Now playing: Isa pang ikaw
Jema POV
Kanina pa ako hindi mapakali habang palakad-lakad dito sa labas ng classrom at naghihintay sa pagdating ni Deanna. Hindi kasi kami magkita kagabi dahil kina Alyssa na muna ako natulog.
Hindi kasi nila ako tinatantanan hanggat hindi ko sinasabi sa kanila ang tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang lingo, na hindi ako nag papakita sa kanila.
Isang pang malakasan na pag hinga ng malalim ang aking pinakawalan bago frustrated na napa hawak sa aking batok.
"Wala parin ba?" Nag-aalala na tanong ni Alyssa habang pinapanood ako sa paroon at parito. "Pati ako, nahihilo na sayo eh. Kumalma ka nga!" Saway nito sa akin.
"Darating din 'yon." Wika ni Celine. Maging sila ay inaabangan din ang pagdating ni Deanna. "Papasok na kami sa loob, if you need help, tawagin mo lang kami." Dagdag pa nito bago tuluyan ng muling pumasok sa loob ng classrom.
Habang ako naman ay nagpatuloy pa sa pahihintay kay Deanna. Hindi nagtagal ay dumating na rin ito. Kaagad ko siyang sinalubong habang naglalakad papalapit sa akin. Isang malawak na ngiti ang kanyang ibinungad ng magtama na ang aming mga mata.
"G-good morning." Utal na pagbati ko sa kanya. "Kanina pa kita hinihintay eh." Sabay nahihiyang napakamot sa aking batok.
Natawa ito ng mahina atsaka ako hinawakan sa kamay. "Hindi na muna tayo papasok ngayon." Wika nito. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya. "Last day na rin naman ng pasok ngayong week eh."
"Ha? Pero bakit?" Naguguluhan kong tanong.
"May pupuntahan tayo." Naka ngiting sambit pa niya bago ako hinawakan na sa braso at iginaya papuntang parking area. "Itext mo nalang sina Alyssa, sabihin mo may date tayo. Upang hindi na sila mag-alala." Iyon lamang ang sinabi nito pagkatapos ay dumiretso na kami sa aking kotse.
Siya na raw kasi muna ang magmamaneho, kaya kaagad niya rin iyong pinasibad nang makapasok kami sa loob. Hinayaan ko na rin dahil mukhang ganado itong magmaneho ngayong araw.
Awtomatiking gumuhit ang ngiti sa aking labi habang pinanonood ito sa kanyang pagdadrive. Dumukhang ako upang bigyan ito ng isang halik sa pisnge.
"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Pangungulit kong muli dahil halos dalawang oras na kami sa biyahe ay hindi parin nito sinasabi kung saan ba talaga kami pupunta.
Napa lingon lamang ito sandali sa akin, pagkatapos ay muling ibinalik ang nga mata sa dinadaanan.
"Basta." Tipid na sagot niya ngunit naka ngiti naman. "Malalaman mo rin. Please, wag ka ng madaming tanong. Basta, ito ang pinaka magiging masaya na araw natin."
Napansin ko na lamang na nasa Olongapo na kami at papunta sa Subic. Hindi nga ako nagkamali, lalo na noong huminto kami misnmo roon, manonood daw kasi kami ng Dolphin and Whales.
Yay!
Ang saya saya ko lang lalo na noong marealize ko na, ito ang first time ever out of town namin na kami lang dalawa ang magkasama.
Sariling pera rin nito ang gagastusin namin ngayong araw at huwag daw akong maglalabas kahit na peso. Nakapag ipon daw kasi ito kahit papano sa kanyang alkansya. Nakakatuwa lang kasi, tudo effort talaga para sa akin.
Pagkatapos namin manood ay kaagad na dumiretso kami sa isang sikat na Steakhouse dito lamang din malapit sa Subic Bay. Sariling ideya niya rin ito at dito kami ngayon manananghalian.
Lumaki man ako sa karanggyaan at napunta na sa iba't ibang lugar, but I have never been to this place. Mahahalata kasi na hindi lamang ito isang ordinaryong Steakhouse kung hindi, may kamahalan rin.
Napa tingin ako kay Deanna na para bang nag-aalangan. "Bakit?" Natatawa na tanong nito ng makita ang aking naging itsura. "Wag mo na akong tignan ng ganyan. " Saway pa nito bago ako ipinaghila ng upuan.
"S-sigurado ka bang ayaw mong tulungan kita sa pagbayad?" Kung bakit naman kasi pumayag pa ako sa kagustuhan niya eh. "O kung hindi naman, lumipat nalang kaya tayo sa iba. Kanina ka pa kasi gastos ng gastos sa akin---
Kaagad na napatigil ako dahil tinignan ako nito ng masama. "Ano ka ba? Sabi ko naman diba, treat ko ngayong araw."
Napakamot ako sa aking kilay. "Mahal.." Sinubukan kong lambingan ang aking boses. "Date natin 'to. Hindi ba pweding paghatian nalang natin ang pagbayad rito?" Medyo may kamahalan kasi talaga dito eh.
Marahan na hinawakan din nito ang aking kamay na nakahawak sa kanya bago ako tinignan sa mga mata. "Worth it kang pagka gastusan. 'Yong mga ngiti at tawa mo na nakita ko kanina? Sobrang priceless lahat ng mga iyon. Kaya hayaan mo na muna ako kahit ngayon lang. Okay? Palagi nalang kaya ikaw ang naglalabas. Paminsan-minsan, ako naman." Wika nito.
"Isa pa, medyo malaki laki naman ang naipon ko 'no? Ako pa ba?" May pagmamayabang pa na sabi niya.
"Awww. Ang sweet naman ng girlfriend ko." Komento ko. "Sige na nga." Pagpayag ko.
"May I take your order ma'am?" Ang tanong ng isang waitress nang makalapit sa aming lamesa.
Nag-order na muna kami ng aming makakain. At habang naghihintay na dumating ang mga iyon ay panay naman ang pagbabanat at pag pipick-up lines ni Deanna sa akin. Pinag titinginan na nga kami ng iilan na kalapit lamesa dahil sa mga sinasabi nito at mga tawanan namin. Pero hindi namin sila pinapansin at nagpatuloy na lamang sa aming ginagawa.
I never thought it would be this fun. Ngayon lamang ako nakipag date ng ganito kasaya at ka pure ang tuwa na nararamdaman ko. Kay Deanna, nawawala lahat ng alalahanin ko sa buhay. Lahat ng pangamba ko ay kusang naglalaho na lamang basta't nandiyan siya.
"Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babae na idinate ko?" Tanong nito sa akin. Ipinatong ko ang aking siko sa lamesa at doon nangalumbaba habang nakatitig sa kanya. "Ikaw lang din ang kauna-unahang babae na hindi tumigil para lang makuha ang puso ko."
Napa yuko ako upang pagtakpan ang pamumula ng mga pisnge ko habang may sumisilay naman na ngiti sa labi. "Alam mo bang mas maganda ka kapag nagbblush ka? Katulad ngayon." Sabay abot nito sa baba ko at itinaas iyon upang salubungin ang mga tingin ko.
Isa pa. Hindi ba siya titigil?
"Ehhhhh. Deanns naman eh!" Napa nguso ako. "Wag ka ngang ganyan, sige ka! Kapag hindi ako nakapg pigil, hahalikan talaga kita right in front of these people." Pagbabanta ko pa. Natawa ito habang napapailing.
Patuloy lamang ito sa kanyang mga banat hanggang sa hindi nagtagal ay dumating na rin ang aming pagkain. Masaya naming pinagsaluhan iyon. Iyong tipong kahit dalawa lamang kami sa hapag kainan ay parang fiesta na ang saya. Alam niyo ba 'yong ganong pakiramdam?
-----------
Pabalik na kami ngayon ng Maynila. Ako na rin ang nag kusang magmaneho dahil alam kong kanina pa siya pagod. Pero kanina ko pa napapansin ang biglang pananahimik nito. Kanina pa rin ako pa sulyap-sulyap sa kanya pero hindi man lamang ako nito tinatapunan ng kahit isang tingin. Hindi na siya kumikibo o nagsasalita hindi gaya kanina, habang naka tingin lamang sa labas ng bintana na animo'y may malalim na iniisip.
Naubos siguro ang energy. Tatawa-tawa kong sabi sa aking sarili.
Pero alam kong mayroong mali. May nararamdaman ako na hindi maganda kaya naman, agad na itinabi ko muna ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Are you alright?" May pag-aalala na tanong ko rito pag ka kuwan.
"Kanina ka pa kasi tahimik eh." Noon lamang din ito napa tingin sa aking mukha ngunit kaagad din itong nagbawi ng kanyang mga mata pagkaran lamang ng ilang sandali.
"Oo naman. A-ayos lang ako." Utal na sagot nito ngunit sa labas parin ng bintana ang mga mata. Doon pa lamang, alam kong may gumugulo sa kanyang isipin.
Tinanggal ko ang seat belt mula sa aking katawan bago napaharap dito ng mas maayos. Hinawakan ko ang kanyang dalawang kamay na nakapatong lamang sa kanyang legs.
"Is there something you wanted to tell me?" Tanong ko rito ng may halong kaba sa aking boses. "Please, tell me. Maybe I can help." Dagdag ko pa.
Napalunok lamang ito bago binawi ang kanyang kamay mula sa akin. Binasa rin nito ang kanyang ibabang parte ng labi gamit ang dulo ng kanyang dila.
"Bakit hindi mo kaagad sinabi?" Tanong nito at napiyok pa sa dulo. Nahihimigan ko rin ang kanyang pagtatampo.
Napa yuko ako bago nag-ayos muli ng pagkakaupo. "Deanns, please. I don't want to talk about it---
"Iyon ba ang dahilan kung bakit halos isang buwan ka na hindi nagpakita sa akin?" Muling tanong pa niya.
"Jema, magpapakasal na sila. Paano tayo?" May hinagpis sa kanyang boses. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapanghinaan ng loob.
"Ang saya-saya ng araw natin Deanns. Please, wag mo naman sanang hayaan na masisira lang 'yon. We'll talk about it later, okay?" Napa tingin akong muli sa unahan at handa na sana sa pag manehong muli nang magsalita ito.
"Noong makilala ko ang lalaking mapapangasawa ng nanay ko, lalo na noong malaman na ama pala siya ng babaeng minahal ko. Masaya ko." Panimula nito. "Masaya ako dahil...sa wakas, nakilala ko na ang taong dahilan kung bakit ka nandito sa mundo. Kung bakit nakilala kita."
Inayos nito ang kanyang pagkaka-upo. Hindi ako nagsalita dahil pakiramdam ko, mayroong isang bagay na nakabara sa aking lalamunan at hirap akong makapag salita.
"Nakita ko rin kung gaano kasaya ang nanay sa piling niya. At kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Parang tayo..." Napa sulyap ito sa akin ngunit mabilis din na binawi iyon.
"Dahil doon, isang desisyon na ang nabuo sa aking isipan."
Napa lunok ako. "A-anong desisyon?" Tanong ko rito. Sa totoo lang, natatakot na ako. At naduduwag na rin sa pupweding mangyari. Hindi ito sumagot sa itinanong ko kaya napatanong akong muli.
"Deanns, anong desisyon yon?" Pag-ulit ko pa. Awtomatikong nangilid ang aking mga luha hanggang sa tuluyuan na nga itong bumagsak sa aking mga pisnge.
"Are you breaking up with me?" Lakas loob na tanong ko rito bago napa takip ng aking dalawang palad sa aking bibig upang pigilan ang pag hikbi.
Hindi parin ito makatingin sa akin. Napailing ako ng maraming beses. Sinubukan ko rin na kalmahin ang sarili at pinigilan ang mga luha kahit ang hirap hirap nilang patigilin.
"Nang paprank ka lang ba? Kung oo, please...tama na. Dahil hindi nakakatuwa." Buong araw kasi siya na panay pag pick-up lines lamang ang ginawa sa akin eh, kaya baka nga nagbibiro lamang ito.
Ngunit mas lalo akong napa iyak nang lakas loob na salubungin nito ang aking mga mata. Hindi ko man mabasa ang kung anong nasa isip niya, pero nakikita ko mula sa mga ito na mahal niya ako. Pero hindi ko maintindihan, kung bakit sinasabi niya ang mga ito ngayon sa akin?
"Hindi." Tipid na sagot nito. Namumula na rin ang dulo ng kanyang ilong at mga mata. Halatang nagpipigil na huwag mapa iyak.
"Hindi ako nagbibiro, Jema."Dagdag pa niya.
"Sa totoo lang, planado ko na ang araw na ito. Hindi ako makatulog kagabi dahil dito. Dahil gusto kong makita mismo ng dalawang mga mata ko, ang mga ngiti at tawa mo. Gusto kong..." Napahinga ito ng malalim. "Gusto kong habambuhay na maalala iyon at baunin kahit na saan man ako mapunta." Nakita ko kung gaano gumalaw ang kanyang mga panga.
"At ngayong araw din na ito...gusto kong tapusin ang lahat ng meron tayo Jema." Parang hindi kayang mag sink-in sa utak ko ang mga sinasabi niya. Hindi na rin ako halos makahinga.
"Kaya oo, I'm breaking up with you." Walang preno na sambit nito. Kasabay noon ang pag-agos rin ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.
Hindi ko maiwasan ang hindi mapahagulgol dahil doon. Kung bakit parang ang dali-dali lang para sa kanya na sabihin ang mga iyon. Dahil para sa akin, para itong isang bagay na pumupunit sa puso ko.
"B-but why?" Nanginginig ang boses na tanong ko rito.
"Ganon lang ba kadali 'yon?" Tinitigan ko ito sa kanyang mga mata ng maigi. Dahil gusto kong mahanap ang kasagutan mula sa mga ito. Dahil sabi nga nila, kayang sabihin ng puso at ng mga mata ang hindi magawang sabihin ng bibig.
Alam kong nagsisinungaling lang siya, alam kong naguguluhan lamang siya.
"Ganon lang ba kadali para sayo na bitiwan ako? Na talikuran ang kung ano mang meron tayo? Huh? Kahit isang segundo, naisip mo ba ang mararamdaman ko sa naging desisyon mong ito?" Napa kagat ako sa aking labi habang patuloy parin sa pag-agos ang aking mga luha.
"Jema, hindi ko rin ito ginusto! Pero kailangan kong gawin. Kung para sa ikasasaya ng nanay ko, kakalimutan ko ang kung anong meron tayo." Hindi ko mapigilan ang hindi mapa pikit upang pigilan ang nagbabadya na pagkainis.
Natawa ako ng mapakla. Parang tanga lang kasi!
"Alam ko naman na darating ang araw na ito eh. Ang araw kung saan mas pipiliin mo na maging magkapatid na lang tayo, kaysa ang ipagpatuloy ang kung anong meron tayo. Halos isang buwan ko itong pinaghandaan. Pero tangina naman Deanns!" Hindi ko mapigilan ang hindi mapa mura.
"Mas masakit pala kapag narinig ko na mismo galing sayo. Mas doble pa 'to sa sakit na inaasahan ko eh!" Napapa ngawa na ako ng disoras. Iyong parang bata habang nagpupunas ng luha gamit ang dalawang kamay.
Hahawakan sana ako ito upang yakapin nang inilayo ko ang aking katawan sa kanya. Sandali na inayos ko ang sarili bago napa tingin ng diretso sa unahan ng kotse.
"Get out." Pag utos ko rito.
Halatang nagulat ko ito sa aking sinabi. Pero nanatili ako sa aking puwesto, hindi ko na ito muling tinignan pa at hinintay na lamang na bumaba siya mula sa loob ng aking sasakyan.
"Jema, wag naman ganito oh." This time, siya naman ang napapahikbi habang patuloy sa pag daloy ang kanyang mga luha. "Gusto kong ipaintindi sayo, gusto kong maintindihan mo, kaya lang sa ngayon, mukhang hindi mo pa ako---
"Hindi mo ba ako narinig?!" Biglang pagtaas ng boses ko. "I said, get out of car. NOW!" Sabay turo ko sa pintuan ng kotse kung saan siya banda naka upo.
"Nakikipag hiwalay kana sa akin diba? Ayaw mong papigil. So what's the point na magsasama pa tayo sa loob ng isang sasakyan?! Now, leave. Break na tayo. Tapos!" Kahit na umiiyak parin ako. Sinubukan ko parin na lakasan ang aking loob. Ngunit may kung anong bagay na nagsasabing bawiin ko ang aking mga sinabi.
Kaya lang, durog na ako kaagad ngayon. Ano pang maiiwan sa akin kung pati pride ko hahayaan kong mawala?
Tahimik na binuksan nito ang pintuan ng kotse atsaka bumaba. Pagbaba na pagbaba pa lamang nito ay walang alinlangan na kaagad kong pinasibad ang kotse papalayo habang patuloy parin sa pag-iyak.
Medyo nakakalayo na ako nang bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Napa preno pa ako ng malakas at doon muling napangawa na parang ewan. Pagkaraan ng ilang minuto ay agad kong pinihit ang manobela pabalik kung saan ko ito iniwanan.
Umaasa na sana ay nandoon parin ito at hinihintay akong bumalik para sa kanya.
Ngunit pagdating ko roon ay wala na akong nakita pa na isang Deanna. Mabilis na bumaba ako ng kotse at lumusong sa ulanan.
"Deannnaaaa!" Pag tawag ko sa kanyang pangalan habang nagpapalinga-linga sa paligid. Ngunit bigo akong matagpuan ito.
"Deannaaaa... I-I'm sorry..." Pag hinge ko rito ng tawad. Mabuti na lamang dahil wala pang ibang sasakyan na dumaraan, kaya't may pagkakataon pa ako para hanapin ito sa kabilang kalsada.
Ngunit kahit saan pa ako mapatingin o lumingon, hindi ko na ito makita pa.
Nandito lang siya kanina eh. Nandito lang 'yon. Alam niyang babalik ako kaya alam kong maghihintay lang' yon.
"Deanna--
Mabilis ang mga pangyayari na tumilapon ako at napa upo sa gitnan ng kalsada noong may bigla bumusina na isang truck.
Sandali akong napatulala atsaka napa kurap noong makita ang galit na mukha ng driver.
"Hoy! Magpapakamatay ka ba miss?! Mamalasin ang buhay ko sayo eh!" Galit na sigaw nito bago muling nagpatuloy sa pag dadrive.
Nanginginig ang aking tuhod at buong kalamnan habang tinitignan ko ito papalayo. Para na rin akong basang sisiw dahil sa aking itsura ngayon.
Muntik na. Wika ko sa sarili.
Alam kong kasalanan ang mag-isip ng hindi maganda pero sana...natuluyan nalang ako. Kasi ngayon palang, parang ayaw ko ng magising kinabukasan para muling maramdaman lang ang sakit. Ayaw ko ng pag tagpuin kaming muli ni Deanna kung hindi ko na ito matatawag pa na akin.