Chereads / Play for you (Gawong Story) (COMPLETED) / Chapter 4 - Chapter 4: Unexpected Guest

Chapter 4 - Chapter 4: Unexpected Guest

Deanna POV

Nagising ako sa sunod sunod na pagtapik sa aking balikat ng aking nanay. At ang mas lalong nakapag pagising pa sa aking diwa ay ang boses nito na paulit-ulit na binabanggit ang aking pangalan habang ginigising ako, na siyang mas ikinainis ko pa.

"Nay, ano baaaa! Ang aga-aga kung saan-saan na naman nakakarating yang boses mo. Five minutes pa please! Sabado ngayon, wala akong pasok, free day ko." Nakapikit parin na reklamo ko sa kanya bago tumalikod rito at tinakpan ng unan 'yong mukha ko.

Naman oh!

"M-m-m-may.." Nauutal na sabi nito sa akin na kaagad naman na pinigilan ko.

"Ma ma may may? May? Ano ba nay? Please!" Naiinis na, na sambit ko rito dahil sa inaantok parin ako.

Napatikhim ito bago napahinga ng malalim upang kalmahin ang kanyang sarili.

"Ano 'ho ba kasi 'yon?" Nagpapadyak sa kama na tanong ko ngunit nanatili parin sa aking posisyon at hindi humaharap sa kanya.

"M-may bisita ka." Wika nito.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa aking kama. Dahil doon ay hindi ko mapigilan ang sarili na mapa irap. Bago napatingin sa aking ina habang nakahawak pa ito sa kanyang dibdib na tila ba hirap sa pag hinga.

"Nay, si Ponggay lang naman yan. Papasok rin naman iyan rito sa loob ng aking kuwarto kung gusto niya akong maka usap---

"Lintik na bata ito!" Inis na sambit ng nanay. Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya.

"Hindi 'yon si Ponggay. Nakita ko na siya dati sa Tv at minsan sa internet. Anak yata siya ng may ari ng University na pinapasukan mo ngayon. Ano na ngang pangalan non... Je-Jema... Jemalyn ba 'yon---"

"Ano?! Nandito si Jemalyn?!" Gulat na tanong ko sa aking ina bago mabilis na napabangon mula sa kama.

Natigilan ang aking nanay bago napakurap ng ilang beses. Napatakip din ito sa kanyang tenga dahil sa tulin ng aking boses. Isama mo na rin ang tingin nito sa akin na may halong pagtataka.

"Akala ko ba inaantok ka pa. Eh bakit parang gising na gising ka na?"

Humakbang ako papalapit sa aking ina. "Nay, sampalin mo nga ako." Wika ko rito. "Nananaginip lang 'ho ako, tama ba?" Bago ko hinawakan ang kanyang kamay ngunit mabilis naman niya iyong binawi mula sa akin.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?" Nagtataka parin na tanong nito. Napahinga ako ng malalim bago napa iling ng ilang beses.

"Sabihin mong nagjojoke ka lang nay. Ano namang gagawin 'non dito?"

Napakamot ito sa kanyang ulo at mabilis akong binatukan sa aking ulo. Kaagad naman na napahawak ako sa parte na kanyang nasaktan.

"Iyon na nga ang dahilan kaya ako nandito. Aba'y malay ko. Edi sana kung alam ko kanina ko pa sinabi sayo, hindi ba?" Pamimilosopong sabi nito sa akin. Napabusangot ako ng disoras. Ano naman kasing ginagawa ng babaeng 'yon dito?

"Hindi mo sinabi sa akin may kaibigan ka palang bigatin anak. Nakaka proud naman---" Biglang komento ng aking ina pagka kuwan.

"Nay..." Nanghihina na wika ko sa aking nanay bago napa upong muli sa kama.

"Pwede 'ho ba na lumabas kana at susunod nalang ako. Mas lalo akong nanghihina at na tetense dahil sayo eh." Sa totoo lang, sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. Hindi ko kasi alam kung bakit nandidito ang isang Jemalyn Galanza. Isa pa, masyado pa yatang maaga para pumunta siya rito ng wala man lamang pasabi.

"Oh sige, sumunod ka kaagad ha. Naghihintay ang bisita mo. Wag mong pinag-aantay nakakahiya." Paalala nito sa akin habang tinutungo ang pintuan ng aking kuwarto upang lumabas na ng tuluyan.

Napahinga ako sa aking sarili bago napatingin sa salamin na nasa aking harapan. Paano ako haharap kay Jemalyn? Hays.

Kaagad na inayos ko ang aking sarili upang makababa na. Wala naman akong ibang choice kung hindi ang harapin siya eh. Bakit naman kasi siya napadpad dito? Atsaka ano namang dahilan niya? Hayyyy. Hindi ko malalaman ang kasagutan kung hindi pa ako kikilos.

"Ang ganda ganda mo namang bata ka. Anak ka talaga ng mayaman, ano?" Narinig kong komento ng aking ina habang pababa ng hagdanan mula sa aking kwarto.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapa irap sa sarili ng disoras.

"Nay, ano ba? Nakakahiya." Bulong sa kanya ng makarating ako sa kanyang harapan. Habang si Jemalyn naman ay prenting naka upo sa kanyang harapan dito sa may maliit naming sala.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatitig sa kanya dahil ang ganda ng awra nito at halata mong nakaligo na siya. Hays. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya ng mapatitig din ito sa aking mukha. Baka kasi may dumi at muta pa ako sa mata at aking mukha, nakakahiya!

"Ah eh, maiwan ko muna kayo ni Deanna ha." Biglang pagpapa alam ng aking ina bago napatayo. Ganoon din si Jemalyn.

"Dahil ako'y maghahanap muna ng pweding maihain sa iyo. Nakuu, pasensya kana dahil hindi kami madalas magluto ng masasarap na pagkain rito." Walang nagawa na napabuga na lamang ako ng hangin sa sarili.

"Huwag na po kayong mag-abala---" Hindi na naituloy pa ni Jemalyn ang kanyang sasabihin ng bigla na kaming tinalikuran ng nanay at dire-diretsong lumabas na nga ng aming bahay.

Napalunok ako at nahihiyang napangiti kay Jemalyn. Nagkibit balikat lang naman ito habang nakatingin sa akin. Iyong tingin na para ba akong kinikiliti. Ewan ko ba. Napakagat ito sa ibabang parte ng kanyang labi kaya hindi ko mapigilan ang hindi mapatitig roon.

"P-pasensya kana sa nanay ko ha. Hindi lang kasi sanay yon na may bisita ako." Muli itong naupo sa sofa, ganon din ako.

"Bakit ka nga pala nandito? Atsaka...paano mo nahanap ang bahay namin?" Dagdag na tanong ko pa. Dahil doon ay hindi nito napigilan ang hindi mapatawa ng mahina.

"Para ka namang imbestigador kung makatanong." Komento nito. Nahihiyang napayuko ako dahil sa sinabi niya.

"I have my ways. I think nakita ko sa school record mo? M-may address kasing nakalagay doon kaya nahanap ko ang bahay niyo." Dire-diretsong paliwanag nito bago napaiwas ng tingin.

"Ahhh..ganon ba?" Sandali akong na tahimik bago muling nagsalita. "Bakit ka nandito? A-ang ibig kong sabihin--"

"Kung anong dahilan ng pagpunta ko rito?" Siya na ang nagtuloy nag itatanong ko para sa kanya. Napatango ako.

"Nandito ako para sayo." Muling sagot nito. "I mean, gusto ko lang sanang itanong kung may gagawin ka ba mamaya o may ibang lakad ka?"

"Iyon lang ba ang dahilan?" Wala sa sarili na tanong ko sa kanya. Eh paano ba naman hindi, eh kasi naman. Iyon lang naman pala ang ipinunta niya rito bakit hindi nalang nito hininge ang cellphone number ko sa mga kaibigan niya para itext ako, o kung hindi naman ay tawagan ako.

Isa pa, masyadong maaga pa kaya para pumunta siya sa bahay ng hindi niya bahay. Alas syete pa lamang ng umaga. Dapat nagpapahinga pa siya ngayon, at dapat tulog pa ako ngayon.

"Deanna?" Pagtawag nito sa aking pangalan dahilan upang matigilan ako sa mga iniisip ko.

"M-may sinasabi ka ba?" Tanong ko pa. Napahinga ito ng malalim.

"Ang sabi ko, kung may gagawin ka ba o may ibang lakad ka mamaya?" Pag ulit nito sa kanyang katanungan.

"May practice tayo, hindi ba?" Ganting tanong na sagot ko sa kanya. Nabanggit kasi sa amin ni Coach kahapon, noong pinakilala ako nina Alyssa sa kanya na mayroon kaming practice mamayang hapon. At kasama roon si Jemalyn.

"Yes. But after that ." Muling tinitigan ako nito sa aking mga mata. Napalunok ako bago napa iwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglang pang iinit ng aking pisnge

"W-wala na." Utal na sagot ko rito dahilan upang mapakagat ako sa sarili kong dila. Bakit naman kasi ako nauutal? Daig ko pa ang grade 1 na takot magpakilala sa mga kaklase.

"Great! That's great." Tila ba nabuhayan ng loob na sabi nito bago napatayo. "See you later then."

"Teka, aalis kana?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

"Yes. I have a date later so...kailangan kong mag prepare." Excited na sabi nito sa akin.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkadismaya ng marinig ko iyon mula sa kanya.

Napangiti ako. "Sure! May date ka kaya....have fun and...enjoy." Napangiti ito bago lumapit sa akin at basta na lamang akong hinalikan sa pisnge.

"I will." Wika nito malapit sa aking tenga kaya naman, bigla na lamang nagtayuan ang aking balahibo sa katawan. Bago tuluyan na akong tinalikuran.

Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nangyari dahil sa ginawa niya. Basta ko na lamang din naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko bago napahiga sa mahabang sofa kung saan ito naka upo kanina.

Wala sa sariling napakapit ako sa aking dibdib. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko. Daig ko pa ang nag jogging ng ilang kilometro sa lakas ng pagtibok nito.

"Deanna, anak. Nasaan na ang bisita mo?" Biglang tanong ng inay na hindi ko namalayan na nakabalik na pala.

"N-nakaalis na siya nay." Wala sa sarili na sabi ko rito bago nagpapadyak ng paa sa ere. Ngunit bigla ring napahinto ng na patingin sa akin ang aking ina na tila ba akong nasapian at nababaliw na.