|| Marsha Sandoval ||
Gosh! napapagod na yung beauty ko sa kaka-type dito sa computer ha. Paano ba naman kasi, ang haba-haba ng letter na pinapa-type niya sa akin. Well, salamat siya at hindi ako reklamador! Baka siguro kanina pa ako nakikipag-ratratan ng mga reklamo ko dun sa Logan na yon. Pasalamat siya at mabait ako maganda pa.
"Sa wakas! natapos na din!" masaya akong tumayo sa kina-uupuan ko ng matapos ko na yung ginagawa ko.
Naka-ngiti kong tinungo yung office ni Logan habang dala-dala ko yung letter na pinasulat niya sa akin.
"Hi sir! tapos ko na po yung pinapagawa niyo sa akin. Pwede na po ba akong magpa-hinga sandali?" naka-ngiti kong sabi. Nakita ko namang bising-busy siya sa ka-tututok sa laptop niya habang naka-tayo ako sa harap niya, at parang hindi niya alintana ang presensiya ko.
"Sir! excuse me po, ta--"
"So what? Do you think you're in your home to have a rest? if you want to have a rest then you should look for other job, not here." iritado niyang sabi. Habang patuloy pa ring naka-tuon ang kanyang paningin sa laptop.
"Okay sir, I'm sorry." walang gana kong sabi. Nilapag ko nalang sa kabilang table yung letter na dala ko, saka ako nag-prisintang lumabas nang office niya nang hindi nag-papaalam sa kanya.
Bakit kaya iritado na naman 'yon? Ang sungit talaga nung halimaw na Logan na 'yon! Bahala nga siya sa buhay niya. Tutal, wala naman siyang binilin sa'kin na gagawin, well it's time to relax for a minutes.
Nako! kakaiba ka talaga Marsha! oras nang trabaho nakuha mo pang magpa-hinga! nakakaloka talaga yung kagandahan mo!
Bago ko pa naisipang lumabas para kumain sa Jollibee, dinaanan ko muna yung office ni ma'am Roxie. Pero nang marating ko iyon ay hindi ko siya natagpuan doon. Gusto ko pa naman sana siyang ayain na kumain sa labas. Wala tuloy akong kasama, baka mamaya dumugin ako ng mga press diyan sa labas! ingat Marsha! yung ganda mo! 'wag masyadong I-expose!
Matuwid akong naglakad habang binabaybay ang daan patungo sa kabilang tawiran kung saan doon naka-puwesto yung fast food chain na Jollibee.
Sa totoo lang, yung perang papang-gastos ko pambili ng makakain ko ngayon ay yung natirang pera na binigay sakin ni ma'am Roxie nung araw na nawala yung ko wallet ko. Hindi ko kasi muna ginalaw 'to dahil naisip ko na ipang-bibili ko nalang nang makakain ko kapag wala akong pang-gastos. Ayoko namang humingi sa boss ko dahil nag-tatrabaho lang naman ako sa kanya. Baka sa susunod, hindi na ako i-fired niyon, baka siya na mismo ang kumaladkad sa'kin palabas ng kompanya niya.
Siya nga pala, speaking of my wallet. Hindi ko na alam kung saan na 'yon napunta. Tinanong ko nun si Suzanne pero mukhang ako pa ang pinagsabihan niya. Loka talaga yung kapatid ko na 'yon, palibhasa kasi nililihis niya yung nga tanong ko sa kanya tungkol dun sa lalaking kasama niya nung gabing nakita ko silang dalawang magkasama. Hindi naman ako galit dun sa lalaki sa halip nga ay, nagpapasalamat pa ako dahil napakinabangan ko naman siya nung araw na 'yon.
Napa-tawa ako ng marahan. Sa totoo lang, hindi ko pa sinasauli yung isang-daan na hiniram ko sakanya. Bahala na si Suzanne magbayad dun, tutal close naman ata sila. Laughs.
Nang makarating na ako ng Jollibee ay excited akong pumunta kaagad sa counter para mag-order ng kakainin ko.
Nag-order nalang ako nang isang burger steak at spaghetti. Baka kasi kapag inorder ko lahat, nakakahiya namang ipa-tawag ko pa yung lalaking kasama ni Suzanne para pabayarin 'to sa kanya, paano pa kaya si Logan? Nako, baka itataboy na talaga ako nun palabas ng kompanya niya.
Isip-isip Marsha! masasayang lang talaga 'yang beauty mo kapag palagi mong pinag-iisip 'yung mga ganyang bagay. Hays.
Nag-hanap ako kaagad ng available na upuan para simulan ko nang kainin 'yung mga inorder ko. Kanina pa talaga ako gutom, hindi ko lang sinabi kay Logan. Dahil baka sabihin niya pa na baka siya pa magpakain sakin. Well, It's okay for me kung ganoon nga.
Hays! bakit ko ba palaging inaalala yung halimaw na 'yon? Bigla na naman tuloy kuma-kabog yung sa dibdib ko. Hindi na talaga normal 'to.
I prayed first bago kumain. Syempre, kasama 'yon sa buhay. Kailangan mo rin syempreng magpasalamat kay God dahil may blessings siyang binibigay sayo.
Pagdaka'y agad ko nang kinain yung spaghetti. Sa totoo lang ay, pinaka-paborito ko talaga yung lasa ng spaghetti sa Jollibee, it's something delicious at kakaiba sa panlasa.
"Can I joined with you?"
Napa-awat ako sa pag-kain ng spaghetti ng masulyapan ko ang isang gwapong nilalang sa harap ko.
Wait, parang namumukhaan ko siya?
Tinignan ko muna siya ng mabuti at di ko maalala kung saan ko siya nakita. Saan nga ba?
Narinig ko naman ang pag-ubo niya.
Ay! ano ba 'yan Marsha? titigan mo nalang ba yung anghel na lalaking nasa harapan mo ngayon? hindi mo manlang ba siya papansinin?
"Oh, of course. Take a seat." naka-ngiti kong sabi. Syempre, dapat kahit hindi mo kilala ay kailangan mo paring mag-pakita na maganda kang nilalang na babae.
"It looks like you don't have some friends here. Isn't it?"mapang-akit niyang tanong.
Nakaka-akit yung boses niya. Pero, bakit pa kasi nag-eenglish ang isang 'to. Buti sana kung lubos kong naiintindihan lengguwahe niya e. Hays. Pasalamat siya may kunti akong alam sa english. Well, it's okay, basta maganda pa rin ako.
"Meron kaya, Ikaw kaya kasama ko.." diretsa kong tanong. Nakita ko namang napa-tawa siya ng marahan.
Sa pagmamasid ko sa mukha niya ay, ang guwapo talaga niya. Ang tangos rin ng ilong, ang ganda rin nang pilik-mata niya..saka yung labi niya, nakaka-akit. Naalala ko tuloy si Logan sa kanya.
Hays, ano ba Marsha? kailan mo ba tatantanan ang pag-banggit kay Logan?
Pero sa totoo lang, parehas rin naman silang guwapo ni Logan, ang lakas rin ng appeal ng isang 'to.
"Hey, you okay? mukhang malalim ata ang iniisip mo?"
Napukaw ang atensiyon ko nang marinig kong nagsalita siya.
"A-ahh, hindi naman. Iniisip ko kasi kung anong pangalan mo. hehe.." pagmama-angan ko. Hindi ko kasi alam kung anong pangalan niya.
"I actually said it to you before. Pero mukhang hindi mo na ata naalala. Well, I'm Xy.."
Before? saan ko ba talaga siya nakita?
Napansin kong ini-abot niya sakin ang kanyang kamay para makipag-shake hands. Ini-abot ko rin ang aking kamay at nakipag-shake hands rin ako sa kanya.
"So, Marsha. am I right?" napa-uwang nalang nang bahagya ang bibig ko. He really knows my name. Mukhang nag-kita na talaga ata kami before.
Hay nako Marsha! Alam mo, maganda ka lang, kaso ulyanin ka nga lang. Bahala na nga.
Napansin kong hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Bago ko pa makalas ang pagkaka-hawak nun ay bigla namang may nag-hiwalay nun, at ikina-bigla ko. Napatingin ako sa gumawa niyon.
"Is that what you said 'pahinga' a while ago? You are wanting a rest with this man?" galit niyang sabi. Magsasalita na sana ako nang bigla naman siyang naunang magsalita.
"You'll pay me for this." walang ekspresyon niyang sabi. Sabay hinigit niya ako sa kamay ko.
Nakita kong naiwan dun yung si Xy at naka-tingin lang ito samin, habang naglalakad kami papalayo sa kanya nang maka-labas na kami nang Jollibee.