga damo sa puntong parang mga langgam na lamang kami ni Drago habang dumadaan rito. Kinakailangan namin hawiin nang dahan-dahan ang mga ito sapagkat matutulis ang katawan ng mga damo. Hindi talaga isang normal na kagubatan ang Burial Forest.

I pulled my knife, or knives. It's actually a pair. I threw one on a trunk ofthe nearest tree, and another approximately a meter above it. I began climbing in this manner. I step on the previous dagger, grab the other, throw it a bit higher until I could get a wider view of our surrounding.

"Virdjana? I don't think you need to do that. We have a map with me!" sigaw ni Drago mula sa ibaba.

I remember what the map looked like, and I'm sure that we are heading to the right direction. However, the winds have been shifting differently. When we entered the Burial Forest, strong gusts of air continues to push forward from the North, but right now it started moving sideways and in both direction. It was as if something is blocking its natural pathway.

"This is bad" I whispered to myself.

Naramdaman ko kasi ang mabilis na bugso ng hangin na dumaan sa amin.

"Something is coming." I told Drago.

"May sinasabi ka?!" sigaw nito mula sa ibaba.

Wala na akong oras para magpaliwanag kaya tinapunan ko na lamang si Drago ng patalim dahilan para ma-out balance ito at madapa sa damuhan.

"Para saan iyon?!" naguguluhan nitong tanong. "Mag-partner tayo at hindi magkalaban!"

Siguradong patungo ito sa direksyon namin, naamoy yata ang hindi pamilyar na scent, maaaring po-protektahan nito ang kaniyang teritoryo.

"It's here."

Tumingin ako sa baba at nakita si Drago na napakuyom ng kamao. Sa kaniyang harapan ay nakatayo lang naman ang isang higanteng ahas na kahit anong oras ay puwede lumapa sa kaniya. Hindi nagtangkang gumalaw si Drago, ngunit tumango ito sa akin. Mukhang intindido na nito kung bakit ko siya pinadapa.