Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 27 - Chapter 27: Waiting

Chapter 27 - Chapter 27: Waiting

Deanna POV

Lumipas ang isa, dalawa, hanggang tatlong linggo simula noong araw na na injured ako, sa wakas ay magaling na rin ako. Hindi ko na kailangang gumamit pa ng saklay sa pag pasok sa school para lamang hindi maka absent at walang ma miss na mga quizzes.

Panay naman ang paghinge ko ng paumanhin sa aking mga Teammates hanggang ngayon, dahil sa nangyari. Hindi kasi kami ang nag Champion sa Tournament, pero ayos lang. Ang importante ginawa parin namin ang lahat lalo na ng aking mga kasamahan sa abo't ng kanilang makakaya para maipanalo lamang ang aming University.

Pagkatapos ng mahabang pahinga, makakabalik na rin akong muli sa paglalaro. Sana nga lang, hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari sa akin. Nakakalungkot pala kasi ng sobra na panoorin ang aking mga kasamahan sa pamamagitan ng TV habang ako naman ay walang magawa na nakahilata lang sa kama. Pakiramdam ko, napaka wala kong kwentang Teammate.

Ngunit sabi nga ng Inay, huwag ko na raw problemahin pa ang bagay na tapos na at nangyari na. Ipagpasalamat ko na lang ang nangyari lalo na at magaling na ako ngayon.

At kung gusto man ninyong malaman ang tungkol sa amin ni Jema, heto, wala parin akong balita sa kanya. Simula kasi noong pangalawang linggo ng aking pamamahinga sa Hospital at makabalik ako sa eskwelahan ay hindi ko pa ito nakikita.

Actually, pagkatapos ako nitong puntahan noong unang gabi ko sa Hospital, iyon na ang huling na beses na nayakap ko ito at nahawakan. Pagkatapos noon, hindi ko na ito muling nakita pa.

Palagi kong inaabangan ang mga messages niya pero wala. Palagi ko siyang hinihintay na baka isang araw dumating siya sa pintuan ng kuwarto, pero wala. Walang araw at gabi na hindi ko siya gustong maka usap at makasama. Kahit text man lang o kahit na ano mula sa kanya...wala. Wala talaga siyang paramdam.

Kaya kahit ipinagbabawal pa ng Doctor na pumasok na ako sa eskwelahan ay pinilit ko talaga ang aking kagustuhan. Nagbabakasali na baka doon, magkaroon ako ng pagkakataon na makita siya. Pero na bigo rin ako. Dahil kahit mga kaibigan niya, hinahanap din siya. Gusto rin siyang makita. At lahat, kinokontak siya.

Nakaka lungkot matulog sa loob ng aking kwarto na wala siya. Na hindi siya ang nasa tabi ko at hindi ko narininig ang boses niya. Para akong mababaliw sa lungkot at sama ng loob.

Minsan napapa isip ako kung kinalimutan na ba niya ako. Kung bakit nagawa ako nitong tiisin sa loob ng tatlong linggo at sa ganoong kalagayan at sitwasyon. Nahihirapan na ba siya? Ayaw na ba niya? Gusto kong malaman kung bakit kami nagkaka ganito at kung bakit kami umabot sa punto na ito.

Miss na miss ko na siya...

Halos sa tatlong linggo na iyon ay wala pa akong maayos na tulog. Hindi rin ako nakakakain ng maayos dahil sa pag-aalala sa kanya. Hindi ko nga alam kung may nangyari na bang masama sa kanya o ano eh. Nakaka torete ng utak!

Pero ayos lang, paulit-ulit at hinding hindi ako magsasawang ipagdarasal na sana ay maayos naman siya. Na sana ay nakakain siya ng tama at naaalagaan niya ang sarili niya. Dahil kung hindi...hindi ko alam kung anong magagawa ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may nangyari na hindi maganda sa girlfriend ko.

-------

Lumipas pa ang dalawang araw, halos mag iisang buwan na na wala itong paramdam. Nangangati na ang aking mga mata na makita siya. Iritable na rin ako sa paligid, hindi ko na nga makausap ng maayos si nanay dahil sa hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung saan ba ang girlfriend ko.

Nasaan kana ba Jema? Magpakita ka naman na oh. Magparamdam kana. Miss na miss na kita mahal ko. Pag susumamo ko sa aking sarili na sana naman ay pakinggan ako ng mundo.

Naiinip na ako ng sobra! Pakiramdam ko ang napaka boring na ng buhay ko. Walang sigla at ang tamlay.

"You okay?" Tanong sa akin ni Celine habang naka upo kami rito sa loob Cafeteria kasama ang iba pa naming kaibigan. Tapos na kami sa pagkain at naghihintay na lamang sa pag bell para sa susunod na klase.

Kunot noo akong nag-angat ng tingin at sinalubong ang mga mata nito. Nakakagulat kasi dahil ngayon lamang yata niya ako kinausap ng ganito. Naka upo ito sa aking harapan bago napatayo at lumipat sa aking tabi at doon na upo. Habang sina Alyssa, Bea at Kyla naman ay abala sa pakikipag kwentuhan.

"Please, stop looking like that." Sabay irap na wika nito sa akin. Napa tikhim ako bago napaiwas ng tingin.

"Pasensya na, hindi lang kasi ako sanay na..." Napahinto ako. "Kinakausap mo ako." Sabay nanahiyang napa ngiti rito. Ngunit naka titig lamang ito sa aking mukha bago napa iwas ng tingin pagkatapos ng ilang sandali.

"I know you're worried about her. And so do I." Wika nito. "But I think let's just give her some time to think and---

"A-alam mo ba kung nasaan siya? Kung saan ko siya pweding maka-usap?" Putol ko sa sinasabi nito. Ngunit binigyan lamang ako nito ng isang tingin bago napailing at napatayo.

"Yes, I know. But I can't tell you Deanna." Wika nito. Awtomatikong napa baling ng tingin sa amin ang tatlo habang nagtatanong ang mga matang napatingin kay Celine. So...talagang hindi rin pala nila alam at si Celine lamang ang nakakalam kung nasaan si Jema.

"Pero bakit?" Nanghihina ang mga tuhod na tanong ko sa kanya.

"Masasaktan ka lang. And for sure, she didn't want that to happen." Iyon lamang ang nasabi niya pagkatapos ay mabilis ang mga hakbang na naglakad papalabas ng Cafeteria.

Bagsak ang mga balikat na tinignan ako ng tatlo habang may namumuong lungkot na naman sa aking dibdib. Pilit na napa ngiti ako sa kanila bago kinuha ang aking bag at na una ng naglakad papunta sa susunod namin na klase.

Simula noong magkausap kami ni Celine, hindi na yata ako nakapag focus pa sa mga lesson na meron kami hanggang sa matapos ang araw. Malalim at lumilipad ang aking isipan, hindi rin ako napag sulat ng kahit na anong notes dahil ang tanging nasa isip ko lamang ay si Jema.

Jema.

Ayoko ng mag-alala pa ng ganito pero anong magagawa ko? Hindi ako mapapanatag hangga't hindi kami nagkikita at nagkaka usap muli. Pati si Inay, nagtataka na rin at nagsisimula ng magtanong tungkol sa kanya.

Gabi na naman, habang naglalakad ay nagpapalinga linga ako sandali sa paligid. Napadaan ako sa isang Parking area, medyo may karamihan din ang sasakyan na nandoon ngunit iisa lamang ang nakaagaw ng aking atensyon.

Ang isang kulay puting kotse na hindi lamang pamilyar sa akin kung hindi kilalang kilala ko pa kung kanino at sino ang nagmamay-ari nito. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at daig pa nito ang pinupukpok dahil sa lakas ng pagkabog.

Awtomatikong nanlamig ang aking katawan at napahinto sa aking kitatayuan nang makita ko ang isang babae na naglalakad mula sa loob ng isang Convenience Store. May hawak itong yosi at sa kabilang kamay naman ay mayroong hawak na bote ng beer. Naglalakad ito papunta sa aking kitatayuan kung saan banda naka park ang kanyang kotse.

Napalunok ako ng maraming beses. Hindi ko alam kung papaano ko ito lalapitan o kakausapin. Ngunit kailangan kong lakasan ang aking loob. Hinintay ko lamang itong makalapit pa, tatlong hakbang mula sa akin bago nagsimulang ibukas ang aking bibig.

"Jemalyn?" Kunot noo na tanong ko rito. Dahan-dahan itong napa hinto sa paglalakad at parang nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ako sa kanyang harapan.

"D-Deanna.." Sambit nito sa aking pangalan bago napa iwas ng tingin.

Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi ito titigan sa kanyang mga mata at buong mukha. At doon, kusa na lamang bumuhos ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko sa itsura nito na nahihirapan na siya, na nasasaktan na siya ng sobra. Hindi na siya ang Jemalyn Galanza na nakilala ko dati. Dahil ang nasa harapan ko ngayon ay isang wasted at miserable na Jema.

Sa nakikita ko rin ngayon, ilang araw na siyang hindi naliligo. Hindi na nito naaalagaan ang kanyang sarili, hindi gaya ng dati. Magulo ang buhok nito na animo'y hindi nagsusuklay at nanlalagkit na. Makikita rin may medyo ilang araw na nitong suot ang damit na nasa kanyang katwan. At nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan akong makita siya sa ganitong kalagayan.

"A-anong..." Napahinga ako ng malalim bago napahilamos ng palad sa aking mukha. "Ano bang nangyayari Jema?" Parang kinukurot ang puso ko ngayon sa sakit. Pilit na pinipigilan ko ang sariling huwag maluha ngunit ayaw nitong papigil.

"Please, sabihin mo naman sa akin kung anong problema oh! G-girlfriend mo ako diba? Ang sakit-sakit na makita kang ganyan. Please...nakiki-usap ako. Hayaan mo namang tulungan at damayan kita." Paki-usap ko sa kanya. "May ayaw ka ba sa akin? Sabihin mo dahil babaguhin ko. May gusto ka bang gawin ko? Sabihin mo please..."

Napa iling ito na para bang ayaw nitong nakikita akong umiiyak. Awtomatikong nag-unahan din ang kanyang luha sa pagpatak bago mabilis ang mga hakbang na lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 'Yong mahigpit na mahigpit.

"I-I'm sorry...I'm so sorry Deanna. " Paghingi nito ng tawad. "I don't want you to see me in this way. I'm so fucked up right now. I don't want you to feel sorry for what I've been through, so I prefer not to show you in this past few weeks." Umiiyak din na paliwanag nito habang nakayakap parin.

Kung may isang bagay man ngayon ang ayaw kong masira, iyon ay ang puso ni Jema. Dahil simula noong araw na minahal ko siya, pinangako ko sa sarili ko na paka iingatan ko ang lahat ng meron ito na parang sariling akin. Hindi na bale na ako nalang ang masaktan, huwag lang siya. Ako nalang sana ang nakakaramdam ng lahat ng iyon, para tanging mga ngiti niya lamang ang nakikita ko ngayon. Mga tawa lamang nito ang naririnig ko. Hindi iyong ganito, sobrang nakaka durog ng puso.