Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 29 - Chapter 29: Sweet Presence

Chapter 29 - Chapter 29: Sweet Presence

Jema POV

Lumipas ang halos isang buwan nang hindi parin ako nagpapakita o bumibisita man lamang kay Deanna. Sabihin na ninyong masama akong girlfriend, pero ginagawa ko lamang din ang part ko bilang girlfriend niya.

Kaya kahit pa na alam kong kailangan ako nito sa kanyang tabi ay mas pinili ko na muna ang hindi rito magparamdam at magbigay ng kahit na anong mensahe. Alam kong nag-aalala na rin ito ng labis sa akin, ganoon din naman ako. Kaya wala akong ibang choice ngayon kung hindi ang makibalita sa kanya, sa pamamagitan ni Celine.

Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung may patutunguhan pa ba itong sa amin ni Deanna. Pero patuloy parin akong nananalangin na sana ay kahit ngayon lamang, muli sanang pakinggan ni Lord ang aking mga kahilingan.

Miss na miss ko na siya, gustong gusto ko na siyang muling makita, pero kailangan ko muna sa ngayon ang magtiis.

Ilang beses ko na ring sinubukan na kausapin si Aling Lucy at sabihin na sa kanya ang tungkol sa amin ni Deanna, pero inuunahan ako ng takot. Inuunahan ako ng napakaraming pangamba at pag-aalala. Lalo pa at sa tuwing magtatangka ako na kausapin ito ay palaging bigla na lamang susulpot si daddy at titignan ako ng masama na animo'y nababasa ang kung anong pinaplano at nasa isipan ko.

Sa loob ng halos isang buwan, napaka bigat ng aking nararamdaman. Wala na akong maayos na tulog at hindi na rin kumakain ng tama. Alak at yosi ang hawak ko sa araw-araw sa halip na ballpen at papel kasama at katabi ang babaeng mahal ko.

Ewan ko, gusto kong hayaan na lamang ang lahat. Gusto kong sukuan nalang ang lahat. Bakit? Si daddy iyon eh, wala akong laban kahit pa suwayin ko pa siya ng maraming beses, gagawin at gagwin parin nito ang kung ano ang tama at makaka buti para sa sarili niya.

Duwag ba ako? Kung hinahayaan ko na lamang na ganito ang nangyayari sa akin at hinahayaang mag-alala ang girlfriend ko? Siguro nga, oo.

Gusto ko siyang bisitahin o kahit silipin man lamang kahit sandali, kahit isang segundo man lamang gusto kong masilayan ang mukha ni Deanna. Ang mga ngiti niya. Marinig ang kanyang mga tawa. Siguro, dahil sa mga iyon ay muli akong makakaramdam ng sigla na nawala sa akin nitong mga nakaraang linggo.

Pero wala akong lakas ng loob na magpakita sa kanya na ganito ang kalagayan ko. I feel so helpless...naduduwag akong harapin siya o maging sabihin sa kanya ang lahat ng ito. Dahil for sure, hindi parin nito alam ang tungkol sa nanay nito at kay daddy.

Alam kong katulad ko, masasaktan din ito. Madudurog, kaya huwag na lamang.

Sandali akong napa yuko nang maamoy ko ang aking sarili bago napa ngiwi dahil sa amoy ng aking katawan. May ilang araw na ba noong huling beses akong naligo? Napa kagat ako sa aking labi. Pati sarili ko napapabayaan ko na. Napa tingin ako sa salamin na naka display lamang sa loob ng Convenient Store bago napa hawak sa aking mukha.

Nangangayayat na rin ako. Medyo kumikipis na rin ang aking mukha at masyadong nahahalata na ang aking naglalakihang eye bags. What the hell, Jema? You are no longer the person I know.

Mabilis na pinahid ko ang aking luha na pumapatak sa aking pisnge atsaka lumapit na sa cashier at tuluyan ng binayaran ang aking hawak na bote ng alak at pati na rin yosi.

Isang napakalalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago napa tingala sa kalawakan noong oras na maka labas na ako ng Convenient Store.

Kumusta na kaya siya? Malungkot na tanong ko sa aking sarili.

Sabi kasi ni Celine, magaling na siya at nakakalakad na ngayon ng mas maayos. Masaya akong okay na siya, pero nakaka lungkot lang kasi...hindi man lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na maalagaan siya. Sa halip na dapat ay nasa kanyang tabi lamang ako, heto ako, nagpapaka lunod sa alak.

"Jemalyn?" Napa ngiti ako sa aking loob ng marinig ang boses na iyon. Nababaliw na rin yata ako. Pati boses niya sinusundan na ako.

Ngunit awtomatikong nanlaki ang aking mga mata ng makita ang nag mamay-ari ng boses na iyon, na naka tayo lamang mismo malapit sa aking sasakyan. Bigla akong nanlamig at parang binuhusan ng malamig na tubig.

"D-Deanna.." Hindi ko mapigilang bigkasin ang kanyang pangalan. Nakaka miss pala na banggiting muli galing sa aking mga labi ang kanyang pangalan.

Pinasadahan ako nito ng tingin sa aking mukha hanggang sa aking buong katawan. Ngayong nasa kanya na akong harapan, tila ba sinisipat nito ng maigi ang lahat sa akin. At wala pang ilang minuto nang kusa na lamang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. Suddenly I felt pain in my chest the moment I saw her crying. I hate seeing her like this.

"A-anong..." Napahinga ito malalim bago napahilamos ng palad sa sa kanyang mukha. "Ano bang nangyayari Jema?" Walang ideya na tanong nito sa akin habang umiiyak. Napa iwas ako ng tingin, ngunit kaagad ko rin iyong ibinalik sa kanyang mukha pagkaraan lamang ng ilang segundo.

"Please, sabihin mo naman sa akin kung anong problema oh! G-girlfriend mo ako diba? Ang sakit-sakit na makita kang ganyan. Please...nakiki-usap ako. Hayaan mo namang tulungan at damayan kita." Paki-usap nito sa akin. "May ayaw ka ba sa akin? Sabihin mo dahil babaguhin ko. May gusto ka bang gawin ko? Sabihin mo please..."

Nagagalit ako sa sarili ko ngayon dahil sa naidudulot kong pag-aalala at sakit kay Deanna. Mabilis akong napa iling atsaka napa luha na rin nang marinig ang mga sinabi nito. Awtomatikong inihakbang ko ang aking mga paa at lumapit sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit habang umiiyak.

"I-I'm sorry...I'm so sorry Deanna. " Paulit-ulit na paghingi ko ng tawad. "I don't want you to see me in this way. I'm so fucked up right now. I don't want you to feel sorry for what I've been through, so I prefer not to show you in this past few weeks." Dagdag ko pa at mas lalong nag sumiksik sa kanyang katawan.

The moment I embrace her again, I feel my body revitalize. I felt like I found my home again. Iyon bang safe na akong muli at malayo na sa magulong pag-iisip at mapanakit na problema na pinagdadaanan.

-------

"Good morning." Naka ngiting pagbati nito sa akin bago ako hinalikan sa tungki ng aking ilong. Nakahiga ito sa aking tabi habang mayroon namang malawak at malambing na ngiti sa kanyang mga labi.

Nahihiyang tinakpan ko ng kumot ang aking mukha habang napapakagat sa aking labi.

"Ehhhhh. Wag ka ngaaaa." Parang bata na saway ko habang nagpapadyak pa ng mga paa dahil masyadong nakaka ilang ang mga titig niya.

Kahit hindi ko pa man nakikita ang aking itsura ngayon, alam kong namamaga parin ang aking mga mata dahil sa sobrang pag-iyak kagabi. Paulit-ulit kasi akong humihinge ng tawad sa kanya dahil sa halos isang buwan na hindi pagpaparamdam.

Iyong Deanna na inaasahan kong magagalit at ipagtatabuyan ako ay inalagaan pa ako kagabi. Hinayaang maligo ng halos ilang oras at ipinag luto ng makakain. At ngayon nga, heto na siya, naka ngiti na para bang isang anghel dahil sa amo at ganda ng kanyang itsura.

Isang himpit na tili at pagtawa ang aking pinakawalan nang bigla ako nitong kiniliti sa aking tagiliran habang naka dagan pa ito sa akin.

"Ahhhhhhh! D-Dean..Deanna s-stop p-please..hahahahaha!"

Ngunit hindi parin ito tumitigil kaya patuloy parin ako sa walang humpay na kakatawa. Hirap na ako halos huminga at nawawalan na ng hangin sa katawan.

Mabuti na lamang at hindi na iyon inabot pa ng ilang minuto bago tumigil dahil kung hindi, baka naputulan na ako ng ugat sa katawan. Haha.

"Halika." Bigla nitong pagyaya sa akin. Nagtatanong ang mga matang napa tingin ako sa kanya habang pinupunasan din ang mga ito dahil sa pagluha mula sa sobrang pagtawa. "Wag mo nga akong tignan ng ganyan, kakain na ho tayo dahil tanghali na."

"A-anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya.

Napa tawa ito ng mahina. "Alas onse na ng umaga." Sagot nito bago na una ng naglakad papalabas ng kuwarto. "Sumunod kana ha. Magtitimpla lang ako ng juice." Dagdag pa niya.

Ibig ba niyang sabihin, umabsent siya para lamang sa akin? Naiiling na tanong ko sa sarili bago napa tingin sa buong kuwarto.

A sweet smile drew on my lips as I remembered each moment we had in this room. Inaamin kong sobra ko itong namiss, ang maliit na kuwarto ni Deanna. Ang kuwarto kung saan may huling nangyari sa amin---

Erase. Erase.

Kaagad na inalis ko sa aking isipan ang bagay na iyon. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para diyan. Madami pang bagay na kailangang ayusin at dapat na unahin sa ngayon.

Pagkatapos ng aking pag momoment ay bumaba na rin ako ng kuwarto at nag tungo sa kusina. Medyo kumakalam na rin kasi ang aking sikmura. Isa pa, alam ko naman na wala si Aling Lucy ngayon dahil mayroong pasok sa eskwelahan.

Papalapit pa lamang ako sa kusina ay naaamoy ko na ang napakabangong ulam na inihain nito. Ngunit pagdating ko roon ay wala akong nadatnan na Deanna.

Kunot noong inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Napa lunok ako bago muling pumihit papunta sa may sala, at doon nasalubong ko si Deanna habang mayroong malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Iyong mababakas mo sa kanyang mukha at mga mata ang excitement. Hindi ko na rin tuloy mapigilan ang hindi mapa ngiti ng malawak. Sino ba naman ang hindi mahahawa sa kanyang mga ngiti, hindi ba?

Bigla nitong itinaas ang kanyang kanang kamay habang hawak ang kanyang cellphone.

"Ikakasal na na si Inay!" Excited na sabi nito habang naka tingin sa akin. "Ang saya-saya ko para sa kanya, Jema. Buong buhay ko, ito ang pinangarap ko para sa kanya." Sinasabi niya ang mga iyon na kulang nalang eh, may lumabas na crystal sa kanyang mga mata dahil sa sobrang pagkislap ng mga ito.

At dahil doon, kusa na lamang na bura ang aking mga ngiti sa aking labi. I felt like my heart was pounding again because of the pain.

Hindi ako nagsalita at nanatili lamang na tahimik.

"Makikipag kita raw si Inay sa akin mamaya para ipakilala ang lalaki na kanyang pakakasalan." Masaya parin na wika nito.

Lumapit ito sa akin bago ako hinawakan sa kamay at hinalikan ang likod nito. She looked at me with her eyes full of love.

"Balang araw, ikakasal rin tayo. Hindi ba? Iyon naman ang pangarap ko para sa sarili ko, ang maikasal sayo." Determinadong sabi nito bago ako hinalikan sa noo.

And that made me cry again. Sana lang, sana lang nga eh mangyari pa ang araw na iyon.