Jema POV
"So paano ba yan? Did you two talk?" Tanong ni Rae sa kabilang linya. Tumawag ito matapos ang ilang oras na maihatid ako sa bahay.
"Nope. At wala akong balak na kausapin pa siya." Sagot ko rito habang nagsusuklay ng aking buhok. Katatapos ko lamang itong patuyuin mula sa pag ligo.
"Hmmmm. I see. Pero kung ako sayo, mas maigi na bigyan na ninyo ng closure ang isa't isa. Mahirap 'yon." Komento pa niya.
"Isa pa, sinabi mong sa labas ka ng bansa magpapasko pero ang totoo, ikinulong mo lang naman ang sarili mo sa apat na sulok ng bahay ko. Edi sana, naging masaya ka kahit papano kung mas pinili mong manatiling kasama siya---
"I'll call you back Rae. Bye." Putol ko sa kanya atsaka napahinga ako ng malalim bago napa pikit ng mariniin.
Sinabi ko sa sarili ko noong huling beses kaming magkita sa bar kasama si Rae na kakalimutan ko na talaga siya. Pero ang hirap pala talaga!
Sa bawat ginagawa ko, siya ang naaalala ko. Iyong pakiramdam na ayaw ko ng imulat pang muli ang mga mata ko sa tuwing magigising ako sa umaga. Dahil kapag ganon, mararamdaman ko na naman ang sakit.
Mas pinili at mas pinipilit ko nalang ang sarili kong lumayo sa kanya. Na tanggapin ang lahat sa amin pero mas nahihirapan lang ako. Mas lumalalim lang lalo ang pagmamahal ko para sa kanya. Dahil doon, hindi ko na tuloy alam pa ang gagawin ko.
Nakakabaliw mag mahal. Lalo na kung paulit-ulit siyang inilalayo sayo ng mundo.
Nakakapagod. Nakakapagod pigilan ang nararamdaman sa isang tao, lalo na kung nasa puso mo na siya nakabaon.
This time, totoo na talaga ito. Ayoko na talaga. Pagod na akong umasa pa na mababalik pa kami sa dati. Dahil nanindigan na siya at ang dapat kong gawin sa ngayon ay maging masaya na lang kung anong naging desisyon niya.
I have to let her go...and stop this false hope and shit feelings I have for her, my feelings for my...sister. Mapakla na sabi ko sa aking sarili. Yeah, we're only a sisters.
Isa pa, dalawang araw nalang mula ngayon, kasal na ng mga magulang namin. We will be a great family, isn't it?
Sa ngayon, naghihintay na lamang ako sumapit ang hating gabi para salubungin ang bagong taon. Ang saya diba? Magkakasama kaming sa salubungin ang bagong taon na mayroong samaan ng loob sa isa't isa. Well, that's life.
Nabibilib na ako sa galing ng tadhana kung paano nito paglaruan ang mga buhay namin.
Humiga ako sa ibabaw ng kama bago ipinikit ang aking mga mata. I'm too exhausted para isipin pa ng isipin ang mga pangyayari na nandiyan na. Iidlip na lamang muna ako mukhang mahaba-habang gabi ang aking dapat paghandaan habang kasama silang mag-ina, isa mo na ang nakakainis kong ama.
-------
Isang malakas na pagbukas sa pintuan ng aking kuwarto ang gumising sa akin. Mabilis at gulat akong napabangon mula sa pag higa at mahimbing na pagtulog.
"Wha the hell is wrong with you?!--
Ngunit kaagad akong napahinto nang makita na si Deanna ang taong nasa harapan ko ngayon. Agad akong napa iwas ng tingin at muling nahiga.
"Get out." Utos ko rito bago ibinaon ang mukha sa aking unan.
Nararamdaman ko ang mga nakakapaso na titig nito na hindi parin inaalis sa akin. Hindi ako kumibo o tinignan man lamang itong muli. Hinintay ko na lang na magsalita ito dahil alam ko naman na mayroon talaga siyang sasabihin.
"Hindi ako pumunta rito para inisin ka o makipag talo." Panimula niya.
Oh god! Bakit isang sentence pa lang ang sinabi niya pero para na nitong hinahaplos ang buong katawan ko? Sobrang na miss ko ang boses niya na siyang dahilan upang magtayuan lahat ng balahibo sa buong katawan ko. Pinilit ko na kalmahin ang aking sarili kaya walang nagawa na napakagat na lamang ako sa aking labi at nanatiling baon sa unan ang mukha.
"Gusto ko lang sabihin na...masaya ako dahil nakabalik kana." Sambit nito. "Isa pa, gusto ko ring malaman mo na...miss na miss na kita, Jema."
Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapa luha dahil sa huli nitong sinabi nito. Lalo na noong banggitin nito ang pangalan ko na sobrang namimiss kong marinig lalo na kapag nang galing sa kanya.
Gusto kung tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya. Pero oras na ginawa ko iyon, mas lalong pahihirapan ko lamang lalo ang sarili ko.
"Alam kong nasasaktan ka parin. At galit ka parin. Pero Jema, maging masaya na tayo ulit please?" Pakiusap nito. "Wala kang dapat gawin. Ako...ako ang may dapat na gawin. Patutunayan ko sayo, na hindi lang tayo hanggang dito." Paninigurado nito at punong puno iyon ng pag-asa.
"Hindi ko na kasi alam kung anong paraan pa ang dapat na gawin. Para lang mapatawad mo ako. Para matigil na iyong sakit na nararamdaman natin pareho."
Dahan-dahan akong napa bangon mula sa pagkakahiga atsaka lakas loob na sinalubong ang mga mata nito. Ang mga mata nitong nagsusumamo.
Napalunok ako bago nagsalita.
"The only way...to stop the pain is to let go the reason of it." Napangiti ako rito, ng malungkot, at ng mabagal habang sinasabi sa kanya ang bagay na iyon.
Kusang napa kunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ko. She was about to speak when the maid came.
"Ma'am, pinababa na po kayo ng daddy ninyo. Oras na raw po para---
"I know." Putol ko rito. "You may go first." Utos ko rito na agad naman niyang sinunod.
Bigla akong nagbaling ng mga mata sa naka tingin lamang din sa akin na si Deanna.
"Let's go? Mom and dad are waiting for us." Sarcastic na sabi ko rito bago nauna ng lumabas ng kuwarto.
Kumain kami ng sabay-sabay at nasa iisang hapagkainan lamang. Of course, si daddy at Aling Lucy lamang ang nag-uusap. Kami ni Deanna? Heto, pinipilit na labanan ang awkward na bumabalot sa aming lahat.
Kahit sa pagsindi ng mga fireworks, hindi kami nagkikibuan ni Deanna. Ngunit hindi ko maitatanggi na panaka-naka akong nagnanakaw ng tingin sa kanya. At ini-imagine na sana ay magkahawak kamay parin kaming nanonood ngayon ng makukulay na fireworks mula sa kalangitan.
Hindi ko na pinatapos pa ang panonood. Nag desisyon na akong umalis na at bumalik sa loob ng bahay upang kumuha ng maiinom na alak. Sa may garden na lang siguro ako tatambay, total hindi pa naman ako dinadalaw ng antok.
"Happy New Year, self." Pagbati ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa likod ng bahay kung saan ang aming garden, hawak ang bote ng alak.
It's time to celebrate.
Medyo may kadiliman sa garden, which is good for me. Ngunit sa ngayon, pansin ko na sa bawat paghakbang ko ay siya namang pagbukas ng bawat light na madadaanan ko.
Makulay ang mga ito, nakakaaliw kung tignan kaya naman mamamangha ka. Hindi ko alam na mayroon na pala ngayong ganito dito. Kailan pa nagkaroon ng ganito rito? Nagtataka na tanong ko sa sarili.
Kunot noo akong napa tingin sa paligid noong kusang naging maliwanag ang lahat hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo ng mga ilaw.
Awtomatikong nanlalaki ang mga mata nang makita ko na nakatayo roon si Deanna. Sa gilid nito ay mayroong maliit na lights kung saan, nakahugis ng puso habang mayroon ding pangalan ko at pangalan niya.
Ano bang nangyayari?
Humakbang pa ako ng humakbang para mas makalapit sa kanya. At habang naglalakad, kusang may tumunog na acoustic music at ang title noon ay 'My one and only you'. Napalunok akong muli.
Ang lakas lakas na ng pintig ng puso ko. At hindi ko na iyon nagugustuhan pa. Sa bawat lyrics ng kanta, lahat ng iyon ay tumatagos sa puso ko na para bang ginawa ang kantang iyon para sa akin. Para sa amin.
Ilang hakbang na lamang ang pagitan namin ni Deanna nang hindi na ito nakapag hintay pa at sinalubong na ako ng tuluyan.
Nagkatitigan kami na tila ba nag-uusap ang aming mga mata. Kusang nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha dahil alam kong na corner na naman niya ako. Wala na naman akong magawa kung hindi mahulog na naman sa charm niya.
"What is this all about?" Tanong ko sa kanya. Napa lunok ito bago nagsalita.
"Naalala mo ba kung anong sinabi ko sayo noong huling beses tayong magkita?" Ganti na tanong nito sa akin. "Totoo yon. At seryoso ako." Dagdag pa niya.
"P-pakakasalan kita, Jema."
Mas lalo akong napa-iyak ang maalala mga katagang iyon. Hindi. This can't be true. Ayaw ko ng umasa na naman tapos isang araw magigising lang akong muli na panaginip lamang pala ang lahat ng ito.
"Sa lahat ng sakit na ipinaramdam ko sayo. Sa lahat ng luha na naibigay ko sayo. Gusto kong tapusin ang lahat ng iyon sa pamamagitan ng salitang ito." Dahan-dahan itong napa luhod habang nanluluha ang mga mata.
"Gusto kong parusahan mo ako." Baliw na ba siya? Kahit na sinasaktan niya ako at nasasaktan na kami pareho, hindi ko yon magagawa sa kanya.
Ngunit bigla akong napatakip ng aking mga labi dahil sa bigla nitong inilabas ang isang singsing mula sa bulsa ng kanyang suot na pants.
"Wala na akong pakialam kung ano at sino ang masasagasahan natin. Basta ang alam ko mahal kita, at ayaw kong mawala ka pa. Gusto kong simulan ang bagong taon na ito ng punong-puno ng pagmamahal at saya, kasama ka, Jema. Isang tanong at isang sagot lamang ang gusto kong marinig, pakiusap huwag mo na sanang ipagkait." Napa ngiti ito kahit na nangingilid ang mga luha.
"Ikaw ang pangarap na hinding-hindi ko hahayaan na mahawakan at makuha ng iba. Marry me, Jema."
Omg.
Speechless na napatitig ako sa kanya habang patuloy sa pagpatak ang mga luha. Ito na ba 'yon? Iyong dating pinapangarap ko lang.