Deanna POV
Nakatayo ako ngayon dito sa may tarangkahan ng aming bahay, habang naka tanaw kay Jema na masayang nakikipag kwentuhan sa aming mga kapit bahay.
Hindi parin kasi ako nito pinapansin hanggang ngayon mula noong naka uwi kami galing sa University. Kahit nga sa hapag kainan, hindi ako nito kinakausap o maging tinatapunan ng isang tingin man lamang. Panay si nanay ang kinakausap nito, o kung hindi naman ay tatahimik lamang.
Kanina ko pa ito tinitignan. Simula pa noong umaga, hanggang noong nagalit ito sa akin habang naglalakad kami papunta sa Cafereria upang kumain ng pananghalian.
Tinitignan ko siya dahil, sa totoo lang nagagandahan ako sa kanya. Hindi lang kasi ako showy na tao pero ang totoo, maganda talaga si Jema.
At iyong sinasabi nitong gusto niya ako? Masyadong halata 'yon para hindi ko mapansin o makita. Ayoko lang din naman kasing magbigay ng motibo lalo na at hindi pa ako sigurado sa sarili ko.
I mean, aware naman ako na bisexual ako. First year high school ako noong napagtanto ko iyon mula sa aking sarili. Nagkaroon kasi ako ng best friend that time, si Ponggay Gaston.
Mabait, magaling din sa larong Volleyball, maalaga at talagang maganda. Akala ko noon, kaya siya sweet at palaging clingy ay dahil gusto niya rin ako, hindi pala. Kaibigan lang pala talaga ang turing nito sa akin. At ganoon lamang siya kung mag pakita ng kabutihan sa isang tao.
Pakiramdam ko noon, katapusan na ng mundo. Si Ponggay ang first heartbreak ko. Ang first love ko at ang kauna-unahang babae na sinabihan kong gusto ko. Ngunit pagkatapos noon, hindi na ako naglakas loob pa na muling magsabi pa sa mga sumunod na naging crush ko.
Mas minabuti ko na lamang ang tignan ang mga ito mula sa malayo at ng palihim. Natakot na kasi akong muli na mabusted at mareject, o kung hindi naman ay ma friendzone. Sakit kaya 'non no?
Tapos ngayon namang Fourth Year High School na ako, doon ko naman nakilala itong si Jema. 'Yong babaeng transparent, walang arte kahit na saksakan pa sa yaman ang kanyang pamilya. Mabait kahit na minsan may topak. At masyadong halata sa mga pinapakita nitong effort sa akin.
Lahat iyon, nakikita ko. Pati na rin ang mga lihim na pag sulyap at ngiti nito sa akin. Ayoko lang talagang subukan, dahil nga hindi pa ako nagkaroon ng ka relasyon sa tanang buhay ko.
Inaamin ko, nagulat ako sa mga sinabi nito sakin kanina. Pero anong magagawa ko? Ngayon ko lang yata nararamdaman iyong sinasabing 'torpe'. Kahit na gusto ka ng isang babae at gusto mo rin siya eh hindi mo masabi at maamin sa kanya dahil sa pinang uunahan ka ng maraming pangamba.
Teka...so may gusto ka kay Jema? Tanong ng aking isipan. Wala no? Nagagandahan lang ako. Yun lang. Pagtatanggol naman ng aking sarili.
Napansin ko na nagsisimula na sa pag-uwi ang aming mga kapitbahay. Lahat sila eh, nagkakanya kanya na sa pag-alis. Ibigsabihin, tapos na silang lahat sa kanilang mga pinag-uusapan.
Napatingin ako sa may gilid ng aming bahay. Lumapit ako sa halaman ng aking nanay na nakatanim roon at pumitas ng isang tanggay mula sa puno ng bulaklak na gumamela.
Sinundan ko ng tingin ang papasok na si Jema sa loob aming bahay. Hindi parin ako nito pinapansin at nilagpasan lamang.
Napailing ako sa sarili bago napahinga ng malalim. Nakita kong umakyat na ito at dumiretso sa loob ng aming kwarto.
Pagdating doon, naabutan ko itong inaayos ang kanyang mga damit na nagkalat mula sa loob ng kanyang maleta.
Dahan-dahan na lumapit ako sa kanya bago iniabot ang pinitas na bulaklak.
"Peace offering ko." Wika ko rito. Ngunit nagpatuloy lamang ito sa kanyang ginagawa at hindi parin ako pinansin.
"Galit ka parin ba sakin? Sorry na..." Dagdag ko pa bago ito kinalabit sa kanyang balikat. "Kunin mo na 'tong bulaklak, nangangalay na 'yong kamay ko." Dahilan ko pa.
Napahinga ito ng malalim bago napakagat sa kanyang mga labi. Padabog na kinuha nito mula sa aking kamay ang bulaklak, ngunit makikita mo sa kanyang mga mata ang pinipigilan na mga ngiti.
Inamoy niya iyon pagkatapos bago napatayo at tinignan ako sa aking mga mata. "Thank you." Pormal ang mukha na sabi nito sa akin. Napangiti ako.
Ayan! Bati na kami. Sabi ko sa loob ko.
"Pero sa tingin mo...okay na ako dito?" Pagtataray tarayan nito sa akin habang nakataas pa ang isang kilay.
Napakamot ako sa aking batok. "Eh...wala naman akong pera para ibili ka ng malaking bouquet eh. Ang mahal kaya 'non."
Napa irap ito. "Ang slow mo talaga minsan, eh 'no? Hindi ko kailangan ng mga mamahaling bagay. O malaking bouquet. Sawa na ako sa mga ganon." Sambit nito.
"Eh ano bang gusto mo?" Walang ideya na tanong ko sa kanya bago naupo sa ibabaw ng kama.
"Hmmmmmm." Inilagay nito ang dulo ng kanyang daliri sa kanyang baba na tila ba nag-iisip.
"Parang gusto ko ng katabi sa pag tulog?" May pagka pilya na sabi nito habang nagnining-ning ang mga mata na muling napatingin sa akin.
"H-ha?" Gulat na tanong ko rito bago napakunot ang aking noo. Bakit ba gustong gusto niya na tabi kami sa pag tulog?
"Jema..." Napakamot akong muli sa aking batok. "Pwede iba nalang ang hilingin mo? Masyadong maliit ang kama para sa atin---
"Ayaw mo? Edi wag. Madali naman akong kausap." Saka ito nagdadabog na nagtungo sa pintuan ng kwarto.
"Oo na!" Mabilis na tugon ko rito. "P-payag na ako. Basta ba..." Napahinto ako.
"Basta ba ano?"
"Basta palitan mo lang yang suot mong pantulog. Masyado kasing maiksi at masyadong daring." Sabi ko rito bago napalunok at napa iwas na rin ng tingin mula sa kanya. Especially sa katawan nito.
Natawa ito ng mahina at muling lumapit pabalik sa aking harapan, habang may mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi.
"Bakit? Takot ka bang...magahasa mo'ko?" Nakakaloka na tanong nito sa akin bago ako kinindatan pa.
Kaagad akong napatayo. "Hindi 'no? Hindi lang ako sanay." Totoo naman. Hindi lang ako sanay na may katabi sa pag tulog, tapos ganyang suot pa ang susuotin niya. Hindi ba nakakailang naman talaga?
Pinagpapawisan ang aking noo na tinalikuran na ito bago kumuha ng tuwalya at pamalit na damit mula sa loob ng aking closet.
"Shower lang ako." Nagmamadaling sabi ko rito bago dire-diretsong lumabas na ng kwarto. Mukhang kailangan kong magbabad sa malamig tubig, hindi ko alam kung bakit bigla nalang uminit ng ganon ang pakiramdam ko.
Isang malutong na tawa ang pinakawalan nito pagkatapos, habang pababa ako ng hagdanan patungo sa banyo.
Napapailing na lamang ako sa aking sarili. Panay ang aking pagmura ng makarating sa loob ng banyo. "Ano bang nangyayari sa akin?" Tanong ko sa sarili habang nagbubuhos ng tubig sa aking katawan mula sa tabo na hawak.
Pilit na inalis ko sa aking isipan ang imahe ni Jema, habang suot ang pantulog nito kanina.
Nang matapos na ako sa paglinis ng katawan at makapag bihis ay kaagad na umakyat na rin akong muli sa kwarto.
Napahinga ako ng maluwag sa aking sarili ng makita si Jema na, naka suot na ng big size t-shirt at cotton short shorts naman sa pang ibaba. Mas maigi na iyon, kasya naman sa suot nito kanina.
"Relax ka lang Deanns, matutulog lang tayo. Wala tayong gagawin na kahit na ano." Ngingiti ngiting sabi nito sa akin bago sumampa na sa kama.
Ako naman, sandali ko na munang isinampay ang ginamit na tuwalya bago tuluyang sumampa na rin sa kama, sa tabi niya.
Paghiga ko pa lamang ay mabilis na ipinulupot na agad nito ang kanyang braso sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. Iyong malapit na malapit.
Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi manigas sa aking hinihigaan dahil sa ginawa niya. Masyado na kasing malapit ang mukha naming dalawa sa isa't isa. Pakiramdam ko, sa konting pag galaw ko lamang ay mahahalikan ko na ito. Jusko!
Napalunok ako bago napapikit ng mahigpit.
"Hoy! Ginagawa mo?" Tatawa-tawa na bulong nito sa akin. "I-relax mo nga yang katawan mo. At please, tigilan mo na yang mga iniisip mo."
Dahil sa sinabi nito ay unti-unti ko na lamang ding naramdaman ang pag lambot ng aking katawan at pati narin ang mga muscle ko, hanggang sa maging komportable na ako ng tuluyan mula sa pagkakayakap nito sa akin.
Kusang nakaramdam na lamang din ako ng matinding antok hanggang sa makatulog. Ngunit bago pa man ako tuluyang hilayain ng aking mga panaginip, may naramdaman pa akong mainit na bagay na dumampi sa aking noo. Kung hindi ako nagkakamali, isa iyong mainit na labi.
"Good night, Deanna..." Malambing na sabi ng boses hanggang sa tuluyan na akong makatulog.