Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 28 - Chapter 28: Hurt As Hell

Chapter 28 - Chapter 28: Hurt As Hell

Jema POV

Kagat labi akong naglalakad papasok sa loob ng paboritong restaurant ni daddy. Nandito ako para makipag kita sa kanya at para narin sabay na kaming kumain ng pananghalian.

Ngayon ko kasi plano na sabihin na rin sa kanya ang tungkol sa amin ni Deanna. Tiyak na matutuwa iyon sa ibabalita ko. Hindi man kami madalas magkasama at magkita ng daddy, pero nandoon parin ang pagiging open namin sa isa't isa. Lalo na kapag nalaman nito na ang babaeng matagal ko ng pinag papantasyahan ay girlfriend ko na. Oo, tama kayo ng hinala. Dad knows about it. Iyong gabi na unang beses kong makita si Deanna? Alam niya 'yon. Dahil simula ng araw na iyon ay wala akong ibang mukhang bibig kung hindi siya.

Alam nito na bisexual ako. Support niya ako sa lahat dahil wala naman na raw na ibang gagawa noon sa akin kung hindi siya. Ang importante sa kanya ay ang kung saan ako sasaya.

Pero kahit na ganoon, hindi parin maalis sa akin ang makaramdam ng kaba at pangamba. Wala naman sigurong anak ang hindi nakakaramdam ng ganoon kahit pa napaka transparent mo sa magulang mo hindi ba? That's normal.

Pagdating ko sa loob, nakita ko ito kaagad habang siya naman ay malawak ang ngiting napatingin sa akin. Mabilis ang mga hakbang na nagtungo ako papalapit sa lamesa kung saan ito naka pwesto. Tumayo ito at sinalubong ako ng yakap at halik sa pisnge.

"My dear, I miss you!" Malambing na sabi nito bago ako pinaghila ng upuan.

"Aw, I miss you too dad." Naka ngiting sabi ko sa kanya at tuluyan na ring naupo. "It's been a months dad. Masyado mo namang sineseryoso ang pagpapalago ng negosyo mo." Pabirong sabi ko pa sa kanya. Napatawa ito bago napa iling.

"Of course hija, wala namang ibang magmamana ng mga iyon kung hindi ikaw." Wika nito. "How's your school? I heard, nanalo kayo sa game kahapon. Congratulations!" Pagbati pa niya.

"Thanks dad." Simpleng pasasalamat ko rito. Pansin ko na kanina pa siya patingin tingin sa paligid.

"Are we going to order now or may hinihintay ka pang dumating dad?" Tanong ko atsaka tinignan siya ng nakakaloko. Napa iling lamang ito bago ako hinawakan sa kamay.

"There is someone I want you to meet, honey." Kumikislap pa ang mga mata na sambit nito. Napuno agad ang aking utak ng curiosity.

"And who is that?" Naka ngiting tanong ko sa kanya, with excitement, of course. Minsan lang may ipapakilala sa akin si daddy at ganito pa ka private. "Ako rin dad, I have also something to tell you. And for sure, matutuwa ka." Kagat labi naman na pagmamayabang ko sa kanya.

"Really?" Tanong nito.

"Yes." Excited na akong sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ni Deanna.

Ilang segundo lamang ang nakalipas ay tumayo ito at may sinalubong mula sa aking likuran bago napatikhim.

"Jema, my dear. I want you to meet the woman I want to Marry, Lucy Wong." Awtomatikong napatingin ako sa babaeng katabi ng aking ama.

At ganoon na lamang ang aking gulat nang magtama ang aming mga mata. Kapwa kami natigilan ngunit mabilis itong nakabawi atsaka kumalas mula sa pagkakahawak sa kamay ni daddy.

A-anong ginagawa ni Aling Lucy dito? At teka, the woman his want to marry?

"A-Aling Lucy?" Hirap akong bigkasin ang pangalan nito. Pormal na napangiti ito sa akin.

"Jema, hindi ko alam na tatay mo pala si Gilbert." Masayang wika nito at mababakas mo talaga sa kanilang mga mata na tuwang tuwa silang dalawa.

"Magkakilala na kayo?" Gulat na tanong ni dad. Sabay kaming napatango ni Aling Lucy.

"Oo."

"Yes, dad." Sabay din na sagot namin dito.

Naguguluhan na nagpalipat-lipat ang aking mga mata sa kanila na ngayon ay naka upo na pareho sa aking harapan.

"Ehem!" Pagtikhim ni daddy. "Lucy was my first love, Jema. She's my dream girl before I got to know your mom and got pregnant. Which is you." Panimula nito sa kanyang kwento. Nagkatinginan sila bago muling ibinalik sa akin ang kanilang paningin. Magkahawak ang kanilang mga kamay. And take note, holding hands in front of me.

They are madly and deeply in love with each other. Iyon ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Nanatili akong tahimik at hinintay na lamang ang susunod na sasabihin ni daddy

"Kinailangan kong panagutan ang mommy mo kaya ikinasal kami kaagad. Noong nalaman ni Lucy ang tungkol doon, nasaktan siya at hindi na nagparamdam pang muli sa akin. Ilang taon ang nakalipas, nalaman kong may asawa na rin siya. Isang half-chinese. Doon, I decided to move on at piniling mag focus na lamang inyo ng mommy mo. Hindi mahirap mahalin ang mommy mo, Jema. Ngunit, hindi ko na yata kaya pang pantayan ang pagmamahal na meron ako kay Lucy para sa mommy mo. Alam niyang may mahal akong iba, that's why she decided---

"Na iwanan tayo?" Putol ko rito bago napa iling in disbelief. "Ang buong akala ko, she left because that's what she wanted to do, dad. I can't believe you're saying this now." Hindi parin maka paniwala na sabi ko sa aking ama.

"But that was happened a long time ago, I didn't mean to hurt her feelings, honey." Pag papakalma sa akin ng daddy.

Pansin ko ang pagiging hindi komportable ni Aling Lucy kaya medyo sinubukan kong kalmahin ang aking sarili. "I'm really sorry, Aling Lucy." Paghinge ko ng paumanhin.

"Come on, let's talk about this later." Sambit ni dad. "Now, let's talk about you. What would you like to say earlier?" Bigla akong napa tingin sa kanilang dalawa ngunit kaagad ding nagbawi pagkaraan ng ilang sandali.

Mabilis na hinablot ko ang aking bag atsaka napatayo. "I'm sorry, I have to go now." Pag papaalam ko sa kanila. "Enjoy your lunch." Bago dire-diretso sa pagtayo at lumabas ng restaurant na iyon.

-------

Pagdating sa loob ng sasakyan, hindi ko alam kong saan ibabaling ang emosyon na nararamdaman ko sa aking dibdib. Gusto kong sumigaw sa inis sa daddy ko. Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit si Aling Lucy pa? Of all people, bakit siya pa?

Paano ko sasabihin at ipapaliwanag ang lahat ng ito kay Deanna. Her mother and my father are getting married? What the hell?

Hindi dahil sa tumututol ako sa pagmamahalan nila, kung hindi dahil sa isang bagay na hindi ko matanggap. Fuck!

Isang malakas na paghampas sa manobela ang aking ginawa. Kasunod noon ang pagpatak ng aking mga luha. I can't face Deanna right now. Siguro naman hindi pababayaan nina Alyssa ang game namin ngayong araw. I don't want them to worry about me, lalo pa dahil natitiyak ko na hindi naman ako makakapaglaro ng maayos ngayon.

I have to talk to dad. I want to tell him everything, baka sakaling mabago ko pa ang desisyon niya. Hindi ako makakapayag sa kagustuhan at mga plano niya. Hindi ako makapapayag na mauuwi lamang sa wala ang meron kami ni Deanna.

Kaya kaagad kong binuhay ang makina ng aking sasakyan matapos kong kalmahin ang aking sarili. Sa office niya nalang ako pupunta at doon ko na lamang siya hihintayin.

--------

"Sabi ng Secretary ko nandito ka raw. Kaya nagmadali akong maka balik dito kaagad sa Opisina. May problema ba?" Pormal na tanong nito sa akin.

Hindi ako umimik at nanatili lamang na nakamasid sa kanyang mga kilos. "I'm sorry anak. But my decision is final. I'm going to marry Lucy as soon as possible. Hindi na ako makakapayag pa na magkakahiwalay kaming muli." Seryoso ang mukha na sabi nito sa akin atsaka nagsalin ng anak sa baso.

"Dad, you can't marry her." Diretsahang sabi ko rito bago napa lunok.

Kunot noong nagbaling ito ng tingin sa akin bago ako tinignan ng diretso sa mga mata. Dahan-dahan na muling tinakpan nito ang hawak na bote.

"Why, what's wrong with her? I love her, honey. And I thought susuportahan mo ako sa magiging desisyon ko." Malambing na sabi nito at tuluyan ng nilagok ang alak na nasa baso.

"But not to her. I mean, I'm in love with Deanna, dad. Her daughter." Natigilan ito habang naka kunot parin ang noong naka titig sa aking mga mata.

"I love her dad. Please, don't do this to me. Do not let me be miserable again, not this time." Paki-usap ko sa kanya.

"And I love Lucy, too. Her mother." Nagkatitigan kami, iyong tipong walang gustong magpatalo ngunit sa huli, ako parin ang na unang nag bawi ng tingin at ibinaling iyon sa ibang direksyon.

"Do you know what that means?!" Medyo napapataas na ang aking boses. "We will be sisters for fucking sake, dad!" Frustrated na napa sabunot ako sa aking buhok.

Ngunit sa halip na pakinggan ako ay napa ngisi lamang ang aking ama.

"That's right, you will be sisters." Parang walang kagatul-gatol na sabi nito sa akin. This time, ako na naman ang natigilan at tila ba hindi maka hinga dahil sa kanyang sinabi. Para itong napaka raming karayom na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko.

What? SISTERS?! No way! Hindi ko hahayaan na magiging magkapatid lang kami sa huli ng babaeng mahal ko. Hindi ko hahayaan na mapupunta lamang sa pagiging magkapatid ang pagmamahalan namin ni Deanna. I love her with all of my life!

"Mom, was right. You're so selfish!" Hindi na ako nakapag timpi pa lalo at tuluyan ng napataas na ang aking boses. "Hindi na ako nagtataka kung bakit iniwan tayo ni mommy--"

"Anong sinabi mo?" Putol nito sa akin. Hindi ko na hinintay pa ang susunod nitong sasabihin nang tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa pintuan ng kanyang Opisina upang lumabas na mula sa building na ito.

"Jemalyn, come back here! Hindi pa tayo tapos mag-usap, so come back her or else." May halong pagbabanta na sabi nito.

"Or else what dad? Huh?" Muli akong napaharap sa kanya. Kahit nanginginig na aking tuhod ay pinilit ko parin na makipag titigan rito.

"Tatanggalan mo ako ng allowance? Gagawin mo ang lahat para lang pumayag ako sa kagustuhan mo? Ganon ba?"

"If necessary, yes." Awtomatikong nalaglag ang aking panga sa kanyang mga sinasabi ngayon. I don't think he is my father right now. Dahil hindi ko yata kilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

Napahinga ako ng malalim bago napakagat sa aking labi upang pigilan ang sariling maiyak.

"I don't care dad! Do what ever you want. Tanggalan mo na ako at alisan ng lahat ng karapatan huwag lang ipagdamot sa akin ang pagkakataon at ang isang bagay. Isang bagay dad, na mahalin at makasama ang babaeng gusto kong makasama sa habambuhay." Pagkatapos kong sabihin iyon at tumalikod na ako at tuluyan ng lumabas mula sa kanyang Opisina.

Dahil sa hindi ko alam kung saan ako pupunta, kaya nakapag desisyon na lamang ako na pumunta sa isang bar at doon nagpakalasing.

Hindi nagtagal, biglang tumunog ang aking cellphone. Sandali ko itong kinuha mula sa aking bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. It's Kyla.

Nakaka 10 missed calls na pala siya, hindi ko man lamang napansin. Pinag-iisipan ko pa sana kung sasagutin ko ba ito o hindi ng aksidente kong mapindot ang answer button. Fck!

"H-Hello?" Sagot ko sa tawag bago napa sinok.

"What the hell?! Where are you?!" Singhal ni Kyla sa akin. "You have to go to the hospital, right now. Deanna had an accident."

Kahit may tama na ng alak at medyo lasing na rin, pakiramdam ko, biglang naglaho ang lahat ng alcohol na nainom ko mula sa loob aking katawan. Bigla akong nanigas sa aking kina uupuan dahil sa sinabi ni Kyla.

"Jema! Are you still there? I'll text you the address and we will wait for you here." And then she hang up.

Nanginginig ang buo kong katawan habang tinatahak ang kalsada papunta sa address ng Hospital na sinabi ni Kyla sa text. Walang tigil din sa pag-agos ang aking mga luha.

" Ano bang nangyayari sa buhay ko? Bakit biglang naging ganito?" Tanong ko sa aking sarili bago pinunasan ang sariling luha gamit ang likod ng aking palad.

Noong malapit na ako sa Hospital ay sandali ko munang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada at doon humagulgol. Hindi ko kayang humarap sa kanya ng ganito. Lalo pa at alam kong nandoon ngayon si aling Lucy.

I wish I could tell Deanna everything that happened today. Pero paano ko sasabihin ang lahat kung na aksidente siya? Paano ko sasabihin na magiging magkapatid kami kung hindi namin pipigilan si daddy sa mga plano niya. Anong dapat kong gawin?

I can't bear that the woman I love will be my sister eventually. Hindi ko kaya, at mas lalong hindi ko kayang ma-imagine na ipakilala siya sa harap ng iba bilang kapatid ko, sa halip na kasintahan at babaeng minamahal ko. Para ko ng pinapatay ang sarili ko 'non. Ngayon pa lamang na naiisip ko' yon ang sakit sakit na, paano nalang kung mangyari na?

I'd rather die than call her my sister.