Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 25 - Chapter 25: First Game

Chapter 25 - Chapter 25: First Game

Deanna POV

Ngayong ang araw ang simula ng Tournament. Lahat ay excited at kinakabahan lalo na ang nga manlalaro ng bawat eskwelahan. Abala ang karamihan sa amin, lalo na ang mga players, Coaches at maging ang aming mga supporters.

Maging ako ay kinakabahan lalo na itong magandang dilag na nasa aking tabi, si Jema. Habang pinanonood namin ang MC sa kanyang pagsasalita para isa-isang tawagin ang lahat ng mga atleta mula sa iba't ibang eskwelahan.

Napa ngiti ako bago inabot ang kamay ni Jema na ngayon ay hindi na maipinta ang kanyang itsura.

"Relax!" Agad na sabi ko rito bago ito napa tingin sa akin. "Sumubukan mo munang ikalma iyang sarili mo." Dagdag ko pa. "I'm sure, gagawin natin ang lahat upang manalo. Kaya hindi mo kailangang mag-alala, okay?"

Napa ngiti ito bago napatango atsaka napa buga ng hangin sa ere. "I'm just really nervous." Wika nito. "Hindi naman ako kinakabahan dahil sa mga makakalaban natin, kinakabahan ako dahil ayokong mapahiya sa harap mo at ma disapppoint kita habang naglalaro."

Natawa ako ng mahina. "Of course not. Ano ka ba? Kahit anong mangyari, magaling ka para sa akin at ako ang unang susuporta sayo sa lahat. Kaya tama na ang pag-aalala okay? Magsisimula na tayo maya maya lamang, kaya dapat naka focus na ang ating isipan." Dagdag na pagpapalakas ko ng loob sa aking girlfriend bago pinisil ng konti ang kamay nito na hawak ko.

Pagkatapos ng tila yata wala ng hanggang mga mensahe ng mga importanteng tao na bumubuo ng Tournament ay nagsimula rin kaagad ang competition.

Mabuti na lamang dahil hindi kami ang na unang tinawag na University para maglaro. Nagkaroon kami ng sapat na oras at paghahanda para maayos na mahigitan ang aming makakalaro na ibang eskwelahan. Kami ang pangalawang tinawag na team kung saan ang una naming makakalaban ay ang North University.

Sa gabay ng may kapal at sa tulong ng buong team at ng aming dakilang coach ay sa wakas, naipanalo namin ang unang laban. Masayang naghiyawan ang aming mga taga supporta lalo na ang aking team members. Sabay sabay nila akong sinalubong ng yakap at pinagitnaan noong maka score ako sa huling pagkakataon.

Ginulo ni Alyssa ang aking buhok, habang si Kyla at Bea ay parang mga bata na nakakapit sa aking braso at si Celine naman, naka ngiti lamang ito sa akin bago napatango. Bigla tuloy pumasok sa aking isipan iyong araw na nakita ko silang nag-uusap ni Jema.

Okay na kaya siya? Galit kaya siya sa akin? Iilan lamang iyon sa mga katanungan na gusto kong malaman ngunit alam kong darating din ang araw na masasagot iyon. Sigurado kasi ako na nasa moving on process na rin siya ngayon at tiyak na mahirap iyon para sa kanya.

"Pwede bang bigyan niyo naman ako ng space para mayakap ang gilfriend ko?" Kunwaring naiinis na sambit ni Jema habang naka tingin kay Kyla at Bea.

Napatawa ang mga ito bago napa iling bago tuluyan ng napakalas mula sa akin. "Pasensya 'ho mahal na Prinsesa, isusuli na namin ang mahal mong Prinsesa sa'yo." Mapang-asar na wika ni Bea bago nakipag aper sa tumatawang si Alyssa.

Mabilis na niyakap ako ni Jema kahit pa parehas kaming amoy at basang-basa ng pawis. "You're the best!" Komento nito bago ako pinupog ng halik sa aking pisnge habang ang kanyang mga kamay ay nakapulupot sa aking leeg.

Tatawa tawa akong kiniliti ito sa kanyang tagiliran atsaka marahan itong hinalikan sa kanyang ulo kahit pa alam kong maraming mga mata ang nanonood sa amin.

Dahil sa tuwa ni Coach ay hindi ito nag-alinlangan na i-treat kaming lahat ng dinner kasama ang iba pa nitong Co-teachers.

Lihim akong nananalangin na sana ay hanggang sa mga susunod at huli naming mga laro ay pagpalain kami. Ngunit kung ano man ang ibibigay ng at ipagkakaloob ni Lord ay maluwag namin iyong tatanggapim. Ang importante naman eh, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang maging Champion.

--------

Kinabukasan, maaga kaming nagising at nag-asikaso ni Jema upang makapag handa sa aming susunod na laro. Maaga rin na nagising ang inay at pinaghain kami ng aming agahan. Dahil ayaw daw nito na umalis kami na walang laman ang sikmura. Isa pa, madami rin daw kasi siyang gagawin ngayong araw at may lalakarin din na importante.

Hmmmm. Ano naman kaya iyon? Tanong ko sa aking isipan.

Habang kumakain kami ay napapansin ko na kanina pa tingin ng tingin sa akin si inay. Napakunot ang aking noo. "May gusto ka 'ho bang sabihin nay?" Hindi ko na pigilan na tanong rito.

Napangiti lamang ito sa akin bago muling napa subo ng kanin at ulam. Inubos niya muna iyon bago nagsalita.

"Wala naman, napapansin ko lang parang ang aliwalas ng mukha mo ngayon." Komento nito pagkatapos ay na painom ng tubig. "Anong ibig kong sabihin blooling ba anak, blooming. May nobyo ka na ba?"

Halos sabay kami ni Jema na napa ubo at animo'y nabilaukan sa kanyang tanong. Mabilis na inabot ko ang baso atsaka napa inom ng tunig mula roon.

"Nay naman! Ano ho ba yang naiisip ninyo?"

May usapan kami ni Jema na sasabihin na kay nanay, pero pagkatapos pa ng Tournament. Kaya hindi pupwede na madulas ako o maging si Jema ngayon dahil tiyak na uulanin kami ng nanay ng maraming katanungan.

Nagpa lipat lipat ito ng tingin mula sa akin at sa nananahimik ngunit naka ngisi na si Jema.

"Jema, hija. Sabihin mo nga sa akin, may nobyo na ba itong anak ko? May nagpapasaya na ba sa kanya?" Sunod sunod na tanong nito kay Jema.

Hindi napigilan na mapakagat labi ni Jema upang pigilan ang nagbabadya na pagtawa. Napa iwas ito ng tingin sa nanay. "W-wala 'ho siyang nobyo aling Lucy." Pag sisinungaling nito. "Nobya lang." Dagdag na bulong pa nito sa sarili. Mabilis na pinandilatan ko ito ng aking mga mata.

"Ano kamo?" Kagaad na tanong nanay.

"Ehem! Wala' ho, Aling Lucy." Sagot nito. "Ang sabi ko 'ho, ako ang unang magsasabi sa inyo kung magkaka nobyo si Deanna." Napahinga ako ng maluwag dahil akala ko nadinig ni inay ang huli nitong sinabi.

"Mabuti naman kung ganon. Basta sasabihin mo sa akin kung may pumuporma na sa Deanna ko ha." Paki-usap ng nanay.

Napa ngiti si Jema bago muling napa ngiti ng palihim. "Wala 'hong pumuporma Aling Lucy. Takot lang' ho nila sa akin." Isang malakas na sipa sa paa ang natamo nito sa akin mula sa ilalim ng lamesa dahilan upang mapa ngiwi ito.

"Ah basta, mabuti ng hindi ka naglilihim sa akin anak." Wika nito habang naka tingin na naman ngayo ng diretso sa akin. "Hindi ka parin pala nagkaka nobyo hanggang ngayon, akala ko meron na." Mukhang dismayado na sambit nito. "Baka babae ang naka tadhana sayo anak---

"Nay, tama na ho!" Mabilis na putol ko rito. Isang hagikhik naman ang pinakawalan ni Jema habang napapa palakpak pa dahil sa kanyang nadinig.

Ngunit mabilis itong natigilan nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sandali niya pa itong tinitigan pagkatapos ay napatayo at sinagot ang tawag.

"I have to take this call. Excuse me." Naglakad ito papunta sa may sala at doon kina usap ang kung sino mang tao ang napatawag sa kanya ng ganito kaaga.

Hindi iyon nagtagal ng bumalik itong muli na animo'y kinakabahan. "Ayos ka lang ba hija?" Tanong ni inay rito. Habang ako naman ay nag-aalalang naka tingin sa kanyang mukha. Hindi na kasi ito mapakali at halata mong balisa.

"Yes, I'm fine." Sagot nito.

Nagsalubong ang aming mga mata. "Uhmm...aling Lucy, I think me and Deanna are need to go now." Biglang pagpapaalam nito kay inay.

"S-sige mga anak. Mag iingat kayo at ipanalo ninyo muli ang laro ngayong araw ha?" Sabi ng nanay bago kami tumalikod. Tumayo ito at hinalikan ako sa pisnge.

Mabilis ang mga hakbang na tinungo ni Jema ang pintuan habang ako naman ay tahimik na naka sunod lamang din dito.

Pagdating sa loob ng kotse ay panay ang pag buntong hininga nito. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatingin ng may pag-aalala.

"Please, stop staring like that." Saway nito sa akin bago binuhay na ng tuluyan ang makina ng sasakyan at binaybay namin ang daanan.

Hindi ako nagsalita at nanatiling tikom lamang ang mga bibig.

"It's dad." Tukoy nito sa kausap sa telepono kanina. "Gusto nitong makipag kita sa akin mamaya, to have a lunch with him." Napa lunok ito bago nagpatuloy.

"Naisip ko rin na...baka ito na ang tamang araw para sabihin sa kanya ang tungkol sayo. Ang tungkol sa atin. What do you think?"

This time, ako na naman ang napalunok at naka ramdam ng biglang kaba. Handa na ba ako na magpakilala sa kanyang ama? Paano kung hindi ako tanggap nito para sa kanyang anak? Paano kung may iba pala itong gusto para kay Jema? Lalo na kung malaman nito na hindi ako mayaman katulad ng ibang mga nagkaka gusto sa kanya? Pero...kahit na ano pa ang mangyari, patutunayan ko at ipapakita ko na karapat dapat ako sa anak niya. Lalo na at hinding hindi ko ito sasaktan. At paka mamahalin ko ito lalo dahil iyon ang deserve niya.