Virdjana's POV
[2 Days Later]
Ibinaba na kami ng driver sa isang open field sa likuran ng akademya, pati na rin iyong ibang mga gamit. Pagkatapos ng maikling pagpapasalamat sa ginawang pagsundo namin ng driver, naghanda na kaming pumasok sa kasalukuyang klase.
"Sa wakas." nakangiting sambit ni Drago habang nag-uunat-unat ng kaniyang braso na animong sasabak sa isang paligsahan.
I watched him pull his small black luggage, which proved to be useless anyway, and started heading to the enormous back gate of Arcacia Academy.
"He looks refreshed." a voice commented from behind me.
It was none other than my guardian Reggie. I turned around to face him, only to be greeted by a mischievous smile, his hair a bit unruly, and he changed his wizard-like outfit into Arcacia's official student uniform. I quickly glanced at his own necklace which also reflected the crack it got from its physical copy, the one I'm wearing.
"Anything wrong with you?" I immediately asked.
"Change of outfit, yes. You don't like it?" he asked giving me an ear-to-ear grin, he even went as far as to brush his hair like some fashionista.
"I knew it. Something is really wrong with you." I stated, but more like concluded then starts to walk after Drago who seemed to be minding his own business.
"Hey, hey, Vi, I'm okay. I'll stop acting weird." Reggie said with a chuckle, appearing beside me, floating, his usual gimmick.
I gave him a glare.
Dahil sa pinaguusapan namin ay hindi ko namalayang katapat ko na pala iyong gate, kaya nagulat ako ng isang pamilyar na braso ang humarang sa akin.
"Bulag ka ba? Babangga ka na oh." sabi ni Drago sa nag-aalalang tono. I think, baka imagination ko lang.
"That's my cue." Reggie stated before disappearing into thin air.
"Uhmm, thanks." I said, still confused of why the gate is now in front of me.
Wait, why the heck did I thank him?
"Gusto ko nga palang pormal na magpasalamat sa iyo. A handshake to mark the beginning of our friendship?" he said offering his hand in front of me.
"Friendship?" the moment I heard that word, I can't help but to shake my head, "what are you 10?" I chuckled after.
I started walking into the grounds of the academy, entered the gate, welcoming myself inside the walls of my 'dream school'.
Kadaski's POV
Kasalukuyan akong nakikinig sa 4th Period subject namin, nag-jo-jot down ng notes kapag kinakailangan. Dalawang araw na na rin ang nakalipas ng umalis si Drago at Phantom.
Damn it. Focus.
"And that's how the docking system of the Frost village works." pagtatapos ni Professor Luke saka humarap sa klase.
"May tanong ako sir!" sabi ni Lizbeth sabay taas-kamay.
"Ano iyon?" tanong naman ni Sir Luke.
Tumingin kaming lahat sa blonde na ito, seryoso siyang nakatingin sa guro namin.
"This is not related to the subject, but I'd like to ask if I'm pretty~ I mean, I know I am, but yah know..." sabi nito sabay nag-puppy-eyes sa harap ni sir.
Muntik pa akong mapa-ubo, pero agad kong napigilan ang sarili at nagpanggap na nagrereview ng notes. Nagtawanan ang iba namin kaklase, may ilang komontra sa pamamagitan ng pagbibigay nang makahulugang tingin sa isa't isa.
"Uhmm, I'll be on my way." seryosong sabi ni Sir Luke sabay labas sa classroom.
Silence followed, then a series of laughter.
"Grrr. Yes lang naman ang sagot ah?!" naiinis na sabi ni Lizbeth bago humalukipkip at padabog na umupo.
Mayamaya lang ay nagsitunugan ang aming mga Elemental Headphones, nagkatinginan ang lahat. Unusual itong mangyari, pwede naman silang mag-anunsyo via radio sa buong paaralan.
Isinuot na namin ang mga EHP at pinindot ang button sa kaliwang bahagi, may na-project na mini-screen sa harapan namin at ang sabi dito: STUDENTS OF S-CLASS 4TH YEAR, IMMEDIATELY HEAD TO THE GYMNASIUM AND PREPARE YOURSELVES FOR YOUR NEW ACTIVITY.
"Woah, woah, woah...don't tell me~" excited na sabi ni Ruby habang nakikipag-apiran sa mga barkada niya.
Dalawang araw na ang nakalipas at, oo, naka-recover na sina Ruby. Pagpasok nga ng limang miyembro ng Trouble Makers sa S-Class ay nakabalik agad ang mga ito sa kanilang usual na gimmick at pang-a-asar sa gusto nilang pag-tripan. Ilang beses nitong ikinuwento sa klase ang na-witness niyang labanan, para ngang bata eh.
"Yes! Yes! Yes! Nueva, Arcedes. Humanda ka!" sigaw ni Ertune saka idinuro ako.
Dinedma ko na lang siya at bumaling kay Jeffrey na nagkataong nakatingin na pala sa akin.
"Astig! Finally....." tuwang-tuwang sabi ni Jeffrey sabay tingin sa akin.
"What?" bigla kong tanong, hindi ko na rin napigilang ngumiti, mukhang lahat naman kami ay may idea na sa kung ano ang activity na ito.
"Tch, I'll crush all of you." narinig kong bulong ni Lizbeth.
[Gymnasium]
Maingay pa rin kami, oo, kasali ako. Hindi pa rin namamatay ang excitement namin, ngunit nabasag ang ingay ng dumating si Professor Edric saka sumilbato.
"Line up, students!" utos na ito sa malakas na boses.
"Oh, mannn." narinig kong sabi ni Ruby saka luminya.
Drago's POV
Mukhang matatagalan pa bago ko makuha ang tiwala ng babae na ito. Pero kagaya ng mga kuwento galing sa S-Class, hindi naman eksakto ang description nila ng personalidad ni Virdjana.
Naikuwento sa akin ni Lizbeth na mayabang daw ito at walang takot sa mga guro. Nakikita ko naman iyon sa kaniya, pero hindi nila nakita ang bahaging na-obserbahan ko kay Virdjana sa mga panahong magkasama kami sa Burial Forest.
Patungo na sana kami sa dorm rooms upang magpahinga nang tumunog ang Elemental Headphone ko. I quickly opened the mini-screen after wearing the EHP and was a bit glad about the news.
"What's that?" she asked for what I believe was out of curiosity.
"May announcement tungkol sa current subject natin, an acitivity at kailangan na nating pumunta sa Gym dahil malamang sa malamang ay nagsisimula na sila." sabi ko.
Virdjana's POV
Kinailangan ko ng ilang pagpapaliwanag tungkol sa activity na sinasabi ni Drago kaya ilang minuto pa kaming nanatili sa may back gate at nang maintindihan ko na ay nagpasya na kaming dumiretso doon.
"Tumakbo na tayo." suhestiyon ni Drago.
"I have a better idea. Hold my hand." sabi ko sa kaniya, dahil pano kong magteleport na lamang kami papunta sa gymnasium.
"That's lewd." nakangising sabi nito.
I took a deep breath as an attempt to calm myself down, but no to avail. "Come back here!"
Humahalakhak itong tumakbo palayo, at ako naman itong humahabol na may bitbit na patalim sa kamay ko. Internally, I also found that comment funny.
[Gymnasium]
"Sige, simulan na ang unang round...-
HInahabol ko pa rin si Drago nang binilisan pa nito ang kaniyang pagtakbo, dire-diretso ito sa pinto ng gym. A red rune was noticeable glowing on the door knobs, meaning that it's locked from the inside.
"You're cornered." I told him.
"You wish, I was! Blue Flame: Fire Tango!" he enchanted, causing the door to blow into pieces.
"What just happened?!" narinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase namin.
"Sino iyan?!" galit na sigaw ng boses ni Professor Edric.
Without warning Drago, I grabbed his hair and we bowed together. It's an act of giving respect to the elder, or in this case to say sorry.
"Ow!" daing ni Drago.
"Sorry we're late." I said apologizing, I don't mean my words though.
"I don't encourage such unrefined actions from my students," sabi ni Professor Edric, "I'll explain the rules for the new arrivals." dagdag ni sir.
"No need sir. Drago explained the rules to me on our way here." sabat ko sa magalang na tono.
"Kung ganoon ay oras na para sa isang mahalagang anunsyo bago natin simulan ang klaseng ito. Hinihiling kong maupo muna ang lahat sa sahig, maliban kay miss Assassin." panimula ni Professsor Edric.
Nagkatinginan kaming lahat, kahit ako ay walang idea sa kung bakit may ganitong set-up bago magsimula ang combat activity na ito.
"Miss Assassin, huwag ka sanang magulat." sabi pa ni sir Edric.
Tumango na lang ako.
"Para sa buong klase ng S-Class 4th year, ang maririnig ninyo sa oras na ito ay isang sikretong dapat lamang manatili sa apat na sulok ng Gymnasium na ito. Bibigyan ko na kayo ng paunang babala, kapag nakarating sa labas o sa ibang estudyante ang impormasyong ito. Asahan ninyo nang patatalsikin kayo mula sa paaralang ito."
Kung hindi ba naman matahimik ang lahat sa nakatatakot na sinabi ni sir ay ewan ko na lang, na-te-tempt tuloy akong basahin ang isip ni sir.
"Ang kaklase ninyong si Virdjana Phantom Assassin ay hindi nagmula sa village ng Physicia. Tanging mga piling Masters, guro at ang klaseng ito lamang ang nakakaalam ng bagay na ito." saad ni sir.
Anong nangyayari? Nagsimula na ang mga bulungan.
"Hindi nakagugulat? Alam ko iyan, sinabi ko lamang iyon upang mas malinawan kayo sa susunod ko pang sasabihin." nakangiting sabi ni Professor Edric.
"It must be kept a secret that your new classmate is a Eumythymn." he revealed.
My eyes dilated, however the majority of the S-Class began laughing, some even clapped their hands.
"This is not a joke S-Class." frowned Professor Edric as he raises a finger to point at me. "I saw it on the bio-file on Master Shin's office. This is something great."
"Professor, everyone knows that none of them survived 'that'. I hope you double-checked." said Jeffrey Lucia.
"True." agreed Lizbeth.
The panic I felt vanished when I realized that no one is believing Professor Edric. Soon enough, the professor gave up and just laughed with the class, but not without giving me a serious glance.
"Professor Edric, classmates." tawag-pansin ni Drago. "is this a comedic welcome greeting for us. That's nice."
He even gave me a knowing glance after his statement.
--------
"Sige, magbubunutan na kayo ng makakalaban niyo, kung sino ang may magkaparehas na kulay, ibigsabihin sila ang magiging magkatunggali." sabi ni sir pasok ng kamay sa bulsa niya, ng hinugot niya na isang itim na kahon ang lumabas mula doon.
"Paano iyon nagkasya doon?" narinig kong komento ni Jefferey habang pinipigilang tumawa. He surely sounds excited about this activity.
Hindi naman nagtagal ang bunutan at kalauna'y nagsibalikan na kami sa linya.
"Kapag tinawag ko ang kulay, itaas niyo ang kamay niyo. Malinaw ba?" tanong ni Professor Edric.