Now playing: Perfect Two
Deanna POV
Isa sa pinaka magandang regalo sa akin ng Diyos ay ang ibigay nito ang taong hindi ko inaasahan na darating at magbabago ng buong buhay ko. Ang taong kokompleto ng kulang na pagkatao ko. Ang taong makakasama ko sa pagtanda at habambuhay.
Wala na yatang mas isasaya pa ang nararamdaman ko ngayon, habang pinagmamasdan ang maganda at maamong mukha ng aking asawa, si Jema.
Hinawa ko ang ilang hibla ng buhok nito na nakatakip sa kanyang mukha bago ito dinampihan ng halik sa kanyang labi, habang mahimbing parin itong natutulog.
Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ko aakalain na papayag kaagad ito sa pag propose ko sa kanya, ngunit na surpresa ko naman siya dahil sa biglaan na kasal na meron kaming dalawa. Kahit kayo, alam ko nagulat sa bilis ng mga pangyayari. Pero kasi, planado na talaga ang lahat bago pa man mangyari ang araw na iyon.
Flashback:
"Deanna, anak. Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Inay habang nagliligpit ako ng iilan namin na mga gamit dito sa bahay, dahil kailangan na naming lumipat sa mansyon kung saan nakatira ang mapapangasawa nito.
Hindi ako kumibo at nagpatuloy lamang sa aking ginagawa. "Ilang araw kana kasing tahimik, nag-aalala na ako." Wika nito bago ako marahan na hinawakan sa braso. "Paskong-pasko kahapon, naka kulong ka lang sa kwarto mo." Dagdag pa niya. "May problema ka ba anak?"
Isang nalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "W-wala ho nay. Wala lang ito." Pagsisinungaling at pagdadahilan ko pa habang naka yuko.
Hinawakan ako nito sa aking baba at marahan na ini-angat ang aking ulo upang magtama ang aming mga mata.
"Si Jema ba ang dahilan?" Hindi ko alam pero, bigla nalang akong naluha noong marinig ko ang pangalan nito. Agad na niyakap ako ni inay, iyong mahigpit habang tuluyan na nga akong naiyak sa mga bisig niya.
Hindi ito nagsasalita habang patuloy lamang ito sa paghagod ng aking likod, hanggang sa, tuluyan na akong tumahan. Kumalas ito atsaka pinunasan ang luha na nag kalat sa aking pisnge gamit ang kanyang palad.
"Mahal mo ba siya?" Ang sunod na tanong ng inay. Isang tanong na hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi dahil ayoko ng masira pa ang plano nitong pakasalan ang ama ni Jemalyn.
Napahinga ito ng malalim dahilan upang mapatingin ako sa kanyang mga mata. "Anak, ina mo ako. Alam ko kung kailan ka may problema. At alam ko rin, kung gaano ito kabigat o hindi." Napa ngiti ito ng malungkot sa akin.
"Alam ko na ang lahat, sinabi na sa akin ni Ponggay." Pag-amin nito dahilan upang ako ay magulat. "Well, hindi na ako magtataka pa. Hindi na rin ako nagulat pa. Sa mga tinginan at ngitian ninyo palang ni Jema, noon pa, alam ko ng hindi lang pagkakaibigan ang namamagitan sa inyong dalawa. Isa pa..." Tinitigan ako nito ng may ibigsabihin sa aking mga mata.
"Alam ko naman na silahis ka." Nahihiyang napa yuko ako dahil sa sinabi nito bago ito napatawa ng mahina.
"Hindi ka nagkaka nobyo, ayaw mong magpaligaw, bilang isang ina, mararamdaman ko na kaagad iyon. Syempre, sa akin ka nagmula." Hinawakan ako nito sa aking mga kamay.
"Deanna...gusto kong malaman mo na, hindi kita hahadlangan sa kung saan ka sasaya. At hindi mo kailangang pigilan ang nararamdaman mo para kay Jema dahil lang sa magpapakasal kami ng kanyang Ama. Nakausap ko na rin si Gilbert, umamin siya sa akin, na isa siya sa dahilan kung bakit lumalayo na ang loob ni Jema sa kanya. Ayaw niya rin na nahihirapan ang anak niya, kayong dalawa. Kaya...nakapag desisyon na kami."
"N-nakapag desisyon?" Naguguluhan na tanong ko rito. Napa tango si Inay atsaka may kinuha mula sa kanyang bulsa.
Isa iyong singsing.
"Heto,--
"Nay." Napailing ako habang naluluha. "H-hindi ko ho matatanggap iyan--
"Deanna, tatanggapin mo ito." This time, seryoso na ang mukha ng aking ina. "Tatanggapin mo ito at ibibigay mo kay Jema. Pagbalik na pagbalik niya." Nginitian ako ni inay, iyong ngiti ng isang ina na nagsasabing, okay lang siya. At masaya siya para sa amin ng taong napili kong mahalin.
"Kapag pinakawalan mo si Jema, habang buhay mo 'yong pagsisisihan. Gusto mo ba' yon anak?" Napailing ako. Kinuha nito ang kamay ko at inilagay doon ang singsing. "Mahal kita anak. Kaya hala, sige. Magpakasal kana, kahit na bata pa. Total, hindi kana rin naman menor de edad."
Tinignan ko si inay sa mga mata bago ito niyakap ng mahigpit habang paulit-ulit na nagpapasalamat sa blessing na ibinigay niya. Sinabi rin nito na naayos na nila ang lahat ni Tito Gilbert para sa kasal. Hindi man bongga pero sapat na, at masasabi na desente ang magiging kasal namin ni Jema.
End of flashback:
Kaya heto, masaya akong panoorin ang aking asawa habang mahimbing na natutulog sa aking tabi.
Mayroon kaming isang linggo na magkasama at ngayon ang huling araw ng honeymoon namin dito sa Palawan. Lahat ng ideya na ito ay nagmula sa aming mga magulang at pati na rin sa aming mga kaibigan na naging bahagi ng kwento at pagmamahalan namin ni Jema.
"Hmmmm.." Naramdaman ko ang pag galaw nito at habang unti-unti iminumulat ang kanyang mga mata.
"Good morning wife!" Naka ngiting pagbati nito sa akin kahit na naka pikit parin ang kanyang mga mata. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi atsaka ito hinalikan sa noo.
"Good morning mahal." Ganting bati ko naman dito bago babangon na sana ng muli ako nitong hilain papalapit sa kanya.
"Hmmm. Dito ka lang muna." Sabi niya atsaka mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa aking braso. Natawa ako bago napa iling.
"Kailangan nating mag ready. Baka maiwan tayo ng eroplano, sige ka." Wika ko rito. Ngayon na rin kasi ang flight namin pabalik ng Manila.
"Nope." Sambit nito bago napailing at nginitian ako ng nakakalokong ngiti habang dahan-dahan itong bumabagon. "Let me eat my breakfast first." Sabay taas baba ng kilay nito sa akin bago ako napatawa ng malakas dahil sa kalokohan ng utak niya.
"Jemalyn, buong magdamag na nating ginawa yan." Pagpapaalala ko sa kanya ngunit nginusuan lamang ako. "Halika na, maliligo na ako at susunod ka." Bago ako bumangon na ng tuluyan habang ang aking asawa naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang tignan ako ng may panghahalay atsaka napapakagat labi pa.
"I will follow you there and you know what will happen." Rinig ko pang sabi nito bago ako tuluyang makapasok sa banyo.
Napapa ngiti na lamang ako sa aking sarili habang napapa iling ng paulit-ulit.
Ang swerte ko sa taong minahal ko, sana kayo rin. Hehe.
------
Si Inay at Daddy Gilbert rin ang sumalubong at nagsundo sa amin sa airport. Mayroon daw kasi silang regalo para sa amin ni Jema, isang bahay kung saan doon na kami titira ni Jema.
Hanggang ngayon, hindi parin ako sanay na tawagin na Daddy ang ama ni Jema at mas lalo na hindi parin ako sanay na tawagin si Jema sa apelyedo na meron ako. Pero...alam ko naman na masasanay din ako at lahat ng bagay ay nasa proseso.
Mahigit isang oras at kalahati rin ang binyahe namin mula sa airport. Hanggang sa huminto kami sa isang may medyo kalakihan na na kulay puti at may halong kulay abo na bahay.
"This is our gift to you. Hope you like it." Masayang sabi ni Daddy Gilbert sa amin habang naka akbay kay inay. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapanganga dahil sa sobrang paghanga.
"Dad, hindi ba masyado itong malaki para sa aming dalawa ni Deanna?" Komento ng aking asawa sa kanyang ama.
"Oo nga ho. Pwede naman po kaming maghanap ni Jema ng medyo maliit." Dagdag ko pa.
"Mga anak, hindi naman iyan para lang sa inyong dalawa. Syempre kapag mayroong bisita, isa pa, kung sakaling maka pamilya na kayo, hindi ba?" Paliwanag ni inay na sinang-ayunan naman agad ni Daddy Gilbert.
"Oh siya, halina na kayo at para makita na rin ninyo sa loob ng bahay." Pag-aya nilang dalawa bago nauna ng maglakad papasok ng bahay na kaagad naman namin na sinundan na mag-asawa.
"Welcome home!" Sabay-sabay na sabi ng aming mga kaibigan ng makapasok kami sa loob ng bahay.
Kapwa kami nagulat ni Jema bago napa tingin sa aming mga magulang. Nag kibit balikat lamang ang mga ito at pa inosenteng napa tingin sa amin.
"Congratulations love birds!" Pagbati ni Celine sa amin bago kami niyakap ni Jema.
"Aww..how was your honeymoon?" Mapang-asar na tanong naman ni Alyssa habang tatawa-tawa at nakipag aper pa kay Kyla at Bea.
"It was great guys." Masayang sabi ni Jema habang nakakapit pa sa aking kanang braso.
"Thank you sa pa surpresa. Nag-abala pa talaga kayo." Sabi ko naman sa mga ito habang napapakamot sa aking ulo.
Nakita ko na mayroong mga pagkaing naka handa sa may medyo pahabang lamesa at mga regalo. Mayroon ding nakasulat sa may itaas na 'Welcome home Newlyweds!' at mga nagkalat na balloons sa sahig at buong paligid.
Pagkatapos naming libutin ang aming bagong bahay ay masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain na inihanda ng aming mga kaibigan.
Pasado alas singko na ng hapon bago nagsi-uwian ang mga ito habang may nakakalokong mga tawa pa na papaalis ng bahay. Kami na rin ang naglinis ni Jema ng mga kalat sa paligid, iniwan na rin muna kami ng aming mga magulang para raw makapag pahinga ng maaga. Dito na muna kami magpapalipas ng gabi ngayon sa dahilang gusto nito na magsolo kami at para na rin matulugan na namin ang bago naming bahay.
Kaya pagkatapos namin malinis ang lahat ay umakyat na kami sa aming magiging bagong kuwarto, dala-dala ang mga bagong regalo na aming natanggap. Naglinis muna kami ng katawan bago namin napag desiyonan na buksan na ng tuluyan isa-isa ang mga ito.
"What the fuck!" Hindi ko mapigilang mapamura habang tatawa-tawa atsaka napapailing ng makita ang isang regalo.
Habang si Jema naman ay kagat labing naka titig lamang sa akin. Mayroon din akong nakita na bed restraint sa ibabaw ng kama dahilan upang mas lalo manlaki ang aking mga mata at mapangisi ang aking asawa.
"Wanna use it now?" Mapang-akit pa na sabi nito sa akin.
Oh no..
"Mahal...katatapos lang natin kanina bago ang flight pabalik dito. Remember, sa banyo?" Medyo kinakabahan na sabi ko pa sa kanya.
Humakbang ito papalapit sa akin habang ako naman ay napapa atras.
"So?"
"Anong so? Pwede bang magpahinga na muna tayo---
"Oo naman, pagkatapos nito." Putol nito sa akin sabay tulak sa aking katawan sa ibabaw ng kama at mabilis akong sinakyan.
"Ah, ganon." Pagpatol ko sa gusto nitong mangyari.
"Sige, pagbibigyan kita." At mabilis akong pumaibabaw rito atsaka ayon...alam niyo na ang naganap. Hindi ko na idedetalye pa dahil para lamang iyon sa amin ng Misis ko.